VI. Love Songs, Isaw, At Siyempre, Ikaw
CHAPTER SIX
"I'M SORRY. Hindi ko intensiyon na bigyan ka ng gano'ng impression," sabi ko at napakagat-labi. Naghintay siya. Nakakakonsiyensiya. "May mga dati na kasi akong plano bago pa naman tayo nagkakilala. Kailangan kong gawin 'yon para tuluyang makalimot. Hindi ako sigurado kung maiintindihan mo 'yon dahil bago pa lang tayong magkakilala noon. Isa pa, mas marami kang deserving na i-date. 'Yong babaeng walang pinagdadaanan, 'yong babaeng matino, at 'yong babaeng walang ibang minamahal. Galit ka ba sa 'kin dahil sa ginawa ko?"
"Ano sa tingin mo?" tanong din ni Bob Earvin na may kasamang pag-ismid.
At bakit nagugwapuhan pa rin ako kahit nagsusungit na siya sa 'kin? Ang gulo ko, ha. Kanina pa 'to simula nang makita ko siyang umakyat sa stage.
"Lalo kang gumwapo," sa halip ay nakangiting sabi ko. "May girlfriend ka na ba?"
"Hahalikan ba kita kung meron?" pamimilosopo pa niya.
"Sponge, are you gay?"
Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya. Ang bilis ring ma-trigger ng isang 'to. Magsasalita na sana siya nang basta na lang akong tumawa.
"Walang baklang gano'n humalik," sabi ko pa. "Relax ka lang."
"Kanina ko pa 'yan sinusubukang gawin."
Lumipat siya sa tabi ko at sumandal din sa sasakyan. Hinawakan ko ang pisngi niyang nakatikim ng sampal.
"M-masakit pa rin ba? 'Sensiya ka na, ha?"
Bumuntong-hininga pa si Bob Earvin. He's kind of tensed, sa tingin ko lang naman.
Hinawakan niya ang kamay ko at lalong idinikit sa pisngi niya. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. "Wala 'to."
"Pa'no mo 'ko nakita?"
"Pagkaupo n'yo pa lang ng mga pinsan mo sa table. Nasa backstage lang ako. Hindi sinasadyang makita kita."
I stare at him in surprise.
"Bakit hindi mo man lang ako tiningnan? Pinapanood kita the whole time," kunwari ay nagtatampong sabi ko. "Kamuntikan ko nang isigaw ang pangalan mo para tingnan mo 'ko kaya lang nahiya ako."
"Alam kong titingnan mo 'ko kaya sinadya kong huwag kang tingnan. Ayokong mawala sa concentration."
Napabungisngis na siniko ko siya.
"Ngayon, mas lalo kong napatunayan na malandi kang lalaki ka."
"Ikaw rin naman, ah?"
"Ano'ng ako?" Hindi makapaniwalang itinuro ko ang sarili ko. "Tinitingnan lang naman kita, ah?"
"Eh, sa iba ang dating sa 'kin, eh. Bakit ba?"
Natawa naman ako. Ang cute lang din talaga niya. Pwede lang palang kiligin sa lalaking nagsusuplado, ano?
"Let's go somewhere else," bigla ay sabi ni Bob Earvin.
"S-saan naman?" gulat na tanong ko.
"Basta. Ngayon mo bayaran 'yong date na dalawang taon mong ipinagkait sa 'kin."
"Saan nga tayo pupunta?"
"Basta nga."
Inilagay ni Bob Earvin ang isang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya at ang isa naman ay inialok niya sa 'kin. Hindi ko alam kung saan niya ako balak dalhin pero sinasabi naman ng isip at puso ko na magtiwala lang sa kanya. Huminga ako nang malalim at tinanggap ang kamay niya.
"Siguraduhin mo lang na ibabalik mo 'ko nang buo sa mga pinsan ko, ha."
Isang mahigpit na pisil sa kamay at tipid na ngiti naman ang tugon niya sa akin.
"NAPAKA-unhealthy rin talaga ng lifestyle mo, 'no?" sabi matapos lumagok sa beer-in-can ko. "Naninigarilyo ka na, umiinom pa, tapos kumakain ka pa ng streetfood."
Hindi kalayuan sa bar ang pinuntahan naming ihawan. Merong mga umiinom dito. Sa ilalim ng puno kami pumwesto para hindi na kami humalo sa ingay ng mga tao sa loob.
"Hindi ko naman inaaraw-araw, ah. Tingnan mo nga, mas marami ka pang kain kaysa sa 'kin."
Napatingin ako sa stick ng hotdog na hawak ko na paubos na at painosenteng ngumiti.
"Hindi ko rin naman inaaraw-araw 'to, ah? Kalimutan mo na lang na meron akong sinabi. "
Nag-toast kaming dalawa.
"May atraso pa ba 'ko sa'yo?" tanong ko.
"Meron pa," sagot niya bago uminom ng beer. At biglang sensitibo na rin ako sa bawat kilos niya. This is crazy. Pero... ang hot talaga niyang tingnan sa itim na polo. Parang gusto ko ring sumandal sa balikat niya at damhin ang muscles niya sa braso. Kahit saglit lang, papatusin ko talaga para ma-experience ko lang.
