ganon pala ang impyerno
kagabi, muntik nang malagutan
tila hinahabol ang hangin
na parang nasa isang karera
marami ang nakakakita
marami ang nag-aalala
ngunit wala sakanila
ang nagbigay ng ihip
upang ako'y ginhawahan
kagabi, pag-asa'y nawala na
tila isang manipis na bula
na parang wala nang halaga
marami ang nakadama
marami ang nagambala
ngunit wala sakanila
ang nagbigay ng kamay
upang ako'y magpatuloy pa
kagabi, tinanggap na
wala nang bukas na ako
ayos lang naman siguro
nagin masaya rin naman ako
walang nakaalam
walang nakapansin
kung paano pumatak
dugo imbes luha
paalam na.
[111620]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top