Chapter 5
Anong ibig niyang sabihin sa dapat namatay na siya two years ago? May kakayahan pa lang magmahal ang tulad niya? Napailing ako sa naisip, ano ba Lia? Huwag kang judgmental.
Pero kung ganun nga, ibig sabihin, para mabuhay ay ’di na dapat siyang iibig muli kasi kung sakaling magmahal siya ulit ay mamamatay siya? E’di forever matandang binata na siya? Ang lungkot naman nun, sayang ang lahi niya. Teka, ano naman sa akin kung ’di masusundan ang lahi niya? Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Takte naman, ang gulo! Nababaliw na ata ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko?!Ah, alam ko. Na. Oo, dahil sigurro pakiramdam ko siya ang sagot kung bakit may kakayahan akong ganito, hindi ko alam kung bakit pero malakas talaga ang kutob ko.
“Ate Lia, tulala ka na naman. Samahan mo na kasi ako at matagal na akong kinukulit ni Trisha na makita ka.”
Ibinaba ko ang paint brush na hawak ko saka tinitigan si Yana na suot ang dilaw na plain t-shirt at black joggerpants. Anim na buwan, anim na buwan na kaming nakatakas sa perya pero hindi pa rin ako sanay sa bagong buhay namin.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko rin makalimutan ang lalaking tumulong sa amin pero simula ng huli naming pag-uusap ay hindi ko na siya muling nakita.
“Ikaw nalang ang pumunta, susunod nalang ako,” pabalang kong sagot.
Mahigpit na hinawakan ni Yana ang braso ko at pilit na hinihila. Ayoko ng maulit ang pagkakamali kong iyon.
‘‘Ate naman eh! ’Yan din ang sinabi mo last week. Ta’s hindi ka rin lumabas ng bahay, lagi ka nalang nagkukulong. Explore the world, we are finally free!” pangungulit ni Yana.
Free? Wala naman akong karapatan magpakasaya sa kalayaan kung hanggang ngayon ay nakakulong pa rin si Mama kung saan man siya itinago ni Tito Isme.
Blangko ko siyang hinarap. “ Wala akong karapatan maging malaya, Yana. Kung habang si Mama ay hindi ko alam kung saan ikinulong ni Tito Isme.”
“Ate, hindi sasaktan ni Papa si Mama.” Bumuntong hininga si Yana at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. “Isa pa, hindi mo kasalanan ang nangyari kay mama at mas lalong hindi gugustuhin ni Mama na nagkukulong ka dahil sa kanya.”
Paano kung galit talaga sa akin si Mama dahil sinira ko ang buhay niya? Paano kung hindi siya ikulong ni Tito Isme? Paano kung ayaw niya na kaming makita dahil sa akin? Ibig sabihin ay kasalanan ko na lumaki si Yana na nangungulilala ng ina.
“Ate, please samahan mo na ako,” pagpupumilit ni Yana.
Hindi ko alam kung kanino o kailan ko makikita ang isang pangitain pero takot pa rin ako. Pero ang tanggohan ang kagustohan ni Yana dahil lang sa takot ako ay hindi rin katanggap-tanggap. But if I’m going to be honest, being unable to control this ability made it impossible to function as a normal citizen. Parati akong pinangungunahan ng takot.
I tried. Sinubukan ko naman talaga... but I failed miserably. Siguro nga ay sa perya talaga ako nararapat. Nakalaya nga ba talaga ako?
“Ate, alam ko ang iniisip mo. There’s so much the world can offer you. Alam kong mahirap pero hindi ka p’wedeng habang buhay na magtago sa bahay.” Hinawakan ni Yana ng malambing ang balikat ko. “Hindi dahil nakikita mo ang nakaraan ay mamumuhay ka na rin doon. Paano nalang ang kasalukuyan mo? Itatapon mo nalang ba pati ang hinaharap mo sa takot sa nakaraan? Hindi mo man mababago ang nakaraan ay pwede mo namang bagohin ito sa kasalukoyan!”
