Chapter 14

Hindi mawala sa isipan ko ang galit na tingin ni Yana sa akin. Ito ang unang pagkakataon na nagalit si Yana sa akin. What should I do? Yana hating me is the same as being dead.

Kasalukoyan akong nakatayo sa harap ng dati naming tinutoloyan ni Yana. Patuloy lamang ang aking pagkatok ngunit hindi pa rin niya ako pinagbubuksan ng pinto. Ang kaninang ingay na galing sa loob ay tuloyan ng nawala.

"Yana, please kausapin mo na ako." Ipinatong ko ang kamay ko sa pintong gawa mula sa kahoy.

Much to my dismay, the other side of the door kept silent. Inilabas ko ang phone mula sa aking dalang bag at tumungo sa contact list.

Tinitigan ko ang number ni Yana sa cellphone ko, dalawang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasagot ni Yana ang tawag ko. Ayaw niya rin akong makita. Araw-araw akong bumibisita sa kanya pero ni minsan ay hindi niya ako pinagbuksan ng pinto. Ni hindi ko rin maalala kung anong nangyari sa araw na 'yon.

"Yana, patawarin mo na ako. Kausapin mo na ako, please. Miss na miss na kita Yana."

Kahit sa libing ni Mama ay iniwasan ako ni Yana. Lahat nalang ba ng mahalaga sa akin ay mawawala? Hindi, hindi ko kayang pati si Yana ay kunin sa akin.

Kamuhian na ako ng buong mundo, huwag lang siya. Napaupo na lamang ako at inilubog ang aking ulo sa aking binti. I feel like by each day I am grieving both the loss of my mother and my only living family; my sister.

I am slowly becoming a ghost. Living only because I had not died yet. Ganito pala ang nararamdaman ni Chase 'no? How foolish of me to think I understand him before.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone kaya agad ko naman itong tiningnan, nagbunyi ang aking loob ng makitang may text message galing kay Yana.

Excited ko itong binuksan ngunit parang binagsakan ako ng langit at lupa sa nabasa.

"Leave."

Isang salita lamang pero parang nawalan na ng dugo ang aking buong katawan. Nanglulumo kong ibinalik sa aking bulsa ang phone at muling tumayo at walang tigil na kumatok.

"Alam kong naririnig mo ako Yana, hindi ako aalis dito. Ikaw nalang ang mayroon ako." hindi ko na naiwasang humikbi. "Ikaw lang ang mayroon ako."

Wala akong narinig na sagot mula sa loob ngunit hindi ako tumigil. Hinding hindi kita susukuan, Yana. Ikaw nalang ang mayroon ako.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako sa taas at nakita ang nakasimangot na mukha ni Yana. I miss you, kapatid ko. Yayakapin ko na sana siya nang mahina niya akong itinulak palayo sa kanya.

"I don't want to see you," malamig niyang tugon. Ang kanyang mga mata ay walang buhay at may galit sa akin. "Tuwing nakikita kita ay naaalala ko lamang si Mama. Tinawagan ko na si Kuya Chase, umuwi ka na sa bago mong tirahan."

Hindi ako binigyan ng pagkakataon ni Yana magsalita dahil agad din niyang isinarado ang pinto. Napaupo na lamang ako sa sahig sabay napadukom at yakap sa magkabilang binti ko. There's no other place I want to go to maliban na lamang sa tabi ng kapatid ko.

She's my home, my safe haven. At walang ibang makakapalit noon. Ano bang dapat kong gawin? Ano ba talaga ang nangyari sa araw na 'yon? Napatigil ako sa pagmumuni muni nang may naaninag ako na paa sa aking harapan.

"Ito ba talaga ang buhay na gusto mo? Nais mo pa bang lumaban kung ang lahat ng ibinibigay sa'yo ay tanging sakit at pagluluksa?"

Itinaas ko ang aking tingin at nakasalubong ang malambot na titig niya. "Leonor."

