bukas ang tenga basta ikaw

sapat na sa akin
pagbuka ng 'yong bibig
wala mang himig
ako may nilalamig
hindi rito padadaig

sapat na sa akin
padilat ng 'yong mata
kahit hindi ako makita
ako'y nasa harapan mo na
naiintindihan kita

sapat na sa akin
pagkumpas ng lapis
mga salita'y may labis
sa akin nalang itapon
sasaluhin kahit ambon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top