EPISODE 36: Runaway
EPISODE 36: Runaway
ANG NAKARAAN:
Nangyari na nga ang kinatatakutan ni Gwen. Nang bumisita sa Barangay Maharlika sila Gio at Sabing ay kaagad silang pinagkaguluhan, nauwi sa trahedya ang pagbisita dahil binaril ng isa sa mga rebelde si Gio at Zachary.
KASALUKUYAN:
Mabilis ding kumalat sa buong Hacienda Barosa ang nangyaring trahedya. Dahil dito'y naging alerto ang magkakapatid, lalo na si Leiah.
INT. HIGH CLASS RESTAURANT. GABI.
Romantic ang atmosphere sa isang high-class restaurant sa Makati na sinabayan pa ng malumanay na jazz music. Kasalukuyang kumakain ng dinner ang mag-asawang si Pietro at Leiah. Pagkatapos kasi nilang dumalaw kay Gio ay nagutom sila at gamit ang helicopter ni Pietro ay nagtungo sila ng Makati para kumain.
PIETRO
(Habang naghihiwa ng steak.)
I saw you and your aunt, Gwenella, talked earlier.
LEIAH
I comforted her.
PIETRO
(Di makapaniwala.)
Really? Ikaw?
LEIAH
(Nag-roll eyes.)
I gave her some pieces of advice. Gusto ko lang ipamukha sa kanya na kahit na inagaw niya kung anong dapat na sa akin ay tinutulungan ko pa rin siya.
(Uminom ng wine.)
PIETRO
Anong sinabi mo sa kanya?
LEIAH
Sinabi ko sa kanya kung anong sa tingin kong mas nakakabuti para sa lahat.
PIETRO
And what exactly is that?
LEIAH
(Ngumiti lang.)
Well, inalok ko ang tulong nating dalawa para sa hacienda, since nagkaroon ng sunog na puminsala sa isang barangay, bukod pa roon ay para na rin sa ikabubuti ng hacienda.
PIETRO
Hindi naman nagduda sa'yo ang auntie mo?
LEIAH
Why would she? Nasa kay Gio na ang titulo, and besides, Tita Gwen knew that I will never go that far para lang makuha ang Primo Propietor.
PIETRO
You mean by killing Gio.
LEIAH
(Natigilan sa pag-inom ng wine.)
I am well aware of how rude I am, because I'm strong, but it doesn't mean that I can kill people.
PIETRO
I know that.
LEIAH
Kaya nga sinabi ko na sa'yo na hindi magdududa sa akin si Tita Gwen kung may motibo ako. Kaya malaya na nating magagawa ang mga plano natin sa hacienda.
PIETRO
This is an early celebration for us.
(Kinuha ang wine glass.)
Cheers?
LEIAH
Cheers.
EXT. SAN LAZARO PLAZA. TANGHALI.
Nagtipon ang mga tao sa plaza dahil tila mayroong okasyon. Kanya-kanyang haka-haka ang mga tao habang naghihintay. Maya-maya'y biglang lumabas mula sa backstage si Leiah, kabog na kabog sa kanyang equestrian attire, at hindi mawawala ang kanyang golden scarf sa leeg.
Nagbulungan ang mga tao, nagtataka at nagulat dahil ngayon na lang kasi ulit nagpakita si Leiah sa publiko. Kadalasan kasi ay kung lumabas si Leiah sa hacienda ay maraming nagbabantay sa kanya, laging nakasuot ng shades, at walang nakakalapit.
MAMAMAYAN 1
'Yan na ba si senyorita Leiah? Ang ganda niya talaga.
MAMAMAYAN 2
Oo, balita ko masama ang ugali niyan.
MAMAMAYAN 3
Ang akala ko siya ang magiging Primo Propietor pagkatapos mamatay ni Don Andy. Siya ang panganay eh.
MAMAMAYAN 4
Bakit siya nandito? Anong meron.
Sinadya ni Leiah at Pietro ang araw na 'to para ianunsyo ang kanilang adhikain. Maraming security ang nagbabantay sa paligid, mas mahigpit at sinigurong walang kahina-hinala sa paligid.
Inabutan siya ng mikropono at bago siya magsalita ay tiningnan niya muna ang lahat ng mga nanonood.
