espesyal na tula para kay sehkai
hindi niya na nga raw kasi kailangan
mga mata ay gusto niya nang takasan
kahit na ngayon, lalo na ngayon, kaniyang kaarawan.
hindi mahanap ang tamang mga letra ngunit ako'y tunay na masaya
sa bawat iyong paghinga ay aking pagkasigla
pero hindi ko napapansin na ikaw pala ay napapagod na.
damayan sa mga pagkakataong tayo ay parehas nang hindi kaya
pasensya kung medyo nawawalan na ako ng oras sa ating dalawa
alam mo naman siguro, palagi namang binabanggit, ito'y pangmatagalan na.
isang munting tula na mahahalatang hindi pinaghandaan
pasensya na, ito lang ang aking nakayanan
ngunit sana'y iyo pa ring nararamdaman
ang mahipit na yakap na dulot ng aking mga salitaan.
pangmatagalan, kaibigan.
maligayang kaarawan!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top