Chapter 17
Apparently, I ended up in a three-day coma after I almost bled myself to death. Sinubukan kong tanungin si Chase kung anong nangyari ngunit umiiwas lang siya ng tingin at pilit binabago ang usapan. So I just stopped, may rason naman siguro siya kung bakit ayaw niya sabihin.
Muli akong napahawak sa pulso ko na nakabalot sa benda. Wala akong maalala na ginawa ko ito. Isinandal ko ang aking likod sa higaan at inilabas ang vintage key na nahanap ko ng magising ako. Hindi ko pa rin mawari kung ano ang dapat kong gawin tungkol dito.
When will I get out of this place? I don't really like the smell of alcohol and hospitals, add up the sound of the machines and this empty room. Kailangan kong makalabas para masimulan ang paghahanap ng paraan para mahanap ang lunas ng sumpa.
Napakunot nag noo ko ng makarinig ng mahinang ingay nagmumula sa labas ng pinto ko. "Stay away from Ate Lia."
Agad akong napabangon sa pagkakahiga nang may marinig akong pamilyar na boses... Was that Yana? Hinanap ko ang tsinelas ko at hinila ang dextrose stand. Anong ginagawa niya rito? Pinapatawad niya na ba ako?
Halong saya at kaba ang namuo sa dibdib ko nang hawakan ko ang doorknob.
Napatigil ako nang marinig ang boses ni Chase. "You know I can't do that, Yana."
"Dahil ba sa sumpa? Dahil ba gusto mong mahanap ang lunas?" Bakas sa boses ni Yana ang galit. "At the end of the day, ginagamit mo lang naman si Ate Lia. You don't really care about her!"
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Hindi na siya galit, hindi na galit si Yana sa akin. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, pinaghalong kirot at ginahawa ang aking naramdaman. Bakit? Bakit niya sinasabing ginagamit lamang ako ni Chase?
"I was stupid, alam ko namang hindi kasalanan ni Ate Lia ang nangyari kay Mama, but I got too complacent thinking you were good for her. That you'd be there for her even if I leave her."
"I don't understand it myself Yana but I don't know, all I know is I need your sister and there's no way I'll let anything bad happen to her as long as I'm around"
"Talaga lang ha? Huwag mo akong pinagloloko! Patuloy lang na mapapahamak si Ate Lia hangga't malapit ka dahil nadadamay siya sa problema ng pamilya niyo."
"I know Yana, I know but I can't lose her. She's my only hope, for the first time after her, I wanted to give it a try... living."
Napahawak ako ng mahigpit sa dextrose stand ko, what is this stabbing pain in my head?! Nabitawan ko ang doorknob at napadaing sa sakit nang isang alaala ang pumasok sa isipan ko...
"Wala ito, mahal," sagot ko.
Ha? Anong ibig sabihin nito? Nadatnan ko ang sarili ko na kasama si Chase sa study room niya, may dala akong tray ng pagkain at inilapag ito sa lamesa niya.
Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Chase. Naramdaman ko ang pag-ukit ng ngiting abot tainga sa mga labi ko. Humarap ako kay Chase at lumapit sa kanya. Walang pag-aalinlangang niyakap ko siya sa beywang.
"Pasensya ka na sa inasal ko noong isang araw pero para makabawi ay ipinagluto kita ng paborito mong sinigang," masaya kong sambit.
I have no recollection of this scene. Nanatiling tahimik na nakatayo si Chase.
Bumitiw ako sa pagkakayap at naglakad patungo sa pinto. "Hindi na kita aabalahin sa iyong trabaho, mahal."
Bubuksan ko na sana ang pinto nang napatigil ako sa tanong ni Chase. "Who are you?"
Lumingon ako kay Chase, nabuo ang pagkunot ng noo ko. Ilang minuto kaming nagtitigan bago siya muling nagsalita. Alaala ba ito ni Leonor nang siya ang nasa katawan ko?
"Stay away from my wife, Leonor," kunot noong utos ni Chase. "I don't care if you curse my whole damn bloodline but leave Malia out of this, leave my wife alone."
"Mahal, ano ang iyong ibig sabihin?" Nag-aalinlangan akong ngumit sa sinambit ni Chase tila walang naintindihan sa mga winika ni Chase.
Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso. I can feel her... I can feel Leonor's emotions. Takot at pag-aalala pero pinipilit niyang itago sa mga ngiti.
"So, I finally got to meet you. I've been meaning to tell you for a while. Leonor, it's past time for you to realize this," walang paligoy-ligoy na saad ni Chase. "Hindi ako si Rafael, hindi ako ang lalaking minahal mo dati. So everything you're doing is worthless."
