Chapter 21
Tulala akong nakadungaw sa may bintana. Ano ang susunod na mangyayari? Kung kailan gusto kong makita ang nakaraan ay hindi ko naman magawa.
Tama ba ang hinala ko? Muli ba talagang mangyayari ang nangyari sa nakaraang buhay ni Chase? I hope it was just a coincidence... Napakurap ako ng maramdaman ko ang daliri ni Chase sa kilay ko.
"You've been spacing out wife at bakit salubong na naman ang kilay mo. What are you thinking?"
"Iniisip kita," wala sa sarili kong sagot.
Huli na ng mapagtanto ko kung anong lumabas sa bibig ko at napatakip sa bibig ko. Totoo naman kasi na iniisip ko ang sitwasyon ni Chase at ni Isabelle pero bakit ang pangit pakinggan ng sinabi ko?
Hinawakan ni Chase ang dibdib niya at umaktong nasasaktan siya. "You nearly caused me to have a heart attack, wife. That's not fair."
Anong not fair? Ikaw nga, walang tigil ang pagtatambol ng puso ko dahil sa'yo tapos magrereklamo ka ngayon? Ni hindi ko na nga maintindihan ko dahil sa'yo. I don't even know when I started having these feelings. Sarap mong iuntog sa pader.
"Whoa, chill there wife. I know bad boy image is a trend but I prefer you liking my handsome face as it is," tumatawa niyang sambit. "And no wife, you blurted that out loud. Ayokong mauntog sa pader," pag-mamaktol niya bago bumulong ngunit narinig ko rin. "Why am I always attracted to violent girls?"
Muling nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon? Ibinato ko na lamang ang unan sa kanya. Marami pa akong dapat isipin pero eto naman siya ang dami talagang kalokohan nalalaman.
Tumatawa pa rin siyang lumapit sa akin at inilagay ang unan sa higaan namin. Nagulat na lamang ako nang hinila niya ang kamay ko na naging rason upang mapaupo ako sa higaan kasama siya. Hindi pa ako nakakabawi ay nilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko at niyakap ako nang mahigpit na parang batang naglalambing habang nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat.
"T-teka, may sariling kwarto ka naman ah? Bakit andito ka?" Nauutal kong sambit.
Pilit akong kumakawala sa kanya pero hinigpitan niya lamang ang yakap sa akin.
"Do you think it make sense na mag-asawa tayo but you're in a different room?" Sagot niya.
Pero sa magkaibang kwarto na kami natutulog simula pa lang! Bakit biglang gusto niyang nasa iisang kwarto lang kami bugla? Ano ang pinaplano niya? I wiggled my way out if his embrace, still struggling to get away from him.
Sa wakas ay nakalayo na din ako sa kanya. Agad ako tumayo at nakapamaywang na humarap sa kanya.
"Pero mali pa rin," pag-rarason ko.
Napabuntong hininga na lamang ako pero isang pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Chase
"Ano namang mali? You're my wife and I'm your husband," makahulogan niyang ngiti habang lalong lumalawak ang kapilyon sa kanyang mukha. "And Mom won't allow it, you know how she's been pressuring us to give her a grandson. And I too think it's time."
Napairap nalang ako at napagdesisyonan kong lumabas nalang at sa salas nalang matulog. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nagkunot ang noo ko sapagkat mukhang nakasarado siya sa labas.
"I won't bite," aniya't kumindat nang lumingon ako sa kanya.
Inilahad ko ang kamay ko. "Asan ang susi?"
Hindi ako pinansin ni Chase at ipinikit ang mata niya. Inis akong lumapit sa kanya at kinulit siyang ibigay sa akin ang susi pero 'di niya ako pinansin.
"I'm tired, wife. Let's rest," sambit nya saka bigla akong hinila pahiga ulit. Ramdam ko ang lalong pagkabog ng dibdib ko. "If you won't stop, I know an effective way to keep your pretty lips shut."
Nanlaki ang mata ko ng dumapo ang tingin niya sa labi ko kaya agad kong tinakpan ang labi ko gamit ang dalawa kong kamay. Narinig ko ang mahinang paghagikhik ni Chase tila naaaliw pa sa reaksyon ko.
"Goodnight, wife," malambing niyang sambit bago hinalikan ang noo ko. "I won't do anything, I promise," bulong niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. "Naiilang ako."
"Get use to it wife," sambit niya saka pinikit muli ang mata.
Wala naman akong laban kay Chase eh. Tinititigan ko na lamang ang perpektong mukha ni Chase at hindi nagtagal ay nakatulog na rin siya. Sguro nga'y pagod talaga siya. Napaka himbing na ng tulog niya samantalang ako rito nag-aalburuto pa ang puso ko sa lapit niya sa akin. Sinubukan kong kumalas sa yakap niya pero lalo lang nyang hinihigpitan ang yakap sa akin.
Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang takot ko para kay Chase, paano kung ako ang maging dahilan para muling maulit ang trahedya sa nakaraan? Paano kung hindi ko maligtas si Chase? Paano kung hindi ako makahanap ng lunas? Am I really worth the risk, Chase?
"Tama ba talaga to, Chase?" Mahina kong bulong saka inilapat ang aking tainga sa kanyang dibdib.
Napabuntong hininga nalamang ako. Ang pintig ng kanyang puso ay nakapapawi ng nakakaligalig na isipan at nagpapakalma na halos parang isang oyayi sa akin. Naipikit ko ang aking mga mata at hindi nagtagal ay binalot na rin ng kadiliman ang aking kamalayan...