"Sponge, hinalikan mo ba talaga ako?" wala sa loob na tanong ko.
"Gusto mo, ulitin natin?"
Nang ilapit niya ang mukha niya sa 'kin ay awtomatiko naman akong napaatras.
"H-huwag ka na ngang magbiro nang ganyan," natarantang pakli ko. "Huwag mo nang uulitin 'yon, ha? Baka ma-confuse ako."
"Ma-confuse sa ano?"
"Nakaka-confuse na 'yang tanong mo."
"Fine."
Inabutan na lang niya ako ng isang stick ng isaw. Na hindi ko naman natanggihan, siyempre.
"SAAN ka nanggaling? Ang akala namin ni Janice, iniwan mo na kami."
Pinigilan kong matawa sa nakasimangot na si Darlene nang sa wakas ay makabalik na ako sa table namin.
"Kinausap ko nga si Nanay, 'di ba?" pagsisinungaling ko.
"Grabeng usap naman 'yon. Halos isang oras kang nawala," si Janice.
"Kumain na rin ako nang kaunti. Medyo nagutom kasi ako. Ano bang meron?"
"Hindi agad nakapag-perform ng finale song ang Tough Love dahil narinig naming nawawala si Bob Earvin," sagot naman ni Darlene.
"N-nawawala?"
"Nakita kasi naming kinakausap ni Gino si Ador. Tinatanong kung alam nito kung saan nagpunta si Bob Earvin."
"Nahanap na ba siya?"
"'Yon ang hindi namin alam." Napanguso pa si Janice. "Sana naman bumalik na siya. Dahil walang uuwi kapag nagkataon!"
"Ah..." Lokong lalaking iyon. Kung alam ko lang na tumakas lang pala siya sa mga kabanda niya, hindi na sana ako sumama sa kanya. Napatingin ako sa stage at nakita ko naman si Bob Earvin kasama ang mga kabanda niya. "O, 'andiyan na pala siya, eh. Magpe-perform na sila."
Biglang nabuhay ang mga katawang lupa ng dalawa.
"Tara, tumayo tayo!" yaya pa ni Janice sa 'min.
Game naman akong nagpatianod sa mga pinsan ko. Lumapit pa kami sa stage.
Isang masayang kanta ang tinutugtog ng banda at isa sa original songs nila. Ilang sandali pa ay nakatayo na lahat ng mga tao. Mataas pa rin ang energy ng banda. Bob Earvin is even nodding his head.
Ang lakas ng hagikhik nina Janice at Darlene habang ako naman ay hindi mapakali dahil sa mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Napatili ako nang maglakad siya papunta sa harap naming magpipinsan, ang atensiyon niya ay nasa gitara pa rin.
"Omigosh!" ubod-lakas na tili ng mga pinsan ko nang bahagyang itiklop niya ang mga tuhod at 'magpakitang-gilas' sa amin.
Nag-angat ng tingin si Bob Earvin at nagtama ang mga mata namin. I almost lost my breath.
"I love you, Bob Earvin!" tili nina Janice at Darlene.
Then he smiles. Did I just lose my heart, too?
"TINANONG ko si Dindy kung sino ang umubos n'ong manok, wala raw siyang alam."
"Okay lang 'yon, 'Nay. No big deal," malapad ang ngiting tugon ko naman. Nasa labas ako ng bahay namin. Hiniram ko ang laptop ng kapatid kong college student na si Dindy. Tinitingnan ko kung merong job hiring na malapit lang dito.
"Talaga, anak?" hindi makapaniwalang tanong pa ni Nanay.
Ang totoo, kung hindi lang ipinaalala ni Nanay ay hindi ko maaalalang pinakiusapan ko pala siyang tirhan ako ng manok na niluto ni Tatay. Lutang ako dahil sa saya nang umuwi kami at hindi ako nakatulog nang maayos. Pero masaya at magaan ang pakiramdam ko nang magising ako kaninang umaga. Maisip ko pa lang ang gwapong mukha ni Bob Earvin ay nababaliw na naman ako.
"Opo." Malapad akong ngumiti. At malakas ang kutob kong mukha na akong tanga sa paningin ng nanay ko.
"Okay ka lang?"
"Opo." Tumango-tango pa ako.
"May nangyari ba kagabi sa lakad n'yong magpipinsan? Hindi pa kita nakikitang ganyan kahit kailan. Naka-drugs ka ba, 'Nak?"
"'Nay, naman," napangusong reklamo ko. "Masaya lang po ako kasi nag-enjoy kami sa pinanood naming banda kagabi. 'Yon lang."
"Gwapo 'yong bokalista?"
"'Yong gitarista po."
Umasim naman ang mukha ng nanay ko.
"Pwede bang gawing boyfriend 'yon?"
"Kung bet niya 'ko."
"Asus..." kantiyaw pa niya.
Bumungisngis naman ako.
"Ano ba 'yang ginagawa mo?" pag-iiba niya.
"Naghahanap ako ng trabaho online, 'Nay."