LEIAH
Magandang araw sa inyong lahat. Alam ko na hanggang ngayon ay labis pa rin kayong nagulat sa mga balita, lalo na tungkol sa bagong Primo Propietor.
Natahimik ang mga manonood nang magsalita si Leiah, lahat sila ay nakikinig sa kanya.
LEIAH
Alam ko rin na kagulat-gulat ang mga pangyayari nitong mga nakakaraang araw, lalo na sa trahedyang sinapit ng aking pinsan na si Gio, ang inyong Primo Propietor. Kung kaya't narito ako sa inyong lahat upang ibigay ang aking tulong.
Nagbulungan na naman ang mga tao, winawari kung anong ibig ipabatid ni Leiah sa kanila. Ito na ba ang pagkakataon na ibibigay sa kanila ang mga lupa? Naisip ng ilan.
LEIAH
Narito ang aking asawa, si Pietro Ibanez, ang anak ng dating governor ng ating bayan.
(Tumingin kay Pietro na naglalakad papunta sa tabi niya.)
Nagulat ang mga manonood, hindi nila alam na si Pietro ang asawa ni Leiah, ang alam ng ilan ay isang Sotelo ang napangasawa ni Leiah subalit narito sila.
PIETRO
Bilang anak ng dating pinuno ng bayang ito, ako ang nagpaunlak sa aking asawa na magpatupad ng mga programa na makakatulong sa bayang ito.
LEIAH
Mga programang makakatulong sa inyong kabuhayan. Balak naming gawin ang isang tourist destination ang isang bahagi ng hacienda upang makapang-akit ng mga turista, nang sa gayon ay mas lalong magkaroon ng maraming trabaho para sa inyong lahat.
At lumitaw sa projector ang proposal nila Leiah at Pietro, "Marahuyo Park" ang pangalan ng kanilang itatayong tourist spot sa loob ng hacienda. Nag-flash ang 3D video concept ng buong park at namangha ang mga manonood. Pagkatapos ay nagpalakpakan ang mga manonood.
Nagkatinginan si Leiah at Pietro, ito na ang simula ng kanilang mga plano.
EXT. SA LIKURANG BAHAGI NG MANSION NG BAROSA. GABI.
MANG LARRY
(Lalapit kay Marlon habang may dalang gitara.)
Boss Marlon, ready na kami.
Lilingon si Marlon at makikita niya ang mga inarkilang tao para ngayong gabi, nag-thumbs up pa ang mga 'to sa kanya.
MARLON
(Ngumiti.)
Good.
INT. KWARTO NI MARGOT. GABI.
Nakahiga si Margot sa kanyang kama habang abala sa pagsasagot ng mga pm sa kanya, karamihan ay galing sa kanyang manager, dahil sa hindi niya pagsipot sa trabaho ng matagal na panahon ay nawalan na siya ng trabaho sa pagmomodel.
Pero wala lang sa kanya dahil masaya naman na siya ngayon sa buhay niya at wala na siyang keme sa social media.
Biglang may kakatok ng sunud-sunod. TOK!TOK!TOK!TOK!TOK!
MARGOT
(Napakunot.)
Pasok.
SABRIELA
Ate Margot!
MARGOT
Sabing!
(Nagulat.)
Bakit? Anong problema?
SABRIELA
Ate Margot! Halika dali! May kailangan kang makita!
(Lumapit at hinila si Margot.)
MARGOT
(Napabangon bigla.)
Huh? Ano 'yon?
INT. VERANDA. GABI.
Walang nagawa si Margot dahil nahila siya ni Sabing papunta sa veranda. Takang-taka naman siya dahil gabi na.
MARGOT
Sabing ano bang—
SABRIELA
Ate, tingan mo.
(May ituturo sa baba.)
Pagkatingin ni Margot sa tinuro ni Sabing ay makikita niya na maraming tao, kung paano sila nakapasok sa premihiso ng manor ay walang nakakaalam. Makikita ni Margot ang nobyo na si Marlon, nakatingala sa kanila at nakangiti.
MARGOT
Anong ginagawa nila?
SABRIELA
Tingan mo ate...
(Tinuro ang may dalang gitara.)
