o0o
"Di ba, maagang pumasok si Ma'am Mateo kanina? Bakit nandito pa siya?"
"Huwag ka nang intrimitida, Ellen. Ganiyan talaga 'pag boss, maraming inaasikaso."
Kapwa napintahan ng gulat ang mukha ng dalawang clerk nang iangat ko ang mukha ko para tingnan sila. Nagtutulakan pa sila para makalayo sa aking opisina.
Sandali kong itinigil ang paggagawa ng Powerpoint presentation. Isinandal ko muna ang pagal kong likod sa malambot na cushion ng aking swivel chair.
Sinilip ko ang oras sa aking Apple Watch. Mag-aalas nuwebe na ng gabi.
Kung tutuusin ay maaga pa ito para sa akin. Kadalasan ay alas onse na ako nakakauwi. Ganito talaga ako, laging nagpapaka-busy.
Sabi ng iba, baka raw nagpapayaman ako masyado kaya ganito ko na lang ilugmok ang sarili ko sa trabaho.
Kung alam lang nila.
Napabuntong-hininga ako. Kapagkuwa'y umayos ako ng upo. Hinila ko ang maliit na drawer sa ilalim ng office table ko. May kinuha akong kuwadradong larawan doon.
Bumalong ang luha ko mula sa aking mga mata. Walang pagbabadya iyon kaya hindi ako nakapaghanda. Ang unang ragasa pa nga ay tumulo sa glass cover ng picture frame na hawak ko.
"Adrian, mahal ko."
Hindi ko namalayang unti-unti na pala akong nakatulog habang tigmak ng luha ang mga mata ko.
•••
"Maine, gising!"
Napapiksi ako nang magising ako sa sunod-sunod na tapik. Kipkip ko pa rin ang larawan ng nasira kong boyfriend.
"A-Anong oras na?" Nag-umpisa na akong mataranta nang mapagtanto kong nasa office pa pala ako. Wala pa akong ligo!
"Thirty minutes before eight o'clock, girl," ani Lotlot na aking secretary.
Napakagat ako nang mariin sa pang-ibabang labi ko. May presentation ako sa malalaking kliyente ngayong alas otso!
"O, kalma ka lang. Wala ka namang schedule today." Umupo si Lotlot sa upuang nasa harap ng table ko.
"What?!"
Pasimpleng nagkibit-balikat lang ang kaharap ko. "Kinansela ko lahat. Pati ’yong schedule mo for the whole month."
"Lotlot!" I was speechless at the moment. All I can do that time is to put my palm on my face. Why on earth did she cancel my appointments?!
"O, baka nagkakalimutan tayo. Hindi pa nagsisimula ang shift natin kaya hindi pa kita boss at hindi mo ako secretary. Kinakausap kita ngayon bilang bestfriend mo," she continued.
I just rolled my eyes at her.
He pulled something from the pocket of her blazer.
A golden ticket.
"What is—"
"Tatlong taon ka nang hindi nagde-day off mula nang mag-crash ’yung sasakyan ni Adrian. Give yourself a time off. Ayan, pinag-ambag-ambagan 'yan ng mga kaopisina natin. Alam kasi naming hindi ka naman bibili nang kusa, eh."
Nilapitan ako ni Lotlot at hinigit papunta sa pinto. "Gorabels ka na, bestie ma'am. Huwag kang babalik dito hangga't hindi tapos ang bakasyon mo ha? Ba-bye!"
•••
Kanina pa palipat-lipat ang tingin ko sa golden ticket at sa malaking green na gate sa harap ko. May arko sa taas noon na ang nakasaad ay "Welcome to Villa Brigida".
What am I supposed to do here?
Sa inis ay napapindot ako nang malakas sa busina ng kotse ko.
Mayamaya ay bumukas ang malaking gate. Bumungad sa akin ang isang lalaking tanging denim pants lang ang suot kaya kitang-kita ang katawan nitong nalilinyahan ng anim na abs. Ang mukha naman nito ay hindi malalayong may hawig kay Luke Conde na may pagka-Zeus Collins. Ang kaniyang fair complexion ay mas lalong nagpaangas sa kaniyang pagkalalaki.
Nginitian niya ako. I hated it. Ganiyang-ganiyan kasi ako nginitian ni Adrian nang una kaming magkakilala.
Ayokong makita sa ibang tao ang pinakamamahal ko.
Inabot ko sa kaniya ang ticket nang hindi ko siya nililingon. In return ay may inabot siya sa aking susi ng pansamantala kong kuwarto habang nandito ako.
•••
Halos maibalibag ko ang laptop ko. I can't access my admin log in. Balak ko sanang magtrabaho pa rin kahit nandito ako. Nanghihina kasi ako kapag hindi nakakagawa ng office works. Ayun nga lang, mukhang ni-disable muna ng magaling kong secretary-slash-bestfriend ang account ko. Seryoso talaga siyang pagbakasyunin ako.
Hindi ko matagalan ang paghiga lang sa king-sized bed ng kuwarto ko kaya napagpasyahan ko munang lumabas. Maglalakad-lakad ako sa tabing-dagat.
Nang makababa ako ay napadaan ako sa flower field na may 15,000 na bulaklak sa aking tantiya.
