VIII. Love Songs, Isaw, At Siyempre, Ikaw
CHAPTER EIGHT
"HI, DONNA."
Malapad akong ngumiti nang sa wakas ay dumating na rin si Rico Jay. Halata ring nakuha niya ang atensiyon nina Janice at Darlene. Hayun nga at titig na titig pa ang dalawa sa kanya.
"Yes, nandito ka na rin, sa wakas."
"Ikaw si Rico Jay?" si Darlene. "'Yong kaibigan at katrabaho nitong si Donna?"
"At kayo sina Janice at Darlene? Naikwento na kayo ni Donna sa akin," magalang na sabi ni Rico Jay. "Kumusta kayo?"
"Alam mo, cute ka," si Darlene.
"Si Ador ba 'yon?" turo ni Janice sa entrance ng bar. Mabilis namang napalingon si Darlene. "Wow, alert na alert siya."
"Parang sinabi ko lang na cute, eh. Hopia ka talaga," angil naman ng isa. "Akala ko nandiyan talaga siya."
Natawa naman ako.
"Tara na, guys. Maghapunan muna tayo bago pumasok ng bar. Nagugutom na rin ako, eh."
"Saan tayo kakain?" tanong ni Janice.
"Do'n lang sa tabi-tabi. Kung saan marami tayong mapagpipilian," sagot ko.
"Okay, gusto ko 'yan!" si Darlene.
"Open-minded ka ba?" tanong pa ni Janice kay Rico Jay.
"Hoy, Janice!"
"SIGURADO ka bang dito mo gustong kumain tayo, Donna? Nakakahiya naman. Si Bob Earvin ang kasama natin, baka nakakalimutan mo," ani Darlene nang maupo na kami sa mesang nasa labas ng kainan.
Halos nasa loob ang ibang customers at maingay.
"Masarap naman ang mga pagkain dito, ah?" katwiran ko.
"Ito ang paborito naming kainan ng mga kabanda ko dati pa," sabi naman ni Bob Earvin. "Besides, nakakain na kami ni Donna rito noon."
Napasinghap na nagkatinginan sina Darlene at Janice. Magkatabi kami ni Bob Earvin sa kabilang panig ng mesa at pinapagitnaan naman ng dalawa si Rico Jay.
"Matagal nang may something sa kanila!" si Darlene. "May pinsan pala tayong hokage, ngayon ko lang nalaman."
"How to be you, Donna Robles?"
"Ang sama n'yo," angil ko naman sa kanila.
"Kaya hindi ako makaporma-porma kay Donna," biro naman ni Rico Jay.
"Alam mo kung ano ang mga tipong lalaki ni Donna?" si Janice. "'Yong hindi siya ipagpapalit sa American dream."
"At talagang sa harap ko kayo nag-usap tungkol diyan?"
"'Di ba dapat kay Bob Earvin n'yo 'yan sinasabi?" ani Rico Jay.
"Ay, oo nga..." sabay na anang dalawa.
"Don't worry. Hindi ako pupunta ng Amerika nang hindi kasama si Donna."
Napatingin ako kay Bob Earvin. Seryoso naman siya pero bakit hindi pa rin ako makapaniwala?
Sabay na napa-'aw' sina Janice at Darlene. Paniwalang-paniwala talaga ang mga dalawa na may something sa 'min ni Bob Earvin. Parang bigla kong gustong kumanta ng 'Bakit 'Di Totohanin' ni Carol Banawa sa mga oras na 'to.
"Kasi hindi ko naman pinangarap pumunta ro'n," biglang bawi ni Bob Earvin.
Basag. At tawang-tawa naman silang tatlo ngayon.
"Gano'n?" matabang na sabi ko at nakataas ang kilay na tiningnan ang tatlo. "Saya n'yo, ah."
Napahampas si Janice sa mesa sa katatawa.
"Lakasan n'yo pa. Ang hina, eh."
Matalim ang tinging binalingan ko si Bob Earvin. Nagtatakip siya ng bibig pero hindi maikakailang nagpipigil lang siya ng tawa.
"What?" painosenteng tanong niya.
"Nahiya ka pa."
Tumikhim si Bob Earvin at sumeryoso. "Ang sensitive mo."
"Bully kayo, eh," asar pang sagot ko.
"Huwag ka nang magtampo, Donna. Heto na ang order natin," si Janice habang nakatingin sa likuran namin.
Dalawang waiter ang naglapag ng mga order naming pagkain kasama na ang isang pinggang isaw lahat.
"Sino ang nag-order nitong isaw?" anas ni Darlene.
"Favorite kasi namin ni Donna 'to," sagot naman ni Bob Earvin.
"Ay, soulmates sila, o," kantiyaw naman ni Janice.
"Hindi ko pa kayo pinapatawad. Huwag kayong magkakamaling humingi, ah," sabi ko naman at hinila palapit sa 'kin ang pinggan ng isaw.
