EPISODE 33: Mapait na Kahapon



EPISODE 33: Mapait na Kahapon

ANG NAKARAAN:

Nagbalik na sa Manor de Barosa ang mayordoma na si Aurora. Samantala, biglang sumulpot si Luke, asawa ni Gwen, na may hidden agenda. At higit sa lahat, nagdesisyon si Marlon na bumitaw sa kasunduan nilang magkapatid na maghiganti sa mga Barosa dahil sa napagtanto niyang mahal na niya ng totoo si Margot.

KASALUKUYAN:

Matapos maiwan ni Macoy sa kanilang mansion ay dali-daling pumunta si Marlon sa kanilang usual na tagpuan ni Margot—ang tabing dagat.


EXT.TABING DAGAT. DAPIT HAPON.

Nakaupo si Margot sa buhanginan at pinagmamasdan ang dagat. Kahit na nakatulala ay nakangiti lang siya, mabuti na lang at walang ibang nakakakita sa kanya dahil baka akalain ay may sayad siya sa utak.

Marami lang napag isip-isip si Margot, simula kasi nang umuwi siya ng hacienda ay tila nakalimutan niya ang buhay na mayroon siya sa siyudad. Nakalimutan na nga niya na may trabaho siya na pagmomodelo, ang pagiging social media celebrity niya, hindi na siya nangangating i-update ang mga fans niya sa IG story, at ni hindi nga niya nami-miss ang pagpaparty sa club gabi-gabi.

Pakiramdam ni Margot ay nahanap na niya ang lugar niya. Ayaw niya ng balikan 'yung buhay na marangya pero malungkot naman siya. Simula nang pagtagpuin sila ni Marlon ay nag-iba ang kanyang buhay. Parang nagkakulay. Cheesy.


MARLON
(Darating bigla.)
Sorry kung pinaghintay kita.
(Umupo sa tabi niya.)


MARGOT
Sus. Sanay naman ako maghintay.


MARLON
Ayan na naman siya sa mga hugot niya.


Tumawa sila pareho. Hinilig ni Margot ang ulo niya sa balikat ni Marlon.


MARLON
Margot.


MARGOT
Hmm?


MARLON
Will you marry me?


MARGOT
(Magugulat at mapapatingin kay Marlon.)
Huh?


MARLON
Alam ko, ang ridiculous kung aalukin kita 'agad ng kasal.


MARGOT
(Hindi kikibo at nanatiling nakatitig sa nobyo.)
Bakit naman hindi?
(Gusto niya sanang isagot kaso baka mahalata siya.)


MARLON
Pero... May tanong ako sa'yo.


MARGOT
Ano?


MARLON
Do you love me?


MARGOT
(Ngingiti muna.)
Ikaw muna. Mahal mo ba 'ko?


MARLON
Oo.


MARGOT
(Seseryoso.)
Mahal din kita. Kung tatanungin mo kung kailan at bakit, hindi ko alam.
(Umiling at tumingin sa malayo.)
Maraming lalaki ang dumaan sa buhay ko bago kita makilala, lahat sila nakipagpalitan ako ng salitang 'Mahal kita' o 'I love you', pero iniwan din nila 'ko sa huli.


MARLON
Natatakot ka ba na iwanan kita?


MARGOT
Takot ako. Oo. Aminado ako. Pero alam mo, iba ka eh. Kahit medyo magulo ang paraan kung paano kita nakilala, unti-unti nahulog ako sa'yo kahit hindi ko gusto.


MARLON
Hindi ba ganoon naman sa pag-ibig? Hindi mo maipapaliwanag kung bakit mo mahal ang isang tao. Mahal mo siya... kasi...
(Umiling. Pati siya naguguluhan sa mga sinasabi niya.)


MARGOT
(Natawa at tumingin kay Marlon.)
Oo na, huwag mo ng pahirapan sarili mo i-explain. Gets ko. Don't worry.


MARLON
Talaga ba? Hindi mo pa sinasagot tanong ko.


MARGOT
Nasagot ko na ah.


MARLON
Hindi 'yon. Pakakasalan mo ba 'ko?


MARGOT
(Tumingin ng diretso sa mata ng nobyo.)


MARLON
(Hahawakan ang kamay ni Margot.)
Ayoko na kasing pakawalan ka, kung doon din naman tayo pupunta bakit pa natin pahahabain ang ligawan? Hindi ba't mas mahalaga na pahabain natin ang relasyon natin kaysa sa proseso? Pero it's okay if you're not ready yet. I'm willing to wait.


