'pag nagkamali ka, yatap ka.
sa totoo lang nakagagalit
kapag ikaw ang tinitingala
at sila ay nakaasa lamang
sa bawat kilos
sa bawat bigkas
sa bawat pikit
na kahit ang paghinga ay kalkulado
bawal sumobra
bawal kumulang
dapat sakto palagi
dahil sa oras na ikaw ay magkamali
buhay nila ang masisira
buhay niyo ang babagsak
at, buhay mo ang masisisi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top