EPISODE 35: Ang Trahedya
EPISODE 35: Ang Trahedya
ANG NAKARAAN:
Ginanap ang isang magarbong selebrasyon ng pagpapakilala kay Sabing bilang isang Barosa. Nagimbal ang lahat nang sabihin ni Sabing sa madla kung sino ang kanyang tunay na ina. Sinubukan siyang pahiyain ni Andra subalit sa huli'y mas lalo lang namangha ang mga bisita sa kanyang talento sa pagkanta.
KASALUKUYAN:
Kasing bilis ng apoy kung kumalat ang balita na isang Barosa si Sabriela sa buong Hacienda Barosa. At lalong hindi ito nakaligtas sa tainga ng mga rebelde.
INT. VERANDA NG MANSION. UMAGA.
Mag-isang nakatambay sa veranda si Gio, nakaupo at nakapangalumbaba. Halata sa kanyang itsura ang boredom habang nag-iscroll sa twitter at instagram. Nami-miss na niya ang mga kaibigan sa States, doon kasi siya pinalaki at pinag-aral kung kaya't hindi siya sanay sa kultura ng hacienda.
Lalo pa ngayon at siya na ang Primo Propietor. In reality, wala naman talagang ginagawa si Gio para sa hacienda, ang kanyang ina na si Gwen ang nag-aasikaso ng lahat. Kasalukuyang ineensayo ng Penta council si Gio para nga naman pagdating niya sa hustong edad ay siya na ang magpapaktabo ng buong Hacienda Barosa.
Papasok ang magkaibigang Sabing at Therese sa veranda subalit natigilan sila nang makita si Gio.
SABRIELA
Ay may tao.
Tatambay sana silang dalawa ni Therese para magkwentuhan, magkasundong-magkasundo kasi silang dalawa kaya kapag break time ni Sabing sa kanyang pag-aaral kay Diorellay ay pinupuntahan niya si Therese.
THERESE
Si Senyorito Gio, mukha siyang malungkot. Kausapin mo kaya?
SABRIELA
Ha? Bakit ako?
(Tinuro pa ang sarili.)
THERESE
Sige na. May kailangan lang akong gawin saglit. Babalikan kita.
(Umalis.)
Naiwan si Sabing at wala siyang magawa kundi lapitan si Gio. Nang makita siya nito ay kaagad itong mapapaupo ng maayos, aminado pa rin siya na crush niya pa rin si Sabing kahit magpinsan sila.
SABRIELA
Sorry ha, naistorbo ba kita?
GIO
No. Upo ka.
SABRIELA
(Umupo katapat ni Gio.)
Bakit parang matamlay ka?
GIO
Ah... It's just that... I'm bored.
SABRIELA
Bored? Hindi ba Primo Propietor ka? So dapat busy ka ganun.
GIO
(Napakamot at napaisip na tama nga naman si Sabing.)
Ewan ko eh. Mom said she'll take care of everything.
SABRIELA
Hindi ba ang gara nun? Para kang mama's boy.
(At tinawanan niya si Gio.)
Ang cute, mama's boy! Hahaha!
GIO
Stop laughing! Hindi nakakatuwa.
(Nag-blush.)
SABRIELA
Okay. Okay.
(Huminto na sa pagtawa.)
GIO
(Napahinga ng malalim.)
Honestly, I want to do something. I don't want to sit down here and wait for everything they serve.
SABRIELA
Edi gumawa ka ng something.
GIO
That's the problem, I don't know what to do. Can you help me?
SABRIELA
(Napahawak sa baba at napaisip.)
Hmm... Sa pagkakaalala ko, dati si Don Andy palagi siyang bumibisita sa bukid at sa plantasyon, tuwing umaga 'yon, walang palya, kaya magiliw sa kanya ang mga tao dahil palagi niya kaming inaalala.
GIO
Really?
SABRIELA
Oo, ang astig nga ni Don Rico eh, palagi siyang nakasakay sa puting kabayo niya kapag nag-iikot siya sa hacienda. Kala mo superhero, kulang na lang kapa.
GIO
(Na-amaze sa kwento ni Sabing.)
So I should visit the people?
SABRIELA
Hmm... Kung kaya mo. Baka nga hindi ka marunong sumakay ng kabayo eh.
