Chapter 1

Ever since I was born, I've been able to see some weird things that I shouldn't be able to see. Those weird things are what we would probably call⁠—memories. Just with a single touch, I can read a person or an object's past which made my life extremely hard.

For the nth time today, I let out a heavy sigh. Nagsisimula ang araw ko sa pagbukas ng perya tuwing alas-sais ng gabi at nagtatapos naman ito ng alas dos ng madaling araw.

Inilibot ko ang paningin, pinaandar na ang mga rides tulad ng octopus ride at Ferris wheel. Puno ng iba't ibang kulay na mga ilaw ang perya ngunit bakit pakiramdam ko, bitag pa rin ako ng dilim? Napaka bigat at lungkot ng paligid kahit na sentro ito ng kasiyahan.

Mahina kong tinampal ang aking pisngi. Hindi ito oras para mag-isip ako ng kung ano-ano. Mapapagalitan na naman ako kung makita akong nasa labas ng tent. Napaatras ako sa nakitang pagrami ng mga kustomer na pumapasok sa perya.

Nang matauhan ay lakad-takbo kong tinungo ang tent para makapaghanda na, pero hindi sinasadyang magbangga ang balikat namin ng isang estranghero. Narinig ko pa ang pagdaing niya at nangyari na ang iniiwasan ko. Parang bumagal sa aking paningin sa unti-unting pagdampi ng aming balat. Napapikit ako kasabay ang tuloyang pagpasok ng isang pangitain...

Natagpuan ko ang sarili sa loob ng isang ma-espasyong kwartong gawa sa kahoy. Subalit elegante pa rin 'tong tignan dahil sa mga palamuti tulad ng magagarang paintings at mga carved wooden boxes nakapalibot sa silid.

Base sa pulang camisa, pañuelo, at saya ng babae sa aking harapan ay sigurado akong panahon nga 'to ng mga Espanya. Nakaupo sa isang study table na puno ng papel at libro ang nakita kong babae.

Tinitigan ko siya at bakas sa kulay tsokolate niyang mga mata ang lungkot at pighati. Maputi rin ang kanyang makinis na balat, may mahabang itim na buhok, at may pahabang hugis na mukha rin siya, mukha ngang may lahi siyang dayuhan.

Tanging liwanag galing sa isang kandila ang nagbibigay ilaw sa kanyang madilim na silid. Napatingin ako sa isang larawang hawak niya.

"Hindi dito matatapos ang pagmamahalan natin, mi amor. Hasta que la muerte nos separe," bulong niya sa kanyang sarili sabay ng pagpatak ng kanyang luha sa kanyang kanang mata.

Nabalik ako sa reyalidad nang tinapik ng isang babae ang balikat ko. Tinitigan ko siya at inaral ng mabuti ang kanyang mukha, matangos na ilong, kulay tsokolateng bilogang mata, mabilog na mga labi, mahabang itim na buhok na may side bangs, at mestiza. Hmm, may pagkakahawig sila pero hindi siya ang babae sa aking pangitain.

Napabuntong hininga na lamang ako, oo nga pala. There are rare cases where people living their first life share a deep connection with their ancestors that their current life is tied to their ancestor's fate.

Mukhang ganoon ang kapalaran niya. Hindi ko talaga maintindihan ang mga normal na tao. Kung ako lang ay ayoko na talagang mabuhay muli o magkaroon man lang ng koneksyon sa masalimuot na mundong 'to.

"Hope, ayos ka lang?" tanong ng kasama niyang babae na may dalang cotton candy. "Tawagin ko na ba si Rick? Gusto mo na ba magpahinga? Sinabi ko naman kasi sa 'yong 'di ka pa pwede maglakad kasi marami pang sugot ang paa mo."

Bakas sa maamong mukha niya ang pag-aalala sa kaibigan. Mapakla akong napangiti... kaibigan, kailan man ay hindi ako nakaranas magkaroon ng kaibigan. Napatingin ako sa paa ng babaeng tinatawag niyang Hope. May nakabalot na puting tela rito at halatang hirap siya sa paglalakad. Bigla namang tinakpan ni Hope ang bibig ng kasama.

