Chapter 16

Napatakip ako sa aking mata gamit ang kaliwang braso ko ng isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa paligid namin.

Unti-unti kong ibinaba ang aking braso nang nawala ang liwanag. Natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa baybayin ng napaka linis at malinaw na dagat. It's so... peaceful.

Isang malambot na boses ang umalingawngaw sa paligid. "Malia."

I instantly froze when I heard a very familiar voice I was longing for. Panaginip ba ito?

As tears welled up in the corners of my eyes, I reluctantly turned my head. Tuloyan ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata ng napatunayan ang aking hinala... si mama. 

"A-Anong ibig sabihin nito? A-Anong ginagawa mo dito Ma?" nauutal kong tanong.

Isang ngiti ang isinukli ni Mama sa akin bago lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Dinala niya ako papalayo sa karagatan at nadatnan ko na lamang ang aking sarili sa gitna ng kagubatan, hindi kalayoan ay may maliit na kubo.

"Ito ang regalo na ibinigay sa akin ng aking abyan sa laban na nais kong magtapos sa akin. Kasalukoyan tayong nasa pagitan ng dimensyon ng buhay at kamatayan," Pinasadahan ni Mama ang sariling buhok na hanggang balikat, "Malawak ang dimensyong ito and somewhere out here she is hiding. Matagal ko siyang hinanap pero nang magkita kami ay nabigo ako."

Napakunot ang noo ko sa paliwanag ni Mama. So my theories were right. The two Leonors are trapped in this dimension.

Pero... anong ginagawa ko rito? Ibig bang sabihin nito ay patay na ako? Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mama kaya napalingon ako sa kanya.

"Nakasulat sa buong mukha mo ang tumatakbo sa iyong isipan, Anak. Buhay na buhay ka pa."

"Paano po kayo napunta dito? Paano ako napunta dito?" Kamot ulo kong tanong.

I have always longed to meet her again but why do I feel awkward around her now? Hindi ito ang gusto kong pag-usapan. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong humingi ng tawad, gusto kong...

"All these years, nasa isang paglalakbay ako sa mundong ito upang hanapin si Leonor. Tiniyak ng aking abyan na ang aking katawan ay mananatiling buhay habang gumagala ako rito," Maingat niyang hinimas ang aking mga pisngi, na parang ako ay isang marupok na baso na mababasag. "Sinong mag-aakalang konektado na pala kayo ni Leonor, na mahahanap ko siya sa muli nating pagkikita. I didn't want you to meet her so I took the risk, patawarin mo ako at nabigo ako Anak."

Hindi ko na napigilang hilahin si Mama sa isang mahigpit na yakap. Labis ang aking pangungulila sa'yo Ma.

"Abyan?" Takang tanong ko.

"They're like spirit guides... a familiar who assists you in this spirit-infested realm," sagot niya. "Sa katunayan niyan... Ayokong dalhin mo ang responsibilidad na baguhin ang nakaraan. I don't want you to shoulder the responsibility of ending the curse of Leonor," halos pabulong ang boses niya sa huling katagang sinambit niya.

Nagsalubong ang aking kilay sa sinabi ni Mama. I've always blamed myself for what happened to you, what happened to us, I've always wondered...kung hindi ba ako pinanganak ay mas magiging masaya ka? Mas magiging masaya ba kayo? Ngunit anong ibig niyang sabihin na baguhin ang nakaraan? 

"Ma, anong ibig mong sabihing baguhin ang nakaraan?"

Natigilan si Mama sa tanong ko. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin ng may pag-aalala. Nagulat ako ng bigla siyang humagulgol sa aking harapan. Natataranta kong pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. 

Wait, hindi ko alam kung paano magpatahan ng umiiyak na tao at hindi lang basta-basta isang tao kung hindi ang Mama mo pa! Anong dapat kong gawin?

Tinakpan niya nag kanyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay. "Patawarin mo ako, anak. Sa kabila ng kaalaman na magpapataw ako ng isang malaking responsibilidad sa isang hindi pa isinisilang na bata ay itinuloy ko pa rin. Hindi ko kayang talikuran ang aking tungkulin."

Ibinaba niya ang kanyang mga kamay at muling sinalubong ang aking mga mata. Nakita ko ang pagtulo ng malaking butil ng luha sa kanyang kanang mata. I can see sadness, regrets and pain in her eyes. Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. 

Hinawakan ko ang kanyang kamay and gave her a reassuring smile.  "Ma, ako ang kailangang humingi ng tawad sa'yo. I made your life difficult."

Hinding hindi ako magagalit sa babaeng nagbigay sa akin ng buhay at hinayaan akong makilala ang aking mahal na kapatid na si Alyanna. Umiling siya sa aking tinugon at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"It was never your fault, Malia. I and your dad shouldn't have met," pag-amin niya. Hindi ko pa rin amintindihan ano ang gusto niyang iparating. "I didn't love him... I never loved him. Pinakasalan ko siya out of responsibility. Marami akong hindi sinabi sa inyo..."

"Pero andito na ako Ma," Naalala ko ang mga katagang sinambit sa akin ni Chase na nagpalambot sa aking puso. "You don't have to fight this battle alone anymore, let me help you. I'm here for you, Ma. We are in this together."

