EPISODE 32: Ang Desisyon
EPISODE 32: Ang Desisyon
ANG NAKARAAN:
Tuluyan nang nag-retiro ni Madam Z bilang Family Seer ng mga Barosa at pumalit sa kanya ang teenager na anak na si Therese na naging kaibigan kaagad ni Sabing. Samantala, umuwi si Leiah ng hacienda upang alamin ang pangyayari tungkol sa pagsabog at mga rebelde.
Habang abala sa Halloween party ang mga Barosa ay hindi nila alam na may umusbong ng ibang faction ng mga rebelde na may masamang intensyon sa hacienda. Binubuo ang kanilang plano upang paslangin ang kasalukuyang Primo Propietor—ang labinglimang taong gulang anak ni Gwenella.
KASALUKUYAN:
Tapos na ang Halloween party at lumipas na ang undas, napalitan na ng mga Christmas decorations ang mga Halloween decorations. Ang buong Hacienda Barosa ay naghahanda na para sa darating na Pasko.
INT. ENTRADA NG MANSION DE BAROSA. UMAGA.
Nakapila ng isang linya at maayos ang mga katulong. Papasok ang isang matanda na nasa edad na sixty five years old sa loob, simple lang ang kanyang pananamit, isang bestida at nababalutan siya ng pulang balabal. Katabi niya si Marilyn, ang humihila ng bagahe nito.
MGA KATULONG
Maligayang pagbabalik ho, Madam Aurora.
Kahit na sabihing katulong lamang din ang tungkulin ni Aurora ay respetado siya ng mga katulong at iba pang staff ng mansion. Bukod sa katandaan, ay kilala ito bilang responsable at maaasahan sa kanyang trabaho.
Siya si Aurora Reyes, ang mayordoma ng Manor de Barosa, at nagtatrabaho na sa mansion sa loob ng fifty years. Oo, kinse anyos lang siya nang magsimulang mamasukan bilang katulong kaya tiwala na sa kanya ang mga Barosa.
AURORA
Kamusta kayo?
(Ngumiti at malumanay ang boses.)
Si Aurora din ang nag-alaga kila Leiah, Misha, at Margot, kung kaya't sila ang nakalakihan nitong pangalawang ina.
Maya-maya'y bumababa ng hagdan ang excited na si Misha at kaagad niyang sasalubungin ng yakap ang kanyang yaya.
MISHA
Yaya Au! I missed you!
(Mangiyak-ngiyak.)
AURORA
Kamusta ka na, hija? Mabuti't nakauwi ka na.
MISHA
Yaya Au...
(Hindi alam ang sasabihin at bigla siyang maluluha sa bisig nito.)
Sa lahat ng alaga ni Aurora ay si Misha ang pinakamalapit sa kanya. Dahil noong mga bata pa lang ang magkakapatid, si Yaya Aurora lang ang tanging kakampi ni Misha sa tuwing inaapi siya ni Leiah at ni Andra, o kaya naman sa tuwing 'napag-iiwanan' siya ng kanyang pamilya.
Si Yaya Aurora ang naka-diskubre ng maduming lihim ni Bettina, ina nilang magkakapatid, na hindi anak ni Don Rico Andreigo si Leiah. Sa madaling salita, si Aurora at Misha lang ang nakakaalam tungkol sa totoong ama ni Leiah.
Si Yaya Aurora lang din ang tanging pinagsumbungan ni Misha nang minsan siyang tangkaan ng masama ni Barney.
At sa totoo lang, si Yaya Aurora ang isa sa sumuporta sa kanyang paglalayas.
MISHA
(Kinawit ang kanyang braso kay Aurora.)
Pitong taon din kitang hindi nakita, Yaya Au. There's so many things I'd like to tell you.
AURORA
(Naglakad sila patungong kusina.)
Pasensya ka na at hindi na kita mapadalhan ng sulat dahil alam mo naman tumatanda na ang Yaya Au mo.
Makakasalubong nila si Diorella, magbibigay ito ng daan sa kanilang dalawa, at ngingitian ni Aurora si Diorella.
INT. OFFICE NI GWEN SA MANSION. TANGHALI.
Abala si Gwen sa kanyang desk. Hindi pa rin niya pinababayaan ang negosyo ng kanilang asawa kung saan ay may mataas din siyang tungkulin. Kahit na lately ay na-stressed siya sa mga pangyayari.
At sa totoo lang... Hindi pa niya sinasabi sa kanyang asawa na si Luke ang mga nangyari.
He's always busy anyway, sa loob loob niya dahil magmula nang ikasal sila noon ay kailanman ay hindi sila nagkaroon ng mga quality time. Puro negosyo, negosyo, negosyo. Mabuti na lang at nariyan si Gio sa buhay niya kaya kahit papaano ay hindi siya malungkot.