Napabuntong hininga na lamang ako. Alam kong hindi titigil si Yana sa pangungulit. Sinalubong ko ang mga titig niya.
Halos araw-araw mong sinasabi sa akin ’yan pero tanging panonood lang ang abilidad ko Yana, wala akong kakayahan bagohin ang ano man.
Napabuntong hininga na naman ako. You are overestimating me, I’m not as great as you think. Mali kayo ni Mama, walang saysay ang abilidad ko. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata ni Yana. Napabuntong hininga na naman ako. Io really can’t win against her tears.
‘‘Just this once,” sagot ko. “Lumabas ka na at magbibihis lang ako.”
Napatalon sa saya si Yana at pakanta kanta pang lumabas ng silid. Niligpit ko ang materyales na nagkalat at mabilis na nagbihis. Matapos ay lumabas na ako at nadatnan si Yana na naghihintay sa may pinto.
Nakabusangot na hinarap ako ni Yana. “Ate naman! Ang init init ng panahon kung balutin mo ang katawan mo parang may snow sa labas!”
Isang makapal na jacket, gloves, at mask ang suot ko. Kung maiiwasan ko ay ayoko na magkaroon ng kahit na anong kontak sa ibang tao.
“Hahayaan mo ako o hindi ako sasama,” pananakot ko.
These are my safety precautions. Agad na hinawakan ni Yana ang braso ko at binigyan ako ng isang malapad na ngiti.
“Ano ka ba, joke lang, Ate. Ang ganda nga ng fashion sense mo kakaiba. Arat na!” mabilis niyang sambit. “Excited na akong makilala mo si Trisha, pinsan natin siya, at ang anak niyang si Johnny. Napaka cute ng batang ’yon, Ate.”
Napairap nalang ako sa sagot niya. Kahit kailan talaga ’tong batang ’to. Lumabas na kami ng bahay at pumara ng taxi na masasakyan. Nainis ako sa titig ng drayber sa akin na para ba akong isang nilalang galing sa ibang planeta.
Hindi talaga ako masanay sanay sa mga titig ng mga tao na parang nandidiri sa akin. Isa ’to sa rason kung bakit mas gusto ko pa sa bahay at magpinta na lamang. Bumaba kami sa isang family restaurant, sinalubong kami ng nakangiting matabang batang lalaki.
“Tita Alyanna!”
“Johnny! Napaka gwapo kong pamangkin! Para namang ’di tayo nagkita kahapon,” tumatawang sambit ni Yana sabay yakap sa bata. “Say hi to Tita Lia o, siya lang naman ang nag-iisang magandang Ate ko.”
Nginitian ko lamang siya. Bumitaw sa pagkakayakap si Johnny kay Yana sabay hinawakan ang kamay ko at masayang ngumiti.
‘‘Tita Lia kapag matapos mo na ang misyon mo ’di lang isa ang maliligtas mo kung hindi apat pa!” Masayang sambit ni Johnny.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya pero napagdesisyonan ko nalang sumabay sa kwentong bata niya. Lumapit naman si Yana sa isang ’di katangkarang chinitang babae at nagbeso sila.
“Magiging si wonder woman na ba si Tita Lia? E’di dapat marami akong maliligtas hindi lang apat.” Tumatawa kong sagot.
Tumigil sya sa paglalakad at hinarap ako. Salubong ang kilay nya at nakapamaywang. Hindi ko mapigilang manggigil kaya kinurot ko ang magkabilang pisngi nya.
‘‘Tita Lia, hindi ’yan ang tinutukoy ko. Si Kuya sa panaginip mo ang tinutukoy ko,’’ sambit niya na ngumunguso.
Ha? Sa panaginip ko? Paano niya nalaman ang tungkol sa panaginip ko? Ikinwento ba ni Yana kay Trisha ang tungkol doon at narinig ni Johnny?
“Ano bang—” Hindi ko natapos ang tanong ko ng may biglang bumuhat kay Johnny.
