pinatay sa tingin

hindi napigilan
ang mata'y nakawala
patalim ay hinawakan
pinatay, walang awa

kinabukasan ay bula
ang araw ay nagtago
ngiti, anong salita?
buong mundo'y nabago

halakhak ng demonyo
walang luha, umiyak sandali
tama na ang panggugulo
lumisan, walang pag-aatubili

wag sisihin dahil ako'y humihingang bangkay
matagal nang binawian ng buhay
nilagutan lamang ang sa aki'y mga pumatay.


spenserian stanza: abab - bcbc - cdcd - eee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top