Chapter 6
Walang gana kong pinaglalaruan ang paint brush ko. Wala talaga ako sa mood magpinta. Nakahalumbaba ako sa bintana ko habang pinapakiramdaman ang init na sinag ng araw. Hindi ko pa rin talaga maintindihan. Bakit ba hindi mawala sa isip ko yung malungkot na ngiti niya? It has been freaking six months.
“Anong ginagawa mo, Ate?”
Napalingon ako kay Yana, may dala siyang tray na may lamang cookies at cakes. Matatamis na naman?
“Bakit inuuntog mo ang ulo mo diyan? Head bang lang ang peg, Ate?” Pang-aasar ni Yana. “Rakista ka na ngayon? Rock and roll?”
Inirapan ko siya at mabilis kumuha ng pagkaing dala niya. Mahilig talaga magbake si Yana at napaka sarap niyang magluto. Naidura ko ang cookies na nginunguya ko nang hindi maipaliwanang na lasa ang natikman ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko ang cookies na dala niya bakit parang lasang pinaghalong durian, luya, at chocolate?
“Ano ’to? Bakit ang panget ng lasa?” Pagrereklamo ko at ininom ang tubig sa tabi ko.
Isang malakas na tawa ang isinagot sa akin ni Yana. Ah, oo nga pala
Sa rami ng ganap sa buhay ko, nakalimutan kong masarap nga siya magluto pero pagtinotopak nag-luluto rin sya ng out of this world na karumaldumal na pagkain. Mabigat akong humugot ng malalim na hininga saka sinamaan siya ng tingin.
“Sayang ang pagkain, Yana.” Naihilot ko na lang ang noo ko. “Ang daming batang wala nakain at nagugutom pero ayan ka, nagsasayang—”
“Maiba nga tayo, Ate, naalala mo ’yong sinabi ko sa ’yo na pamilyar ang mukha ni Oppa?”
“Oppa?”
“Outdated ka na talaga, Ate.” Umiiling na kumuha ng isangp cookie si Yana. “Oppa kung sa Tagalog Kuya pero para sa akin kuyang gwapo ’yon. Tipong jojowain. Parang si Lee Min Ho my loves or si Cha Eun Woo, alam mo ba na ang gwapo gwapo niya sa Island. From cold campus crush sa Gangnam Beay to a hot and funny priest sa Island, iba talaga ang isang Eun Woo. Alam mo bang otp ko talaga sila ni Jeon Somi. Visual couple talaga sila if ever!”
Ha? Nagsalubong na lamang noo ko. Wala akong naintintindihan sa paliwanag niya kun’di oppa, kuya, at gwapo. Nakalimutan ata ni Yana kung ano talaga ang gusto niyang sabihin.
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” pagpapaalala ko.
“Ang gusto ko lang naman sabihin, Ate, si Ahn Jae-hyun na ang oppa ko total naman hiwalay na sila ni Kyu Hye-sun. Pwede rin si Park Bo-Gum kasi ang cute cute niya pero shiniship ko sila ni Kim Yoo Jung kaya final na to kay Lee Jong-suk oppa na ako,” mahabang paliwanag ni Yana habang naglalakad kami. “Pero magpapalaya para kay IU ako, pili lang ako sa other 99+ oppa ko.”
Nakakamangha kung paano niya namememorize ’tong mga pangalan ng mga oppa niya. Napailing na lamang ako, nakalimutan nga niya kung ano talaga pinag-uusapan namin. Tinalikuran ko siya pero bigla niya akong hinila at iniharap sa kanya.
Ngumiwi siya sa akin. “Last na talaga ’to Ate. Alam mo bang naniniwala na talaga ako na walang forever kasi isipin mo ’yong Jadine. Naniniwala daw sila sa forever doon sa kanta nilang ‘Bahala na’ pero naghiwalay din sila kaya mas magandang kumain nalang sa Mcdonald’s ’tas bili tayo ng BTS meal.”
Napakunot ang noo ko sa sinambit ni Yana. Jadine? Bahala na? Kasama din ba ’yan sa mga oppa na sinasabi niya? BTS meal? Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag pero hindi na ako nakinig. Bahala na siya diyan ngumawa.
Wala naman akong alam sa oppa oppa na ’yan at wala akong balak alamin. Sinimulan ko na lamang linisin ang mga materials ko. Ngunit nagulat ako ng bigla niyang inilapit sa mukha ko ang isang lumang papel.
