EPISODE 5: Estranged
EPISODE 5:Estranged
INT. MANSION DE BAROSA. GABI.
Matapos mawala ni Leiah sa eksena at nakitang sumunod sa kanya ang isang napakagwapong nilalang na si Pietro. Mabilisang inalok ng kasal ni Pietro si Leiah na kaagad tinanggihan ng dalaga ngunit nag-iwan sa kanya ng matinding impression ang misteryosong lalaki. Nang pumanhik si Leiah sa ikalawang palapag ng mansion para magpahinga ay saktong kakapasok lang ni Misha sa loob ng mansion, bitbit ang kanyang maliit na maleta ay kaagad siyang sinalubong ni Janine.
JANINE
Senyorita Misha, akin na po ang dala niyo at dadalhin ko sa kwarto mo po.
(kinuha kay Misha ang maleta.)
MISHA
(Shookt si ate girl dahil di niya sukat akalain na makikilala pa siya nito dahil seven years din siyang hindi umuwi rito.)
Salamat, Janine.
Bahagyang natuwa si Janine dahil naalala pa siya ni Misha, dahil para sa kaalaman ng lahat, anak si Janine ng kanilang family chef na si Janina, na hinahangaan noon ni Misha sa pagluluto dahil secret dream niyang maging chef din. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya na-pursue ang pangarap na 'yon.
Nang umalis si Janine ay kaagad na dumiretso si Misha papuntang Great Hall kung saan nakaburol ang kanyang ama, kahit pagod sa mahabang oras na pagdadrive niya. Kumirot na naman ang puso niya nang makita ang malaking larawan sa may entrance ni Don Andy. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa loob.
Nang makapasok siya ay tila naagaw niya ang atensyon ng lahat at naisip ni Misha kung burol ba talaga ang narito ngayon dahil tila ba parang may party, mga naka-formal attire ang mga bisita at nangingibabaw siya rito dahil sa suuot suot niyang plain white t-shirt, maong na pantalon, at rubber shoes. Nang maglakad siya palapit sa kabaong ay nagbulungan ang mga ito.
Who is she? That's the estranged daughter of Rico. She ran away seven years ago.
Nagpatuloy ang bulungan na tila walang katapusan at sawakas ay narating din niya ang labi ng kanyang mahal na ama. At nang makita niya tila nahihimbing lang na mukha nito ay kaagad siyang naluha kasabay ng pagsisisi sa lahat ng ginawa niyang pag-iwas noon sa mga tawag nito at sa lahat ng mga binalewala niyang importanteng okasyon.
At ngayon huli na ang lahat, huli na ang lahat para humingi ng tawad at sabihin kung gaano niya ito kamahal. Istupida! Hindi ba't ganoon na lamang palagi ang gawa ng mga tao? Kung kailan yumao ay tsaka lang naman natin sasabihin sa mga magulang natin na mahal natin sila? Pwe! Simbergwenza!
ANDRA
Mabuti at naisipan mo pang umuwi rito sa hacienda, Misha.
MISHA
(Kaagad na napalingon at nakita ang nakahalukipkip na tiyahing maldita.)
A-auntie Andra...
ANDRA
(Ngumiti ng plastic.)
Alam mo ba kung gaano ka na-miss ng iyong papa? At kung gaano karaming beses ka niyang tinawagan noong lumayas ka?
MISHA
(Nag-init bigla ang kanyang ulo sa mga sinabi ng auntie.)
Auntie, I believe hindi iyon ang issue—
ANDRA
That's an issue, Misha. You are too late to apologize.
Gustong gusto nang sumagot ni Misha dahil noon pa man ay hindi na talaga maganda ang trato sa kanya ng kanyang tiyahin. Hindi niya alam kung bakit. Dahil ba sa palagi siyang threat kay Leiah kapag nauungusan niya ito sa mga maliliit na bagay noon?
GWEN
My goodness, leave the child alone, sister.
(boses ng bagong dating.)
Parehas nagulat si Andra at Misha nang makita ang naglalakad palapit na walang iba kundi si Gwenella Andrassi Barosa-Nacional, o mas kilala bilang "Gwen", ang pangatlong kapatid ni Don Andy. At as usual, wala sa itsura nito ang katandaan at hindi tulad ni Andra na kailangan pang magpabanat ng mukha sa derma dahil natural ang kagandahang hindi kumukupas dahil sa yoga. Si Gwen 'yung typical 'Titas of Manila' at siya 'yung tita mo na paborito ng lahat, makulit, at game na game sa mga millenials.
ANDRA
(Shookt si gaga.)
Gwenella!
GWEN
Hello, sister.
(Nakipagbeso kay Andra.)
And hello to you, darling.
(At lumapit siya kay Misha para makipag-beso.)
This is an unpleasant place for reunion but I'm glad to see you.
MISHA
I missed you, Tita Gwen.
GWEN
Likewise, darling, likewise.
Parang hindi pa rin nagbago ang itsura ni Gwen twenty years ago. Mas gumanda pa nga 'ata ito ngayon. As usual, kumpleto sa blingbling si Gwen, malakas ang paniniwala nito sa healing crystals.
ANDRA
What's that?
GWEN
Oh? This? (Ipinakita niya ang exotic bag collection na hawak niya.)
I bought this from Africa, galing kasi ako there, eh.
ANDRA
And where's your husband?
GWEN
Oh, he's too busy.
(Bumaling ng tingin kay Misha bago pag magtanong ulit si Andra.)
Darling, why are you crying? It's ruining your beautiful face. Why don't we catch up about our lives for a bit? Let's ask Janina to cook something for us, kasi you know I don't like the foods here in the funeral, the aura is so gloomy.
