Outro


"And that's how their story ends," nagagalak na saad ko pagkatapos basahin ang kwento.

Napangiti naman sila at halatang kilig na kilig.

"Ang ganda po ng story niyo Miss Chels! Nakaka-inspire."

"Oo nga, parang gusto ko tuloy palitan yung WIFI name namin, baka sakaling magkaroon ako ng isang Iain waaah!"

"Wala naman kayong WIFI eh."

Lalong lumawak ang ngiti ko sa naging reaction nila sa kwento ko... kwento namin.

"Sige, aalis na ako. Pupuntahan ko lang yung minamahal ko."

~~•~~

Nakangiti ako habang nakatingin sa lapidang nasa harapan ko ngayon.

Iain Louie Yue
March 21, 1993 - December 24, 2018

"Hi Love, namiss kita."

Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko habang nakatingin sa batong ito na kung saan nakaukit ang pangalan ng pinakamamahal ko.

Pinunasan ko ang mga luha na dahan-dahang nagsisituluan mula sa aking mga mata. "Alam mo ba? Naisa-libro ko na 'yung love story natin, at ang saya nila habang kinekwento ko 'yun sa kanila. Haha," sabi ko at tumawa ng mapait.

Napakagat ako ng aking labi at nagpatuloy sa pagkwento, "Sana nga lang nararamdaman ko 'yung kilig na nararamdaman nila habang kinekwento ko 'yun. Sana masaya ako... tayo ngayon. Sana magkasama pa rin tayo."

"Sa-sana, hindi mo ako iniwan."

Doon na ako tuluyang napahagulgol, "Pero bakit? Bakit mo ako iniwan! Bakit? Bakit kung kailan pa tayo ikakasal? Ba-bakit kung kailan pa masayang-masaya tayo?"

Napaluhod ako sa lupa. "Bakit kasi ikaw pa? Bakit kasi sa rinami-rami ng tao rito sa mundo ay tayo pa! Tayo pa ang nagkaroon ng ganitong ending? Bakit ang unfair ng mundo?"

"Tama nga sila, we make our own happy ending. Because in the first place, there is no happy ending."

_*_*_END_*_*_

END::
September 15, 2019
07:13 PM

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top