EPISODE 7: Offbeat Chances
EPISODE 7:Offbeat Chances
INT. MANSION DE BAROSA. DINING HALL. UMAGA
Nakahain sa mahabang mesa ang masaganang almusal, at prenteng prente si Andra na nakaupo sa upuan ng "family head" habang nginunguya ang hotdog. Nasa kanan niya nakaupo ang kanyang nag-iisang anak na si Mary Ann, itsura pa lang nito ay masasabi mo ng K-popper dahil sa make-up na Korean look at pinapatugtog nito sa playlist ang album ng BTS. Nasa kaliwa naman si Barney at para sa kaalaman ng lahat ay bachelor pa rin ito hanggang ngayon kaya walang pamilya. Maya-maya'y makikita si Gwen na paparating.
GWEN
Ate, I am not informed na ngayong umaga ililipat ang burol sa Bayan?
(Medyo kita ang inis sa kanyang mukha.)
Ang "Bayan" ang tawag sa pinaka-town proper para sa mga tao sa loob ng Hacienda. Naroon nakalagay ang simbahan, paaralan, hospital na may libreng serbisyo para sa mga tauhan nila.
ANDRA
(Napatigil sa pagsubo ng hotdog.)
Mary Ann, paki-patay muna 'yang pinapatugtog mo, please, honey.
MARY ANN
Geurhrumyo.
(Dahil feeling koreana si ate girl, nag-ear phones na lang siya.)
ANDRA
(Hinarap si Gwen na nakatayo pa rin.)
Well, dahil makukulit ang mga alipin ng hacienda na masilayan si Kuya Andy, ayon, pagbibigyan natin sila.
BARNEY
Why don't you join us,Gwen?
(Hindi siya pinansin ni Gwen.)
GWEN
Isang gabi pa lang ibinurol dito si Kuya Andy, hindi pa dumadating 'yung iba nating kamag-anak at lalong hindi pa nakakarating si Margot. How could you make a decision without consulting the daughters? And what happened to Bettina?
ANDRA
(Sumama ang mukha nang marinig ang pangalan ng asawa ni Don Andy.)
That woman is getting on my nerves, alam niya naman siguro kung ano ang kundisyon ng kapatid natin pero nakuha pa rin niyang maglakwatsa sa ibang bansa?
(Walang pakilam kahit naririnig siya ni Barney na kuya ni Donya Bettina.)
BARNEY
Hindi siya naglalakwatsa roon.
(Kalmado pa rin.)
Maybe there's something urgent na nangyari.
ANDRA
Urgent? Hindi ba urgent 'tong nangyari para hindi siya pumunta rito?
GWEN
(Sumakit bigla ang ulo.)
Ah, basta, I forbid to transfer the funeral hangga't wala pa rito si Margot at hangga't walang balita mula kay Bettina.
ANDRA
(Tumayo sa kinauupuan at pinemewangan si Gwen.)
Aba, baka nakakalimutan mo na mas matanda ako sa'yo, Gwenella.
Hindi nila alam na kanina pa pala nanunuod sa kanila si Leiah, nang makita niya na tumayo na ang kanyang Auntie Andra at sasagot pa sana si Gwen nang maisipan niyang umentra.
LEIAH
So.
(One word pa lang ay nakuha niya na agad ang atensyon nilang lahat.)
Wala pa rito si Margot?
BARNEY
Leiah! Goodness! Halika rito at kumain ka na.
(Masayang bati niya sa pamangkin.)
ANDRA
(Napaupo tuloy si Andra nang makita si Leiah at napilitang ngumiti.)
Oh my god, Mary Ann, umusod ka at diyan nakaupo ang Ate Leiah mo.
(Sumunod naman sa kanya ang K-popper niyang anak pero nanatili lang nakatayo si Leiah.)
GWEN
Hello, darling. I'm sorry if hindi kita naabutan kagabi.
(Nagbeso sila ni Leiah.)
