IX. Love Songs, Isaw, At Siyempre, Ikaw
CHAPTER NINE
"KUYA, TWENTY-ONE naman na 'ko, ah? Bakit hindi pa rin ako pwedeng uminom ng beer?" reklamo ni Bea habang nakatingin lang kay Bob Earvin na umiinom ng beer.
"Athlete ka, 'di ba? You should know."
Hindi maalis-alis ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang magkapatid. Tatlo kami ang magkasama sa mesang nasa ikalawang palapag ng bar. Nakaupo naman sa kabilang mesa sina Rico Jay at ang mga pinsan ko at nandoon din si Ador. 'Pinakiusapan' kasi ito ni Bob Earvin na kung pwede ay i-entertain ang mga pinsan ko. Hindi ko lang alam kung ano na ang ginagawa ni Darlene para 'dumiskarte' sa torpeng manager ng bar na 'yon.
"Once-in-a-blue-moon lang naman. Besides, you started drinking when you were sixteen." Iniikot pa ni Bea ang mga mata niya. "And smoking din pala."
"Shut up, Bea. Ayokong isipin ng mga magulang natin na masama akong impluwensiya sa'yo."
"But I really look up to you. You're my fitness inspiration, remember? Saka may abs ka pa rin naman kahit umiinom ka, ha? Kuya... kahit tikim, bawal?"
"Talaga? May abs siya?" pasakalye ko naman.
"Gusto mo ng lalaking may abs, Ate?" pilyang tanong ni Bea.
"Hmm, gusto kong nakakakita ng lalaking may abs sa TV at internet pero kapag sa totoong buhay, naaalibadbaran ako. Hindi ko alam kung bakit."
"Good thing, hindi mahilig magpakita ng katawan si Kuya. Baka ma-turn off ka pa sa kanya."
Nagkatawanan pa kami ni Bea. Naagaw naman agad ang atensiyon namin nang magsalita ang emcee sa stage. Nang-aanyaya ito sa mga gustong mag-participate sa open mic ngayong gabi.
"Sige na, Bea. Ito naman ang favorite part mo rito, 'di ba?"
Napahagikhik naman si Bea sa sinabi ni Bob Earvin.
"Kumakanta ka rin?" manghang tanong ko.
"Minsan. Ate Donna, sabihin mo kung hindi maganda ang pagkanta ko, ha?" she said beaming.
"Oo naman." Sumenyas pa ako ng thumbs-up. "Excited na 'kong marinig kang kumanta."
"Magsa-sign up lang ako sa baba."
Sa isang iglap lang ay nawala na siya sa harap namin. Gustong-gusto ko talagang nasosolo ko si Sponge.
"Gusto rin bang maging singer ni Bea gaya mo?" tanong ko.
Pasimpleng iniusog ni Bob Earvin ang silya niya palapit sa 'kin.
"She loves singing but I don't think she'll pursue a singing career. She just loves having fun. At Tough Love merchandise lang ang habol niya kaya sumasali siya sa open mic kapag may pagkakataon siya."
"Magkwento ka naman kung pa'no nabuo ang Tough Love," napangalumbabang sabi ko pa.
"Bakit gusto mong malaman?" Bahagya pa siyang tumagilid para nakaharap siya sa 'kin.
"Kasi may pagkakataon na ako. Hindi ko 'yon natanong two years ago kasi umalis ako."
"May balak ka pa bang umalis ulit?"
Nagkibit-balikat ako. "Sa ngayon wala. So sagutin mo na 'yong tanong ko."
"College. Pero high school pa lang kami ni Gino, tumutugtog na kami sa simbahan. Tapos nakilala namin sina Quen at Patrick dahil naging missionary sila sa church sa loob ng isang taon. Nag-stay si Quen dito kasi nakapasok siya sa isang design firm. At si Patrick naman, natanggap siya sa Singapore bilang project engineer. Kinailangan niyang umalis. Si Gustine ang pumalit.
"Paminsan-minsan lang kami mag-perform sa gigs dahil busy kami sa mga trabaho namin. Nag-iipon din si Gino para magtayo ng bar niya. Ako naman, nag-focus din sa trabaho. Our biggest break was winning the national battle of the bands competition four years ago. Marami na rin kaming offers na natanggap in the past years pero itong offer ni Miss Aragones lang ang nakapagpa-'oo' sa 'min."
"Paanong naging Tough Love ang pangalan ng banda n'yo?"
Ginaya ako ni Bob Earvin na nangalumbaba rin.
"Kung pwede ko lang ibalik ang araw na 'yon," sa halip ay sabi niya at napailing.
"Bakit?" natawang tanong ko naman.
"'Mighty Band' lang ang tawag namin sa banda namin dati."
"'Yong pandikit?" nanlaki ang mga matang anas ko.
"Mighty Bond 'yon."
"Okay. Waley ako do'n."