“Sabi ko na familiar si Mysterious oppa eh!” Ipinakita niya sa akin ang lumang painting ko. “Hindi ba siya ’yong sinasabi mo na lagi mong nakikita sa panaginip mo?”
Tinitigan ko ang luma kong painting. Nagkunot ang noo ko. Isang beses ko lang naman siya nakita at iyon ay noong gabing tinulongan niya kami? Iba ang kasuotan niya sa mga panaginip ko. Wala rin akong maalala na ipininta ko siya noon.
“Hindi ba nga tuwing napapanaginipan mo siya noon ay lagi kang nagigising na may luha sa mata mo?” Tanong ulit ni Yana.
Agad kong kinuha ang luma kong painting. Oo, may isang paulit-ulit na panaginip ako na nagigising akong umiiyak pero malabo ang mga mukha sa panaginip kong iyon kaya ’di ko alam kung sino at ano ang mayroon sa panaginip ko na ’yon pero maglilimang taon ko ng hindi napapanaginipin ’yon.
“Hindi ako ang nagpinta niyan, Yana.” Hindi ako sumang-ayon sa mga sinambit niya sabay kuha niya ng papel. Napaka imposible talaga. “Wala akong maalala na ginawa ko ’yan.”
“Ate naman, nakita kaya kitang ginawa ito noon. Halos tatlong araw mo nga akong ’di pinansin at lagi mong tinititigan ’yan. Kahit si Papa ay walang nagawa sa kasungitan mo noon.” Umupo siya sa bakanteng upuan ko at matagal na tinitigan ang portrait. “Bumabangon ka pa ng madaling araw para lang ipinta ’yan at kahit ilang beses kitang tawagin ay ’di mo talaga ako pinapansin, tapos mag-dedeny ka pa sa akin. If I know, crush mo 'y’yong lalaking ’yon at tinatago mo lang sa akin kung kailan mo siya nakilala. Para kang others.”
Himablot ko ang papel na hawak niya at tinitigan ito. Ang pagkikita namin sa perya ay isang malaking pagkakataon lamang at doon ko ginugol ang buong buhay ko at kahit kailan ay hindi ko siya nakita roon. Kung nakita ko siya ay maaalala ko lahat.
“May evidence ako, Ate. Buti nalang at kinuhanan pala kita ng bidyow noon.” Pagmamalaking pahayag ni Yana sabay labas ng kanyang cellphone.
Iniharap sa akin ni Yana ang isang video na nagpipinta ako habang humuhuni. Pinanood ko ang video at napakunot ang noo ko, wala akong maalala na ginawa ko ’to. Bago natapos ang video ay nakita ko ang pagbukas ng bibig ko tila may sinasabi. Walang lumabas na salita pero pinilit kong basahin kung ano man ang sinabi ko sa video. Ra-fa-el?
“Tapos bigla kang nahimatay noon. Alam ko kasing idedeny mo kaya kinuhanan kita ng video pero nakalimutan ko tuloy ang tungkol sa video kasi ilang araw ka ring nawalan ng malay. Ang weird mo lang talaga kasi nun. Parang hi di ikaw ang Ate Lia ko. Ngayon ko lang naalala ulit.”
Agad kong kinuha ang jacket ko at naglakad papunta sa pinto. This is it, this is my cue. I need answers, I need to meet that man.
“Rodriguez Empire, ’di ba?"
“Ha? Oo?” Nagugulohang sagot ni Yana.
“Pumunta ka na sa group study niyo, may importante lang akong pupuntahan,” nagmamadali kong saad.
Narinig ko ang pagtawag ni Yana pero ’di ko siya pinansin at mabilis pumara ng taxi.
“Rodriguez Empire po.”
Tinitigan ko ang drawing ko... sino ka ba talaga?
Naramdaman ko ang pasulyap sulyap ng drayber sa akin. Alam kong naweweirdohan na naman siya sa suot ko. Hindi ko nalang pinansin at ’di nagtagal ay dumating na rin kami sa destinasyon. Agad akong nagbayad at pumasok sa building ng kompanya.
“Andito ba ang lalaking ito?” Ipinakota ko sa receptionist ang drawing ko.
