Chapter 4: That Guy
Eulla's Point of View
Bumaba ako papunta sa aming sala kung nasaan ang aming WIFI. Pagkababa ko roon ay ang bumungad lang sa akin si Ate Lexine.
Nagpalinga-linga ako sa paligid ng bahay namin dahil baka nalusot lang sila sa kung ano, pero wala talaga sila.
Lumapit ako kay Ate Lexine na nagbabasa ng Manga na may nakalagay na "Black Butler" at kinalabit siya upang makuha ang atensyon niya. Nagtaas na lang siya ng kilay habang hindi inaalis ang tingin sa binabasa.
"Ate nasaan sila?" Tanong ko at mabilis naman siyang sumagot.
"Si mama pumunta ng SM dahil may bibilhin daw. Si papa naman ihinatid na si mama dahil parehas lang daw sila ng daan at dahil na rin may kliyenteng gustong kumausap sa kaniya. Yung Kuya Alex mo naman lumabas habang bihis na bihis, mukhang may ka-date," pagkasabi niya noon ay isinara na niya ang binabasa niya at tumingin sa akin bago tumayo.
"At ako naman ay pupunta lang sa kwarto at mag-bi-bingereading nito. Kaya bantayan mo muna yung bahay habang nand'on ako sa kwarto ko. Kung lalabas ka ilock mo rin at dalhin mo na lang yung susi," mahabang lintaya niya at ginulo ang buhok ko.
Napakunot noo na lang ako at pinanood siyang umakyat papunta sa may kwarto niya. Ano nakain n'on?
Umiling na lang ako at napangise. Mukhang mapapadali yung paggawa ko nito ah.
Lumapit ako sa may computer at doon isinagawa ang plano habang wala pang tao.
_________________________
I CHALLENGE YOU TO HACK THIS
_________________________
Pagkatapos kong gawin 'yun ay shinutdown ko na ang computer namin nang biglang magring ang landline telephone namin. Tamad akong tumayo at sinagot ang tumawag.
"Hello, Emmanuel Residence. Eulla Chelsea Emmanuel speaking. How may I help you?" pormal na bati ko sa tumawag.
"Chelsea anak, papa mo 'to," sagot ng sa kabila at nanlaki ang mata ko.
"Papa! Oh bakit po?"
"Yung kumare kasi ng nanay mo may idedeliver sana sa atin kaso hindi raw niya alam yung exact address natin. Kaya sana anak, puntahan mo sa may guardhouse, nandoon kasi siya magdala ka na rin ng bike para doon mo ilagay yung dineliver at hindi ka mapagod maglakad," sabi ni papa at sumangayon na lang ako.
Ang bait-bait ng papa ko hano? Ewan k.o lang kung ba't niya nagustuhan si mama eh ang amazona niya.
Umiling na lang ako at inalis ang mga iniisip ko bago tumayo para gawin yung inuutos ni papa. Hindi na ako nagabalang magbihis dahil sa tingin ko ay maayos naman ang itsura ko, tsaka hindi naman ako rarampa para maging maganda yung itsura ko. 'Di ba?
Kinuha ko yung maliit kong shoulder bag at inilagay doon ang cellphone ko at ang susi ng bahay. "Ate aalis na muna ako! I-l-lock ko na lang yung pinto katulad ng inutos mo!" sigaw ko bago inilock ang pinto.
Lumabas na ako ng bahay at isinara na rin ang gate at nagsimula ng maglakad papunta sa guardhouse.
Habang naglalakad ako papunta sa guardhouse ay patingin-tingin lang ako sa paligid nang may makakuha ng atensyon ko.
Napako ang tingin ko sa isang lalaking naka-black tshirt na may tatak na bungo at nakasuot din ng isang ripped jeans. Ang pogi niya!
Pero ngayon ko lang siya nakita rito. Hindi naman sa sinasabi kong kilala ko lahat ng nandito pero hindi kasi pamilyar ang mukha niya at paniguradong hindi siya tagarito.
Kinunotan ko siya ng noo ng biglang magvibrate ang cellphone ko at chineck ko 'to.
Kuya Guard
Chelsea ineng nsan knb? Naiinip n d2 ung snaghi2ntay sau
Nanlaki ang mata ko at napatakbo agad ako sa guard house.
Shemay may naghihintay nga pala sa akin! Ang tanga mo Eulla Chelsea!
_________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top