Nakita ko ang sarili kong pinapanood si Leonor na basang basa at umiiyak na nakaluhod sa lupa habang hinaharangan siya na dalawang lalaki. Isang pangitain na naman ba ito? Anong nangyayari?
"Mahal ko, anong ibig sabihin ng ikakasal ka na?" Umiiyak na sambit ni Leonor, ang kanyang mga mata ay nagsusumamo na mali ang kanyang mga hinala.
"Leonor, kahit na makasal man ako sa iba ay lagi mong tatandaan na ikaw, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at nag-iisang bumihag sa aking puso," malungkot na saad ni Rafael.
Nakita ko ang pag-iyak ng isang babae sa likod ni Rafael na yakap yakap ng isang matandang babae— si Josephine... kilala bilang si Elena ng panahon ngayon. Ibig sabihin ay nakatakda na talagang magtagpo muli ang landas ni Rafael at Josephine ngayong panahon. Nakatadhana ang kanilang pagkikita at ang sinabing kasal na tinakasan ni Chase.
Mas lalo tuloy lumalakas ang hinala kong mauulit muli ang trahedya. Sana, sana makahanap ako ng sagot dito... Lumapit na isang galante at magandang matandang babae kay Rafael at binigyan siya ng malakas na sampal.
"Paano mo nagagawang bitawan ang mga katagang iyan sa harap ng mapapangasawa mo?!" Galit na sigaw ng matandang babae.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Rafael ngunit hindi siya nagtangkang magsalita. At tangng pagkagat lamang ng kanyang ibabang labi ang kanyang nagawa. Mukhang wala siyang laban sa matandang babaeng nasa kanyang harapan.
"Alisin niyo ang hampaslupang iyan sa aking harapan," maarteng sambit ng matandang babaeng sumampal kay Rafael.
Mariing napapikit si Rafael tila nagpipigil sa inasal ng matandang babae. "Ma, ginagawa ko na ang gusto mo! Huwag mo namang tratohin ng ganyan ang babaeng totoong mahal ko—"
"Huwag mo ako subukan Rafael," puno ng diin at galit na pagputol ng matandang babae sa kanya.
Pareho silang napalingon kay Leonor nang marinig ang pagmamakaawa nito at paglakas ng hagulgol.
"Rafael, mahal na mahal kita. Handa akong lumaban para sa iyo, para sa atin", nagmamakaawang iyak ni Leonor. Inilahad ni Leonor ang kamay nya kay Rafael"Hawakan mo lang ang aking kamay, mahal. Pinapangako kong lalaban ako at sabay nating haharapin ang pagsubok na ito."
"Leonor, huwag mo gawin 'to. Nakikiusap ako," pagsusumamo ni Rafael. "Hindi ko kayang makita kang nagkakaganyan," mahina at puno ng lungkot na patuloy ni Rafael.
Madiing umiling si Leonor. Tumila na ang ulan pero puno pa rin ng luha ang kanyang magandang mata.
"Rafael, mahal na mahal kita," ani niya na hindi pa rin ibinababa ang kamay na nakalahad. "Hindi ba sapat ang pagmamahalan natin para ipaglaban ang nararamdaman natin? Nangako ka sa akin, nangako ka Rafael."
Hindi sumagot si Rafael at mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid. Magsasalita pa sana nag matandang babae nang kusang tinalikuran ni Rafael si Leonor at hinila si Josephine papasok sa kanilang bahay.
Bakas sa mga mata ni Leonor ang labis na sakit at ang pakiramdam ng pagtataksil ng lalaking pinagkatiwalaan at inibig niya ng buong buo. Paulit ulit siyang tinatawag ni Leonor pero hindi na siya muling lumingon pa at sabay noon ay ang paglaho ng imahe ni Rafael at Leonor...
Nagising ako ng maramdaman kong may kamay na pumapahid sa pisngi ko. "Hey, you're okay? What's wrong wife? Did you have a nightmare?"
Nang idilat ko ang anking mga mata ay nakasalubong ko ang nag-aalalang mga titig ni Chase. Umiling ako at ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinayaan ang sarili kong humagulgol. Bakit ba lubos akong naaapektohan sa nadaram ni Leonor? Pakiramdam ko ay ako ang sinaktan at tinalikuran ng lalaking mahal ko.
Seeing Chase is a bittersweet feeling. It gives me these mixed feelings of pain, love, betrayal, and joy being near him. I am not Leonor, I am my own person but why does it hurt so much? Ganoon na ba kalakas ang pagsisisi at sumpa mo Leonor para kahit ako ay nagdududa na sa aking totoong nararamdaman?
"Hush now, wife. I'm here," pag-aalo ni Chase habang sinusuklay ang buhok ko.
Hindi ko alam pero naaawa ako kay Leonor at Rafael pero mas naawa ako kay Leonor. Hindi ko alam kung anong gustong iparating ni Leonor o ang solusyon para dito. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko ang mga pangitain na ito.
Makakakuha na ba talaga ako ng mga sagot dito? Tanging pighati at sakit lamang ang aking nakukuha sa mga pangitain ko... Muli kong naalala ang huling katagang narinig ko mula sa aking panaginip...
"Kasalanan ba ang magmahal, Malia? Ipagkakait mo ba sa akin ang makapiling muli ang lalaking matagal ko ng hinihintay?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top