meron pa ba? meron pa yata
pasensya
ikaw talaga ang takbuhan
ng kapaitan ng aking mga daliri
sanay ka na naman na siguro
pasensya
ikaw na naman ang nakatanggap
ng walang kwentang mga letrang ito
sanay ka naman na siguro
pasensya
pero ito na
babalik na talaga ako sa'yo
nakakapagod nang gamitin ang labi
balik ulit ako sa daliri.
may babalikan
pa naman ako
... 'di ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top