1

Napabuntong-hininga ako nang malalim habang nakamasid sa building ng aking pinagtatrabahuhan.

Kinagatan ko muna ang donut na aking hawak sabay simsim sa iced coffee na binili ko kani-kanina lang.

Nang tuluyan kong maubos ang donut ay pinagpagan ko muna ang aking mga kamay. Tiningnan ko ang oras sa aking wristwatch. Fifteen minutes past seven palang ng umaga. May forty five minutes pa bago magsimula ang shift ko.

Medyo pumapatak na naman ang ulan kaya wala akong choice kaya pumasok na sa company building. Tatambay na lang ako sa sleeping quarters habang naghihintay ng oras.

Nang makarating ako sa ikalabinlimang palapag ay may mga nakakasalubong akong mga katrabaho. Night shift ang pasok nila.

Ganito naman talaga sa Vodaphone. Maghapon at magdamag na nagseserbisyo ang kumpanya namin lalo pa at wala namang pinipiling oras ang technical issues, bill payment, disputes ng customers naming nag-avail ng internet and broadband services.

Tatlong taon na ako sa Vodaphone bilang call center agent. Dito na ako nagtatrabaho mula nang mapadpad ako sa Dublin, Ireland. Bago ako umalis sa Pilipinas ay nagtrabaho rin ako sa parehong industriya bago tuluyan nang makapagdesisyong tumira na rito.

Maraming nag-congratulate sa akin nang i-announce kong mag-a-Ireland na ako. Sabi nila e matutupad na ang pangarap kong kumita ng higit daang libong piso sa isang buwan. Sobra-sobra kung ikukumpara sa kakarampot na sinasahod ko sa Pilipinas. Sa totoo lang ay pangarap ko rin naman talaga iyon dahil nagsasawa na akong itawid na lang ang bawat sahuran. ’Yong tipong halos sa bills na lang napupunta ang lahat ng sinasahod ko. Na halos wala nang natitira na sa akin.

Hindi naman iyon 'yong pangunahing rason kung bakit ako nandito. I have a personal and a much deeper reason which others may think as illogical at sobrang mababaw. Pero kebs lang. Buhay ko naman ito, eh. Ako ang may kontrol kung paano ko ito patatakbuhin at kung ano ang mga gagawin kong magpapasaya sa akin.

Napangiti ako nang may makitang bakanteng sleeping pod. Agad akong pumunta roon at inihimlay ang sarili.

Kinuha ko ang phone ko at sabik na tiningnan ang gallery. Napalawig ang ngiti ko nang makita ko ang mukha ng lalaking rason kung bakit nandito ako sa Ireland.

Si Nicky Byrne.

Bata palang ako ay fan na ako ni Nicky lalo na ng boyband na kinabibilangan niya – ang Westlife. I’ve always picture myself with him. Oo, sabihin nang nababaliw ako pero iniisip ko na mag-asawa kami, kahit napakaliit ng tsansa.

I am twenty eight years old, he’s now forty three. Napakalaking agwat. Hindi lang naman kasi edad ang problema kaya nasasabi kong malabo na maging kami.

He had a wife. Pero that was only until four years ago. His wife died while they were in a cruise ship. Ayon sa balita ay tumalon daw ito sa barko. May makapagpapatunay naman na CCTV na tumalon nga ito. The crew on that ship tried to rescue her by throwing a life saving floating device but she refused to get it. Kaya ayun, nalunod siya. Her body was never recovered.

Nalungkot ako sa pagkamatay ni Gina. Kahit naman asawa siya ng hinahangaan ko, hindi ko siya bina-bad mouth. Mukha namang inaalagaan niya nang maayos si Nicky kaya wala akong dahilan para i-bash siya.

She was a good wife at sa aking tingin ay perpekto sila ni Nicky sa isa't isa. That is why gano'n na lang ang pagtataka ko sa biglaan niyang pagpapakamatay. Sa aking teorya, siguro na-frustrate kasi sa tagal nilang kasal e hindi niya nabigyan ng anak ang asawa. Baka lang naman, hindi ako sigurado.

Sa kabila ng aking pagkalungkot sa pagkamatay ni Gina ay nabuhay ang pag-asa ko kay Nicky. Alam kong hindi maganda ang magbunyi ka dahil sa masamang sinapit ng kapwa mo. I'm telling you, I really tried. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mabuhayan ng katiting na pag-asa kay Nicky.

His wife died, or more accurate to say, died due to suicide. Ibig sabihin noon ay single na siya ulit at puwede nang mag-asawa.

Hindi na ako nagdalawang-isip na mag-asikaso ng papel makapunta lang rito. Heto na ang chance ko. Hindi ko na palalagpasin pa.

Iyon nga lang, tatlong taon na ako rito pero hindi ko pa nakakadaupang palad si Nicky. Mind you, nakapunta naman na ako sa concerts ng Westlife pero hindi ko siya nakikita nang malapitan. Puro tanaw lang. Mas maganda sana kung makakaharap ko siya nang kami lang.

Tumunog ang cellphone ko. Kinse minutos na lang bago ang shift ko. Kailangan ko nang maghanda kaya bumangon na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top