Napangiti ako nang makita kong mayroong marigold na paborito ko mula pagkabata.
"You like marigolds?" Napalingon ako sa nagsalita. 'Yung lalaking nagbukas ng gate na hawig ni Luk— ay, ayoko na ngang i-describe.
Naka-stretch ang kamay niya habang may inaabot na marigold sa akin. Tiningnan ko lang iyon pero hindi ko kinuha. Tatalikuran ko na sana siya nang magsalita siya.
"I'm Ken, the owner of Villa Brigida. Nice meeting you, Miss Maine Mateo." Muli ko siyang nilingon. Sinalubong akong muli ng kaniyang ngiti na bagama't lalong nagpapaguwapo sa kaniya ay kinaiinisan ko naman.
Inismiran ko lang siya. Nagtuloy-tuloy na ako sa tabing-dagat para maglakad-lakad.
•••
Hindi iyon ang ikalawa at huli kong encounter kay Ken. Nang mga sumunod na araw ay pinansin ko na siya. Bagot na bagot na kasi akong mag-isa. Ang hirap ng ganito na sanay kang makipag-usap sa tao pero ngayo'y wala kang makausap.
Inilibot ako ni Ken sa Villa Brigida. Sa loob ng isang buwan na bakasyon ko ay madalas kaming mag-horseback riding. Makailang beses na rin niya akong isinama pamimitas ng prutas at sa pagpapagatas sa baka. Ang paglalangoy sa dagat ay madalas din naming gawing magkasama.
Lagi rin niya akong ipinagluluto. Madalas din kaming magsilab ng bonfire sa tabing-dagat at magkukuwentuhan lang kami roon hanggang abutin kami ng hatinggabi.
•••
Dumating na ang huling araw ng pananatili ko sa Villa Brigida. Nakapag-pack up na ako ng mga gamit ko pero hindi ko mahagilap si Ken.
I can't even find a shadow of him.
I left Villa Brigida with a heavy heart.
•••
A day after I came back, nasa office agad ako. Kailangan ko ulit magpaka-busy para iligaw ang utak ko palayo kay Ken.
Puro siya lang kasi ang naiisip ko mula nang umalis ako sa Villa Brigida.
Napasinghap ako. Kinuha ko ang picture ni Adrian sa ilalim ng drawer ko.
"Hon, may nagpapangiti na sa aking bago. Guwapo rin siya tulad mo. Responsable at saka bookworm. Maraming alam sa mga bagay-bagay." Hinaplos-haplos ko ang mukha niya sa larawan. "Gusto ko siya, hon kaso hindi ako sigurado kung gusto rin niya ako. Pero kung sakali man na umayon sa akin ang tadhana, handa na ba akong pakawalan kung ano ang mayroon tayo? Handa na ba akong kalimutan ka? Give me a sign please."
Hindi pa nakatatagal ang pagkakasabi ko noon ay may kumatok sa office ko. Si Lotlot.
"Girl, baba ka sa lobby dali!"
Hindi na ako nagtanong pa. Sumunod na lang ako sa kaniya.
Pagbukas ng elevator sa ground floor ay bumungad sa akin ang hanay ng napakaraming marigold.
Isang tao lang ang naiisip kong gagawa noon. Si Ken.
Inangat ko ang mukha ko. Halos sumayad ang panga ko sa lupa nang makita ko siya in his formal attire while holding a bouquet of marigolds. He's wearing the same smile again which I didn't like at first. Ngayon, gustong-gusto na ng puso kong makita iyon palagi.
I can hear my officemates giggling and teasing me.
"Ken." Gumaralgal ang boses ko na sinabayan ng paglambong ng mga mata ko. Nagbabadyang bumagsak ang mga luha ko pero napigilan agad iyon ng hinlalaki ng lalaking itinatangi ko. "A-Akala ko iniwasan mo na ako. Akala ko ayaw mo na sa akin."
He placed his forefinger on my lips. "Nandito na ako, my baby."
Lumukso ang puso ko sa itinawag niya sa akin.
Muli siyang nagpatuloy. "Hindi ako nagpakita sa huling araw mo sa Villa Brigida dahil hindi ko kayang makita kang umaalis. Aaminin ko, hindi pa gano'n katagal mula nang nagkakilala tayo pero itong puso ko..." He pointed at his chest. "...parang matagal ka nang kilala. Para bang alam na alam na niya kung sino ang nakatadhana sa kaniya."
He held my hands and pressed my palms. "My heart beats for you, Maine. Mahal kita."
I smiled widely. My eyes are shedding tears. This time, it's because of happiness.
"I feel the same, Ken." I step one closer to him so that I could wrap my arms around his nape. "Handa na akong buksan ang puso ko na magmahal muli. Salamat, dumating ka sa buhay ko."
Pinalapit niya ako sa matipuno niyang dibdib. Hinaplos-haplos niya ang buhok ko at hinagkan iyon nang marahan.
Sa pagyakap ko kay Ken ay natanaw ko sina Lotlot at ang ilan naming mga kaopisina na napapapalakpak sa kilig.
I smiled at them. Sa loob-loob ko ay labis ang pasasalamat ko sa kanila. Kung hindi dahil sa golden ticket na pinag-ambagan nila ay hindi ako ganito kasaya.
End
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top