kahit paalalahanan mo lang ako na mabuhay

ako kasi'y binabalot ng takot
hindi lamang basta pagkabagot
nais na talagang matulog
matagal na rin kasing hinahatak
papikit ng pangmatagalan

may takot pa rin naman
nais pa rin namang labanan
kaya't hindi ko man alam kung saan
kung sino o kung ano ang lalapitan
lantarang ipararating na aking kailangan

—utak ng isa na may bibig
ang aking iniibig.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top