MARGOT
(Natawa ulit at kinurot sa pisngi si Marlon.)
Ang dami mong sinabi. Oo, papakasalan kita.


MARLON
(Natatawa.)
Ngayon na?


MARGOT
Kahit ngayon na.
(Panghahamon niya.)


MARLON
Hindi ka ba malagot sa mga kapatid mo?


MARGOT
Sus! Wala naman silang magagawa, this is my life, I can do whatever I want. Ikaw? Pamilya mo? Baka mamaya hindi pala 'ko tanggap ng papa o ng mama mo—


Mapuputol ang pagsasalita ni Margot nang halikan siya ni Marlon sa labi. Mapuputol din kaagad ang halik, hahawakan ni Marlon ang kanyang pisngi at tititigan ng malagkit sa mga mata. At papasok ang isang romantic background music, pwede na 'yung Pangako Sa'yo ni pareng Rey Valera.


MARLON
I don't care what other people will say. What matters to me is you and me. Runaway with me, Margot.


Lalakas ang tunog ng background music, sakto sa chorus, makikita ang dalawang magkasintahan na naghahabulan sa tabing dagat, slow motion, hanggang sa madadapa ang isa at magkakandagan sila at gugulung-gulong.

Malilipat ang eksena sa isang kubo, magiging gabi. Dahan-dahan nilang tinatanggal ang saplot sa katawan habang malagkit ang tingin sa isa't isa. At ang kasunod, alam niyo na ang nangyari.


INT. SWIMMING POOL AREA SA MANSION NG MORTEL. GABI.

Kung noon ay puro chix ang kasama ni Macoy, iba ngayon, siya lang mag-isang nakatambay sa may pool area habang nagyoyosi.

Hindi pa rin siya nakabawi sa ginawa ng kapatid sa kanya, ang biglaan nitong pagback-out sa kanilang misyon na paghihiganti dahil sa 'pag-ibig'.

Bakas ang kapaitan sa mukha ni Macoy habang nakatanaw sa kawalan, hihithit at bubuga ang usok.

Kasabay ng pag-alala niya sa nakalipas. Sariwang sariwa pa rin sa kanya ang mga alaala, ang pinag-ugatan ng kanyang galit at motibong pabagsakin ang mga Barosa.

Twenty years ago.


[FLASHBACK]

May magandang relasyon ang pamilya Barosa at pamilya Mortell sa isa't isa, nagtutulungan sa negosyo at nagbibigay ng payo sa politiko sa matagal na panahon. Subalit hindi pa rin nagiging bahagi ng Alianza de las Familias ang mga Mortell, kaya dumating ang panahon na napagpasyahan ni Don Rico Andreigo Barosa o Andy na isama sa circle nila ang mga Mortell.

Sa bakuran ng manor ng Barosa ay palaging nagkukwentuhan sila Andy at ang kanyang tinuturing na pinagkakatiwalaang kaibigan na si Ferndinan Mortell o Fernan.


ANDY
Fernan, matagal ko n asana gustong ialok sa'yo 'to.


FERNAN
Ano 'yon, Andy? Tungkol ba sa negosyo?


ANDY
(Umiling.)
Hindi.
(Tumingin sa mga batang naglalaro sa bakuran.)
Oras na siguro para mag-tali ang ating pamilya. Oras na para maging bahagi ang mga Mortell ng Alianza.


Mapapatingin din si Fernan sa direksyon ng tingin ni Andy at makikita nila ang apat na bata na naglalaro ng habulan sa kanilang bakuran. Si Misha, na noo'y nasa pitong taong gulang, si Margot, na nasa anim na taon. At ang mga anak ni Fernan na sila Marlon at Marcus na nasa edad din ng siyam at walo.

Ang totoo niyan ay walang nakakaalam maliban kay Fernan at sa kanyang asawa na si Loreena na adopted lamang sila Marlon at Marcus. May diperensya kasi kay Fernan kung kaya't hindi sila nabiyayaan ng anak.


FERNAN
Ikinalulugod ko, Andy.


Pumayag si Fernan at mula ng araw na 'yon ay ipinagkasundo na ikasal kapag dumating sa hustong edad sila Misha at Marlon... at si Margot at Marcus.

