Chapter 20
Hindi ako makakain ng maayos dahil sa tensyon sa paligid tanging ang ingay lang ng mga kutsara't tinidor ang maririnig sa hapagkainan. Naramdaman ko ang paghawak ni Chase sa kaliwang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Relax, wife," natatawang bulong ni Chase.
Sinamaan ko siya ng tingin, paano ako makakarelax kung ramdam na ramdam ko ang matatalim na tingin ng papa niya? Nakakatakot ang awra nito at unang tingin mo pa lang sa kanya ay makikita mong isang seryoso at striktong businessman ang kaharap mo. Kabaligtaran ng kanyang asawa na palabiro at palakaibigan sa simula pa lang.
"He won't bite," bulong muli ni Chase saka hinalikan ang pisngi ko. "But I do," pilyo niyang dugtong. "So, stop being so cute."
Napaawang ang bibig ko at 'di makapaniwalang napalingon sa kanya. Anong ginagawa n'ya sa harap ng magulang n'ya?! Inis kong tinapakan ang paa n'ya sa ilalim ng lamesa. Mahina s'yang napadaing sa sakit sa ginawa ko. Paano ba naman kasi isang 4 inch heel ang suot ko ngayon.
"Malia, right?"
Nagitla ako ng marinig ko ang pagtawag nya sa pangalan ko. Umayos ng upo si Chase at pumeke ng ubo.
"P-po," gulat at nauutal kong sagot.
"I heard from my wife, alam mo daw ang lunas sa sumpa. With all honesty, I'm going to tell you that I'm not quite convince of it..." strikto niyang ani. Ramdam ko ang mapanghusgang mga mata niya na tila umaabot hanggang sa kaluluwa ko. "Ayokong mawala sa akin ang nag-iisang tagapag-mana ng pamilya namin."
Napalunok ako at binitawan ang kubyertos saka ipinatong ang kamay ko sa binti ko.
"S-sa ngayon po, hindi ko pa alam ang lunas. Hindi ko po alam kung maniniwala kayo sa kakahayan kong makakita ng nakaraang buhay ng isang tao pero nakita ko po kung saan nagsimula ang sumpa ng pamilya niyo at si Chase ang reinkarnasyon ng lalaking isinumpa ng dating kasintahan niya na naging simula ng lahat," mahaba kong paliwanag.
Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang araw na ganito. Pinukolan pa rin ako ng nagdududang tingin ng Papa ni Chase. Hindi ba siya naniniwala sa akin? Sa tingin niya ba ay nagsisinungaling lamang ako? Alam ko. napaka bilis ng kasalan namin ni Chase at sa una ay napilitan lang din ako pero sigurado ako sa nararamdaman ko ngayon.
"You do know that when Chase falls in love again, he'd be at risk. Are you up to that responsibility Malia?" Puno ng awtoridad niyang tanong.
"A-alam ko po. Aaminin kong natatakot po ako, natatakot ako sa magiging hantungan ng relasyon namin ni Chase," sincere na sabi ko bago napaiwas ng tingin dahil sa napaka nakakatakot na tingin ng papa ni Chase. "Natatakot ako sa maaaring mangyari pero napagdesisyonan na po namin na ipagpatuloy ang relasyon namin."
Itinaas niya ang kaliwang kilay niya. "Give me one good reason why—"
"M-Mahal ko po si Chase," mabilis kong sagot habang sinalubong muli ang kanyang mga tingin.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng puso ko sa pinaghalong kaba at kahihiyan. Does he hate me even more now? Hindi ko siay masisisi kung hindi niya ako gusto para sa anak niya pero gusto ko pa rin subukan. Gusto kong malayang mahalin si Chase.
"Come on now, Dad, stop scaring my pretty wife," tumatawang saad ni Chase.
Mukhang aliw na aliw pa siya na nakikitang natataranta ako. Ilang beses akong napalunok ng magtama ang tingin namin ng papa ni Chase.
Biglang ngumiti ang Papa ni Chase sa akin. "I like your guts, take care of my son. He's an ass but I care for him like a da—"
"Geez, stop being cheesy Dad," pagmamaktol ni Chase. Umakto pa siyang nasusuka. "Nakakadiri ka."
Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa ginahawa na nadarama. Napatawa naman ako sa reaksyon ni Chase pero agad ko naman siyang pinagsabihan. Sa wakas ay nakuha ko na ang pagsang-ayon ng kanyang ama pero hindi dapat niya pag-salitaan ng ganoon ang Papa niya.
Mahina kong kinurot nag binti niya at pinanlakihan siya ng mata. "Huwag ka ngang bastos sa papa mo, Chase."
Napanguso naman si Chase sa sinabi ko at parang batang nagmamaktol. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti ko sa reaksyon ni Chase. Bakit ang gwapo niya pa rin? I feel to happy... sana hindi matapos 'to. I can finally act as Chase's wife,
Napansin ko ang pagtango ng Papa ni Chase. "Yeah! Listen to your wife—"
"Give me a break, old man," masungit na putol ni Chase sa papa niya.
Walang tigil na nagbangayan si Chase at ang Papa niya. Nakita ko ang mahinang pagtawa ng Mama ni Chase habang pinapanood ang mag-ama na nagtatalo.
"Now, now. Boys, nasa harap tayo ng pagkain," mahinhin na wika ng mama ni Chase. "Let my daughter-in-law eat in peace."
Agad naman sumunod ang dalawa at nagsimula na kaming kumain muli. Matapos kumain ay pumasok si Chase sa isang kwarto at naiwan kami ng mama niya sa sala.
"Thank you, Malia," aniya't ngumiti. Napalingon ako sa kanya at nagtatakang tiningnan siya. "It has been awhile since I saw my husband and son full of life... and that is because you came into Chase's life, thank you Malia. Thank you."
Ang kanyang mga mata ay naluluha at pansin dito ang nag-uumapaw na pasasalamat.Umiling ako at nginitian siya, ako dapat ang magpasalamat sa kanya. Kung hindi dahil sa mama ni Chase ay wala ako sa tabi ni Chase ngayon. Hindi ko malalaman na ganito pala ang pakiramdam ng magmahal.
My heart beats for him... we are linked by an unexplainable force that makes even the most challenging circumstances I experience, such as the curse, seem insignificant with him by my side. There are many unfamiliar feelings I would've never imagined that I would experience.
Gusto kong hawakan ng mahigpit ang kanyang mga kamay, tumayo nang malapit, damhin ang kanyang hininga, bigyan ng malalambing na halik sa kanyang mga labi, at patuloy na magtitigan kahit ilang oras pa ang lumipas.
Gusto kong gumising sa umaga at makita siyang mahimbing na natutulog sa tabi ko. Gusto ko siyang patawanin, makita siyang ngumiti, bigyan siya ng mapayapang kanlungan. Hindi ko alam kung kaila ito nag-simula... pakiramdam ko ay napaka bilis ngunit mahal ko siya... Mahal na mahal ko si Chase.
"Ako po ang dapat magpasalamat. Simula ng nakilala ko kayo ay nagbago ang buhay ko. Naramdaman ko ang magkaroon ng pamilya na tanggap ako maliban kay Yana, hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang lahat ng kaligayahan na nararamdaman ko ngayon," naiiyak kong ani.
"Just stay beside my son and make him happy Malia, that's all I ask for," umaasa niyang tugon.
Narinig namin ang pagtikhim ng bagong dating na si Chase. "Can I borrow my wife, mom?"
Hinawakan niya nag kamay ko saka inilahad kay Chase. "Of course, son"
Nginitian ako ni Tita saka hinawakan ni Chase ang kamay ko. Dinala ako ni Chase sa malaking hardin nila at hindi ko mapigilang mamangha nang inilibot ko ang paningin ko sa iba't ibang mga bulaklak na nakapalibot.
Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin ni Chase ngunit ang katahimikang ito ay payapa. Lumapit si Chase sa isang kumpol ng bulaklak at pumitas ng isang kulay lila na gumamela.
