Chapter 2: Welcome
Eulla's Point of View
Humikab ako at tinignan kung anong oras na sa cellphone ko.
5:43 AM
Maaga pa lang, 7:30 naman pasok ko kaya pwede pa muna akong mag-online sa Facebook.
Sinilent ko ang cellphone ko at saka ko in-on yung data. Pagka-on na pagka-on ay biglang nagpop ang maraming notification galing sa iba't ibang social media accounts ko.
Binura ko na lang lahat yun at nagsimulang magbrowse ng newsfeed ko sa Facebook nang may magpop na chat galing kay Jhea.
_________________________
Oy par kumusta?
Ayos lang naman, naiistress lang ako mygosh!
Saan? Sa mga pinapahack nilang account?
Oo saan pa ba?
Baka naman kasi busy ka sa iba. You know... ( ͡° ͜ʖ ͡°)
Balakanajan
Gagawin ko na lang muna 'to!
Hay ewan ko sa'yo!
'Di ka naman pro hacker pero accept ka ng accept ng ganiyang offer!
Ihh may kaunting kaalaman naman ako sa IT!
Tsaka sayang yung load :>>>
_________________________
Nang marinig ko yung mga yapak na papalapit sa aking kwarto ay itinago ko yung cellphone ko sa ilalim ng aking unan at nagtulog-tulugan.
Naramdaman kong bumukas ang pinto kaga mas lalo kong pinagigihan ang pagpanggap.
"Hoy aba gumising ka na! Baka nakakalimutan mong may pasok ka ngayon? Alas-sais na po."
Humikab muna ako bago nag-inat. "Opo, maliligo lang ako."
Pagkasabi ko n'on ay naglakad na paalis si mama sa kwarto ko. Pagkaalis niya ay tumitig muna ako ng mga ilang minuto sa kisame bago bumuntong hininga at nagumpisa ng gumayak.
~~•~~
"Good morning people!" masiglang bati ko sa aking pamilya pagkababa ko ng hagdan. Wala man lang bumati pabalik.
Ngumuso na lang ako at umupo para kainin yung almusal ko.
Tahimik kaming kumakain nang biglang magsalita si papa. "Meron nga pala tayong bagong kapit bahay. Alam niyo na siguro ang ibig sabihin nito."
Pagkasabi n'on ni papa ay naalala ko yung itim na kotse na huminto sa katapat naming bakanteng bahay, na ngayon ay hindi na bakante.
So bagong lipat pala talaga 'yun.
Napabuntong hininga ako, matagal-tagal na rin pala nang huling may lumipat dito at nakalimutan kong kailangan din naming iwelcome yung bagong kapit bahay.
As you see, tradisyon na namin na tuwing may bagong lipat ay magluluto kami ng mga lutong ulam at pupunta sa bahay ng bagong lipat kaming buong pamilya at makikipagkaibigan dito tsaka ibibigay ang pagkain.
Excited sana ako nang maalala kong may practice nga pala kami para sa performance task sa Music subject namin.
Tinignan ko muna siya habang nginunguya yung pagkain ko at saka ko nilunok. "Pass muna ako 'Pa. May practice kami mamaya. Kayo na lang."
Kinunotan naman ako ng noo ni mama. "Anong pass? Hindi pwede 'yun. Tradisyon na natin 'to para rin makilala yung mga kapitbahay natin."
"Oh sige mama palit tayo. Kayo yung magpractice tapos ako yung bibisita sa kanila," pambabara ko kay mama kaya sinamaan niya ako ng tingin at nag-peace sign naman ako.
"Pero mama kasi, performance task yun eh tsaka bukas na ipepresent. Hindi talaga ako makakasama."
Sabi ko at tumango naman si Ate Lexine. "Totoo yung sinasabi niya ma, naalala ko yung pinsan ni Alex na kaklase niya ganiyan din yung pinoproblema. Kaya pabayaan niyo na siyang makapagpractice."
Wala ng nagawa si mama kaya pumayag na lang siya.
"Oh sige. Bilis-bilisan niyo na rin dahil malelate pa kayo."
_________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top