I'm afraid na hindi pa nakakauwi ang kapatid mo.
LEIAH
She's not even my sister.
Oh, well, si Misha nandyan na ba?
GWEN
Yes, nasa kwarto niya 'ata.
Hindi pa rin umuupo si Leiah at tinitigan niya lang si Andra at tila naramdaman naman nito kung anong gusto niya. Tumayo si Andra mula sa "Head of the Family" seat at lumipat sa tabi ni Mary Ann. Umupo roon si Leiah.
LEIAH
I heard annoying noises kagabi.
ANDRA
Ah, si Andrew 'yon. Gumawa ng matinding eksena
LEIAH
(Tumango na lang.)
Nandito na rin pala si Tito Andrew.
BARNEY
Gwen, hindi ka pa ba kakain?
(Alok niya ulit kay Gwen.)
GWEN
No, I need to call someone.
(At umalis ito habang may dinadial sa cellphone.)
Natuwa naman si Andra nang umalis na si Gwen at naiwan sila. Medyo umurong siya palapit sa pwesto ni Leiah.
ANDRA
Ehem ehem.
(Tumikhim kuno.)
So, Leiah my dear, kamusta naman ang buhay—
LEIAH
(Biglang tumayo)
Hindi na pala ako nagugutom. Uncle Barney, please paki-contact si Margot. I'm going to kill that bitch kapag hindi pa siya umuwi.
INT. MANSION DE BAROSA. STAIR HALL. UMAGA.
Pagkaalis ni Leiah ay nagngingitngit na naman ang kalooban ni Andra dahil hindi na naman niya nagawa ang kanyang hidden agenda.
Naisipan ni Leiah na mag-horseback riding pero parang trip niya munang pag-tripan ang taong nakita niyang bumababa ng hagdan. Si Misha.
LEIAH
Good morning, my dear sister.
MISHA
(Muntik ng mapasigaw sa gulat si ate girl nang makita niya ang nakangising si Leiah.)
A-ate Leiah.
LEIAH
I missed you.
(Bigla niyang niyakap si Misha na kinaloka naman lalo nito.)
MISHA
Puta?
LEIAH
Hindi mo ba ko na-miss?
MISHA
Anong nakain nito? Uhm... O-oo?
LEIAH
Gaga! Hahaha! Aww, that's so sweet.
MISHA
S-sige kakain na ko.
LEIAH
Wait, almost seven years din tayong hindi nagkita, tama ba?
MISHA
(Tango naman si ate girl.)
LEIAH
Bakit hindi muna tayo mag-bonding for a while habang hinihintay natin si Princess Margot.
Princess Margot, iyon 'yung pang-asar na ginagamit ni Leiah kay Margot nung mga bata pa sila dahil sa palabas na "Princess Sarah" at ang tinawag naman nila sa kanya ay "Queen Leiah". Hinila na ni Leiah si Misha papunta sa kung saan pero bigla siyang natauhan nang ma-realize niya na masyado na silang matatanda para "magbonding". Na-gets na agad ni Misha na pagtitripan siya ni Leiah—katulad ng lagi nitong ginagawa noon.
MISHA
(Pilit na bumitaw kay Leiah.)
Enough of this game, Ate Leiah.
(Seryoso sabay ayos ng salamin niya.)
LEIAH
Wow, kailan ka pa natuto maging fierce, Misha?
(Humalukipkip.)
MISHA
Ano bang kailangan mo sa'kin at ako na naman ang nakita mo?
(Medyo galit.)
LEIAH
(Nilagay ang kamay sa dibdib na para bang nasaktan kuno.)
Misha, you're being paranoid.
MISHA
Huwag ako, Queen Leiah.
(Sabay balik siya sa taas imbis na pumunta sa dining hall.)
Naiwan si Leiah na nakangisi dahil alam niyang nainis niya si Misha sa very very very light niyang kaplastikan. . One point for you Leiah.
LEIAH
Hindi ka mananalo sa'kin, Misha.
