♡ CHAPTER: NINE ♡
♡ Bati na tayo ♡
♡ SAM'S POINT OF VIEW ♡
Pagkakagising at pagkakatapos kong magready sa umaga bago ako pumasok sa trabaho ko, ay tumatawag ako kay Mariecar at tulog pa siya kaya alam ko na ako ang unang nagigising sakaniya. Pero nung isang araw, maaga akong pumasok sa trabaho kaya hindi ko na siya natawagan pa. pero habang nagta-trabaho ako, hinihintay ko din siyang siya naman ang tumawag sa akin kaya hindi ako nakapagtrabaho ng maayos nu'n.
Umaasa akong siya naman ang tatawag sa akin nung time na 'yon pero wala. tapos paguwi ko pa.. ayon. bungad 'agad sa pagoonline ko sa facebook ko para sana kausapin siya ang isang post ng isang fan page nilang dalawa ng lalaking 'yon, kung anong kaganapan sa pagpo-photoshoot nila na 'yon. Pero hindi ko lang naman napigilan ang sarili ko na magselos. kaya ganuon na lang ang mga nasabi ko sakaniya. alam ko rin naman na sumobra ako sa pagseselos ko kaya ayon. nagaway kami.
Nakonsensya naman ako 'agad pero hindi na niya ako kinausap pa para humingi ng tawad sakaniya dahil sa pagseselos ko. kaya ngayon gumawa ako ng paraan para makahingi ako ng tawad sakaniya. Nagtext ako kay Adrian at siya ang pinabili at nagpadeliver ng bulaklak sa flower shop, malamang. at ng cake sa bahay nila. Dahil kung kina Tita ako hihingi ng tulong. alam kaagad nila na sa akin galing iyon at edi hindi na magiging suprise iyon. At sinabi ko din kay Adrian na palihim niyang alamin kung naideliver at natanggap na ba niya yung flowers at cake na pinabili ko sakaniya? at kapag natanggap na niya, tatawagan niya ako at yu'n ang signal ko para kung saka ako tatawag sakaniya para kung sakaling sagutin na niya yung call ko.
Maya maya pa nakatanggap na ako ng tawag mula kay Adrian. Pinatay ko na lang naman iyon kaagad at nagcompose na lang naman ako ng text ko para kay Adrian para magThank you. At saka ko na naman siya tinawagan sa video call para makipagvideo call sakaniya. tapos na naman yung work ko at gabi na at nakauwi na din ako dito sa hotel. Simula nung araw na makita ko yung post sa facebook ng picture nila sa photoshoot at nung sumunod na araw hanggang ngayon araw na 'to. hindi ako nakapagtrabaho at nakapagisip ng maayos. gumugulo kasi siya sa isip ko. kung paano ba kami magkakabating dalawa? Nahihiya nga ako kay Tita Queen dahil imbis na magalit siya sa akin kasi hindi ako nakakapagfocus at nakakapagtrabaho ng maayos ay dinadamayan niya pa ako.
"Sorry.. medyo.. magulo pa yung ayos ko. kakagising ko lang kasi.." Nakaiwas ang tingin na sabi at bungad niya sa camera.. napangiti naman ako ng bahagya.
"O-okay lang.. s-sorry.. nga pala.. N-namiss ko yung boses mo.. lahat lahat sa iyo.. yung mukha mo.. yung ngiti at tawa mo tuwing magkasama tayo at napapasaya kita. miss na miss na kita.. i'm sorry kasi naging over ako sa pagseselos ko sa inyo.. hindi naman sa wala akong tiwala sa iyo.. kung hindi dahil sa.. sa.. lalaking yu'n ako walang tiwala.. i know naman na you love me.. kaya.. hindi mo ako magagawang ipagpalit sakaniya.. pero.. kasi.. natatakot lang ako na.. s'yempre.. wala ako d'yan.. d'yan sa tabi mo.. hindi tayo magkasama at imbis na akong boyfriend mo ang kasama mo eh siya pa ang nakakasama mo at palaging nand'yan sa tabi mo. imbis na akong boyfriend mo. i'm just afraid to.. to lose you.. again.. Mariecar.. kaya.. please forgive me.. i love you.. and i miss you so much. i want to come back to you again.. but i can't. if just i can then.. i come back to you.." Umiiyak ng sabi ko at umiiyak na din siya.
"Fine. i'm sorry too. kasi.. hindi kaagad kita.. kinausap. nagalit lang naman kasi ako sa mga sinabi mo sa akin.. naging iba kasi yung dating sa akin eh.. i'm sorry.. i'm sorry too.. naiintindihan ko naman kung saan ka nang gagaling.. pero sana alam nand'yan ka sa malayo kaya konting tiwala naman oh? wala naman kasi kaming ginagawang mali at masama eh.. at alam mo naman 'di ba na ikaw ang mahal ko."
"Sorry.. sorry talaga.."
"Okay na.. bati na tayo.."
"Talaga? Bati na tayo?! Thank you! I love you! i miss you so much!"