Malapit sa isa't isa ang apat na bata, lalo pa nang ideklara ni Andy ang naturang arrange marriage, dumalas ang pag-babonding ng mga bata sa isa't isa. Madalas ring nasa manor ng Mortell sila Misha at Margot para makipaglaro kila Marcus at Marlon. Para raw ma-develop na kaagad ang mga 'to sa isa't isa habang lumalaki.

Subalit ang tila fairy tale na sanang kwento ay nasira nang matuklsan ni Fernan ang katotohanan. Nabasa niya ang mga tinatagong sulat ng asawang si Loreena, at nabunyag ang matagal nitong tinatagong lihim—pinagtaksilan siya ng kanyang asawa, dahil si Loreena ang ina ni Margot.

Sinugod ni Fernan si Andy nang malaman niya ang katotohanan.


FERNAN
Hayop ka, Andy! Tinuring kitang matalik na kaibigan tapos ito ang igaganti mo sa akin?!
(Sinuntok niya ito.)


ANDY
P-patawarin mo ako, F-fernan—
(Sinuntok siyang muli.)
A-ang asawa mo ang lumapit sa akin. Nagulat na lang ako nang ibigay niya sa akin ang sanggol!


FERNAN
Hayop ka! Traydor!


Totoo naman ang sinabi ni Andy, na si Loreena ang nagpumilit. Hindi lang talaga inaasahan ni Andy na may mabubuo sa panandaliang pinagbabawal nilang relasyon—at si Margot 'yon, ang unang bastarda. Hindi alam ni Bettina, asawa ni Andy, na si Loreena ang ina dahil nilihim niya 'yon.

Naputol ang ugnayan ng Mortell at Barosa simula ng araw na 'yon, hindi na natuloy ang nasabing kasunduan na ikasal ang kanilang mga anak. Nanatiling lihim din ang tungkol sa tunay na ina ni Margot.

Pinalayas ni Fernan ang kanyang asawa at kailanma'y hindi na ito nagpakita.

Samantala, ang mga batang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari ay nagsimula ring magtaka.


BATANG MARGOT
Papa, bakit hindi na pumupunta rito sila Macoy?


ANDY
(Uupo para mapantayan ang anak.)
Margot, anak, hindi mo na sila pwedeng makita kahit kailan.


BATANG MARGOT
Huh? Bakit po? Namimiss ko ng makipaglaro sa kanila!


Hindi magawang maipaliwanag ng mabuti ni Andy sa kanyang inosenteng anak ang mga nangyari. Subalit isang araw ay nagawang makatakas ni Margot ng mansion para hanapin ang kanyang kalaro.

At sa huli... parehas nilang natagpuan ang isa't isa sa gitna ng daan dahil nagkataon na sabay silang tumakas sa kanilang mga bahay.


BATANG MACOY
Margot, na-miss kita!


BATANG MARGOT
Na-miss din kita kaya tumakas ako sa amin. Sabi ni papa hindi ko na raw kayo pwede makita eh.


BATANG MACOY
Sabi rin sa'kin ni daddy. Pero 'di ba magpapakasal tayo paglaki natin?


Ngingiti ang dalawang musmos sa isa't isa at magkahawak kamay silang maglalakad patungo sa kung saan. Hanggang sa natiyempuhan sila ng mga masasamang loob at nakidnap for ransom.

Takut na takot ang dalawang bata habang nasa abandonadong bodega sila. Naririnig nila ang mga kidnapper na nakikipag-usap sa telepono, nakikipag-negosasyon kung magkano ang ibabayad para sa kanilang buhay.


BATANG MARGOT
(Umiiyak.)
G-gusto ko ng umuwi.


BATANG MACOY
Shhh... Huwag kang matakot, nandito ako, hindi kita iiwan. Pramis ko sa'yo, poprotektahan kita.
(Niyakap ang batang Margot.)


Sa kabutihang palad ay na-rescue ang dalawang bata, nahuli rin ang masasamang loob.

Inihatid ni Andy si Macoy sa kanilang bahay at nadatnan nila roon si Fernan na naging lasenggo simula nang pinalayas ang kanyang asawa.


FERNAN
(Lasing.)
Thanks for saving my kid's life.


ANDY
Fernan—


FERNAN
Pero hindi pa rin kita mapapatawad, demonyo ka. Sinira mo ang pamilya ko. At wala na... wala na kong saysay para mabuhay ng wala si Loreena.
(Lumuluha at may kinuha.)