EXT. SIMPLENG BAHAY. SA MAY BAKURAN. UMAGA
Dahan-dahang bumaba si Margot mula sa bahay, sa sobrang pagod niya kagabi ay nakatulog siya kaagad at mabilis na nakalimutan ang nangyaring muntik ng pag-kidnap sa kanya. Napagmasdang maigi ni Margot ang paligid, nasa loob nga siya ng Hacienda dahil nakita niya 'yung Mt.Clarita, sa bandang silangan, maraming mga puno at halaman. Probinsyang probinsya.
Nakarinig siya ng tunog ng kahoy na binibiyak. At napahinto siya nang makita kung sino ang nagsisibak. Nakita niya si Marlon na walang suot na pang-itaas at hawak-hawak ang palakol at malakas na nagbabayo. Kitang kita niya ang mala pandesal nitong six-packed abs! Sabay huminto ito at nagpunas ng pawis.
MARLON
Gising ka na pala.
(Hininto nito ang ginagawa at lumapit sa kanya.)
Enjoying the view?
MARGOT
(Natauhan siya nang mapagtanto kung gaano siya katitig dito. Ewan ba niya, marami naman na siyang nakitang gwapo sa kabihasnan pero tila minamagnet siya ng "Delivery boy" na 'to.
Ahm, siguro, kailangan ko ng umuwi? I need my car.
MARLON
Kumain ka na ba?
(Hindi pinansin 'yung sinabi niya, kinuha ang face towel na nakasabit sa alambre.)
Magluluto ako ng almusal.
MARGOT
Hey, please, Marlon, right? I need to go home. And my car—
Naiwan kasi roon ang iba pa niyang mga gamit, lalo na ang kanyang phone. Baka namimiss na siya ng mga followers niya dahil wala siyang update tungkol sa buhay niya. Lalo na ngayong may nagtangka ng masama sa buhay niya.
MARLON
It's gone.
MARGOT
(Napakunot.)
What do you mean?
MARLON
Binalikan ko kanina 'yung lugar sa Hiraya Road kung saan ka na-ambush. Sa tingin balak talaga nilang nanakawin ang sasakyan mo.
MARGOT
W-what?
(Hindi niya makapaniwalang bulalas.)
Napapikit siya saglit at napag-isip isip niya na mabuti na lang ay buhay pa rin siya at kung hindi dahil sa engliserong delivery boy na 'to ay ligtas siya ngayon. Kaya napahinga siya ng malalim. Materyal na bagay lang 'yon, napapalitan.
MARGOT
Well then. I gotta go. Thanks.
(Kaagad siyang tumalikod at naglakad.)
Maya-maya'y na-realize niya na hindi niya kabisado ang daan papunta sa mansion nila. Kaya sa bandang huli ay bumalik siya sa may bakuran at nakita niya roon si Marlon, nakahalukipkip at wala pa ring suot na pang-itaas. Alam nito na babalik din siya.
MARGOT
I think... I need your help.
MARLON
Handa na ang almusal.
(Kumindat ito sa kanya.)
MARGOT
Feeling!
MARLON
Pinapatawa lang kita kaso ang korni 'ata ng joke ko.
MARGOT
Mister—
MARLON
Marlon.
MARGOT
Marlon, look, please, kailangang kailangan ko na talagang umuwi sa'min.
MARLON
Ihahanda ko na 'yung almusal sa taas—
MARGOT
Please!
(Napipikon na si Margot kaya wala na siyang ibang choice...)
Anak ako ni Rico Andreigo Barosa. Naiintindihan mo ba?
She knew the absolute power of her father in the whole Hacienda, pangalan pa lang ng Primo Propietor ay kinatatakutan na. Wala na siyang choice kundi sabihin 'yon para sumunod ito sa kanya.
MARLON
Ano ngayon?
(Walang pake nitong sabi.)
MARGOT
(Napanganga siya dahil walang epekto ang ginawa niya.)