GIO
Marunong ako! My mom taught me!
SABRIELA
Ows? Talaga?
(Pang-aasar.)
GIO
Ang kulit mo. Marunong nga ako eh. Turuan pa kita diyan.
SABRIELA
Haha. Sige pag may time.
GIO
Pero... Gusto ko 'yung suggestion mo... Kaso baka hindi naman ako payagang lumabas.
(Lumungkot ulit ang mukha.)
Wala silang kamalay-malay na nakatayo na pala si Luke, foster father ni Gio, 'di kalayuan at pinagmamasdan sila. Nang mapansin nila ang presensya nito ay matatahimik at mapapatayo silang dalawa.
GIO
D-dad.
SABRIELA
(Natameme lang.)
Luke Nacional's aura is ever intimidating, nakatayo ng matuwid, makisig na makisig, hindi man lang ngumingiti. Lumapit ito sa kanilang dalawa habang nakalagay ang dalawang braso sa likuran.
Kailanma'y hindi naging kumportable si Gio kay Luke kahit na tinanggap siya nito bilang anak—at kahit na matagal ng aware si Luke na anak ito ni Gwen kay Agaton.
GIO
What can I help you?
(Ninenerbyos.)
SABRIELA
(Napatingin kay Gio.)
Bakit bigla siyang kinabahan?
LUKE
I like her advice.
(Tumingin kay Sabing.)
You should do that to make a good impression. Since, the people of Hacienda Barosa is your subjects.
(Ngumiti pero may kilabot ang aura.)
GIO
Mom will not allow me—
LUKE
Oh, Gio, she just teased you for being a mama's boy.
(Natawa at muling sumeryoso.)
I'll tell your mom to give you some freedom to do what you want; you are the Primo Propietor, Gio. No one can't limit you, my son.
GIO
Then... papayagan mo ako dad?
LUKE
(Hahawakan si Gio sa balikat.)
I managed myself to go here just to give you some advice how to run your empire. You may not be my son but you're still my successor.
GIO
(Hindi makapaniwala sa mga naririnig.)
R-really...
LUKE
Shall we go outside and you can teach Sabriela how to ride a horse.
(Tumingin kay Sabing.)
Come with us, Sabriela.
Lumabas silang tatlo at nagtungo sa ranch area ng manor kung saan madalas mag-horseback riding si Leiah. Walang tao ngayon at nakipag-bonding si Luke kila Gio at Sabriela.
Samantala, nasaksihan 'yon ni Gwen na nakatanaw sa bintana mula sa kanyang silid. Sumilay na lang sa kanya ang isang ngiti sa kanyang labi.
EXT. ENTRADA NG MANSION. HAPON.
Noong hapon din na 'yon ay nakatakdang pumunta si Luke sa Dubai para sa business conference.
Nasa entrada sila Gwen, Gio, at Luke habang naghihintay ang itim na sasakyan.
LUKE
I'd love to stay for a few more days but I have to go.
GWEN
I know you're a busy man.
LUKE
I'll leave everything to you, Gwen.
(Hahalik pa lang siya sa asawa nang may sabihin si Gwen.)
GWEN
(Bumulong.)
Luke, I'm sorry for not telling you the truth earlier.
LUKE
Sshh... Darling, you already explained it to me. I understand.
(Humalik sa pisngi ni Gwen at tinapik si Gio sa balikat.)
I'll see you again soon.
GWEN
Take care, darling.
LUKE
(Pagtalikod niya ay maglalaho ang kanyang ngiti.)
Sumakay na si Luke ng sasakyan at naiwan ang mag-ina habang tinatanaw ito palayo.
Hindi nila alam, nagawa na ni Luke ang dapat niyang gawin.
EXT. RANCHO NG MANSION. UMAGA.
Lumipas ang mga araw ay naging bahagi na ng routine ni Sabing na turuan siya ni Gio kung paano mag horseback riding. Mabilis namang matuto si Sabing kaya kaagad niyang na-master ang skill.
Isang normal na umaga at payapang nagkukwentuhan ang magpinsan habang nakasakay ng kanilang mga kabayo. Si Gio ay nakasakay sa isang itim na kabayo na pinangalanan niyang Rusco. At si Sabing naman ay nakasakay sa isang puting kabayo na pinangalanan niyang Primrose.
