wala nang kinabukasan

kaya nga oo, hinayaan nalang
pikit matang sinambit:
"ikaw na ang bahala
kung ako'y magigising
kinabukasan ko'y sayo na."

hindi na lumaban pa
tinanggap nalang
binalikan ang nakaraan
habang hinahabol ang hininga

. . . naging mabuti naman siguro ako

kaya nga oo, hinayaan nalang
pikit matang sinambit:
"kung may bukas pa
hindi na magrereklamo
pero hindi na rin babangon
mananatili nalang na
buhay na bangkay."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top