Chapter 12: Closure

Third Person Point Of View

Nang hindi sumagot ang lalaking tinakpan ni Eulla ng mata ay napamura siya sa isip niya.

"Hala, baka hindi siya 'yung kapitbahay namin!" sabi niya sa isip kaya't tinanggal niya ang pagkakatakip ng mata sa lalaki.

Yumuko siya at nanghingi ng paumanhin, "Sorry po, akala ko kasi kayo yung-"

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ito. "Kapitbahay mo? Oo ako nga," sabi ng lalaki at hinawakan ang baba niya at itinaas ito upang magpantay sila.

Nang magpantay ang mukha nila ay napatingin si Eulla sa lalaki ay kasabay rin nang pagtama ng mga mata nila. Nahigit niya ang kaniyang hininga at hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Siya ba ang kapitbahay ko? Ang gwapo!" sabi niya sa sarili at pakiramdam niya ay namumula siya ngayon dahil sa kalandian ng kaniyang isip.

"Hi Eulla, ako nga pala yung kapitbahay mo, ang gwapong hacker na kapitbahay mo," sabi ng lalaki at hinalikan ang kamay niya.

Lalo siyang namuka rito ngunit kinunotan niya ang lalaki, parang pamilyar siya. Nang maalala na niya kung sino siya ay nanlaki ang mata niya at napasigaw.

"Ikaw? Ikaw yung lalaki noon!" sigaw niya at napahawak sa bibig na naka-o ngayon.

Ngumisi ang lalaki, "Oo ako nga, ako pala si Iain, does that name rings a bell?"

Kinunotan naman niya ang lalaki, pero pamilyar ang pangalan niya. Parang namention na sa kaniya dati.

Bumuntong hininga si Iain, "I guess not, the magpapakilala na lang ulit ako using this." Pagkatapos ay may inabot siyang kahon. Nagtataka man ay tinanggao ito ni Eulla.

Pagkakuha ay binuksan niya ito ng dahan-dahan. Pagkabukas ay nanlaki ang mata niya... picture nilang tatlo! Picture nila ni Jhea... kasama si Iain?

"Teka, bakit kasama si Iain dito?" tanong niya sa kaniyang sarili at napaisip.

"Ako nga pala yung pinsan ni Jhea, kilala mo ako sa pangalang Louie," pagpapakilala ng lalaki.

Dinigest niya ito ng maigi. "Louie?" tanong niya at nag-isip-isip kung sino ba ang mga Louie na nakilala niya.

"Louie? 'Yung pinsan ni Jhea na nanligaw sa akin dati? Yung nerd!" hindi makapaniwalang tanong niya kaya naman namula si Iain.

"Uhm... yes?" nahihiyang sagot nito. Natawa naman si Eulla.

"Ay haha, ikaw rin pala yung-" pinutol siya nito at sinamaan ng tingin.

"Shut up, you don't need to mention that again," inis na sabi nito at napakamot sa batok niya dahil sa kahihiyan.

Ngumiti naman si Eulla at pinisil ang pisngi ng binata. "Ang cute mo! Infairness, ang laki ng pinagbago mo haha. Hindi ka na patpatin, ang gwapo mo na!" bati niya rito.

Ngumisi naman si Iain sa sinabi ng dalaga. "Talaga ba? So may chance ako?" tanong niya sa dalaga kaya naman bumalik sa pagkakakunot ang noo ng dalaga.

"Huh? Chance? Anong ibig mong sabihin -wah!"

Bigla siyang hinigit ng binata sa isang yakap. "Chance, alam mo 'yun? Balak sana kitang ligawan ulit, baka pwede."

Namula naman ang dalaga at magsasalita na sana ngunit naputol nang halikan siya ng binata sa pisnge.

"Kahit no ang sagot mo, liligawan pa rin kita. So now, I am courting you again, Eulla Chelsea Emmanuel. "

____________________

A/N: last chapter na 'to hihi, outro na next. Thank you sa support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top