"Oo, ayos lang ako Summer," aniya't nilingon ako. Sumilay ang abot-tengang ngiti nito. "Ayos ka lang ba? Pasensya na ha, talagang nasasabik akong magpunta rito sa perya kahit na—"

Pinutol niya ang litanya at ibinaba ang tingin sa mga paa niya. Agad akong napakurap at nginitian siya.

Her fate and her life are none of my business. Hindi ko na sinayang ang aking oras at agad na pumasok sa tent ko, at inayos ang kumot ko na nakapatong sa kahoy na kama kong nagsisilbing upuan ko. Inayos ko rin ang pabilog kong lamesa at itinapat sa higaan na nagsisilbing upuan ko tuwing nagtatrabaho.

Ang tent na 'to ang nagsisilbing lugar ng trabaho at tirahan ko. It's small but this is everything.

Dali dali akong humarap sa stand mirror saka tinitigan ang sarili. Kailangan kong maging kung ano ang inaasahan sa akin, kung hindi ay paniguradong magagalit na naman si Tito Isme.

I stared straight at my reflection—smoky black eyeshadows, dark black lip makeup, black long frilly hair, and my naturally pale silver eyes matched very well.

I stared at my outfit, a silver metallic crown, black floor-length skirt paired against a blinged-out skimpy top has been my go-to attire whether I like it or not. I never liked wearing this since it made me feel more of an outcast.

Gustuhin ko man o hindi, I never had a normal childhood. With this appearance, I am reminded every day that I am not normal and could never be.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang itim na kurtina at iniluwa nito si Yana na may dalang dalawang malaking black backpack at isang gray na maleta. "Ate, umalis na tayo habang wala pa si Papa."

Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti at naglakad papunta sa round table, saka nilinisan ang nagkalat kong sketchpad sa lamesa. Imbes na kristal na bola o mga baraha, sketchpad ang gamit ko dahil mas naaayon ito sa kakayahan ko.

Muli akong napatingin kay Yana. Is this her another attempt of trying to run away from Tito Isme's clutches again? Napabuntong hininga na lamang ako. Kahit naman na makatakas kami rito ay hindi pa rin ako magkakaroon ng normal na buhay.

Even if we can escape I still have to seclude myself away from society's judgment. People hate things they don't understand, people hate something different, and I'm different.

"Alam mong hindi p'wede, Yana. Umalis ka na bago ka makita ni Tito Isme. Ano mang segundo ay baka may pumasok na kliyente, umuwi ka na."

Tila ba walang narinig ay lumapit siya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit. Yana is a spitting image of me, kung hindi lang sa pagkakaiba ng kulay nang mata namin ay mapagkakamalan kaming kambal pero mas matanda ako sa kaniya ng apat na taon.

She has short brown wavy hair na namana niya kay Mama. She also has mesmerizing dark brown eyes on contrary to my creepy silver eyes. Magkaibang magkaiba kami, unlike me, she is normal, and because of that she values freedom more than anything else. Kaya kahit ilang beses kaming nagtangkang umalis at nabigo ay hindi pa rin siya tumitigil.

"Ate Lia, hindi dahil nakikita mo ang nakaraan ay mamumuhay ka na rin doon. Paano nalang ang kasalukuyan mo? Itatapon mo nalang ba pati ang hinaharap mo sa takot sa nakaraan? Hindi mo man mababago ang nakaraan ay p'wede mo namang baguhin ito sa kasalukuyan!" seryosong sambit niya sabay ibinaba ang suot na bagpack. "You deserve to live too."

Iniwas ko ang mga mata ko, mali ka Yana. I don't deserve to live. Napaabuntong hininga na lamang ako ng pumasok sa aking isipan ang isang alaala kapiling si Mama...

"Lia! Anong problema, Lia?"