GIO
I'm ready for it.
SABRIELA
Saan?
GIO
To visit my people. To make an impression!
SABRIELA
Hah? Papayagan ka bang lumabas ng mama mo?
GIO
She's busy and my dad is right, I am the Primo Propietor, no one can limit me. I can do everything I want!
(Inosenteng inosente niyang pahayag.)
SABRIELA
(Ngumiti ng alinlangan.)
Bawal akong lumabas ng mansion, may lessons ako mamaya kay Teacher Diorella.
GIO
Don't worry, I am the Primo Propietor. Hindi ka nila pagagalitan kapag sinabi kong pinilit mo 'ko na samahan ako.
SABRIELA
S-sige!
(Gusto rin naman kasi niyang lumabas. Miss na niya ang mga ka-barangay niya.)
GIO
Mas kabisado mo ang daan papunta sa barangay niyo. Let's go!
Himalang nakalabas ang sila Gio at Sabing ng Manor de Barosa dahil dumaan sila sa may likurang gate. Hinayaang makalabas ng mga bantay ang dalawa dahil iyon ang bilin sa kanila ni Luke, at lingid sa kaalaman ng lahat ay binayaran ito ni Luke na hindi magsalita.
EXT. BARANGAY MAHARLIKA. UMAGA.
Samantala, hindi pa rin maka-get over ang mga tiga-barangay Maharlika nang mabalitaan nila na si Sabriela ay isang Barosa.
Tampok sila ng tsismis bawat kanto, hanggang sa palayan, mula umaga hanggang hatinggabi!
TSISMOSA 1
Aba'y kaya naman pala bigla na lang naglaho na parang bula si Carmela at Sabing dine!
TSISMOSA 2
Akala ko nga'y tumama na sa lotto! Ni hindi man lang nagparamdam.
TSISMOSA 3
Ano ka ba! Para na ring tumama sa lotto ang mag-inang 'yon! Pag-aari ng mga Barosa ang lupaing 'to, at si Sabriela ay anak ni Don Rico!
Matitigilan ang lahat sa pagdadaldalan, paglalakad, at pagtatrabaho nang makita nila ang dalawang nilalang na paparating. Parehas nakasakay sa mga kabayo at animo'y nagniningning dahil sa taglay na kagwapuhan at kagandahan nila Gio at Sabing.
MANGAGAGAWA 1
Ang Primo Propietor!
MANGGAGAWA 2
At si Sabing!
Nang marinig ang pangalan ng dalawa ay kaagad silang pinagkaguluhan at dinumog ng mga tao.
MANGGAGAWA 3
Sabing! Sabing! Totoo nga! Isa ka ng Barosa!
GIO
(Hindi alam ang sasabihin kaya tumingin kay Sabing.)
What now?
SABRIELA
Relax ka lang!
Si Sabing ang nag-guide kay Gio, bumaba sila parehas ng kabayo at mas lalong dinumog ng mga tao.
SABRIELA
Mga kapitbahay! Huminahon kayo! Nandito ang Primo Propietor para magpakilala sa inyo!
Nahihiya man ay nagpakilala si Gio sa kanila. Pero mas nanginigbabaw pa rin ang kuryosidad ng mga tao kay Sabing kaya siya ang mas pinagkaguluhan. May mga dumumog pa rin naman kay Gio at natutuwa siya dahil feeling niya ay nakakatulong siya sa ganitong alagay.
Maya-maya'y darating ang punong barangay na si Ka-Elpidio.
ELPIDIO
S-sabing?!
SABRIELA
Ka-Elpidio! Kamusta na ho?
ELPIDIO
Natutuwa akong makita ka pero...
(Hinawakan si Sabing sa braso at bumulong.)
Hindi kayo dapat nagpapakalat-kalat dito sa labas.
SABRIELA
Ho? Eh gusto lang naman ho ng Primo Propietor na makilala ang mga tao sa hacienda.
ELPIDIO
Kahit na, Sabing—
KAPITBAHAY 1
Sabing! Dahil mayaman ka na, baka naman pwede mo naman kaming maambunan kahit onti.
KAPITBAHAY 2
Oo nga! Wala bang balato diyan?! Daig mo pa ang tumama sa lotto!
