Chapter 5: Challenge Accepted
Iain's Point Of View
Tamad akong humilata sa kama ko at bumuntong hininga. Nakakapagod 'tong araw na 'to.
Paano ba naman kasi 'tong pinsan kong si Jhea an'daming pinapagawa sa akin na projects niya. Pambawi ko raw kasi hindi ako umattend sa birthday niya noong bakasyon.
Ikinabit ko ang earphones ko sa tainga ko at napapikit. Habang pinapakinggan ko ang kanta ay naalala ko yung babaeng nakatitig sa akin kanina.
Napangisi ako nang maalala ko ang pagtitig niya sa akin. Tsk, ang gwapo ko talaga.
Humikab na lang ako at tumayo. Mukhang masarap maglaro ng ROS ngayon.
Lumapit ako sa computer ko at in-on ito. In-on ko na rin ang WIFI namin na nakapatong sa taas.
Pagkabukas ng computer ay icoconnect ko na sana ito sa WIFI namin nang may makakuha ng atensyon ko.
______________________________
I CHALLENGE YOU TO HACK THIS
______________________________
Napangisi na lang ako sa nakita ko at umiling.
Well then, I accept your challenge.
Eulla's Point of View
Patakbo-takbo ako habang pauwi ng bahay namin.
Shemay, ang daldal pala nung nagdeliver. Ginabi tuloy ako. Ang sarap niya kasing kakwentuhan.
Habang tumatakbo ako ay hindi ko napansing may nabunggo na pala ako.
"Aray naman! Watch where tou're going miss!" sigaw ng isang boses ngunit hindi ko na ito binalingan ng tingin.
"Sorry po!" sabi ko na lang at tumakbo hanggang sa makarating sa bahay namin.
____________________
Napahinga ako ng maluwag nang makarating ako sa bahay. Binuksan ko ang gate at pumasok na sa loob. Ginamit ko naman ang susi na dinala ko para buksan ang pinto.
Ang taray! 5 pm na pero wala pa si kuya. Mukhang hindi na lang date ang nangyari doon ah. Sila mamakasi mamaya pang 6 pm darating 'yun. Kapag nalaman nun na wala pa si kuya, nako ewan ko na lang.
Pumasok na lang ako sa kwarto at chineck ang cellphone ko kung ilang percent pa ito.
Napabuntong hininga ako nang makitang 34% pa 'to. Ang tagal ma-low battery.
At dahil gusto ko na itong ma-lowbatt ay naisipan kong mahstream na lang ng MV ng BTS. Bumaba ulit ako papunta sa salas at in-on ang wifi.
Umupo ako sa sofa at in-on ang wifi ng cellphone ko, ngunit nanlaki ang mata ko sa nakita...
______________________________
CHALLENGE ACCEPTED :)
______________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top