"Wife, forget what my dad said earlier. You don't have to carry the burden of being responsible for my life," Inilagay sa may tainga ko ang gumamela at sinalubong ang aking mga mata. "All you need to do is be my wife, love me and stay by my side while I fix myself. I don't want you to fix me, let me fix myself."
Sinuklian ko ng ngiti ang ngiti ni Chase. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan ni Chase. Nakakagulat talaga dahil sa una ay hindi ko magawang tumingin sa mata ng ibang tao pero iba si Chase.
Hindi ako magsasawang titigan ang magaganda nyang mga mata. Napakurap ako ng bigla kong makita ang imahe ni Rafael. Hindi ko sinasadyang napalo ko palayo ang kamay ni Chase at nahulog ang bulaklak na inilagay nya sa akin
"Wife, what's wrong?"
Napaatras ako at napahawak sa ulo ko. Napatingin ako kay Chase at napakurap muli ng makita ang nakangiting imahe ni Rafael.
"Tanging ang aking pangalan lamang ang aking naaalala. Hindi ka ba natatakot at hindi mo ako lubos na kilala, Leonor?" Nababahala kong tanong.
Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman ni Rafael. Parang iniipit sa sakit ang puso ko.
"Mahal kita, Rafael," aniya't nagsalubong ang mga kilay niya sa tanong ni Rafael. "At hindi hadlang ang alaala mo para mahalin kita."
Biglang bumilis ang takbo ng puso ko na parang may mga paruparo na nagliliparan sa tyan ko. Labis na galak ang nadarama ko sa narinig.
Pigil ngiting nagtanong muli s i Rafael."Paano mo nasasabi iyan, paano kung isa pala akong masamang tao?"
Sinalubong ko ang mga tingin ni Leonor halong pagkasabik at kaba ang nararamdaman ngayon ni Rafael.
"Ang Rafael na kaharap ko ay ang mabait at maginoong lalaki na iniibig ko," sagot ni Leonor. "Bumalik man ang iyong alaala, maging sino o ano ka pa man bago mawala ang iyong alaala ay mamahalin at mamahalin pa rin kita."
Mahigpit ns niyakap ni Rafael si Leonor. "Salamat, Leonor. Wala na akong hihilingin pa kung hindi manatili ka sa aking tabi habang inaayos ko ang aking sarili."
Inilagay ni Rafael sa tainga ni Leonor ang kulay lila na gumamela. Those words... Kasalukuyan akong nasa katauhan ni Rafael, hindi ko alam kung paano pero simula ng makilala ko si Chase ay nag-iba na ang paraan ng mga pangitain ko.
"Handa akong gumawa ng paraan para maghilom ang sugat sa iyong puso, Rafael."
Malambing kong hinaplos ang pisngi ni Leonor. "Hindi mo na kailangan gawin iyon, sinta. Manatili ka lang sa aking tabi at ako na ang bahala"
Tumango bilang sagot si Isabelle at binigyan ako ng mala anghel na ngiti. Sapat na para matunaw ang puso ko sa kaligayahan
"Pangako, hindi ako bibitaw. Hangga't lumalaban ka ay pangakong mananatili ako sa iyong tabi," sambit ni Leonor saka hinawakan ang kamay ni Rafael na nasa pisngi niya.
"Wife, what's wrong?" Rinig ko ang pag-aalala ni Chase. "Tell me please."
Napatingin ako sa kanya. Ang sinabi ni Chase, ang nakita kong pangitain. Halos pareho ang sinabi at aksyon ni Rafael at Chase. Isang nakakabahalang hinala ang bumungad sa akin.
Nauulit bang muli ang nangyari sa nakaraan? Ibig sabihin ba ay mangyayari ulit ang lahat? Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi pwede, kung mangyayari yun ay posibleng maging pareho ng kahahantungan si Rafael at Chase. Napatitig ako kay Chase na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. Chase...
---
BOOM PATIS! SABOG NA THIS! I'm still not feeling well which is so very normal na 😏 Kailan pa kaya ang araw na health is wealth na ako 😐 Here's an update while I still have the energy to type 😂 Hopia like this ❤ Slow update for awhile
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top