"Pagkatapos ng gig namin sa isang bar, nilapitan kami ng coordinator para imbitahang sumali. Siya na raw bahala magpasok sa amin sa mga qualified na sasali. Pero kailangan naming palitan ang pangalan namin kasi medyo baduy raw. Baduy," he repeats with a smirk. "Hindi ba niya alam na tumayo lang kami sa stage, napapaos na ang mga fans namin kasisigaw? Ako ang nag-suggest ng 'Tough Love'. Kasi lasing na ako no'n at brokenhearted pa. What I was going through that time was because of love. At some point, I want to remind people what actually love is. Siguro dahil gusto ko lang mangdamay.
"Tapos nagulat ako na bigla na lang akong naging leader nang tawagan kami ng coordinator para sabihing pasok na kami sa elimination round. Por que ako nag-suggest, ako agad ang leader? Eh, lasing nga ako no'n. O lasing nga ba? Si Gino kasi ang may sabi na nalasing daw ako pero hindi ko naman ugaling maglasing." He groans. "That's why you shouldn't let other people use your emotions against you."
Napabungisngis ako pero wala akong ano mang sinabi.
"Okay. Eh, di Tough Love. Pero kung hindi ako lasing no'ng mga sandaling 'yon, hindi bale nang hindi makasali sa battle of the bands na 'yon, basta Mighty Band kami."
Napabungisngis na naman ako.
"Eh, di wala sana kayong break ngayon. Loko ka," pakli ko pa.
"No'ng nanalo kami, pinaghati-hatian namin ang premyo. Pati BIR, may porsiyento. Bwisit sila. Hindi naman sila ang nagpakahirap kumanta at tumugtog sa battle na 'yon.."
"Kailangan ng Pilipinas ng buwis para sa mga proyekto ng gobyerno. Hello, alam ko 'yon, 'no. Government employee yata 'ko dati." Iniikot ko pa ang mga mata ko.
"Ah, ewan," pakli naman ni Bob Earvin at ginaya ang pag-ikot ng mga mata ko. Natawa tuloy ako. "Ipinatayo ni Gino 'tong bar. Hindi na naging mahirap para sa 'ming maghanap ng gig."
"Ano naman ang ginawa mo sa parte mo?"
"Nag-donate ako sa simbahan. Mabait ako, eh. Joke." Tumaas-baba pa ang mga kilay niya. Natawa naman ako. Nakakatawa ang dating ng seryosong pagkakasabi niya ng 'joke'.
"Ay, sandali. Hanggang do'n lang pala dapat tayo sa bakit naging Tough Love ang pangalan ng banda namin."
"Kwento ka pa. What is your family like?"
Nagkamot naman siya ng kilay.
"Sinasayang mo laway ko, eh."
"Eh, ano'ng gusto mo? Mapanis? Suplado mo talaga. Apat kaming magkakapatid. Pangatlo ako. Lalaki ang panganay tapos puro babae naman kaming sumunod. 'Yong ate at kuya ko, may pamilya na. 'Yong bunso naming kapatid, college na. 'Yong tatay namin, company driver for more than twenty years at ang nanay naman namin ay plain housewife."
"'Yong tatay namin, lalaki tapos 'yong nanay naman namin, babae."
Matabang ang ekspresyong sinipa ko ang binti ni Bob Earvin. Sa lahat ng seryoso, siya ang hindi seryoso.
"Our parents are bank employees. Hindi ko na sasabihin kung saan dahil baka abangan mo sila. Masaya ka na?"
"Pwede na rin." Pinagmasdan ko nang ilang sandali ang mukha ni Bob Earvin.
"Stop it, Donna," saway naman niya sa 'kin. "Hindi pa ako nasasanay. Mas okay kung nag-uusap tayo. Iba kapag wala kang sinasabi tapos nakatingin ka lang sa 'kin."
"Okay na ba ang puso mo, Sponge?"
Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "Ano'ng klaseng tanong 'yan? Siyempre, naman. Minsan, abnormal lang ang tibok pero ang mahalaga, buo."
"Thank you for being there that night, Sponge."
"Hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa 'yon, eh. Wala namang espesyal sa'yo."
Kunwari ay sinimangutan ko siya.
"Ayoko lang na nakakakita ng babaeng nasasaktan," bawi naman niya.
"Kaya maraming salamat. Kumusta na nga pala 'yong mag-fiancé na 'yon?"
"Kinuha kaming ninong ni Gino sa binyag."
"Buti pa sila," napabuntong-hiningang sambit ko. Muli kong pinagmasdan ang mukha ni Bob Earvin. Ang sarap siguro sa pakiramdam kung mukha niya ang makikita ko sa gabi bago ako matulog at sa umaga pagkagising ko. Hayaan na. Libre lang namang mangarap, eh.
"Donna."
Napangiwi na lang ako nang ihilamos ni Bob Earvin ang kamay niya sa mukha ko. Sira-ulo talaga!
"'NAY, sabi nina Ate Janice at Ate Darlene, may idini-date daw si Ate na pogi," nakangising sabi ni Dindy habang nag-aalmusal kami.
Pinanlakihan ko naman ng mga mata si Dindy.
"Ang chismosa mo."
"Hindi, ah. Sila kaya unang nagsabi. Eh, di sila ang chismosa."