Hindi nagsalita si Mama. Her gaze avoided mine as if hesitating to let me help her. Muli kong hinawakan ng mahigpit nag kanyang mga kamay. 

"Mas malakas ako sa iniisip mo Mama. Pinalaki mo akong matapang at kayang harapin ano mang pagsubok na ibato sa akin."

Tinitigan ko si Mama. I was taken aback when she took a step backward as if praying a dire situation would arise, anything just to have an excuse for avoiding my questions without me being suspicious. 

"Ma, kaya ko 'to," I reassured her with a smile. "Ako pa, wala ka bang tiwala sa akin?"

Mariin na ipinikit ni Mama ang kanyang mata bago naglabas ng isang malalim na buntong hininga.  Naglakad siya patungo sa isang bahagi ng kwarto. 

"Ang pamilya natin ay galing sa pamilya ng mga babaylan na naatasang gabayan ang nawawalang kaluluwa ni Leonor," binuksan niya ang kurtina. "We have always been out of the ordinary but you were different."

Naglakad ako patungo sa kanya at nakitang mahimbing na natutulog ang isang pamilyar na mukha. Nagulat ako ng makita nag paglaho ng kanyang kalahating mukha ngunit bumalik din ito.

"Anong nangyayari sa kanya, Ma?"

Hindi ba't si Elena ito? Oo. Sigurado akong siya si Elena. Paano ko makalimutan ang mukha ng babaeng nagligtas sa akin mula kay Leonor?

"That's Josephine," sagot ni Mama. Josephine? Anong ibig sabihin nito? "Hindi ko akalaing mabubuhay siya sa panahon natin. Buhay pa ang kanyang katawan ngunit nakakulong ang kanyang kaluluwa dito dahil kay Leonor. Ngunit kung hindi siya makakabalik sa kanyang katawan ay malaki ang tyansang tuloyan siyang maglaho." 

Maglaho? Ibig bang sabihin ay maari siyang tuloyang mamatay? She will vanish in the darkness of void? No...

"Anong mangyayari sa katawan niya?"

"Mamamatay siya," malamig na sagot ni Mama.

Muling isinarado ni Mama ang kurtina at dinala ako patungo sa salas ng kanyang munting kubo at umupo. She stared into my eyes as if getting ready to confess her hidden sins.

Malambing na sinuklay ni Mama ang buhok ko. "Ang dugong naghahalong Rivera at Valenzuela lamang ang makakatapos sa sumpa ni Leonor ayon sa propesiya na nakita ng lola sa tuhod mo. Kaya pinakasalan ko ang Papa mo. So don't blame yourself, anak." 

Aniya't tumutig sa kawalan bago muling nagpatuloy. "It was my fault. I married him out of responsibility pero nang isilang ka, nang una kong masilayan ang iyong mga ngiti ay nagbago ang isip ko. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay, naisipan kong talikuran ang aking tungkulin."

Nakaramdam ako ng matinding ginhawa nang marinig na mahal niya ako. Lahat ng mga takot na nabuo sa paglipas ng mga taon ay agad na naglaho.

"Umaasa akong mababago ko ang propesiya ngunit nang lumabas ang iyong kakayahan ay doon ko napagtantong iba ka but I still wanted you to live a normal life," pagpapatuloy ni Mama habang hinaplos ang aking mga pisngi at tinitigan ako.

Naitikom ko ang aking bibig sa mahabang paliwanag ni Mama. Ibig sabihin ay nakatadhana na ang pamilya naming pigilan si Leonor sa simula pa lang.  Hard to believe in this time and day... but so is my ability. So from the start... our family has been on this quest to end the curse initially, and I was their only solution. I was Chase's solution from the start.

"Layuan mo ang lalaking isinumpa," mahigpit na hinawakan ni Mama ang magkabilang braso ko. "Hangga't malapit ka sa kanya ay patuloy na susubukan ni Leonor sakupin ang iyong katawan."

Nakikita ko ang takot at pag-aalala sa mga mukha ni Mama. Pero ngayong alam ko na ako lamang ang makakatapos sa sumpa ni Leonor ay paano ko magagawang layuan si Chase? 

Kung ngayong alam ko na na may paraan. Magsasalita na sana ako nang muling magsalita ulit si Mama.

"Buong buhay ko... inilahad ko ang aking buhay para matupad ang propesiya, para maisagawa ang tungkulin ng pamilya natin. Nabuhay ako sa isang walang laman at mapurol na buhay. The happiest I have ever been in my entire life was when you were born," hinalikan ni Mama ang aking noo bago muling sinalubong ang aking mga mata. "Please, mabuhay ka para sa akin Anak. Para sa kapatid mo." 

Kagat labi akong napaisip. Hindi ko magawang pumayag agad sa gusto ni Mama. For the first time in my life, I found my purpose. 

Gusto kong mabuhay pero hindi para sa iba, kung mabubuhay man ako ay gusto kong mabuhay para sa sarili ko because if I continue living as I am right now. I don't think I would ever be happy, I don't think I could make anyone happy.