"Kasalungat sa iyo ay gustong gusto kong mabuhay Malia, handa akong tanggapin ang hirap na nararanasan mo ngayon kapalit ng buhay na kay tagal kong hinintay." Inabot ni Leonor sa akin ang kanyang kamay. "Hayaan mong tulongan kita."

Iniwas ko ang mga mata ko. Kapag ba tatanggapin ko ang kanyang mga kamay ay sinyelas ba ito na isusuko ko ang buhay ko? Handa ba talaga akong isuko ang buhay ko? But what is it worth living in this world?

"Wala akong gagawin na ikasasama mo Malia, konektado tayong dalawa. Hayaan mo akong tulongan ka," malambing na wika ni Leonor.

Ramdam ko ang pag-nginig ng kamay ko sabay ng pagtaas nito patungo kay Leonor. Tatanggapin ko ba? What will happen if I accept her hand?

Will I be void from all this pain and emotion? She desperately wants to live on the contrary to me just wanting to disappear and end this pain. Why don't we just give each other what we want then?

"Basta ipangako mo sa aking hindi mo sasaktan si Chase at si Yana, ipangako mong aalagaan mo sila."

Isang matamis na ngiti ang isinagot niya sa akin. Duda din naman ako na magagawa niyang saktan ang lalaking mahal na mahal niya.

This is for the best. Ipinikit ko ang aking mata at taos pusong tinanggap ang kamay ni Leonor.

We all die anyway it's either you kill yourself or get killed but in my situation... I don't even know if death is an option. Asan ako mapupunta pagkatapos nito?

Anong mangyayari sa akin? Maglalaho nalang ba ako parang bula pagkatapos? If this is a befitting end for me, then I'll accept it. Ang dami kong nasirang buhay dahil sa kakayahang ito. Unti-unti akong dinalaw ng antok.

"Maari ka ng matulog ng mahimbing panghabang buhay, Malia. Gigising na ako sa katawan mo ngayon.''

Boses ni Leonor ang huli kong narinig bago tuluyang nandilim ang aking paligid.

Ang init ng sinag ng araw ang gumising sa akin. Pilit kong tinakpan ang aking mata gamit ang isa kong kamay ngunit naalimpungatan ako sa sinag ng araw kaya bumangon na lamang ako.

Wala sa sarili kong inilibot ang aking paningin-a very unfamiliar place. I heard the neigh of a horse, wait...what?! Napatayo ako sa gulat at dumungaw sa bintana.

"Leonor!" Nagulantang ako ng marinig ang isang napaka maawtoridad na boses. "Bumalik ka rito! Huwag mo ako ipahiya sa harap ng aking mga bisita!"

Leonor? Nasa alaala ba ako ni Leonor? Bumukas ang pinto at malakas na isinara ni Leonor ang pinto.

"Hindi ko siya papakasalan at wala akong balak makilala siya," sigaw niya at padabog na umupo sa kanyang higaan.

Rinig hanggang sa loob ang malakas na pag buntong hininga ng babae sa likod ng pinto. Patuloy pa rin niyang kinakatok ang pinto at tanging tinakpan lamang ni Leonor ang kanyang magkabilang tainga gamit ang kamay niya.

Lumipas ang ilang minuto ay nawala ang malakas na pagkatok. Marahas na pinunasan ni Leonor ang malalaking butil na luhang bumabagsak sa kanyang mga magagandang mata.

Isang baritonong boses ang pumukaw sa pansin ni Leonor. "Hindi mo ba ako maaaring bigyan ng pagkakataon, Binibining Leonor? Pangako kong aalagaan kita at papasi-"

Agad na pinutol ni Leonor at nais sabihin ng binata at maddin na sinagot ito. "Ipagpaumanhin mo ako, Ginoo. Ngunit may iniirog na akong iba at siya lamang ang bukod tanging lalaki na aking iibigin at papakasalan."

