Chapter 8: Chit Chat via WIFI Name
A/N: this chapter will be written in omniscient point of view :>
_______________
Nakakunot ang noo ni Eulla habang nakatingin sa screen ng kaniyang desktop. Hinihintay niya pa rin ang pagsagot ng misteryosong lalaki sa tanong niya. Ngunit nang makalipas ang mga ilang minto ay wala pa rin siyang natatanggap na sagot.
Bumuntong hininga na lang siya at tumayo nang makaramdam ng gutom. Pinabayaan muna niyang nakabukas ang desktop at pumunta sa kanilang kusina upang makahanap ng makakain. Pagkarating sa kusina ay pumunta agad siya sa kanilang ref at kinuha mula sa freezer n'on ang isang ice cream na nakalagay sa maliit na cup, at ito'y kinain.
Habang kinakain niya ito'y tumunog ang cellphone niya na nasa kaniyang bulsa. Chineck niya ito at nakitang reminder lang pala ito ng isang online shopping application na nagsasabing malapit na raw ang inorder niya. Tumango na lang siya at iniwan ang ice cream sa lamesa tsaka lumabas ng bahay nila at doon hinintay ang magdedeliver.
Habang hinihintay ito ay naisipan niyang maglaro sa cellphone niya. Ngunit habang ginagawa ito ay ramdam niyang parang may nakamasid sa kaniya. Tumingin siya sa kaniyang paligid at wala naman siyang nakitang nakatingin sa kaniya.
Dumating ang delivery boy at tinanggap na niya ang inorder niya. Bumalik na siya sa loob ng kanilang bahay at iniwan ang package sa sofa nila. Bumalik na siya sa desktop nila at nakita niyang sumagot na ito.
______________________________
It's just so easy to hack. You know? The security of your WIFI is so weak. ;)
______________________________
Halos mawala na ang mata ni Eulla dahil sa pagkakakunot ng noo niya. Napairap siya sa inis at nagtipa. Ngunit walang masagot pabalik si Eulla at ang naitipa na lang niya ay isang kyut na bagay.
______________________________
凸(`0')凸
______________________________
Sa kabilang banda ay napatawa naman si Iain sa sagot nito. "Cute," sa isip niya. Nang makabawi na siya ay nagtipa ulit siya.
_____________________________
An emoticon? That's your response? Why? Cat got your tounge? ;)
_____________________________
Tatawa-tawa si Iain habang tinitipa ang mga ito at pinalitan ang pangalan ng WIFI. Pagkapalit naman ay tiningnan agad ito ni Eulla. Napataas siya ng kilay at nagtipa.
_____________________________
Nah, nasa akin pa rin naman yung dila ko. Gusto nga kitang murahin kaso good girl ako eh. :P
_____________________________
Napailing na lang si Iain sa sagot nito.
"Psh, good girl? Ang sabi ni Jhea amazona ka eh," sabi niya sa kaniyang sarili at nagtipa muli.
______________________________
Good girl? Since when hitting your friend with a spoon and hacking some accounts turned out to be a good girl? ;(
______________________________
Dahil sa sagot ni Iain na 'yun ay nakaramdam ng kaba sa Eulla. "Paano niya nalaman na gan'on ang ginagawa ko? At paano niya nalamang nanghahack ako ng accounts? Sino ba talaga siya?" sabi niya sa isip niya.
______________________________
Who are you? Do I know you?
______________________________
Napangisi na lang d'on si Iain at si Eulla nama'y gulong-gulo na. Ang daming tanong ang pumapasok sa isip niya ngunit walang kasagutan.
______________________________
I actually don't know if you know me, but one thing is for sure... I know who you are Chels ;)
______________________________
Tinaasan na lang 'to ni Eulla ng isang kilay. Kinakabahan siya oo, pero mas nangibabaw ang pagka-asar nang tawagin siya nitong Chels. At nakakairita rin kasi ang emoticon na ginamit niya.
"Landi pota," sabi na lang niya at nagtipa muli.
______________________________
Okay you know me, but who really are you? I just want to know.
______________________________
Blangko lang itong tiningnan ni Iain at napaisip. "Magpapakilala na ba ako?" savi niya sa sarili at iiling-iling na nagtipa muli.
"Sigurado na ako rito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top