Lumapit sa kanya ang isa pa niyang kasamahan at tiningnan ang papel ma hawak ko. Nagbulungan sila at eto na naman ang bagong uso, bulongan na naririnig mo naman.
“Si sir Chase ’yan, ’di ba?" Bulong ng babaeng lumapit.
“Tumawag na kaya tayo ng guard?” Sagot ng babaeng kausap ko kanina.
“Stalker ba niya ’yang babaeng ’yan?”
Nagkatitigan silang dalawa bago mapanghusga akong tinitigan.
“Nakakatakot naman. Napapadalas na ang pagkalat nila.”
“Pero iba talaga si Sir Chase kahit baliw ay nahuhumaling sa kanya. Ano bang ginagawa ng mga guard at nakapasok siya?” pagpapatuloy pa ng isa.
Napairap nalang ako sa bulongan ng dalawang receptionist. Sanay na ako sa ganitong pagtrato sa akin pero wala na akong pakialam. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman si Rafael sa kakayahan ko. Baka may paraan para mamuhay ako ng normal at mawala ang abilidad kong ito.
“Una, naririnig ko ang bulongan niyo. Pangalawa, hindi ako stalker. Pangatlo, may importante lang akong itatanong sa lalaking ’yan at pang-apat sino ba talaga ’tong lalaking ’to?” deretsahang tanong ko.
May biglang kumuha sa papel at prenteng ipinatong ang kaliwang braso niya sa counter. Speaking of the devil.
“You’re stalking me pero ’di mo alam ang pangalan ko?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Or are you just pretending?”
“Sir, kilala niyo po ba siya?”
“Yes and no,” simpleng sagot niya.
Nagkunot ang noo ko sa sagot niya. At dahil ayokong magsayang ng oras, hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas. Agad siyang huminto kaya naman nabaling sa kanya ang atensyon ko.
“It has been what? Six months? And you changed a lot but you seem to not give up yet,” manghang wika niya. “You’re tenacious, ain’t you? Did you already forget what I told you six months ago?”
“Kailangan nating mag-usap,” pagsasawalang bahala ko sa kahanginan niya.
Nakipagsugatan ako ng tingin sa kanya. Kailangan ko lang ng sagot. Kung matutulongan mo ba akong mawala ang abilidad ko o kung kailan ako titigilan ng alaala ni Rafael.
Inilagay niya ang kamay niya sa kanyang bulsa. “If we’re going to talk, let’s do it in my office. May meeting pa ako by one. I can’t leave my office, Strange woman.”
Naglakad na siya papasok ng building kaya naman agad ko siyang hinabol. Nagtaka ako ng lahat ng mga empleyado na nadadaanan namin ay magalang na bumabati sa kanya. Agad kong itinuon ang atensyon ko sa kanya.
”Malia ang pangalan ko! Hindi strange woman.”
“At Chase ang pangalan ko, not lalaking ’yon or lalaki,” ganting sagot niya.
Napakamot na lamang ako sa aking tainga. Siya ata ang tipong ayaw magpatalo at laging may maisasagot. Sumakay kami sa elevator at napahanga ako ng makapasok kami sa office niya. Minimalistic at modern ang istilyo ng kanyang office.
Umupo sya sa swivel chair na nasa gitna ng malaking silid. Meron ding parte na may itim at eleganteng sofa na may kasamang table sa kaliwang bahagi ng silid at sa kanan naman ay malaking wooden bookshelf.
“So what can I do for you, Malia? I thought I told you to give up. It’s surprising.” Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo muli na para bang hinuhusgahan pati ang kaluluwa ko. “You’re quite persistent. I didn’t expect that from you... and haven’t I told you that tactics don’t work on me?”
Agad kong tinanggal ang gloves ko at hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya. Napakunot ang noo ko. Wala akong makita. Agad ko itong binitawan at napaisip ng malalim. Bakit kung kailan may gusto akong malaman ay wala naman akong nakikitang pangitain?
“What are you?” Salubong din ang kilay niya. “Oh, God. You’re damn hard to read,” rinig kong bulong niya.
Inirapan ko sya at muling isinuot ang gloves ko. “Para lang sa kaalaman mo, hindi kita pinagnanasahan. Sinabi mo sa akin noon na naniniwala ka sa akin.” Sinalubong ko ang mga mata niya. “May abilidad akong makita ang nakalipas na buhay ng tao. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado akong makukuha ko ang kasagutan sa çyo.”
