Chapter 3: Challenge
Eulla's Point of View
Tahimik akong nakaupo sa designated seat ko habang nagcecellphone nang may kumalabit sa akin. Hindi na ako nagabalang balingan ito ng tingin dahil alam ko naman na kung sino 'yun.
"Oy Eulla mamansin ka naman! Kanina ka pa nakatutok diyan, 'di mo man lang ako pinapansin pagkapasok na pagkapasok ko."
Kinunotan ko siya ng noo. "Anong kailangan mo Jhea?"
In-off ko na yung cellphone ko at saka ko siya tinignan. Ngumuso naman siya.
"Grabe ka naman sa akin! Porket lalapit ako sa'yo lagi na lang akong may kailangan? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang kausapin?" pagdadrama niya kaya inirapan ko na lang siya at tumingin sa harapan.
Ang tagal naman ni ma'am.
"Pero alam mo ba?-"
"Hindi pa," pagputol ko sa kaniya kaya naman sinamaan niya ako ng tingin kaya nag-peace sign ako.
"Pero ano seryoso ako, kasi ano -ahm..."
Dahil napipikon na ako sa pambibitin niya inirapan ko siya. "Ano ba kasi yun?"
Bumuntong hininga siya. "May tanong lang ako ha... may bagong lipat ba kayong kapit bahay?" tanong niya. Naguluhan naman ako kung bakit niya tinanong pero tumango na lang ako.
"Ahh gan'on ba, sige-"
May sasabihin pa sana siya nang biglang pumasok si ma'am ng room. "Good morning class."
Napabuntong hininga na lang si Jhea, "'Wag na pala kalimutan mo na lang kung ano yung sasabihin ko."
Pagkasabi niya n'on ay dali-dali siyang lumipat sa upuan niya kaya lalo akong naguluhan.
Ang ayaw ko sa lahat ay yung binibitin ako eh! Si ma'am naman kasi masyadong panira sa timing!
~~•~~
"Hello, pamileh!" bati ko pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay namin.
Naabutan ko silang nasa iba't ibang parte ng sala. Si Kuya Alex ay nasa sofa at nagbabasa ng librong "Greek Mythology". Si Ate Lexine naman ay naka-earphones habang nakatitig sa laptop. Nanonood na naman siguro ng anime, otaku kasi siya eh.
Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa kwarto ko. Pagkapasok ay ibinaba ko ang bag ko sa aking study tabke at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkatapos ay nagpalit ako ng komportableng damit at saka ako humilata sa kama.
Nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko yung profile ni Jhea sa chat head. Pinindot ko yun at saka lumitaw ang message niya.
_________________________
Eullaaa!
Uy!
Tangena ayun active na!
Bakit ba?
Uy hacker ka 'di ba?
Tsk, ano naman ngayon?
Pero sure ka bang magaling ka na?
Oo naman!
Sigurado ka? Sige.
'Di ba may bagong lipat diyan sa inyo?
Oh? Tapos?
Alam mo bang hacker din 'yun?
Hindi, hindi ko nga kilala malalaman ko bang hacker 'yun?
Isawalang bahala na muna natin iyang kapilosopohan mo ha?
So ganito nga 'yun.
May dare ako sa'yo.
Palitan niyo yung WIFI name niyo sa "Hack this if you can"
Oh, tapos?
Hoy!
Aba ang galing, nangiwan.
Kaya hindi ka niya mahal eh.
_________________________
Napakunot naman ang noo ko sa pinagsasasabi niya. Ano na naman bang nakain nitong babaeng 'to?
Pero dahil wala rin akong magawa, siguro maganda nga 'yun pampalipas ng oras.
_________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top