"Ano? Maghahanap ka na agad ng trabaho? Kauuwi mo pa lang, ah? Magpahinga ka muna kahit isang buwan lang."
"Masyado naman pong mahaba ang isang buwan. Baka mainip ako n'on. Isa pa, nasanay na rin po ang katawan ko sa pagiging busy ro'n sa MFE."
"Wala ka na bang balita kay Jestoni?"
Umiling ako. Wala nang ano mang kurot sa puso ko kapag naririnig ko ang pangalan ni Jestoni.
"Pero sana masaya siya sa buhay na pinili niya. Hindi na kami nakapag-usap pero alam ko naman sa sarili kong napatawad ko na siya. Okay na rin siguro 'yon, 'Nay."
"Sana ang susunod na lalaking mamahalin mo ay 'yong lalaking makakasama mo na habang-buhay."
"Sana nga po. Alam n'yo namang bata pa lang ako, pangarap ko nang maging mabuting may-bahay. Idol ko yata kayo."
"Naisingit mo pa talaga 'yon, ha. Akala mo naman, maniniwala ako sa'yo."
Natawa na lang ako. Tumunog ang cellphone ko na ipinatong ko sa mesang kawayan. Tiningnan ko kung sino ang nagpadala ng text. Si Sponge!
MORNING. ;)
Nahigit ko ang paghinga ko at ilang sandali pa ay mukha na akong tanga habang pinakatitigan nang mabuti ang simpleng text na ipinadala niya. Oo, simpleng text lang naman 'yon pero big deal para sa 'kin. It makes me feel different emotions at the same time Nag-text si Bob Earvin sa 'kin! Siya talaga mismo ang naunang mag-text sa 'kin!
MORNING, TOO, SPONGE. XD
Syet. Bakit kailangan kong kiligin nang ganito?
"Sino 'yan?" usisa pa ni Nanay.
"Kaibigan."
"Kaibigan lang daw."
"Hi-hi-hi."
"Hinay-hinay lang, 'Nak. Baka liparin ka ng hangin diyan." Tumayo na si Nanay at naglakad pabalik sa bahay namin.
Imbes na mag-reply ay tumawag si Bob Earvin sa 'kin. Nataranta ako. Nagbilang muna ako hanggang tatlo bago ko sinagot ang tawag niya.
"Busy ka ba?" tanong agad niya.
"Hindi naman." Nagawa ko namang gawing kaswal ang tono ko. Ang galing ko. "Tumitingin-tingin lang ako ng mga job hiring sa internet. Bakit?"
"Pwede mo ba akong samahan ngayon?"
Napaayos ako ng upo habang nanlalaki ang mga mata ko.
"Samahang lumabas?"
Grabe rin itong lalaking ito. Kagabi lang kami 'nag-date' pero wala pang twenty-four hours ay niyayaya na naman niya 'kong lumabas?
"Oo. Wala kasi akong alalay ngayon. We have a meeting with the producer."
Natigilan ako. Tama ba ang pagkakarinig ko? Wala raw siyang alalay kaya ako na lang ang sumama sa kanya? Pambihira! Na-hopia ako ro'n, ah? Parang gusto kong bawiin ang sinabi kong hindi ako busy.
"Sponge, mukha ba akong PA?" matabang na tanong ko.
"Mamaya na lang natin pag-usapan ang TF mo."
Tumaas ang isang kilay ko. "Uy, TF daw. Saan tayo magkikita? Madali naman akong kausap."
"PASENSIYA ka na, dito na 'ko nagpasundo, ha? Mainit kasi sa labas, eh."
Sinalubong ko si Bob Earvin nang pumasok na siya sa convenience store kagaya ng sinabi kong pagkikitaan namin.
"Okay lang. May bibilihin ka pa ba?"
"Wala na."
Nahigit ko ang paghinga ko nang bigla na lang akong akbayan sa leeg ni Bob Earvin. Hindi naman ako nasakal pero hindi ko pa rin inaasahan ang naging reaksiyon ng puso ko. Sinakop ng mabango niyang amoy ang sistema ko at gusto ko ang init na nanggagaling sa katawan niya. Hiniling ko lang kagabi na sana ma-experience ko ang madama ang muscles niya, ah? Ang hirap palang panindigan. Nakaka-tense pero heaven pa rin naman.
"Halika na. Hindi tayo pwedeng ma-late."
"N-nakakalakad naman ako nang maayos."
"Alam ko." Pero nanatili pa rin ang isang braso niya sa ilalim ng leeg ko. Iginiya na niya ako palabas ng store.
"Sa'n ba tayo pupunta kasi?"
"Makikipag-lunch meeting nga sa producer."
"Seryoso ka talaga na ako ang isasama mo?"
"Papunta na nga tayo, 'di ba?"
"Akala ko talaga nagbibiro ka lang." Meron pa sana akong sasabihin kaso bigla na lang nag-ring ang phone ko. Nagulat pa ako nang makita ko ang pangalang naka-display sa screen. "Rico Jay?"
"Puno?" tanong ni Bob Earvin.
"Palma."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top