"Handa akong maghintay," simpleng sagot ng binata.

Pinanood ko ang pagtayo ni Leonor at bukas ng pinto. Kita sa kulay tsokolate na mga mata ng binata ang gulat sa biglaang pagbukas ni Leonor ng pinto. I stared at him, he has mousy brown hair, a round face, a long straight nose, a narrow mouth, and full lips.

Mukha siyang ibang lahi. Sa tingin ko ay British at 'di mapagkakaila ang kanyang katangkaran na nagpapadagdag sa kanyang karisma.

May accent ang kanyang pagsasalita pero magaling siya mag-Tagalog. Tahimik lamang silang nagsukatan ng titigan ni Leonor.

"Tulad ng aking winika sa iyo kanina, ako ay may kasintahan na. Hindi ko matatanggap ang iyong alok na pagpapakasal. Ang pag-iisang dibdib na inyong kasunduan ni Ina ay walang pahintulot mula sa akin." Muling hinawakan ni Leonor ang pintuan at pinasadahan ng tingin si Henry. "Kaya kung mararapatin mo lang Ginoong Henry ay maaari ka ng umalis sa aming tahanan. Ako ay magpapahinga na sa aking silid."

Kasabay ng pagsara ng pinto ni Leonor ay ang paglaho nila sa aking paningin. Anong nangyayari? Wala akong makita, bakit ang dilim?

Nangangapa man ay sinubokan kong maglakad. It feels like I'm walking in an empty abyss with no light. Ilang oras na ba akong walang direksyon na naglalakad dito sa kadiliman? This darkness, it's... suffocating.

I think I'm losing my mind. Namamanhid na ang buong katawan ko. Nahimasmasan lamang ako nang makarinig ng ingay 'di kalayuan sa aking kinatatayuan. Nanghihina man ay tumakbo ako patungo roon bago ako muling mawala sa aking sarili.

"Darating ang oras na kakailanganin mo iyan. Gamitin mo yan, iha. Kung ayaw mong mawala siya sa iyo."

Ang matandang babae sa pangitain ko noon! Ang matandang bulag na nagbigay ng isang misteryosong bagay kay Leonor. Patakbo akong lumapit kay Leonor at sinundan siya, sa tingin ko ay uuwi na siya sa kanila.

Kailangan kong malaman kung ano ang ibinigay sa kanya ng matandang bulag. She has this aura that you just want to protect her

Pagkarating niya sa kanyang kwarto ay agad itong humiga at tumitig sa kawalan.

"Masasaktan ako ng lubusan sa muling pagbalik ng kanyang nakaraan? Si Rafael ba ang kanyang tinutukoy?" Bulong niya sa sarili.

Binuksan niya ang maliit na tela at namangha ng makita ang puting perlas na bigay ng matanda. Tinitigan niya ito bago bumangon sa pagkakahiga at pumunta sa kanyang lamesa.

Inilabas ni Leonor ang isang litrato, ang kanyang litrato. Saka kumuha ng panulat.

"Naniniwala ako sa 'yo, Rafael. Alam kong hindi mo magagawang kalimutan ang iyong pangako sa akin.« Nakangiting sambit ni Leonor sabay nagsimulang magsulat.

Lumapit ako rito at sinubukang basahin ang kanyang isinulat.

"A mi inolvidable y amadisimo amante; le dedica este retrato su apasionada. Taimis"

These words... look extremely familiar. Saan ko ba 'to nabasa? Isang alaala kasama si mama ang sumakop sa aking isipan...

"Ma, ano pong ibig sabihin ng mga letrang iyan?"

It's the same picture of Leonor I just saw earlier. Bakit hawak ni Mama ito? May alam ba si Mama?

"To my unforgettable and dearest lover, I dedicate this picture. Your devoted Taimis."

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa malakas ngunit maamong boses ni Leonor. "Maria."