"I love you and i miss you too so much.. uwi ka na.."
"Tiis mo na ng konti Marie.. tagal pa ng three years before magend ng contract ng trabaho ko dito eh."
"Okay. basta bati na tayo."
"Oo na naman. I love you again and as always."
"I love you too again and as always and always!"
Matapos nu'n nagusap pa kami nang kaunti bago na siya nagpaalam na dahil inaantok na siya. nagpaalam na lang din naman ako saka na ako natulog na.
♡♡♡
Kinabukasan, Pagkagising ko pa lang. hindi pa man ako nakakapaghanda at nakakapagprepare para sa pagpasok ko sa trabaho ko at tatawagan ko pa lang sana siya ng mauna ng tumunog ang phone ko at mauna na siyang tumawag sa akin sa video call kaya sinagot ko naman 'agad iyon.
"Hello? Good morning Sammie!" Masayang bungad niya. napangiti naman ako kaagad.
"Hi! Good morning too Marie! What are you doing?"
"Ahm. wala pa. kagigising ko lang kasi eh.. and.. magre-ready pa lang ako for the photoshoot. oh! sammie ko! wag ka na magseselos, ha. ayokong nakakagalit tayo eh."
"Sorry too Marie ko! i promise. hindi mauulit yu'n. ayoko din naman kasing nagaaway tayo. and.. kung magaaway man tayo kasi siyempre hindi naman natin maiiwasan yu'n. na may hindi tayo pagkakaunawaan. and! gusto ko madali natin iyong maayos. ayoko ng palipasin pa natin ang buong isang araw na hindi tayo nagbabati. promise that marie!"
"Of course. naman! i promise. and promise too that, okay?"
"Of course too. i promise that too.."
"Sige na! Bye na! Don't worry magu-update ako ng mga pictures ko sa iyo."
"Okay... sige. Bye na. papasok na din ako! I love you."
"I love you too.. i miss you."
"I miss you too.. bye na Marie."
"Bye."
*Video Call disconnected*
At natapos na ang video call namin. matapos naman niyon ay nagayos lang naman ako saka na ako pumasok sa trabaho. Pagdating ko kung saan kaming nagpo-photoshoot ay nakasabay ko si Withney.
"Hi! Withney good morning!"
"Good morning too.. Sam.. Good mode?"
"Of course yes! bati na kami eh.."
"Oh! Really? that's good. at least.. okay ka na din."
"Yes! naman!"
"So, what? Let's go? mukha yatang sabay lang tayong dumating?"
"Oo nga eh."
"Aga mo din ha? mukha nga talagang okay ka na at okay na kayo."
"Oo naman noh."
She's Withney, katulad din siya ni Mariecar. Model magazine din siya and sumasali din siya ng mga pageant, like Mariecar. pero katulad din ni Mariecar na pinaka-model siya ng mga magazine. katulad ni Mariecar laman din siya ng halos lahat ng sosial media sites and.. newspapers. sa dami ba naman ng bumibili ng magazine nila at 'di malabong marami ng nakakakilala at nakakakita sakanila sa mga magazines pa lang. at siya rin ang kinukuhanan ko ng litrato para sa up coming release niyang magazine. after this month pero dahil nga may pinirmahan din akong contrata kay Tita Queen. after this, hindi muna ako makakauwi at hindi ko muna makakasama ang babaeng mahal ko at ang pamilya ko.
Pero okay lang. para sakanila din naman itong lahat ng paghihirap ko rito eh. Para na rin sa future family na bubuuin namin ni Mariecar. Close na nga din pala kami ni Withney dahil anak din siya ni Tita Queen. At marunong din siya ng kaunti at medyo slang pa siyang magsalita ng pilipino.
"At dahil okay ka na. libre mo naman kami ni Mommy mamaya."
"Sige sige." Pagsang-ayon ko naman kaagad sakaniya.
Matapos ang photoshoot namin, lumapit kaagad si Withney kay Tita Queen at nagaya kaagad si Withney na kumain na kami sa labas.
"Mom! Let's eat out side! Libre daw ni Sam." Ngumiti naman ako kay Tita Queen.
"Nako! My dear princess. hindi ako p'wede ngayon eh. mas'yado pang busy si mommy. marami pa akong gagawin at ginagawa eh. p'wedeng kayo na lang ni Sam."
"Ughh! Ahm okay! fine. Let's go na Sam. i'm hungry na eh." Tumango na lang naman ako saka na kami lumabas kung saan kami nagpo-photoshoot. Pero paglabas namin, ang dami na kaagad fans ang nakapalibot sa amin na nagaabang sa idolo nila na si Withney at sinusubukan siyang picturan.
"(Kyaah! Ate Withney! ang ganda niyo po!) Sabi nung isang babae na chinese na nasa crowd.