"MAUNA na kayo sa bar. Sabihan n'yo na lang si Ador at ihahatid na niya kayo sa table natin." Ako naman ang binalingan ni Bob Earvin matapos niyang mag-text sa cellphone niya. "Samahan mo muna ako."
"May iba ka pang pupuntahan?" takang tanong ko naman habang inuubos ang huling stick ng isaw.
"Nag-text kasi si Bea. Sasabay raw muna siya sa 'kin imbes na umuwi. Hihintayin ko na lang siya."
"Okay." Napatango naman ako at hinarap ang mga pinsan ko. "Darlene, ikaw na raw kumausap kay Ador."
"Ako talaga?" nanlalaki ang mga matang react ni Darlene.
"Kung ayaw mo, ako na lang. Nasa mood na uli ako. Tapos aakitin ko na rin siya kasi ang arte mo," pakli naman ni Janice.
"Sabi ko na nga ba, may lihim ka ring pagnanasa kay Ador, eh."
"Pero hindi kasing tindi n'ong sa'yo."
NANG umalis na ang tatlo ay naglakad naman kami ni Bob Earvin papunta sa waiting shed para hintayin ang kapatid niya.
"May naalala ka sa waiting shed na 'to?" pigil ang ngiting tanong ko habang nakaupo na kami.
"Oo. 'Yong lalaking sinabi mong gigripuhan mo sa tagiliran at hiniling mong mabaog sana," walang gatol na sagot naman ni Bob Earvin. Nakakrus ang mga braso niya sa tapat ng dibdib niya.
"Alam mo, na-realize ko, kahit hindi ako brokenhearted no'ng time na 'yon, gano'n pa rin ang sasabihin ko sa kanya."
"Patawa ka." Sinundot niya ang pisngi ko.
Kunwari ay umasim ang mukha ko. Isang taxi naman ang huminto sa tapat namin at bumaba roon ang isang babaeng naka-volleyball uniform pa. Halatang athlete siya at malaking bulas pa.
"Kuyang Angel!"
Mabilis na tumayo si Bob Earvin at sinalubong ang babae.
"'Musta?"
"Good!" Malutong na humalik sa pisngi ni Bob Earvin ang babae. So siya na nga si Bea, ang kapatid niya.
Napatayo na rin ako at lumapit sa dalawa.
"Hi," kimi ang ngiting bati ko kay Bea. Hindi hamak na mas malaki siya kaysa sa 'kin.
"Bea, si Ate Donna mo. Donna, si Bea, kapatid ko."
"Oh. 'Nice to meet you, Ate Donna. Girlfriend ka ni Kuyang Angel ko?"
"Ah..." Napatingin ako kay Bob Earvin.
"Hindi pa," sagot naman niya.
"Ay, bakit n'yo pa pinapatagal?" Kinamayan ako ni Bea. "Mukha ka namang mabait kaya gusto na kita."
"Hinihintay ko pa kasi na matauhan ako at baka ma-realize ko na hindi kami talo ng kuya mo."
"Wala ka nang mahahanap na katulad ko, 'no," nakaismid na sabi naman ni Bob Earvin.
"Pagsisisihan mo kapag pinakawalan mo si Kuyang Angel ko." Kinindatan pa ako ni Bea. "Come on, Ate Donna. Tell me about yourself." Hinawakan pa niya ako sa braso at nilampasan ang kuya niya. Wala naman akong narinig na kung ano mula kay Bob Earvin. "So what do you do, Ate Donna?"
"Ah, jobless ako for the mean time. Kagagaling ko lang sa probinsiya ng Tita ko. Two years din ako ro'n. We do any kinds of event. Ngayon, heto, pagala-gala muna. Ikaw?"
"Hindi mo ba 'ko kilala?" natawang tanong niya.
"Uhm, kilala na."
Napabungisngis naman siya.
"Isa na 'kong professional volleyball player at member ako ng national team."
"So nakikita ka sa TV kapag naglalaro ka?"
"Uhuh."
"Ang galing!" Nilingon ko si Bob Earvin. Nakita ko siyang huminto sa tapat ng isang sidewalk vendor at bumili ng sigarilyo.
"Pero hindi kasinggaling ni Kuyang Angel. Nadadalian siya sa trabaho niya bilang software engineer. Tinitingnan ko minsan 'yong laptop niya, naduduling ako sa codes." Napangiwi pa si Bea.
"Bakit 'Kuyang Angel' ang tawag mo sa kanya? 'Yon ba ang palayaw niya?"
Natawa si Bea.
"Because he's my angel. Strikto si Kuya, aminado naman ako ro'n. And I hated him for that. Pakiramdam ko, wala siyang tiwala sa 'kin at ayaw niyang nagpapaligaw ako kung kani-kanino. Parang tingin niya sa lahat ng lumalapit sa 'kin, gusto lang akong saktan. Of course, big girl na 'ko kaya kaya ko na ang sarili ko. Pakiramdam ko, gusto lang niya 'kong idamay sa kamiserablehan niya.