KAPITBAHAY 3
Tutal nakaahon ka na sa hirap, baka naman gusto mo kaming tulungan. Kahit pangbigas lang.
KAPITBAHAY 4
Oo nga, parang wala naman tayong pinagsamahan. Tinulungan namin kayong mag-ina dati nung wala kayong bigas ah.
KAPITBAHAY 5
Natatandaan mo pa ba dati nung baby ka? Inalagaan kita!
Kanya-kanyang hanash ang mga dating Kapitbahay ni Sabing at naooverwhelm siya sa mga pambihirang requests ng mga 'to.
SABRIELA
Ah... Hindi naman ako 'yung mayaman, 'yung mga kapatid ko—
KAPITBAHAY 6
Ay grabe! Yumaman lang lumaki na ulo!
KAPITBAHAY 7
Oo nga, nakalimot na! Tsk tsk! Iba na ere nito!
KAPITBAHAY 8
Kala mo kung sino!
KAPITBAHAY 9
Oo nga! Eh pumatol lang naman 'yang nanay niya sa may asawa. Ang kakapal!
Sunud-sunod na masasakit na salita ang mga narinig ni Sabing mula sa kanyang mga dating kapitbahay, dala ng inggit ay kung anu ano ang mga pinagsasasabi nito sa kanilang mag-ina porque nakaangat na sila sa buhay.
JOHANA
Tumigil nga kayo!
SABRIELA
(Mangiyak ngiyak na.)
Jo!
JOHANA
Ang totoo masama ang loob ko sa'yo dahil hindi mo sinabi sa'kin ang totoo, Sabing. Kay Zachary ko pa malalaman!
SABRIELA
I'm sorry, Jo—
JOHANA
(Yayakapin si Sabing.)
Oo, matitiis ba kita? Love kita eh. Pero kailangan mo na umalis dito. Mag-usap na lang tayo sa chat.
(Bumitaw sa yakap.)
SABRIELA
Ha? Bakit?
JOHANA
(Bumulong at mas hinigpitan ang hawak kay Sabing.)
Basta! Umalis na kayo—
Pero huli na ang lahat nang nagkaputukan ng sunud-sunod, nagkagulo at nagpanic ang lahat. Napuno ng sigawan at takot. Napadapa si Sabing dahil may nagtakip sa kanya.
BANG! BANG! BANG!
SABRIELA
(Nakita niya kung sino.)
Z-zachary?!
ZACHARY
A-ayos ka lang ba?
SABRIELA
Z-zachary! May tama ka!
May tama ng baril si Zachary at mabuti hindi siya nasaktan. Subalit nang makita ni Sabing sa gilid—si Gio na nakahandusay! At naliligo sa sarili nitong dugo!
Nang magawa ng mga armadong kalalakihan na nagtatago sa mga itim na maskara ang kanilang mission ay kasing bilis ng kidlat silang nawala sa paningin ng mga tao.
SABRIELA
Gio!!!!!!
INT. SAN LAZARO HOSPITAL. UMAGA.
Kaagad na sinugod sa ospital si Gio at Zachary, parehas na malubha ang sitwasyon. Kaagad na kumalat ang balita sa buong hacienda at nagimbal ang lahat sa nangyari.
Isang malutong na sampal ang binigay ni Andra kay Sabing.
ANDRA
Demonyo kang bata! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to!
(Hinila ang buhok ni Sabing pero kaagad na humarang si Diorella para pigilan siya.)
Tumabi ka, Diorella! Gusto mong mawalan ng trabaho?!
DIORELLA
Nasasaktan na ho ang bata, senyora.
ANDRA
Wala akong pakialam!
(Pilit na inaabot si Sabing.)
Si Gwen ay tulalang nakatayo sa isang gilid, sa labis na pag-aalala niya ay hindi na niya nakuhang magalit o magwala. Sila Andrew ay biglang dumating, kasama si Carmela at Margot.
ANDREW
Ate Andra! Kung maka-sampal ka sa bata daig mo pa ang ina?!
CARMELA
Sabing! Diyos ko salamat po walang nangyaring masama sa'yo!
(Niyakap si Sabing.)
SABRIELA
S-sorry po... S-sorry po... S-sorry po...
(Umiiyak at panay sorry lang dahil sa trauma.)