"Totoo ba 'yon, anak? Hindi ba 'yong Rico Jay ang tinutukoy nila?" tanong naman ni Nanay na nakaupo sa kabisera. Hindi na naman namin kasabay kumain si Tatay kasi meron siyang delivery sa kabilang bayan.
"Uuwi na po ngayong araw si Rico Jay. Saka nilinaw ko na pong hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya."
"Eh, 'yong poging dini-date mo? Sino 'yon?"
Paano ko ba ipapaliwanag na ako lang ang may gusto kay Bob Earvin—este na kinailangan lang pala namin 'yong palabasin para hindi na ituloy ni Rico Jay ang panliligaw niya sa 'kin?
"A-ano ho 'yon, 'Nay, ah—"
Naputol ang pagsasalita ko nang bigla na lang mag-ring ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.
Sponge calling...
Nagulat ako, siyempre. Speaking of the devil!
"E-excuse lang ho, ah. Sasagutin ko lang po," paalam ko kay Nanay at lumabas ng bahay para sagutin ang tawag ni Bob Earvin.
"Ang aga mo namang tumawag, Sponge," bungad ko.
"Wala pa nga akong tulog," sagot naman niya.
"Ano ba'ng ginawa mo buong gabi?"
"Tinatrabaho 'yong debut album namin." Narinig ko ba siyang naghikab. "May gagawin ka ba ngayong araw?"
"Meron akong interview mamayang nine o' clock. Nag-apply kasi ako online bilang receptionist. Ipagdasal mo na makuha ako."
"Magkita tayo mamayang lunch time."
"Ano?" takang sabi ko. "Matulog ka kaya muna?"
"Matutulog ako tapos magkikita tayo mamayang lunch time."
"Sponge, nami-miss mo ba 'ko sa lagay na 'yan?"
"Slight."
Napahagikhik ako nang walang tunog. Akala ko ay sasabihan na ako ni Bob Earvin ng asa pa 'ko. Itatakwil ko na sana siya.
"Hindi ko alam kung ano'ng oras akong matatapos sa interview kasi baka hindi lang naman ako ang applicant do'n. Matulog ka na lang diyan. Sa panaginip mo na lang tayo mag-lunch."
"May ka-date ka lang, eh."
Napakunot-noo ako sa nahimigan kong tono ni Bob Earvin. Tono iyon ng taong nagseselos. Pero siyempre, pwede namang imagination ko lang 'yon. Sa cellphone lang kami nag-uusap kaya siguro iba lang ang naging dating sa 'kin.
"Wala akong ka-date. Naghahanap ako ng trabaho para sa future ko. Saka paano ako magkaka-date, eh, ikaw na lang palagi ang kasama ko? Kapag tumanda akong dalaga, ikaw ang may kasalanan, ha."
"Eh, di tayo ang magpakasal. Problema ba 'yon?"
"Bob Earvin Montelibano," sumeryosong sabi ko. "Magbiro ka na tungkol sa hugis ng mundo, huwag lang sa kasal. 'Labo mong kausap."
"Ayaw mo lang magpakasal sa 'kin, eh."
"'Sorry' lang ang gusto kong marinig," pakli ko.
"Sorry na. Pakasal na tayo."
"Bwisit ka."
Narinig ko naman siyang tumawa. Na ikinagulat ko naman. Sa halip na lalong mainis ay na-amuse tuloy ako. May sapi ba itong kausap ko? Kahit ang weird niya, pinatawad ko naman agad siya.
"Ano 'yan? Epekto ng walang tulog?"
"Sa'n ang interview mo?"
Sinabi ko naman ang pangalan ng isang kilalang insurance company at kung saan iyon.
"As long as you're not being surrounded by guys, that's fine," sabi pa niya. "Break a leg."
"'La, ang strikto naman ng mama. Huwag mo nang piliting makipag-usap sa 'kin kung antok ka na. Pwede naman tayong magkita sa mga susunod na araw, eh."
"Ayaw mo talagang makasama ako ngayon?"
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagpipigil na ngumiti. Tama na. Wala pa naman akong balak kiligin nang ganito kaaga. Kung alam lang niya na kung pwede lang ay araw-araw ko siyang makita. Pero hinay-hinay na muna. Ang pinakaimportante sa 'kin nang mga sandaling ito ay ang makapagpahinga si Bob Earvin.
"Sa ibang araw na nga lang. Maghahanap-buhay muna ako. Good morning, Sponge."
"Balitaan mo 'ko sa interview mo, ha. Sana hindi ka matanggap."
"Sama!"
"Good morning."
Ako na ang pumutol ng tawag. At hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin maalis-alis ang mga ngiti ko. Bumaling ako sa direksiyon ng bahay. Napasinghap ako nang makitang nakatayo sa pinto ang sina Nanay at Dindy.
"Mwah-mwah! Tsuptsup!" pang-aasar pa nilang dalawa.
Napamaywang na tinaasan ko sila ng kilay.
"Ayieee!"
Natawa na lang ako.
"Wala lang 'yon!"
"Sabi mo, eh," nakangisi pang sabi ni Nanay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top