Napatingin ako kay Mama na suot na naman ang kanyang paboritong ternong dilaw na pajama at masayang nagdidilig ng mga halaman sa aming maliit na hardin.

Napakunot muli ang noo ko, hindi ko din maintindihan bakit nagsusuot ng pajama si Mama habang nagdidilig pero mas hindi ko maintindihan ang aking kakayahan.

Ang dami ko talagang hindi maintindihan. Parang puros tanong lang ang buhay ko na walang sagot.

"Hindi ko pa rin maintindihan, Mama. Ano pa ang saysay na makita ko kung ano ang nakaraang buhay ng isang tao kung hindi ko naman mababago iyon? Bakit hindi nalang kakayahan makita ang nakalipas na ilang minuto o oras o araw sa panahon natin ang makita ko? Baka makatulong pa ako mahanap ang nawawalang gamit o baka magamit ko pa 'to para huliin ang mga kriminal."

Nginitian lamang ako ni Mama bago muling itinuon ang kanyang atensyon sa mga halaman at bulaklak nyang inaalagaan.

"Lahat ng nangyayari sa atin ay may rason, Anak. Hindi mo man mabago ang kanilang nakaraang buhay pero alam mo ang kanilang tadhana. Sa panahong ito ay maaaring ikaw ang tulay upang makamit nila ang kanilang minimithi at hindi ba't nakakamangha ang makita kung saan nagsimula ang lahat?" Makahulogan niyang sagot.

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga huling katagang sinambit ni Mama sa akin noon. Tulay?

Isang pagkakamali ang maniwala na ang kakayahan kong ito ay makakatulong sa kanila na makamit ang tunay nilang minimithi. Isang katangahan ang kalabanin ang tadhana, nakasulat na kung anong mangyayari sa kanila. Wala akong laban doon, walang sino man ang may laban sa nakatakdang mangyari.

Kailangan lang nilang tanggapin ang nakatadhana sa kanila para tuluyang makalaya sa ikot ng reinkarnasyon. Ang subukang tumulong gamit ang kakayahang ito ay isa sa pinaka malaking pagkakamali na nagawa ko.

"Ate Lia, tulala ka na naman," sambit ni Yana na nagpabalik sa aking huwisyo. "Naaalala mo na naman si Mama 'no? Hindi mo kasalanan ang nangyari, Ate. Kaya sumama ka na sa akin please. Hanapin natin si Mama."

Hindi nga ba? Kung papipiliin ako, mas gusto ko ang malaman ang hinaharap. Baka sakaling mabago ko pa ang lahat at maiwasan ang mga masasamang mangyayari. Kung sana nakita ko ang hinaharap mapipigilan ko ang trahedyang iyon.

Mali ka Ma, walang saysay ang makita ang nakaraan dahil kahit anong kagustuhan mo ay hindi mababago ang nangyari na... katulad na lamang ng nangyari sa 'yo.

Anong nakakamangha sa isang bagay na wala ka nang magagawa kundi ang panoorin lamang ang mga panahon na lumipas na. Ang manood lamang at walang magawa para baguhin ang nakikita mo, isa nga ba talaga itong regalo o isang sumpa?

Madiin kong ipinikit ang mata ko saka umiling sa suhestiyon ni Yana. Dalawang taon na ang lumipas simula nang mangyari ang trahedyang nagpabago sa buhay ko, sa buhay ng mga tao sa paligid ko. Ayoko na muling maalala iyon.

"Alyanna Valenzuela Rivera," buong diin kong tugon. "Umuwi ka na. Nakalimutan mo bang dalawang linggo kang ikinulong ni Tito Isme noong huling sinubukan mong tumakas noong nakaraang buwan?"

Umiling iling siya bilang pag-protesta muli sa aking utos. Bakit kasi hindi na lang siya mabuhay ng normal tulad ng ibang tao at kalimutan na lang ako? Tutal wala naman siyang kakayahan na tulad ng akin, pwedeng pwede siyang mamuhay ng normal at malaya tulad ng inaasam niya.

