mangkukulam

hindi makapa ang tamang salita
mukhang nahulog na nga
kanina'y binigay, siya ang sumapo
ngayon nalaman, siya rin ay nakapako
dumurugo ang malalim na mata
nagsusumamo ng pagsinta
nais masuklian, kalungkutan ang nasamo
binigyan ng pag-asa nang ang dalaga'y tumango
"hindi pa sigurado," ang dalaga'y nagpatotoo
"pagsisinuungaling ay hindi ko alam,
ngunit pag ako'y sinaktan kaya kong mangkulam."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top