"So there's this guy I liked so much. He's a popular basketball player sa school. Hindi ko ipinaalam sa kanila na sinagot ko na siya dahil alam kong pagagalitan lang ako ni Kuya. Then one time, habang magkasama kami ni Kuya noon para bumili ng anniversary gift para sa parents namin, nakasalubong namin ang gago kong ex sa mall. May ibang babaeng nakalingkis sa braso niya. At sa dinami-dami ng babae naman, 'yong player din sa rival team namin.
"Hindi na kailangan pang magtanong ni Kuya. Alam na agad niya. Tatakbo na lang sana ako palayo pero pinigilan ako ni Kuya at pinilit akong harapin ang dalawa. Sila ang merong atraso sa 'kin kaya bakit ako ang kailangang mag-adjust? He gave that jerk a good punch in the face. Feeling ko naman, habang-buhay 'yong dadalhin ng gagong 'yon sa alaala niya. I hated myself for hating Kuya that time. Tama siya, hindi dapat ako basta nagtitiwala lalo na at merong reputasyon ng pagiging babaero ang unggoy kong ex. Umiyak ako pagkatapos n'on. Ang akala ko, sesermunan lang ako ni Kuya. Pero wala siyang sinabi. Niyakap lang niya 'ko at hindi siya nagtanong. Because he knew how it felt. At hindi lang daw 'yon ang kabiguang mararanasan ko sa buong buhay ko. Kailangang mas maging matapang pa ako. At hindi ko ma-imagine ang nangyari sa 'kin kung hindi ko kasama si Kuya noong time na 'yon. Baka nagpahulog na lang ako sa escalator. Baliw ako, eh. Akala ko kasi, true love."
"Brokenhearted din si Sponge noong time na 'yon?" naguguluhang tanong ko.
"Oo pero naka-move on din naman siya. Si Ate Heaven, 'yong girlfriend niya since high school, nakipaghiwalay sa kanya noong time na 'yon. Gusto ng family ni Ate Heaven na magmadre siya bilang death wish ng lola niya. Nasaktan nang husto si Kuya. Sekreto lang din kasi ang relationship nila since high school hanggang college. E akala ni Kuya, darating ang time na hindi na sila magtatago sa striktong pamilya ni Ate Heaven. She would break up with him lang pala sa huli."
Natahimik ako. Sinubukan kong i-absorb sa sistema ko ang mga nalaman ko mula kay Bea. Hindi ko yata inaasahan 'yon. Kaya pala sinundan ako ni Bob Earvin noong gabing bigla na lang akong nag-walk out dahil kapangalan ng ex ko ang lalaking nag-propose sa girlfriend nito. Nakita niya sa 'kin si Bea noong gabing iyon.
"Dapat pala magpasalamat ako na brokenhearted ako no'ng gabing 'yon. Hindi sana kami nagkakilala ng kuya mo," napangiting sabi ko na lang.
"Talaga?" nanlaki ang mga matang anas ni Bea.
"Yup. Nag-break kasi kami ng long-time boyfriend ko. Ipinagpalit niya ako sa American dream niya. Tapos sa nanay pa niya idinaan ang pakikipaghiwalay sa akin. Tarantado 'yon. Nagtatatakbo rin ako palabas ng bar habang umiiyak. Tapos sinundan niya pala ako. At siya pa ang nagpara ng taxi para makauwi ako. Dapat pala 'Angel' na rin ang itawag ko sa kanya."
Napahagikhik si Bea. "Wow! Kaya mas lalong hindi mo na dapat pakawalan si Kuya."
"Mahal pa rin ba niya si Heaven?" tanong ko pa.
"Hindi ko siya tinatanong n'on pero nakikita ko namang matagal nang okay si Kuya. Siguro, hindi pa lang siya nakakahanap ng time na makipag-date. Pero nandito ka na. And I like you already. Kita mo naman, dami ko nang naikwento sa'yo kahit ngayon pa lang tayo nagkakilala. Nararamdaman ko kasing mapagkakatiwalaan kita para sa puso ni Kuya." Pilyang kinindatan pa ako ni Bea.
Natawa naman ako.
"Talaga, mabait ang tingin mo sa 'kin?"
"Oo naman. At bagay kayo ni Kuya."
"Alam mo, Bea, gusto na rin kita."
Napabungisngis naman si Bea. Muli kong nilingon si Bob Earvin. Tahimik lang siyang nakasunod sa 'min at nakasindi na ang sigarilyo sa kamay niya. I wish he would stop smoking though.
Nang magkatinginan kami ay nginitian ko naman siya. Kindat naman ang tugon sa 'kin ng loko. Ngayon ay mas lalo ko siyang na-appreciate. Siguro, kung hindi lang ako umalis two years ago, baka mas lalo pa ko pa siyang nakilala. Pero mas mabuti na rin siguro iyong naging okay muna ako bago uli nagkrus ang mga landas namin ni Bob Earvin. After all, perfect timing is everything.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top