Nagsimula ang tugtugin, ang mga taong kasama ni Marlon ay mga tiga-barangay Maharlika na kanyang kinontrata para sa isang harana. Kinanta nila ang "Kung Narito ka Lamang" ng Mabuhay Singers at kahit na makaluma at kundiman ang kinakanta nila ay kinilig pa rin si Margot.
Si Sabing din naman ay kinikilig, naranasan din naman niyang ma-harana-han dati. Si Margot ay hindi mawala ang ngiti sa labi.
Maya-maya'y nag-iba ang kanta, naging moderno, kanta ni Ed Sheeran, Thinking Out Loud, choir version. Hanep sa mash-up.
LEIAH
(Darating bigla, naka-roba at pak pa rin ang make-up)
What the hell is going on here?!
SABRIELA
Si Kween Leiah!
(Nagulat.)
Titigil ang harana hanggang sa makalapit si Leiah kay Margot, nakasunod din pala si Misha.
LEIAH
Margot, anong kalokohan 'to?!
(Tsaka lang niya masisilip ang mga nang-harana.)
Anong ginagawa ng mga alipin sa pamamahay ko?!
MARGOT
(Hindi alam ang ipapaliwanag.)
Ate Leiah, calm down first—
LEIAH
(Makikita si Marlon.)
Oh my god. Don't tell me siya ang boyfriend mo, Margot?!
MARGOT
Bakit? Wala na ba akong karapatang mamili kung sinong dapat kong mahalin?
MISHA
(Biglang sumingit.)
I'll send them off. Ate Leiah, Margot, Sabing, pumasok na kayo sa loob.
LEIAH
Wag ka ngang sumasapaw, Misha!
(Hinarap si Margot at napatingin ulit kay Misha.)
Don't tell me Misha, hindi mo sinasabi kay Margot?
MARGOT
Ang alin?
Samantala, habang abala ang magkakapatid ay dahan-dahang umeeskapo sa eksena ang mga inarkila ni Marlon, si Sabing ang nag-senyas sa kanila. Si Marlon ay naglaho rin bgila.
Balik tayo kila Leiah, Margot at Misha.
MARGOT
Anong hindi sinasabi? Misha?
(Tumingin kay Misha.)
MISHA
(Hindi makatingin ng diretso kay Margot.)
LEIAH
(Napa-cross arms at nagets na walang kaalam-alam si Margot.)
Okay, dahil mabait ako ngayon. Ito lang ang masasabi ko, Margot.
MARGOT
(Humarap kay Leiah at masama itong tiningnan.)
Ano?
LEIAH
You, and that Mortel guy can't be together.
(Sabay walk-out.)
MISHA
(Aalis sana pero pinigilan ni Margot.)
MARGOT
Misha, please.
(Nangungusap.)
MISHA
M-margot... Gusto kitang maging masaya kaya I'm sorry... Wala akong sasabihin.
(Sabay alis at hinila na rin si Sabing kasama niya.)
Naiwan si Margot, masama ang loob sa mga kapatid. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa ginawa ni Misha dahil sinuportahan siya nito kung saan siya masaya, pero hindi naman sinabi kung bakit.
May biglang humawak sa balikat niya kaya muntik na siyang sumigaw.
MARLON
It's me.
MARGOT
(Gulat na gulat.)
P-paano ka nakaakayat?
MARLON
(Nakangiti.)
I'm a ninja.
MARGOT
(Kinurot si Marlon at nawala na ang badtrip niya.)
Muntik ka na kanina sa Ate Leiah ko.
MARLON
I know. I heard she's a monster.
MARGOT
(Natawa.)
So, ano pa ngang ginagawa mo rito? Gabi na.
MARLON
(Sumeryoso.)
Narinig ko ang mga sinabi ng mga kapatid mo.
(Hinawakan ang dalawang kamay ni Margot.)
Runaway with me, Margot. Now.
MARGOT
H-ha?
MARLON
My brother is also against us. Hindi ko na kaya na mawalay pa sa'yo.
MARGOT
(Kunwari nag-isip pero gora naman.)
S-sige.
Magyayakapan ang dalawa, habang si Misha naman ay palihim na pinagmamasdan sila sa malayo.
Dahil sa pag-ibig, noong mismong gabing 'yon, Margot ran away with Marlon.
And they lived happily and ever after.
Or so they thought.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top