Chapter 6: How?
Eulla's Point of View
Nanlaki ang mata ko at nanginginig na tinignan ang WIFI namin na may bagong pangalan na.
What? Paano? Hala!
Dali-dali akong pumunta sa computer namin at in-on ito. Pumunta ako sa setting ng WIFI namin at kumonnect dito gamit ang password nito.
Napahinga naman ako ng maluwag nang malaman kong hindi niya pinalitan ang password at ang pangalan lang nito ang pinalitan.
Nanliit ang mata ko at pinalitan ang pangalab nito.
______________________________
Who the F are you?
______________________________
Pagkatapos nito ay kinuha ko muna ang cellphone ko. Makalipas ang ilang saglit ay napatingin ulit ako sa computer.
Nang mabasa ko ito ay nagpakurap-kurap ako ng mata at nagbabakasakaling namamalikmata lang ako. Pero hindi, totoo talaga itong nakikita ko.
______________________________
Well... I am the one who accepted your challenge :>
______________________________
Mahina akong napamura at napahawak sa sintido ko. Paano naman? Hindi ko alam na may papatol pala dito sa walang kwentang sinabi sa akin ni Jhea.
Parang biglang naglight bulb ang utak ko nang maalala ko ang chinat niya sa akin kanina. So totoo pala ang sinasabi ni Jhea na may hacker kaming kapitbahay. Kaya lang paano niya kaya nalaman? Kakilala niya kaya ito?
Napahilot na lang ako sa sintido at inalis ang kung anong iniisip ko. Kailangan ko munang malaman kung paano niya na-hack.
Mahirap i-hack ang WIFI namin dahil may pinogram ako rito para maging mas malakas ang security niya.
______________________________
How did you hack it?
______________________________
Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi pa rin nito pinapalitan ang name ng wifi kaya't napabuntong hininga na lang ako.
Ang malas ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top