para kay buhay

aking binalikan, tatlong hakbang. kusang sumilay ang maliit na sinag ng araw sa labi. hindi maipagkakait, sumuko na nga. ang tanong lamang ay bakit muling ipinakita ang kinabukasan? hindi mawari ang sagot. nawala man ang lungkot, nandoon pa rin ang poot. pagsalungat sa kagustuhan ay talagang nakapagpasasaya sayo, ano?

kutob ay malakas naman. nasa harapan na ang kasagutan. tila bulag lang talaga. hindi mawari kung saan iaalay ang mata. panigurado tuloy na sa eksaktong segundo, guguho ang mundo matapos malaman ang tamang sagot dito.

ganoon ba ako kainteresante para sayo kaya napili mong isa ako sa paglalaruan mo sa mahabang panahon?

- hakuna makata

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top