Humakbang ako papalapit kay Chase at hinaplos ang kanyang pisngi. Chase's face remained unchanged. It's as if he's reading my every movement. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking mga labi sa pag-ngiti.
"Hindi bale na nakalimutan mong mahal mo ako. Ayos lang. Ang mahalaga ay naaalala ko lahat," ramdam ko ang pagkirot ng aking dibdib na tila may tumutusok dito na matatalas na patalim. "Hindi mababago na mahal natin ang isa't isa. Kung hindi ko makakalimutan, hindi ito mawawala."
Iwinakli ni Chase ang kamay ko at matalim na pinukulan ako ng tingin. "Layuan mo si Malia, huwag mo siyang idamay sa sumpa mo."
Napabuntong hininga na lamang ako saka hinawakan ang dalawa niyang kamay. Ilang segundo ang lumipas bago ko muling salubungin ang mga mata ni Chase.
This pain... is love really worth all this pain? Leonor has been living in this suffocating sadness... habang pinipilit ipaglaban ang kanyang pagmamahal kay Rafael.
"Siya ang kusang humawak sa aking kamay, siya mismo ang may kagustuhang mawala," walang emosyon kong ani. "Masama bang maging kapalit sa buhay na kusang loob niyang itinapon?"
Ako ba? Ako ba ang tinutukoy mo Leonor? Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. "Bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin ka sa panahong ito, Rafael. Bigyan mo ng pagkakataong maipagpatuloy natin ang naudlot nating pagmamahalan."
Inis na napasuklay si Chase sa kanyang buhok. I saw the reflection of Leonor's eyes in Chase's orbs. Determinado siyang kalabanin ang tadhana para lang makapiling ang lalaking mahal niya. She is no way near of giving up.
Hindi ko mapigilang mamangha sa tapang ni Leonor. Kung ako lamang, kung ganito lamang kasakit ang magmahal ay mas pipiliin ko pang hindi magmahal.
"What did you do to Malia?! Hindi pa ba sapat na kunin mo ang buhay ng kapatid ko? Because of your damn curse, I lost my brother! Do you really call that love? Cursing the man you loved? Is that really love?"
"Hindi ko alam ang ibig mong sabihin ngunit pinili ito ni Malia, mahal.," mahinahon kong sagot. "Tigilan mo na ang pagsambit ng pangalan ng ibang babae habang kapiling mo ako. Andito na ako."
Parang dinurog ang aking dibdib sa milyong piraso. Nasasaktan si Leonor, nasasaktan siya sa inaasal ni Chase. She...just wanted to be loved by the man she gave her heart to. Bakas sa mukha ni Chase ang galit at pagkamuhi. Babawiin na sana ni Chase ang kamay niyang hawak ko nang hilain ko ito.
"Huwag ka munang bumitaw, aking sinta." Pagmamakaawa ko sabay dungaw sa bintana at napasin ang kalangitang madilim, mukhang uulan pa yata. "Kasabay kong umiyak ang mga ulap noong gabing lumisan ka, mahal."
"Leonor, tell me." Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Chase sa akin. "Ano ang lunas sa sumpa?"
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid. Muli kong sinalubong ang mga mata ni Chase at matagal na tinitigan ito bago umiwas ng tingin.
"Hindi ko alam," mahina kong bulong.
"Hindi ko magagawang mahalin ang babaeng naging sanhi ng pagkamatay ng kapatid ko," malamig na tugon ni Chase
Tuluyan ng bumagsak ang masaganang luha na nagtatangkang bumuhos kanina. Inilapit ko sa aking labi ang kamay ni Chase at hinalikan ito.
"Huwag mo akong kamuhian gamit ang mukha ni Rafael," humihikbi kong tugon.
"Hindi mo isusumpa ang lalaking totoong mahal mo o ang buong pamilya niya, hindi mo ako mahal o si Rafael. That's obsession disguised in love, Leonor."
Mariin akong umiling. Paulit-ulit kong binubulong ang salitang 'hindi'. Naging mabilis ang aking paghinga na tila hinahabol ako ng leyon na nais akong kainin ng buhay, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Napayuko na lamang ang ako dahil sa hilo na nararamdaman.
"Llámame Orang," mahina kong naisambit, tanging ako lamang ang nakarinig.
I suddenly felt goosebumps. She's different, she's different from Leonor earlier. Anong nangyayari?