“Ano bang tinuturo mong kabaliwhan sa anak ko? Bakit nasa labas ang mangkukulam na ’to? ’Di ba lagi naman ’tong na sa lungga niya? Maghahasik na ba ng kadiliman ang weirdong ’to?” inis niyang singhal at nagsalubong pa ang manipis niyang kilay.
Napataas ang kilay ko sinambit niya. I’ve never met this man but I’m guessing asawa ’to ni Trisha? I’m sure he’s one of those judgmental people.
“Paulo, huwag kang bastos. Nakakatandanag kapatid ni Yana si Ate Malia.” Biglang paglapit ng babaeng kausap ni Yana. “Pasensya ka na Ate Malia dito kay Paulo.”
“Oh, bagay sa ’yo ang pangalan mo impakto,” wala sa sarili kong tugon.
Pagod na akong lagi nalang kinukutya, hindi naman p’wedeng parating magpapaapi lamang ako. Hindi ako makapag concentrate dahil sa kumikinang niyang ulo, may itsura siya pero nakakadistract talaga ang ulo niya lalo na ngayon na sobrang init at nasa labas pa kami ng restaurant. Nag-sha-shampoo kaya ang mga kalbo?
“What did you just call me?” Galit niyang asik na nag ubuga pa ng usok ang ilong.
“Impakto, este Paulo.” Nakangiti kong pag-ulit.
“Ooops, awat na. Arat na at gutom na ako at si Johnny, ’di ba?” pagsingit ni Yana.
Tumango si Johnny saka hinila ako papasok sa restaurant. Namangha ako sa disenyo ng restaurant, malawak ang lugar, at kita mo ang ganda ng dalampasigan at mayroong sulok na nagpaagaw sa aking atensyion. It’s the murals and wall art section.
“I heard from Yana na mahilig ka raw sa art kaya naisipan naming dito na lamang mag-lunch sa Panagatan kasi maliban sa magandang view, ay kung gusto mo maaari ka ring magpinta rito,” ani ni Trisha.
Napalingon ako sa kanan ko ng makita si Trisha na nakangiting kinakausap ako. Ito ang una naming pagkikita pero ’di ko inaasahang magiging mabait siya sa akin. I bet she heard from Yana about my ability.
“Salamat,” tanging na isagot ko kay Trisha.
“Tita Yana!” Masiglang tawag ni Johnny.
Pinanood kong masayang namimili ng pagkain sina Yana. Napangiti na lamang ako, ito ata ang unang pagkakataon na sabay kaming kakain sa labas. Parati kasing sa bahay lang ako kumakain, either mag-isa o kasama si Yana.
It was just always me and her, and now I have these new people trying to enter my life. Sinundan ko si Trisha patungo sa upuan namin. Simple lang ang design; wooden dining table na six-seater pero maaliwalas naman ang lugar.
“Paulo kumain ka na nga lang d’yan. Wala ding magagawa ’yang pagmamaktol mo,” sambit ni Trisha saka sumubo sa pagkain niya.
“Wala akong gana kumain,” nakabusangot niyang sambit. “Makakakain ka pa ba ng maayos kung lahat ng tao nakatingin sa ’yo at pinagbubulongan ka?"
Nakita ko ang takot sa mata ni Johnny at malapit na itong umiyak. Mahina among naabuga ng hininga bago malakas na ilapag sa lamesa ang hawak kong kutsara’t tinidor. Wala akong pasabi na tumayo at naglakad papuntang banyo.
Tinitigan ko ang gloves ko, ayokong sirain ang unang pagsasalo namin at ayaw ko ring mapahiya si Trisha dahil kasama ako. Dalawa lang ang pagpapapilian ko. Una, uuwi nalang ako o pangalawa tanggalin ko ang jacket ko at gloves.
“Tingnan mo nga o.”
“Weirdo.”
“Feeling koreana ata.”
“Bagong fashion? Sa mainit na panahon?”
“Baliw siguro? Paano kaya nakapasok?”
“Lumabas na nga tayo.”
Bulong pa ba talaga ’yon? Rinig na rinig ko naman.