At sa anak niyang si Gio ipinasa ang kanyang ilang ambisyon. Ang kontrolin ang hacienda, ang ipamigay ang mga lupa, dahil sa lumang paniniwala, at sa magiging kapalit nito.
May kakatok.
GWEN
Come in.
(Busy pa rin sa papeles.)
JANINE
S-senyora...
(Hingal, halatang tumakbo.)
GWEN
(Tinigil ang ginagawa at tumingin kay Janine.)
What's the matter, Janine?
JANINE
Nandito po si Senyor Luke.
Magugulat si Gwen nang pumasok sa loob ng silid ang kanyang asawa, ni hindi na nga niya maalala kung kailan niya ito huling nakita dahil sa sobrang busy sa negosyo.
GWEN
My goodness.
(Lalapit sa asawa.)
LUKE
Hello, darling.
(Hahalikan niya sa pisngi ang gulat pa ring si Gwen.)
Tall, dark, and handsome, iyan ang simpleng description kay Luke noong kabataan nito na bakas pa rin naman hanggang ngayon. Kung gaano ka-bubbly ang personality ni Gwen ay kabaligtaran naman 'to ng asawa niya—seryoso at hindi ngumingiti.
GWEN
I'm surprised, I don't know what to say.
LUKE
Pumunta ako rito dahil nabalitaan ko kay ma-ma ang mga nangyari.
(Seryoso.)
GWEN
Darling, I'm sorry—
LUKE
There's no need to be sorry. In fact, I'm amazed by what you did, darling.
GWEN
Really?
LUKE
I personally came here because I want to see you and Gio. I missed my family.
(Niyakap si Gwen.)
Maraming tanong sa isip si Gwen. Wala siyang kaalam-alam sa mga mangyayari.
INT. LIVING ROOM NG MANSION NG MORTEL. HAPON.
Prenteng prente na nakaupo si Macoy sa couch habang ka-video call ang isa sa mga babae niya nang pumasok sa loob ng living room ang kapatid niyang si Marlon at as usual ay seryoso ito.
MACOY
(Sa phone.)
Bye, babe.
(Titingnan ang kapatid.)
Hey, bro.
MARLON
We need to talk.
MACOY
Sounds serious.
(Sabay inom ng wine.)
MARLON
(Nanatiling nakatayo lang.)
I'm quitting.
MACOY
(Muntik nang mabuga ang iniinom.)
What?!
(Galit at napatayo bigla.)
MARLON
I can't deceive her anymore.
MACOY
Why?
(Halos malukot ang mukha.)
MARLON
Dahil mahal ko siya.
Matutulala si Macoy sa kapatid at sinigurong hindi siya nabibingi sa narinig niya. Oo, mahal na ni Marlon si Margot kahit sa loob ng maikling panahon niya lang nakasama ang dalaga.
Kahit si Marlon ay hindi rin maintindihan ang sarili, ginagawa niya lang naman ang gusto ng kapatid niya dahil sa paghihiganti nito pero napatanong siya sa sarili kung may galit ba siyang kinikimkim sa kanyang dibdib subalit wala naman.
Nakilala niya si Margot at nakita na parehas silang may hinahanap sa buhay, parehas silang malungkot at gusto lang ng simpleng kaligayahan.
Kaya ito ang desisyon ni Marlon.
MACOY
(Tumawa muna.)
Wait, wait. If this is a joke, I'm telling you, bro, you're good at it.
MARLON
I'm serious. I always am.
MACOY
(Mawawala ang ngiti.)
What the fuck, Marlon?! Ngayon ka pa ba titigil?!
MARLON
This is my decision, this is my life! You can't control me forever!
Nagsukatan ng tingin ang magkapatid pero hindi nagpatinag si Marlon, buung buo na ang loob niya.
MARLON
(Kumalma bigla.)
What happened in the past... Just forget it and move on. Your anger, your revenge won't change anything. I love Margot. And I want to be with her. That's my decision.
MACOY
Very well.
(Kumalma na rin.)
From this moment, we'll break our bond as brothers.
MARLON
Good bye.
Umalis si Marlon at naiwan ang nagngingitngit na si Macoy. Nang tuluyan nang mawala si Marlon ay hinagis ni Macoy ang wine glass na hawak at nabasag ito. Napaupo siya sa sofa 'di malaman kung anong gagawin ngayong nag-back out na sa plano ang kanyang kapatid.
Ngunit ano nga ba ang dahilan ni Macoy kung bakit niya gustong maghiganti sa mga Barosa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top