"Binibining Leonor?"

Pumasok ang isang babaeng na tingin ko ay kanyang personal na katulong.

"Hindi ba't sinabi ko sa iyong tawagin mo na lamang akong Leonor kung tayo lang dalawa? Para na kitang kapatid, Maria."

"Sabay man tayong lumaki Binibini, ay tagapagsilbihan lamang ako ng inyong pamilya," magalang na sagot ni Maria.

Humugot ng malalim na hininga si Leonor saka ngumiti ng mapakla. Inabot niya ang kanyang larawan kay Maria.

Inilahad ni Leonor ang isang sobre kay Maria. "Kung gayon ay hindi kita mapipilit sa aking kagustohan. Kahit na amo ang iyong tingin sa akin ay ikaw lang ang bukod tanging pinagkakatiwalaan ko dito. Alam mo na kung ano ang gagawin dito, 'di ba?"

Tumango lamang si Maria at naglakad palabas. Umupo naman si Leonor at nagsimulang magpatugtog sa kanyang piano. Napatigil siya sa pagpapiano nang may isang bahid ng luha ang tumulo sa kanyang mga mata.

"Ang kantang ito ay aking naisulat sa aking pangungulila sa'yo Rafael," bulong niya sa sarili hawak hawak ang perlas na ngayon ay ginawa niya ng kwintas.

Pinunasan niya ang kanyang nga luha at nagsimulang magpatugtog. Nakapikit ang kanyang mga mata at damang damo mo ang bawat emosyon sa bawat kumpas niya sa piano. Hindi matanggal ang maga mata ko sa pagkakatitig.

She's very talented, hindi pa nauubos ang hanga ko sa kanya ay idinilat niya ang kanyang mata at kita ang lungkot dito, binuksan niya ang kanyang bibig at nagsimulang kumanta.

Kung pinagtagpo, tayong dal'wa'y para sa isa't isa
At kung nasabi ko ang lahat noon ay may magbabago ba?
Sa aking bawat paghinga, dalangi'y makapiling ka
At kung ito na ang huli, nais kong malaman mo na, ooh-ooh
Mahal kita
Mahal ki-

"Tulad ng inaasahan sa isang Leonor Rivera. Ang iyong talento sa paglalaro ng piano ay hindi maihahambing."

Naidiin ni Leonor ang kanyang mga daliri sa piano na naging dahilan ng malakas at masakit sa tainga na pagtunog nito. Inis na napalingon sa kanyang likod.

"Patawarin mo sana ako kung ikaw ay aking nadisturbo sa iyong pagtutugtog. Hindi ko lamang maiwasang mamangha sa iyong galing."

Tumayo si Leonor at nakakuyom ang kamao na tinitigan ang binata sa kanyang harapan.

"May iba na akong iniibig, maari ka ng umalis Henry," matigas na sambit ni Leonor bago naglakad pabalik sa kanyang kwarto at malakas na isinara ang pinto.

Henry? Ito ba ang lalaking nais ipakasal ng kanyang ina sa kanya? Hindi naman maipagkakailang may itsura ang binata, mukha ring maginoo ito. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Henry na nakatitig sa pintuan ni Leonor.

Napailing na lamang akong naglakad patungo sa silid ni Leonor. I passed through the door like a ghost at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay. Alam kong nasa alaala lamang ako ni Leonor but it's creepy as hell. And to think about it, I might be a ghost as well since I have no living body!

***

Fun fact:

1. The song that Leonor was singing is a lyric from Hanggang sa Huli by SB19. Pinoy talent mah men! Stan SB19 ✨
2. The thing about Leonor and the photograph is real. Searched for Leonor Rivera: The Tragic Story of Jose Rizal's Most Significant Love and Heartbreak. But that's all, other than that everything in this book is pure fiction ✌️ Again this book is not historically accurate and just a product of weakdreamer's imagination ✌️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top