XII. Love Songs, Isaw, At Siyempre, Ikaw
CHAPTER TWELVE
NAGHILAMOS ako at inayos ko ang sarili ko. Masakit pa rin pero sa pagkakataong ito ay mas nanaig ang tiwala ko kay Bob Earvin. Hindi ko alam kung ano ang plano niya dahil mahirap nga namang sabihin lahat ng iyon sa cellphone lang. Ang hirap ding naghihintay lang pero sa pagkakataong ito, kailangan kong maghintay.
"Ano na naman ang ginagawa n'yo rito?" tanong ko nang datnan ko sina Janice at Darlene sa sala.
"Tinawagan kami ni Tita. Umiiyak ka raw. Baka kailangan mo ng karamay," sagot ni Darlene.
"Baka kaladkarin n'yo na naman ako sa kung saan."
"May magandang bunga naman 'yong ginawa namin two years ago, ah? Nakilala mo si Bob Earvin. Pero siya rin ang rason kung bakit umiiyak ka ngayon."
"Dapat ba sa basketball court ka namin niyaya noon?" si Janice.
"Si Sponge lang ang gusto ko, okay?" napabuntong-hiningang pakli ko. "Pero salamat at nandito kayo ngayon. Kayo lang naman ang nakakapagpatahan sa 'kin kapag ayoko nang tumigil sa pag-iyak."
Pumasok naman si Nanay sa pinto. Nanggaling siya sa labas at may hawak siyang pinggan.
"Gising ka na pala."
"Sa'n ho kayo galing, 'Nay?" tanong ko.
"Hinatiran ko lang ng pulutan ang Tatay mo. Umiinom sila pero kaunti lang naman. Ano na ang plano mo, anak?"
"Nakausap ko si Bob Earvin at tumuloy siya sa engagement party niya ngayong gabi."
"Huh?" Malakas na napasinghap ang mga pinsan ko.
"Ang sabi niya, magtiwala lang daw ako. Pupuntahan daw niya ako mamaya kasi gusto niyang mag-usap kami. Dapat na ba 'kong mag-empake at yayain siyang magtanan?"
"Bakit mae-engage si Bob Earvin, eh, hiwalay na kami?" si Janice.
"Pa'no nangyari 'yon? Akala ko ba, meron na kayong pagkakaunawaang dalawa?" tanong naman ni Darlene.
"Kailangan niyang pakasalan ang babaeng 'yon para mabayaran ang utang ng lolo niya."
"Ano ba 'yan?" nakangiwing komento naman nilang dalawa.
"Pero hintayin ko raw siya. Hintayin ko lang daw siya. Eh, di hihintayin ko siya."
PAKIRAMDAM ko, buong buhay na 'kong naghihintay. Parang mas matagal pa sa paghihintay ko noon kay Jestoni tapos malalaman-laman ko na lang na hindi rin pala niya 'ko babalikan. Paano pala kung kagaya rin siya ni Bob Earvin?
Halos tumalon na ang puso ko nang sa wakas ay makatanggap ako ng text mula kay Bob Earvin.
LABAS KA NG BAHAY N'YO.
Napatayo ako sa kinauupuan ko.
"Bakit?" gulat na tanong nina Janice at Darlene.
Mariing naglapat ang mga labi ko. Binigyan ko lang sila ng makahulugang tingin bago ko tinakbo ang pinto at binuksan.
Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko nang makita kong nakatayo sa labas si Bob Earvin. Nakasuot siya ng itim na polo at jeans. May sukbit din siyang gitara. Nakita kong nakatayo si Tatay sa tabi niya kasama ang mga kumpare nito.
"Haharanahin ka raw niya, 'Nak. Magaling bang kumanta 'to?"
Isang thumbs-up at tango naman ang tugon ko. Kahit wala pa siyang ginagawa ay parang naiiyak na 'ko. His very presence did the magic. Tumayo lang siya diyan at okay na ang lahat.
"'Gandang gabi po," bati naman niya kay Nanay na nakatayo na pala sa tabi ko.
"Magandang gabi rin, hijo," nakangiting tugon ni Nanay at siniko ako. "'Nak, mukhang mabango. Approved na 'to," bulong pa niya.
Kahit naiiyak ay nakuha ko pang ngumiti.
"Haharanahin ko ho sana si Donna kung okay lang sa inyo."
"Oo naman!" mabilis na sagot ni Nanay. "Gustong-gusto ko talagang nakakarinig ng harana lalo na kung gwapo ang kumakanta."
"Hindi pa rin!" kontra naman ni Tatay. "Ibang usapan pa rin 'yong nasa tono siya."
"Ibigay na natin 'to sa mga bata, Karding. Gusto ko nang mahanap ni Donna ang makakatuwang niya sa buhay, sintunado man siya o hindi."
