Chapter 11: Meeting Up Each Other

Omniscient Point Of View

Napabuntong hininga na lamang si Eulla dahil alam niyang wala naman na talaga siyang choice. Samantala, si Iain naman ay sobrang lawak ng ngiti sa labi dahil mukhang nagtagumpay siya.

Habang naghihintay si Iain sa sagot ni Eulla, napatingin siya sa kahong nakalagay sa kaniyang mesa. Kinuha niya ito at napangiti. Ito kasi ang ibibigay niya kay Eulla kung magkikita sila. Matagal na rin itong nakahanda at naghihintay na lamang siya nang tamang oras para ibigay ito.

"Finally, I can give you know to her."

_________________________

Fine, let's meet.

_________________________

Lalong lumawak ang ngiti ni Iain sa tugon ng dalaga. Napaisip siya kung saan sila pwedeng magkita, at nang makaisip siya ay agad niyang itinipa ang lugar at kung kailan sila magkikita.

_________________________

Sa kubo sa hindi natuloy na tulay sa gitna ng bukid, 'yung dinadaanan bago mag Parang. Mamayang 5:30 PM bago mag sunset. See you :)

_________________________

Nang makita ito ni Eulla ay napatango na lang siya at napatingin sa orasan. Alas cuatro y media pa lang kaya mayroon pa siyang tatlumpong minuto para gumayak.

Pinatay na niya ang desktop at tumayo. Alam niya sa sarili niya na makikipagkita siya rito. Wala ng atrasan.

Nasa lugar na si Iain kung saan sila magkikita ni Eulla. Excite na excite siya ngunit hindi niya ring mapigilan ang sariling kabahan.

"Ano kayang magiging reaction niya 'pag nakita niya ako? Matutuwa ba siya? Magagalit? Ano kayang gagawin niya? Hahampasin niya ako? Babatiin ko ba siya?" iyan ang mga tanong na tumatakbo sa isip niya kaya napasabunot na lang siya.

Sa kabilang banda, si Eulla naman ay nagmamadaling gumayak, nakatulog pala siya habang iniisip kung ano ang isusuot. Kaya nagising tuloy siya nang alas cinco.

'Pagkatapos magpalit ng damit ay agad niyang sinuot ang pinakamaayos niyang sapatos. Nang makagayak na siya ay tiningnsn niya ang sarili sa salamin at ngumiti.

"Aalis muna ako! Babalik rin ako bago mag-seven!" sigaw niya at sumakay sa bike niya.

Minadali niya ang pag-pedal ng bisikleta, late na late na siya!

Hindi niya inalintana kung hindi maayos ang itsura niya. Ang importante para sa kaniya ay hindi mainip yung kapitbahay niya.

Si Iain naman sa kabilang banda'y nakatingin na lang sa kaniyang relo. Mag-a-alas sais na. Ngunit wala pa siya. Pakiramdam tuloy niya ay hindi sisipot ang dalaga.

Napatingin siya sa hawak na kahit at napabuntong hininga. Ngunit kasabay nang kaniyang pagbuntong hininga ay ang pagtakip sa kaniyang mata ng kung sino.

"Hello, hulaan mo kung sino ako," sabi ng boses na tumakip ng mata niya. Para namang nahigitan ng hininga si Iain at napa-awang na lang siya.

____________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top