"Ma, naiintindihan kita. I really appreciate all this. You don't know how much this means to me," hinimas ko ang kanyang mga kamay, "after all these years, pagkatapos ko sisihin ang aking sarili sa bawat kasawian na nangyayari sa akin, sa atin, hindi ko naisip na mahal mo pala ako at kailan man ay hindi sinisi sa mga nangyari. I always thought that malas ako sa buhay mo and I was better off not being born at all but hearing all this, mali pala ako."

Masaya ako na mali pala ako... Pinunasan ni mama ang luha na tumulo sa mata ko. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa pisngi ko. I love this woman so much. I miss her so much. 

"Hindi mo kailangang idamay ang iyong sarili sa gulo na ito."

Umiling ako sa tinugon niya, "I found my purpose, Mama. In order to live my life to the fullest,  kailangan kong harapin si Leonor. Ginagawa ko ito para sa aking sarili."

"Hindi mo maintindihan, ang mga kahihinatnan ay masyadong—" parehas kaming natigilan nang isang malakas na tunog ng kampanilya ang umalingawngaw. "Wala na tayong oras, kailangan mong bumalik. Hindi ka maaaring magtagal dito."

"Ma—"

"Kalimutan mo na ang tungkol kay Leonor, kalimutan mo si Josephine, kalimutan mo ang sumpa. Live your life Malia." Hinalikan ni Mama ang noo ko, "Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo ng kapatid mo."

Nataranta ako nang paunti-unting naglalaho ang paligid. No, I can't live the normal life she wants. Gusto kong malaman ang lunas sa sumpa. I want to save Chase. Desperado kong hinawakan ang kamay ni Mama.

"Ma, paano ko sila maililigtas?" 

Hindi nagsalita si Mama at iniwas ang kanyang mga tingin. What do you know? Bakit ayaw mong sabihin sa akin Ma?

"Ma, parang awa mo na. Hayaan mong hanapin ko ang aking sarili, tulongan mo akong malaman ang mga sagot sa pagkatao ko," I pleaded, crying in desperation.

Patuloy na umiling si Mama sa hindi pag-apruba. "Kung wala ang sumpa, wala akong rason upang lapitan ang papa mo. You could cease to exist!"

If there's a chance, even the slimmest chance of everyone being happy in exchange for my existence. I would gladly put my life on the line. Wala akong pakialam kung mabura ako sa mundong ito kung nangangahulugan ito na mawawakasan ko ang sumpa at magiging masaya ang karamihan.

"If I could save a life, it doesn't matter, Ma. Masaya ako at ikaw ang naging nanay ko sa panahon na 'to. Kung mabibigyan ako ng pagkakataong mabuhay muli ay ikaw pa rin ang hihilingin kong maging ina," isang mapait na ngiti ang isinukli ni Mama sa sinambit ko.

"Patawarin mo ako, Anak. Gusto ko lang mabuhay ka ng hindi nakagapos sa sumpa o sa tungkulin ng ating pamilya. Please don't do it, layuan mo siya." 

Parang dinudurog ang puso ko sa pagmamakaawa ni Mama pero hindi ko talaga kayang magbulag bulagan sa bagong mga inpormasyon na aking nalaman. 

"Patawarin mo din ako Ma pero kung ako lang ang makakatapos ng sumpa ay gusto ko siyang iligtas, gusto kong iligtas si Chase, si Josephine at si Leonor. Mahal na mahal kita Mama."

Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama na nakatingin sa akin. "Hindi mo ako maintindihan Anak, huwag mong susukuan ang buhay mo."

Kahit ano pa ang magiging kahantungan ng laban kong eto ay buo na ang aking loob. Gagawin ko ang lahat para mailigtas ang lalaking iniibig ko, ililigtas ko si Chase. I don't care if I won't exist in this world if that means saving him.

"Ma, lalaban ako. Hindi ko susukuan muli ang aking buhay," lakas loob kong sambit.

"There's more to this than what you see on the surface." kita ko sa mga mata ni mama ang hindi pagsang-ayon. "It's too dangerous for you."

"Ma..."

Nagmamakaawa kong tinitigan si Mama. Please, tell me how. Please tulungan mo akong matapos ang sumpa sa akin. Ipinikit ni Mama ang kanyang mga mata at sabay nito ang pagtulo ng luha sa magkabilang pisngi niya.

"You really are just like your father..." Anong ibig niyang sabihin? "Huwag mong tangkain baguhin ang nakraan."

Tuloyang naglaho ang imahe ni Mama sa aking harapan. Binigyang diin ni Mama ang huli niyang kataga. Was that a clue? Mabigat man ay pinilit kong buksan ang aking mga mata.

Nang maimulat ko ito ay puting kisame ang sumalubong sa akin. Nakasuot din ako ng oxygen mask, akmang tatanggalin ko na sana ang oxygen mask ng mapansin kong may hawak akong susi. 

Iniharap ko ito sa akin at tinitigan 'to, it's a rusty vintage key. It has a clock with a backward number on the head. Bakit nasa kamay ko 'to?



[A/N: Dedicated to one of my few close friend na writer din. Her stories are extremely GOOD!!!]


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top