Chapter 9: Curiousity

Eulla's Point of View

______________________________

Okay you know me, but who really are you? I just want to know.

______________________________

Ilang minuta na nang bago ko 'to tinanong sa kaniya. Ngunit wala pa rin siyang sinasagot. Mukha ngang wala na siyang balak sumagot eh.

Bumuntong hininga na lang ako at sumadal sa upuan ng swivel chair. Ipinikit ko ang aking mga mata bilang pagpapahinga. Nang makuntento na ako ay ibinuka ko na ang aking mata ay naoatingin ako sa screen at nakita kong pinalitan na niya ito.

______________________________

Are you sure?

______________________________

Napairap na lang ako sa sagot niya. Ang haba-haba ng itinipa ko tapos ito lang ang matatanggap ko? Unfair. Pero dagil desperada na ako ay nagtipa ulit ako.

______________________________


Yes!

______________________________

Oh 'di ba? Mas maikli ang sagot ko sa kaniya. Akala niya ha. Hindi pa ata nakakalipas ang isang minuto ay pinalitan na niya ulit 'to.

______________________________

Give me a reason why you want to know who I am.

______________________________

Napaisip naman ako sa sinagot niya. Oo nga, ano nga bang dahilan kung bakit ko siya gustong makilala? Bumuntong hininga na lang ako at nagtipa.

______________________________

Because, I'm curious!

______________________________

Pagkatipa ko n'on ay napatakip na lang ako ng mukha. Ano bang sagot iyan Eulla! Napasilip ako sa monitor at halos lumuwa ang mata ko sa nabasa.

______________________________

Then if you want to know me... meet me

______________________________

Seryoso ba siya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top