Mahihirapan lang siya kasama ako pero kahit ilang beses ko siyang ipagtabuyan ay paulit-ulit pa rin siyang bumabalik. I don't want her to be caught up in my chaotic and miserable world.

"So this is what a fortune teller's place looks like. Looks creepy and I love it!"

Sabay kaming napalingon nang magsalita ang isang babaeng mestiza na pumasok kasama ang isang dalagang may dalang manika, at lalaking mukhang napipilitan sumama sa kanila.

Napakunot ang noo ko nang makita ang ilang kasuotan. Sa kasuotan palang nilang pormal na tuxedo at mamahaling casual dress ay malalaman mong nakakaangat sila kumpara sa madalas kong customer.

Minsan lang ako nagkakacustomer ng mayayaman pero karamihan sa kanila ay nagbabantang magdemanda kaya kailangan kong maging maingat sa sasabihin ko. Hindi ko rin maintindihan bakit sila pupunta rito kung magagalit lamang sila sa maririning nila.

"Kailangan mo ng umalis, Yana," pagtataboy ko saka itinuon ang pansin sa unang customers ko.

Umupo ako sa maliit na kahoy na upuan at pinagmasdan sila. Kadalasan sa aking mga pangitain ay ang mga buhay nila sa nakaraan, madalas kong nakikita ang huling alaalang nagbibigay sa kanila ng kakayahang mabuhay muli sa ibang panahon.

May mga tao na sa sobrang lakas ng kahilingan ay nabibigyan ng pangalawa, pangatlo at 'di mabilang na pagkakataon, mga taong hindi titigil hangga't 'di nila nakukuha ang kanilang kahilingan.

Kung ako lang ay nakakapagod ang muling mabuhay sa mundong 'to kaya hindi ko maintindihan bakit nila hihilinging mabuhay muli kung wala namang kasigurohan kung magtatagumpay sila?

Hindi ba't masasaktan lamang sila ng paulit-ulit? Hindi ko pa rin maintindihan bakit may kakayahan akong ganito, nang dahil sa kakayahan kong 'to, naisipan ni Tito Isme na pagkakitaan ako, kapalit ng kaligtasan ni Mama, at pagpapaaral niya kay Yana.

"You're so childish, Winter. When will you grow up?" ismid ng babaeng may kulay asul na mata sa dalagang may hawak na manika.

"Well, Misty. When will you grow up?" sabat ng dalaga bago umirap.

"I heard you're quite famous in this area and you predict everyone's future." Umangat ang dulo ng labi ng babaeng tinatawag nilang Misty na tila ba naaaliw sa akin.

"But I want to check if you're not some bogus," nakapamaywang na sambit naman ng dalagang tinatawag nilang Winter.

Sana nga ay nakikita ko ang hinaharap ng isang tao pero hindi. Sadyang kung ano ang nakasulat sa inyong tadhana ay mangyayari ito, hindi mo mababago ang takbo ng tadhana. Kaya walang saysay ang pilit na kalabanin ang nakatakda. Mangyayari ang dapat mangyari but indeed, a heart's desire is a frightening thing. I'll just have to tell them what I see.

Ngumiti na lamang ako bilang sagot saka tinanggal ang suot kong gloves. Inilahad ko ang kamay ko bago humigit ng malalim na hininga. Hindi lahat ng alaala mula sa dating buhay ay maganda, karamihan pa dito ay may malagim at malungkot na kwento.

Unable to control this ability made it impossible to function as a normal citizen. I tried. Sinubukan ko naman talaga... but I failed miserably. Matagal na akong sumuko na makawala sa kulongang 'to. A freak should stay where it belongs. At sa perya ako nababagay.

"To be precise, I can see your past," panimula ko. "Specifically your past life."

***

So I'm usually writing my stories in Taglish and dominant talaga ang English ko despite the wrong grammars HAHAHAHA I hope I didn't sound awkward and conyo here. Constructive criticism is highly appreciated too. I hope you like the new version..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top