Hindi ko alam kung ilang minuto kong tinitigan ang sariling repleksyon bago nakapagpasya.
Okay, I’ll choose the latter. Para sa pagbabago, huminga ako ng sobrang lalim bago tinanggal ang jacket at gloves ko. Isang loose gray fit tank top ang suot ko—alangan namang mag-long sleeves ako, nakajacket na nga ako sa init ng panahon tapos magsusuot pa ako ng mahaba sa pangloob.
Nagsusuot lang naman ako ng jacket kasi ayokong madikit ang balat ko sa ibang tao. Kung long sleeves lang ang susuotin ko ay masyadong manipis kaya hindi effective. Dapat pala nag-long sleeves nalang ako ngayon. No use in crying over a spilled milk. Pinusod ko ang buhok ko bago lumabas.
Sa unang pagkakataon mula ng makalaya ako sa perya ay naramdaman ko ang ihip ng sariwang hangin paglabas ko. Hindi ako sanay kaya naman lumabas akong hawak ang kaliwang braso ko.
“Ate Lia?!” Gulat na tawag ni Yana at Trisha sa akin.
I awkwardly smiled with their reaction. Mas ramdam ko tuloy ang hiya. Umupo na ako at nagsimula ng kumain muli pero ramdam ko pa rin ang titig ni Yana at Trisha. I’ll wear my jacket again once makalabas kami. For now, I just want to eat peacefully.
“Sigurado ka bang ayos ka lang Ate?” Nag-aalalang tanong ni Yana. “Paano kung may makita ka na namang pangitain?”
“Tsk, attention seeker talaga,” rinig kong bulong ni Impakto.
Isa na namang bulong na hindi bulong. Bago pa ako makapagsalita ay pinalo na ni Trisha si Impakto sa braso, at nagtalo na naman sila. Kita mo naman na under na under ’tong si Impakto kay Trisha. Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyonan naming maglakad lakad muna sa park bago umuwi.
Nagkekwentohan lang si Yana at Trisha. Si Impakto naman ayon kinarma at sumakit ang tiyan at hanggang ngayon ’di pa rin bumabalik. Nagulat ako ng biglang may nakabangga sa akin.
“Sorry Miss, sorry,” sambit niya bago tumakbo palayo.
Napahinga ako ng malalim. Kinabahan ako doon, buti nalang ay wala akong nakitang pangitain. Maganda man o hindi ay ayokong makakita ng pangitain. Para kasing invasion of privacy din eh. Sa totoo lang, gusto ko lang talaga maging normal. Gusto kong maging katulad ng iba. Gusto ko lang naman mamuhay na walang abilidad na ito.
Pagod na akong mamuhay sa takot tulad nito. Takot na ako sa posibilidad na makita ang nakaraang buhay ng makakadampi ko.
“Tita Lia,” pagtawag ng atensyon sa akin ni Johnny. Binigyan niya ako ng malawak na ngiti na naging dahilan ng pag-labas ng dimples niya. “Pag-ibig laban sa pag-ibig.”
Ano bang alam ng isang sampung taong bata sa pag-ibig? Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng tama sa akin ng sinambit ng pamangkin ko. Anong ibig niyang sabihin? At nakakahinalang alam niya ang tungkol sa lalaking napanaginipan ko.
“Trisha! Tigil tigilan mo nga ang panonood ng teleserye kasama ang anak mo,” sigaw ko kay Trisha. “Kung ano-ano nalang sinasabi ng anak mo eh.”
Idaan ko man sa biro ay ’di mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ng pamangkin ko. Maaaring imahinasyon lamang ito ng bata dahil sa mga napapanood n’ya o tulad ko ay may kakaibang abilidad din si Johnny. Pero bakit paraang may laman ang mga sinabi niya? Hindi ko maipagkakailang, nababahala ako sa sinambit ng bata.
***
Ito na request mo, @lordmasternightfall salamat sa pagbabasa HAHAHA mabait kasi ako at naiinspire mo ko lately, ayiiiieee HAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top