"Tama na, Leonor." Tanging sambit ni Chase.
Pinanood ko ang imahe ng aking sarili na itinaas ang aking tingin at muling pinasadahan ng tingin ang mukha ni Chase, mula sa kanyang mata pababa sa kanyang labi. "Leono—"
Hindi natapos ni Chase ang sasabihin niya ng halikan ko ang labi niya. "Llámame Orang."
"Itigil mo na 'to Leonor!"
Napahakbang ako patalikod at namataan ang isang blade na nakapatong sa lamesa ni Chase. Nagulat ako ng bigla kong inabot ito at itinapat sa pulsohan ko. Narinig ko ang malutong na pagmura ni Chase.
"Akin ka lang, José. Tandaan mo 'yan, kung hindi ka man lang magiging akin ay 'di ako papayag na mapunta ka sa iba sa panahong ito o kahit ano pa mang siglo," umiiyak kong sambit.
Something is different. Anong nangyayari sa katawan ko? Bakit parang may kakaiba? It's really weird seeing all this unfold but I have no control over my body. It's me but not me.
Bakit tinatawag ni Leonor na José si Chase? Normally she calls him Rafael and there's really something strange about her, the vibes and her manners... it's like a different person.
"Hindi ako papayag na ako lang ang nasasaktan at naghihirap! Mahal na mahal kita pero kahit ba sa ibang panahon ay tatalikuran mo pa rin ako?!"
Nakita ko paglapit ni Chase pero huli na dahil naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy sa palapulsohan ko. Nanghina bigla ang katawan ko at narinig ko pa ang malulutong na mura ni Chase at ang pagbuhat niya sa akin bago ako tuloyang binalot ng kadiliman.
"Ate Lia," rinig kong tawag ni Yana.
"Wife," sabay na tawag ni Chase.
Wala sa sarili akong napalingon sa kanila na nakatayo sa tapat ng higaan ko kasama ang babaeng tingin ko ay doktor dahil sa suot niyang puting coat.
Hindi ko alam kung ano tong takot na bumabalot sa akin, ayoko siya makita! Natatakot ako sa susunod na mangyayari habang kasama ko sya. Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap ni Chase sa akin
"Layuan mo ako," humihikbi kong sambit habang pilit na itinutulak sya palayo.
"I'm not letting you go, wife. I can't lose you too, I can't. I don't know what to do if you leave me too. You don't know how scared I was when I saw you unconscious," rinig kong bulong niya.
"Chase, hindi ko kaya. Natatakot ako," umiiyak kong sagot. "Hindi ko kayang isugal ang buhay ko."
Hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang mangyayari sa akin, oo duwag ako. Kahit anong pilit kong magmatapang ay alam kong duwag pa rin ako. Hindi ko kayang sumugal, mas gugustohin ko ng habang buhay magtago keysa maranasan muli ito. Akala ko kaya ko... pero... tama si Mama.
Napakagat labi na lamang ako, bakit ba napaka duwag ko? Ang lakas pa ng loob kong sabihin kay Mama na kaya ko pero ito ako, natatakot sa nasaksihang muntik na patayin ni Leonor ang katawan ko. Why can't I stand by my decisions? I really hate this version of me
"I don't want you to go through all that. Not you, not you wife..." hinawi ni Chase ang buhok ko at tinitigan ako, "but please give us another try, I promise I'll protect you with my life. I feel like I'm going to go crazy if we let it end this way. We still haven't even formally started yet."
Mahigpit akong napahawak sa damit niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko Chase pero kung ipagpapatuloy natin ito ay darating ang oras na isa sa atin ang dapat magsakripisyo. Tama si Mama, delikado ito. Hindi lang sa akin kung hindi pati na rin kay Chase.
"Patawarin mo ako, Ate Lia." Napukaw ng atensyon ko si Yana na nakatayo malapit sa pinto at hawak niya ang kanyang kaliwang braso. "Hindi ko sinasadya ang sinabi ko sa iyo. Nalamon ako ng lungkot. I wanted someone to blame for all the pain, I'm sorry. Kung hindi sana kita pinagtulakan ay hindi mangyayari ito, kung sana nas—"
Tinawag ko ang kanyang pangalan at agad naman niyang itinaas ang kanyang tingin sa akin at napatigil sa pagsasalita.
"Wala kang kasalanan," malambing kong tugon.
Napakagat labi siya at patakbong sinalubong ako ng yakap. Tinapik ko siya sa likod habang humihikbi siya na humihingi ng tawad. What matters is she's here, we're okay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top