Hindi siya agad sumagot at tinitigan ako.
“How can you be so sure about that, Malia?” May bahid ng pang-aasar ang tono niya. “Don’t you think it’s more plausible that you are doing this because you like me? Did you fall for me because I told you I believed you?”
Napatawa ako sa kapreskohan niya. I am both insulted and baffled in his arrogance. Napatitig ako sa mukha niya, hindi talaga maipagkakaila na may itsura siya pero wala akong oras sa pag-inog o relasyon.
Matangos na ilong, makakapal na kilay na bagay na bagay sa kanya, well-shaped din ang natural jawline niya, at ang nakakait na mga labi niya na nakakapanghina ng tuhod... pero ang mas nakakaagaw ng pansin ay ang mga mata niyang malamig at walang emosyon.
“And now, you're checking me out,” dugtong niya.
Agad akong napaiwas ng tingin. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko sa kahihiyan. Umubo ako ng peke bago muling magsalita.
“Nung magtama tayo noong una tayong magkita, may kakaiba sa pangitain ko.” Muli kong iniwasan ang mga mata niya. “Hindi ko maipapaliwanag sayo kasi alam ko namang hindi mo maintindihan.”
“Then, let me understand. Don’t just go around telling me I won’t understand, don't underestimate me.” He crossed his arms as he intently stared at me. “I’m Chase Rodriguez, you know.”
Nakakamanghang makita na ibang iba ang personalidad niya sa Rafael sa aking pangitain. They literally have the same face but he is completely opposite from his past self.
“Usually, nakakakita lang ako ng pangitain if our skins touch kaya ganito ang suot ko dahil naiiwasan ko ang makakita ng pangitain pag—”
“Oh, I thought that’s just your weird fashion sense,” mapanuksong ngisi niyang pahayag.
Sinamaan ko siya ng tingin. Wala na bang magandang lalabas sa bibig niya? I am not usually like this but for some reason, sobrang naiinis ako sa kanya.
Ignoring his remarks, I continued. “Pero iba ka... kahit hindi nagtama ang balat natin at nakakita pa rin ako ng pangitain. At doon ko rin nakita kung saan nagsimula ang sumpa ng pamilya mo. Isa pa, hindi lang ang iyong nakaraang buhay ang nakikita ko pati na rin ang alaala ng babaeng sumumpa sa ’yo. Ang pinaka nakakapagtataka ay sa maga pangitain ko ay nasa katauhan mo ako and that never happened before, my ability only allows me to watch your past life’s memory in a third person view. At nakita na kita noon, nakita kita sa mga panaginip ko.”
Hindi ko mabasa ang nasa mata niya. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Ramdam ko ang tensyon sa amin. Mas lalong dumadami ang katanungan ko, maraming nagbago simula ng makilala ko siya. At unti-unti kong naikokonekta ang mga sinasabi ni Yana na nangyari noon na wala akong alaala.
“So what do you want me to do?”
Hindi ko alam kung kailan o paano ko makikita ang pangitain ko kaya isa lang na paraan ang naisip ko.
“Hayaan mo ako sa tabi mo,” buong diin kong sagot. “Nothing special.”
Nakita ko ang pag-angat ng labi nya na tila ba naaaliw at namamangha sa narinig.
“Give me one good reason, why should I let you?” Mapang-asar niyang tanong. “I’ll give you five seconds.”
“Teka—”
“One,” pagputol niya habang ginagamit pa ang kamay sa pagbibilang niya.
Lia, bilis. Isip, ’di mo naman pwedeng sabihin na ginagawa mo lang to para sa sarili mo. Mas lalong ’di sya papayag.
“Ano—”
“Two, come on now, Malia. Your time is almost up. Three—”
“Teka nga muna!” Natataranta at inis kong reklamo.
“Four... five. I guess you can’t give me even one. Then just leav—” sambit niya at saka tumayo at naglakad patungo sa pinto.
Nataranta ako sa narinig kaya naman sa taranta ay lumabas sa bibig ko ang isang kasinungalingan na habang buhay kong pagsisisihan.
“Alam ko kung paano maalis ang sumpa!”
Siguro...
Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at may magandang matandang babae ang biglang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko.
“Marry my son, dear,” sambit niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top