(Ni hindi na niya sinilip si Rico sa kabaong at hinila na niya paalis si Misha paalis doon.)
And by the way, sister. Where's our little brother?
ANDRA
(Umikot ang mata ng marinig niya 'yon.)
Wala akong balita sa baklitang 'yon.
GWEN
(Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ni Andra.)
Don't ever call him like that, ate.
ANDRA
(Napansin niya na pinagtitinginan na sila at ayaw na niyang marinig pa ng iba ang usapan nila tungkol dito.)
Okay, okay, whatever.
(At tinaboy niya na ang dalawa paalis.)
Hmm... Isa na lang ang hindi umuuwi. Kailangan makumpleto ang mga anak ni Kuya Rico bago sabihin ni Attorney Guerrero ang tungkol sa mana! (Sa loob loob niya.)
BARNEY
Oh, bakit nakasimangot ka na naman, Andra?
(Lumitaw mula sa kung saan.)
ANDRA
Ang bastarda na lang ang hinihintay natin.
BARNEY
Sino?
ANDRA
Sino pa ba? Edi si Margot.
EXT. HIRAYA ROAD PAPUNTANG HACIENDA. GABI.
Makikita ang Blue Chrome Ferrari 458 Spider sa kalsada, at ang nagmamaneho sa loob nito ay walang iba kundi si Margot. Ngayon na lang ulit ito ginamit ni Margot dahil ito ang huling niregalo sa kanya noon ng kanyang daddy Andy nang makapasa siya sa dream law school niya. At ngayon... ngayong yumao na si Don Andy, napagpasyahan niyang umuwi gamit ang mamahaling sasakyan nito.
Madilim at wala man lang poste ng ilaw sa Hiraya Road, ang kalsada sa southern part ng hacienda na papunta sa Mansion de Barosa. Subalit malumanay ang pagpapatakbo ni Margot dahil tila naliligaw siya.
MARGOT
Tama ba 'tong nilikuan ko?
Hindi niya alam kung bakit pero parang kinikilabutan na siya sa pakiramdam na pinaglalaruan na siya ng lugar. Napasulyap siya sa rear-view mirror at nakitang may sasakyan na nakasunod sa kanya. Maya-maya'y biglang bumilis ang takbo ng kasunod niyang sasakyan at dahil two-way ang kalsada ay nag-overtake ito. Dinedma lang 'yon ni Margot pero biglang tumigil ang kotse sa harapan kaya malakas niyang inapakan ang break. Halos masubsob siya sa manibela at nakita niya na may mga lumabas na tao sa sasakyan.
Mga armadong tao.
MARGOT
Shit.
Kaagad itong lumapit at kinalabog ang pintuan ang bintana. Kaagad na kinabahan si Margot at kinuha ang phone para humingi ng tulong ngunit walang signal!
BANG!
Napatili siya nang magpaputok ng baril ang tao sa labas at nakita niya na tumama 'yon sa wing mirror ng sasakyan niya.
Baba! Kung ayaw mong pasabugin namin ang kotse mo!
BANG!
BANG!
BANG!
Nagbabaril ito hanggang sa mabasag ang bintana ng sasakyan niya at pilit siyang pinababa. Nang makaibi si Margot ng sasakyan ay tinangka niya pang tumakbo.
BANG!
Wag kang kikilos!
BANG!
Hindi naman siya natamaan ng bala kaya nagtatakbo lang siya pero naabutan siya nito at sinubukan niyang manlaban ngunit nasampal si Margot ng malakas at tumilapon siya sa sahig. Hilung-hilo siyang bumangon pero nang mahablot siya ng lalaki ay sinikmuraan naman nito. Hinang-hina siyang sinalo ng lalaking naka-fullface mask na tanging mga mata lang ang kita.
MARGOT
T-tulong...
Binusalan siya ng lalaki at hinihila siya nito papunta sa sasakyan nila at tangkang isasakay nang makarinig sila ng malakas na tunog ng motorsiklo papunta sa kinaroroonan nila. At nakita ni Margot ang nakakasilaw nitong ilaw. Naipasok na siya sa loob ng sasakyan pero narinig niya ang mga pagputok ng baril at hiyawan ng mga kalalakihan.
MARGOT
T-tulong... Tulungan niyo 'ko.
(Hinang-hina niyang sabi habang tumutulo ang luha.)
Maya-maya'y natigil ang ingay. Bumukas ang pinto at napapitlag siya nang makita ang isang bulto.
MARGOT
H-huwag!
MARLON
Hindi kita sasaktan.
Tinulungan siya ng misteryosong lalaki na makalabas ng sasakyan, inalalayan siya nitong tumayo ngunit natumba ulit siya dahil sa sakit pero buti na lang nakaalalay si Mr. Knight in Shining armor at sinalo siya nito.
MARGOT
Please... Tulungan mo ko.
(Madilim at umiikot ang paningin niya kaya wala siyang ibang nagawa kundi mawalan ng malay.)
FADE OUT.
A/N:
Hi! First author's note ko 'to. As you can see, screenplay or pa-script ang storytelling style nito. So... Nakabasa na ba kayo before ng script? or Screenplay? :)
Let me know your thoughts if you're comfortable reading this, hindi ko lang sigurado kung ako lang ba sa wattpad ang sumubok nito? I want to try something new and to tell a narrative in a unique and well... in a comedic way, kind of sarcastic ganun, kasi mala-telenovela (Antonietta's tone) ang datingan nito.
Matagal ko na kasing gustong isulat ito and yeah, I'm writing this for pure fun and pleasure. Anyway, this is a new genre for me. Humor , Drama, and (ehem) Romance.
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top