tanga ka
nanghingi ang babae ng senyales
kapag sinuot niya kulay puti, siya na
kapag sinuot niya kulay asul, takbo na
nagkita na nga sila noong martes
—hindi nakatakbo ang babae.
nanghingi ang babae ng senyales
kung ano ang makita niya
ito ang mukha ng tadhana
kumaway ang puting watawat noong miyerkules
—hindi sumuko ang babae.
nanghingi ang babae ng senyales
ngunit walang pumansin sa kaniya
pagod na kasi silang ipakita ang tama
sa pagbubulag-bulagang nagsimula pa noong nakaraang lunes.
—namuhay ang babae sa katangahan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top