K-kung hindi mo ako ihahatid sasampahan kita ng kidnapping!
MARLON
(Biglang tumawa.)
Kidnapping?
(Lumapit sa kanya, 'yung lapit na ilang dangkal na lang.)
Senyorita, nais ko lang naman makakain ka ng almusal bago ka umalis sa munti kong dampa.
MARGOT
My father's—
MARLON
Nag-aalala lang ako sa'yo.
(Bigla itong sumeryoso.)
MARGOT
H-ha?
(Hindi niya ma-gets ang bigla nitong pag-iiba ng mood. Biglang naging romantiko ang datingan.)
MARLON
Pangako, kapag nakakain ka na, ihahatid kita pabalik, senyorita.
Sa sobrang lapit ni Marlon sa kanya ay tinulak niya ito kaya nahawakan niya ang matipuno nitong dibdib. Hinawakan tuloy siya ni Marlon sa magkabilang kamay at natatawa lang ito sa kanya. Pero maya-maya'y bigla itong sumeryoso at natigilan nang may makita. Napalingon si Margot at nakita ang grupo ng mga armadong kalalakihan na umatake sa kanya kagabi.
Hindi nag-aksaya ng oras si Marlon at kaagad niyang hinila patakbo si Margot. Mabilisang hinablot din niya ang t-shirt na nakasabit sa sampayan habang hila-hila si Margot na tumatakbo patungo sa kakahuyan.
Nakarinig sila ng mga tunog ng baril at napasigaw si Margot. Ano ba'ng kailangan nila sa'kin?! Hindi niya namalayan na mahigpit ang hawak niya kay Marlon at lihim na nagpasalamat na mabuti na lamang ay kasama niya ito.
EXT. MALAWAK NA FIELD SA LIKOD NG MANSION. UMAGA.
Kakatapos lang ni Leiah sa pag-hohorseback riding, na-miss niya ito ng bongga kaya ilang oras din siyang nagpa-ikut-ikot sa field sa likuran ng mansion. Suut-suot ang kanyang black equestrian attire, naglalakad siya ngayon pabalik ng mansion. At out of nowhere ay may makakaengkwentro niya ang nilalang na hindi nagpatulog sa kanya kagabi.
PIETRO
Good morning, future wife.
LEIAH
Ano na naman ang kailangan mo?
(Nag-init kaagad ang ulo niya nang bigla na lang itong sumulpot na parang multo sa harapan niya. Nakasuot naman ito ngayon ng White polo shirt na may tatak ng lacoste, black pants at leahter shoes.)
At hindi mo ba alam na trespassing ang ginagawa mo?
PIETRO
I just came here to remind you again about my offer.
(Hindi pinansin ang sinabi ni Leiah.)
LEIAH
Don't waste my time dahil—
PIETRO
I heard you hate losing.
(Lumapit ito palapit sa kanya.)
Wanna make a bet?
LEIAH
(Umismid.)
I don't have a time for your silly games. At hindi ako pumapatol sa mga mas mababang nilalang kaysa sa'kin.
(She's starting to get creeps dahil sa aura ni Pietro na pagka-possessive. But hey, she's Queen Leiah, wala siyang kinatatakutan. Kahit sino.)
PIETRO
Oh, Leiah, I assure you will be mine.
(Without warning, Pietro grabbed her waist, he pulled her closer until it's too late for her to escape, he kissed her tenderly.)
LEIAH
(Gulat na gulat at kaagad na natauhan. Tinulak niya si Pietro. She didn't show any hesitations. Sinampal niya si Pietro sa pisngi. PAK!)
Sa susunod na magpakita ka pa sa'kin, ipapapatay kita!
(Galit na galit niyang sigaw dito.)
PIETRO
(He just gave her a sexy smirk.)
Sa susunod na sampalin mo ulit ako, hindi lang 'yon ang makukuha mo sa'kin.
(Kumindat bago umexit.)
LEIAH
The nerve of that guy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top