"'Ayan, pare. Ang batas na ang nagsalita. Huwag ka nang humirit," sabi naman ng isang kumpare ni Tatay.
Hindi ako kumukurap habang nakatingin sa mga mata ni Bob Earvin. Kanina lang, parang naghihintay pa ako nang habang-buhay. Pero ngayon, parang nakalimutan ko nang naghihintay pala ako sa kanya kanina pa.
Nginitian niya ako at saka nagsimulang mag-pluck sa gitara niya. Intro pa lang at kinilabutan na ako. Naghagikhikan sina Nanay at ang mga pinsan ko pero hindi ko inalis ang mga tingin ko sa lalaking hindi ko inaasahang mamahalin ko pala nang ganito.
"Kanta natin 'yan, ah!" hindi napigilang bulalas ng mga kumpare ni Tatay.
"I know that she's waiting for me to say forever..."
Just like how he sang for me two years ago.
"I know that I, sometimes, just don't know how to tell her."
Ang kaibahan lang, dati, he was trying to ease the pain in my heart. Ngayon, siya na mismo ang nandito sa puso ko.
"I see her face before me. I look in her eyes wondering why she doesn't know. She doesn't know..."
At hindi na napigilang makisabay nina Tatay at ang mga kumpare niya pero sa paraang hindi naman nasasapawan ang malamig na boses ni Bob Earvin.
"You're all I need beside me, girl. You're all I need to turn my world. You're all I want inside my heart. You're all I need when we're apart..."
Huminto sa part na iyon si Bob Earvin pero hindi sina Tatay.
"Ituloy mo na, hijo, nasa kalahati ka na, eh," si Tatay. "Haharanahin ko Misis ko. Makisama ka naman."
Napatikhim lang si Bob Earvin at painosente akong nginitian bago nagpatuloy sa pagtugtog. Nginitan ko siya at binigyan ko siya ng 'ayos-lang-iyan' na ngiti. Tatay ko yata 'yan. Kailangang pagbigyan.
"You're all I need beside me, girl! You're all I need to turn my world! You're all I want inside my heart! You're all I need when we're apart! Wan mor taym! I lab you, Mona!" Eksaheradong nag-flying kiss pa si Tatay kay Nanay.
"Kung mahal mo 'ko, huwag kang iihi mamaya!" tugon naman ni Nanay.
"Si Donna na talaga ang mahaba ang buhok!" kantiyaw naman ng mga pinsan ko at pabiro pang hinila ni Darlene ang ponytail ko.
ANG UNANG ginawa ko pagkatapos ng harana sa akin ni Sponge na naging instant jamming nina Tatay at ng mga kumpare niya ay tiningnan ang kamay niya para tingnan kung merong engagement ring doon. Nakahinga ako nang maluwag at nabuhayan nang pag-asa nang makita kong wala.
Nag-usap kami sa sala. Pumunta ng kusina ang mga pinsan ko at si Nanay para maghanda na ng hapunan. Sina Tatay naman at ang mga kumpare niya ay nagkape na lang sa labas para kahit papaano ay mawala ang kaunting amats nila. Nakatayo kami ni Bob Earvin malapit sa bintana kung saan nakasilip ang maliwanag na buwan sa mga puno.
"Tingin mo talaga, papayag akong ma-engage sa babaeng hind ko mahal?" ngiting-ngiting tanong niya.
"Nakuha mo pa talagang ngumiti riyan," kunwari ay pakli ko. "Pero gano'n naman kapag para sa pamilya natin, 'di ba? Kahit sarili nating kaligayahan, handa nating isakripisyo para hindi sila mapahamak."
"Our family is not like your family, Donna," napabuntong-hiningang tugon naman niya at ikinulong ang isang kamay ko sa mga palad niya. "Nasira ang pamilya ni Papa dahil sa pagkakalulong ni Lolo sa sugal noon. He had another family but never left his addiction to gambling. Gano'n din ang nangyari pero hindi man lang nagbago si Lolo. He even had the guts to disown my father. Ayaw niyang pinakikialaman siya sa buhay niya. Matagal din kaming hindi nakarinig mula sa kanya until this happened.
"Nahihirapan si Papa na patawarin si Lolo. Ako rin naman. Namuhay siyang sinusunod ang gusto niya 'tapos nang malagay na siya sa alanganin, saka niya kami naalala bilang pamilya niya?" Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-igting ng panga niya. "Ano'ng tingin niya sa 'min?"
"I'm sorry to hear that. At naiintindihan ko kung bakit 'yan ang nararamdaman mo ngayon. Pero bakit humantong sa pakikipag-engage mo ro'n kay Liliane ang naging kabayaran ng utang ng Lolo mo?"
"Liliane used to chase me when we were in college. Hindi niya alam na meron akong girlfriend no'n. I never gave her hopes. I remembered her as a nice girl. Pero nang lumago ang negosyo ng pamilya niya, she transformed into a brat. I don't know what made her think that she can buy the world." Nagkibit-balikat pa siya.