MARGOT
W-what happened?
Biglang lalabas ang isang doctor at lalapit sa kanila.
DOCTOR
Good news po, senyora, ligtas na ang anak niyong si Gio.
Makakahinga silang lahat ng maluwag. Pero si Andra ay ayaw pa ring paawat, daig pa niya si Gwen kung magalit.
ANDRA
Pag-uwi sa mansion, malalagot ka!
(Banta niya kay Sabing.)
CARMELA
Subukan mo lang saktan ulit ang anak ko!
(Akmang susugurin si Andra.)
ANDREW
Bitch! Tama na!
MARGOT
Tita Andra don't hurt her!
GWEN
(Sa ingay nila ay nabwisit si Gwen.)
Just stop!
Mapapahinto silang lahat at titingin kay Gwen na mugto ang mga mata.
GWEN
Just shut your mouths.
(Sabay walk out dahil sa stress.)
INT. SASAKYAN.
Hindi mapakali si Misha habang nakaupo sa passengers seat, samantala si Kenneth naman ay kalmado subalit mabilis na nagmamaneho papuntang San Lazaro Hospital.
MISHA
Gio... He's been shot.
KENNETH
(Napahinga ng malalim.)
I hate to say this... Pero naniniwala ka na ba talaga sa sinabi ko?
MISHA
Y-yes.
KENNETH
Hindi lang si Gio ang maaaring masaktan dito. Anytime maaari nila kayong atakihin.
MISHA
(May tumawag sa kanya at kaagad na sinagot 'yon.)
Hello? Margot?
MARGOT
(Sa kabilang linya.)
Hello, Misha? Okay na si Gio, ligtas na siya.
MISHA
Thank goodness! Si Sab? Kamusta?
MARGOT
Wala naman siyang sugat o ano pero na-trauma siya sa mga nangyari.
MISHA
Okay, I'll be there.
MARGOT
Okay.
MISHA
(Binaba ang tawag.)
Thank god...
Muling namayani ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Actually pinatawag ulit ni Misha si Kenneth sa kanilang mansion kaninang umaga subalit saktong dumating ito sa kanila at nabalitaan ang nangyari kay Gio kaya kaagad silang pumunta ng ospital.
KENNETH
Ano nga pala ang dahilan kung bakit mo 'ko pinapunta sa inyo?
MISHA
(Matagal bago sumagot.)
Kenneth... Kapag ba inalok kitang magpakasal sa akin papayag ka?
Biglang pepreno si Kenneth ng malakas kaya halos masubsob silang dalawa sa dashboard, mabuti na lang at naka-seat belt sila parehas.
MISHA
(Galit.)
What are you doing?!
KENNETH
Ikaw ang dapat kong tanungin! Anong sinasabi mo?
(Hindi naman galit, sadyang shookt lang.)
INT. DINING HALL NG MANOR DE BAROSA. UMAGA.
Kasalukuyang nag-aagahan ang mag-asawang Leiah at Pietro nang mabalitaan ni Leiah mula sa tawag n iAndra ang nangyari kay Gio.
LEIAH
(Kausap si Andra sa cellphone.)
How is he? Oh? He's still alive, mabuti naman kung ganon. We'll visit later.
PIETRO
Who's that?
LEIAH
Si Auntie Andra, nabaril daw si Gio.
(Kalmadong kalmado.)
PIETRO
(Natigilan si Pietro at bahagyang nagulat—hindi sa nangyari, kundi kay Leiah.)
You are calm.
LEIAH
Anong gusto mo? Magwala ako?
PIETRO
Nabaril ang pinsan mo, he almost died, tapos kalmado ka lang?
(Naiiling.)
LEIAH
I don't dwell on the past with stupid emotions.
(Sabay subo ng pagkain.)
PIETRO
See? I told you, nasa peligro ang buhay ng pisnan mo at kahit wala kang ginagawa, kusang magba-back out ang tiyahin mo sa sugal na pinasok niya..
LEIAH
Kilala ko si Tita Gwen, mukha lang siya pa-easy easy pero palaban ang taong 'yon. She will never quit easily.
PIETRO
So, anong balak mo?
LEIAH
Patiently waiting.
Napangiti si Pietro sapagkat sinusundan ni Leiah ang kanyang mga plano.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top