ANDY
(Nagulat at nabitawan ang hawak sa dalawang bata.)
Fernan, bitiwan mo 'yan! Fernan—


BANG!

Binaril ni Fernan ang kanyang sarili. Napasigaw ang mga bata sa sobrang takot. Si Margot ay hindi nakapagsalita ng isang buwan dahil sa insidente at nawalan ng aalala sa mga nangyari dahil sa matinding trauma. At simula noon ay wala na silang balita sa pamilya.

Nang lumaki si Macoy, doon niya tunay na napagtanto ang mga nangyari. Sinira ni Andy Barosa ang kanilang pamilya kaya nabuo ang kanyang galit sa dibdib, isang paghihiganti!

[END OF FLASHBACK]


Babalik sa kasalukuyan.

Hindi namalayan ni Macoy ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi.


EXT. GARDEN NG MANOR DE BAROSA. GABI.

Nakatayo si Misha, nakatingala at pinagmamasdan ang buwan, nakalagay ang kanyang kamay sa likuran. Malalim ang iniisip.


JANINE
Senyorita Misha, nandito na po si Senyorito Kenneth.


Lilingon si Misha at makikita si Janine na katabi ang gwapong gwapo na si Kenneth, naka-suot ito ng blue checkered polo at naka-tuck in sa pantalon, naka-leathered shoes si Kenneth, at medyo messy ang hair.


MISHA
Sige na, Janine, you can go.


Pagkaalis ni Janine ay lalapit si Kenneth kay Misha. Ang dalaga mismo ang tumawag sa kanya na pumunta ng kanilang manor upang sabihin ang nalalaman nito, dahil noong Halloween party ay nagbitaw si Kenneth ng mga salitang tumatak kay Misha. "Your family is in danger."


MISHA
Kenneth, please ayoko na ng maraming segue. Get to the point, anong ibig mong sabihin sa sinabi mo noong party?


KENNETH
I assume na alam mo ang nangyari sa piyesta noong nakaraan?


MISHA
Yes, I was there. May pagsabog at may sumigaw na ibigay ang lupa sa kanila. Mga rebelde sa hacienda.


KENNETH
Unfortunately, Misha, totoong may nagrerebelde sa loob ng hacienda. And I'm afraid na—


MISHA
Kenneth, you told me that my family is in danger, how exactly did you know that something's bad is going to happen?
(Giit niya.)


KENNETH
(Napahinga ng malalim.)
As you can see, Misha... I'm a public lawyer at... At may isa akong kaso kung saan ang kliyente... May sinabi siya sa akin na may grupo sa loob ng hacienda na gustong ... gustong patayin ang Primo Propietor.


MISHA
(Magugulat.)
S-sino 'yang kliyente na 'yan?


KENNETH
I can't do that.


MISHA
So anong point kung bakit mo gustong sabihin sa'kin 'to?


KENNETH
(Tititig lang muna siya kay Misha bago sumagot.)
Alam mo ang gusto ng mga tao, Misha. Ang lupa na ipinangakong ibibigay sa kanila. Sinabi ko 'to sa'yo dahil ikaw lang ang pwede kong pagsabihan tungkol sa bagay na 'yon.


MISHA
(Naguguluhan.)
Lupang ipinangako sa kanila?

KENNETH
Try to convince your cousin to do something about it, please, para rin sa ikabubuti ng lahat at lalo ng kaligtasan ng inyong pamilya.


MISHA
(Hindi na nakapagsalita.)
As if napakadali ng request niya.


KENNETH
Sige, iyon lang naman ang gusto kong sabihin.


Pagtalikod ni Kenneth ay tsaka may biglang naisip si Misha, parang may light bulb na umilaw.


MISHA
W-wait, Kenneth.


KENNETH
(Huminto at bahagyang lumingon.)


MISHA
W-why don't you stay for dinner?


Lumiwanag ang mukha ni Kenneth, dahil sa totoo lang ay si Misha pa rin talaga ang hinahanap ng puso niya. Subalit hindi alam ni Kenneth ang nasa isip ni Misha noong mga sandaling 'yon.

Naisip ni Misha na pwede niyang magamit si Kenneth.



-xxx-

Richard Gutierrez as Marcus "Macoy" Mortell

Paulo Avelino as Kenneth Yupangco

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top