"So hindi pala siya maka-move on sa'yo."
"Hindi ko alam. Masyado akong focused sa mga importanteng bagay kaysa ang pagtuunan ng pansin ang tungkol diyan. I don't want to be miserable like my grandfather, Donna. Pumunta lang ako sa venue para bayaran ang utang ni Lolo na sampung milyon."
Namilog ang mga mata ko.
"G-gano'n kalaki?"
"I'm broke, Donna." Pero nakuha pa niya akong nginitian na para bang maliit na bagay lang iyon. "But I'd rather be broke than be miserable."
"Meron kang gano'n kalaking halaga?"
"Well, nangutang ako," sagot niya na may kasamang pagkibit ng balikat. "Umutang ako sa mga kabanda ko at sa producer namin. Pinautang nila ako kasi gusto nilang makatulog ako nang mahimbing mamayang gabi. Pinautang nila ako kasi gusto nilang makasama ko kung sino talaga ang gusto kong makasama." Pinisil niya ang kamay ko at hinuli ang mga mata ko. Sponge looks at me lovingly. "Eventually, mababayaran ko rin ang utang ko. Besides, malaki ang pakinabang sa 'kin ng mga kaibigan ko. And they don't want me to lose you."
"Am I worth it?" Hindi napigilang tumulo ng mga luha ko. Nalula ako sa mga pinagdaanan niya para lang mabayaran ang utang ng lolo niya at piliin pa rin ako.
"I see my lifetime with you, Donna. Masyado bang mabilis? Well, we met two years ago. Nilayasan mo nga lang ako nang walang paalam. I learned about the engagement before you came back. Ang sabi ni Lolo, kapag nabayaran na niya ang utang niya, magbabago na raw siya. I want him to change. Pero humingi ako ng sign. Dapat ba pakasalan ko nga si Liliane bilang kabayaran? And that fateful night, you were there. You are that sign. Marami na 'kong nakilala at naka-date na babae pagkatapos kong mag-move on pero lahat sila, pakiramdam ko, sinasayang ko lang ang oras ko. Hindi ka ordinaryong babae, Donna. Sa'yo ko lang uli naramdaman 'to kahit kung tutuusin, parang hindi ka naman interesado sa 'kin.
"And I'm not letting you go this time. I'll court you now and I'll court you forever. I love you. Because you make and break my day. Because you make me happy without doing too much. Tingnan mo lang ako nang ganyan at makakalimutan ko na lahat. I love you because that's what I will do for the rest of my life." Pinahid niya ang mga luha ko. "I love you because you make my heart beat fast and you make my heart stop at the same time."
Ilang beses kong pinaalalahanan ang sarili ko na hindi nga ito panaginip. I know I deserve this. Hindi ko na hahayaang mawala pa ito.
"I love you, too, Sponge! Ang alam ko, marami akong gustong sabihin sa 'yo noong hindi ka pa dumadating pero nakalimutan ko na lahat. Ang alam ko lang, handa rin akong mamulubi, makasama lang kita."
Dahil doon ay natawa siya.
"You have a lifetime to figure out why you love me and I have the lifetime to prove to you I'm worth it. Thank you for coming back."
"Salamat kasi ako ang pinili mo," naiiyak kong sabi. "Hindi mo lang alam kung ga'no kalaking bagay 'yon para sa 'kin."
"At ikaw naman ang malaking bagay para sa 'kin. Gago 'yong ex mo kasi pinakawalan ka niya pero salamat na rin sa kanya dahil nahanap mo ang taong mas deserving sa'yo. At ako 'yon." Kinindatan pa niya ako.
"Wow, ang yabang," pakli ko. "'Yong sinabi ko sa'yo dati na mas gwapo 'yong ex ko kaysa sa'yo? Isa lang 'yong malaking kasinungalingan."
Tumikhim siya.
"I know, right? Pero kanina pa talaga kita gustong halikan."
Napabungisngis ako. Bumaba ang mukha niya pero maagap ko siyang pinigilan sa dibdib.
"Bakit?" maang na tanong niya.
Tumingin ako sa pinto ng kusina at nakita ko ang nakalabas na ulo ng mga pinsan ko. Pinanlakihan ko sila ng mga mata at sinenyasang umalis. Mga usiserang 'to. Inirapan lang nila akong dalawa. Pagkatapos ay napangisi ako.
"Pwede na."
Napangisi rin si Bob Earvin bago bumaba ang mukha niya at nagtagpo ang mga labi namin. Sa pamamagitan ng halik niya ay ipinaramdam niya sa akin na simula na nga ito ng bagong kabanata sa mga buhay namin. At handa ako dahil kasama ko siya.
S. LIGHT
***WAKAS***
mal styleܽ
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top