"Tara na Sam." Yaya na ni Withney sa akin at tumango na lang naman ako. bago pa siya pagkaguluhan ng mga fans niya. sumakay na lang naman kami kaagad ng Van habang hinahabol naman kami ng mga fans niya. Unlike Mariecar, hindi siya comfortable kapag madaming taong nakatingin at nakapalibot sa amin kaya pinili na lang niyang magtake out na lang daw kami para din daw makasabay naming kumain si Tita Queen.
Matapos naming kumain ay nagprisinta na akong wag na silang tumawag ng driver nila at ako na lang ang maghahatid sakanila pauwi sa bahay nila. Nang makarating naman kami sa bahay nila ay bumaba lang sila, saka na kami nagpaalam lang sa isa't isa.
"Thank you Sam sa paghatid."
"Wala 'yon."
"Ingat ka. Bye."
"Bye din.." At saka na kami tumalikod sa isa't isa at paalis na sana ako ng tinawag niya pa ulit ang pangalan ko.
"Wait Sam! I forgot something. Good night." At nagulat at natulala na lang ako ng.. mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan niya ako ng mabilis sa pisngi ko. bago na siya tumakbo paalis at papasok sa loob ng bahay nila. Tulala na lang naman ako dahil sa gulat sa ginawa niyang naiwan dito at nang matauhan na ako saka na ako sumakay ng kotse ko ulit saka na umalis duon.
Pagdating ko sa k'warto ko sa hotel, hindi ako mapakali. natulala pa din ako at hindi ko pa din makalimutan yung nangyari kanina. parang pakiramdam ko kahit na sa chick lang yu'n, parang pa ring pakiramdam ko nagtaksil pa din ako kay Mariecar. Sa kaba ko, kaagad kong kinuha ang phone ko sa bag ko para sana tawagan siya dahil kailangan niya malaman 'to. magpapaliwanag naman ako eh. Pero pagbukas ko ng phone ko, bumungad kaagad sa akin ang notification ko sa messenger.
Notification: 'Marie ♡ Send a picture on you'
Shocks! Kaagad 'agad ko naman iyong binuksan para tingnan. at pagkakita ko pa lang sakaniya sa picture niya, nang makita ko ang maganda niya mukha at ang mga ngiti niya umurong ako. Hash! kapag sinabi ko kasi yung tungkol duon sa nangyari, baka magalit lang siya ulit sa akin kaya wag na lang. Hay! Maya maya, nagulat ako at muntikan ko ng maibagsak ang phone ko ng magpop iyon ng dalawang beses.
Withney: Are you in home now?
Marie: Nakauwi ka na ba.. Sammie ko.. tawag ako ha? pwede?
Shet! Bakit naman pareho pa silang nagtext? at bakit din ako natataranta? eh ano naman kung pareho silang nagtext? wala naman issue duon, 'di ba? 'Di ba? Hay!! Nireplyan ko lang naman si Withney saka ko na kinontack naman si Mariecar.
"Hi! Babe!"
"Babe? Wala tayong kahit anong enderment.. SAM!" Madiing sabi niya. Shock! Patay! Ano ba naman kasi yu'n? "Sam?! Inuulit ko.. wala. tayong. kahit. anong.. endearment. unless na lang kung.. may.. iba ka ng tinatawag na bine-babe babe mo na d'yan? ano?"
"Marie.. a-ah ano.. wala akong ibang bine-babe dito, ano ka ba naman? 'di ba pwedeng ikaw yung tawagin kong babe?"
"Siguraduhin mo lang.. SAMMUEL.. MATTHEW.. Kung hindi.. sasalaksakin talaga kita niyang ibang babe na tinutukoy mo."
"Wala nga. alam mo namang ikaw lang 'di ba?"
"Fine."
"Nasa bahay na ako.." Sabi ko.
"I don't care."
"Tss. kanina lang tinatanong mo."
"Kailan ko tinanong?"
"Sa chat. before i call you." Hindi siya sumagot. "Ba-- i mean.. Marie.. wag ka ng magalit oh."
"Sige na. bye na. antok na ako."
"Galit ka pa ba?"
"Maglilinis pa ako ng katawan ko kaya babye."
"Edi maglinis ka na. wait na lang kita."
"Tss. ang kulit mo. Bye na sabi."
"Galit ka ba? Mariecar naman. pagtatalunan na naman ba natin 'to? Hindi pa nga tayo nagiging magasawa, ganito na 'agad tayo.. ayoko nagagalit ka sa akin. please?"
"Tss."
"I love you.."
"Fine.. fine.. bye.."
"Wa--"
"Tss naman oh. pinatayan ako.." Pero maya maya nagpop na naman ng dalawang beses yung phone ko.
Withney: Sam.. wag mo mas'yadong isipin yung nangyari kanina. wag mong bibigyan ng malisya ha. friendly kiss lang yu'n.
Shocks! naman. pinaalala pa niya.
Marie: I love you too.. 'di ako galit.. don't worry.. pabebe lang! :p naniniwala naman ako sa iyo eh... Good night na!
Napangiti na lang naman ako. hay! Mariecar! you drive me crazy..!
♡♡♡
♡ TO BE CONTINUE ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top