EPISODE 30: History Repeats Itself
Bago mo basahin ang update na 'to, nais kong malaman mo na ang Hacienda Barosa ay nagwagi sa #Wattys2018! Ang tagumpay ko ay tagumpay niyo rin. Maraming maraming salamat! Enjoy reading!
EPISODE 30: History Repeats Itself
ANG NAKARAAN:
Tumakas na naman si Sabing sa mansion upang makadalo sa fiesta, dahilan para mahila siya ni Zachary at sinabi sa kanya ang tungkol sa rebolusyon sa loob ng hacienda. Samantala ay nagpakita si Macoy kay Margot at si Misha naman ay pinakiusapan si Macoy na huwag gambalain ang kapatid sapagkat hindi raw naaalala ni Margot ang nakaraan. Nabuo ang katanungan sa ating mga isipan kung ano ang ugnayan ni Misha kay Macoy. Inanunsyo na rin sawakas sa mga mamamayan ang bagong Primo Propietor, subalit 'di kalayuan ay nagkaroon ng pagsabog sa malayo at nauwi sa kaguluhan ang fiesta.
KASALUKUYAN:
Balik tayo sa kasalukuyan, walang kaalam-alam si Leiah sa mga naging pangyayari sa hacienda. Kakatapos lang kahapon ng kanilang "kasal" ni Pietro at ngayon ay nagbabakasyon sila sa rest house ng pamilya Ibañez sa California.
INT. GARDEN NG REST HOUSE. UMAGA
Lalabas si Leiah mula sa loob ng bahay patungo sa may swimming pool area, naka-sexy robe at shades. Si Pietro naman ay nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo. Naghahain naman ang maid ng almusal sa mesa. Mapapatingin si Pietro sa kanyang asawa at uupo si Leiah kaharap niya.
PIETRO
Well, good morning, wifey. You're early, did you sleep well?
(Hindi tumitinging bati ni Pietro habang nakatuon ang atensyon sa newspaper.)
LEIAH
Now that we're married, baka pwede mo ng sabihin sa akin kung ano ang mga nalalaman mo.
PIETRO
As expected.
LEIAH
I don't want to waste any more time.
PIETRO
(Binaba ang diyaryong binabasa.)
Kung iyon ang gusto mo. Handa ka bang makinig?
LEIAH
(Tinanggal ang shades.)
I was born ready.
PIETRO
(Binaba ang diyaryo at tumingin kay Leiah.)
I will tell you the history of your ancestors.
LEIAH
(Tumaas ang kilay.)
Wait, what? Anong history? Ang gusto kong marinig ay ang paraan kung paano ako magiging Primo Propietor, not that long and boring history.
PIETRO
You have to understand, Leiah. You need to know first the history of your people.
LEIAH
(Walang nagawa)
Fine.
Habang magkukwento si Pietro ay lilipat ang eksena pabalik sa Mansion de Barosa.
INT. GRAND LIBRARY NG MANOR DE BAROSA. UMAGA.
Inabutan na ng umaga si Misha sa study desk, nagbabasa. Maraming mga dokumento at libro na nagkalat sa mesa. May kape sa kanyang kanan at dinalhan siya ng maid ng almusal.
PIETRO
(Dahil nagkukwento siya kay Leiah ay maririnig ang kanyang voice over.)
It was a long long time ago, during eighteenth century era.
Makikita at magsuzoom-in sa binabasa ni Misha ang mga ina-narrate ni Pietro, isang lumang history book na may mga illustrations pa, tungkol ito sa kasaysayan ng Hacienda Barosa.
PIETRO
(Voice over.)
There's a man named Edmundo Barosa, a wealthy Peninsulares from Spain. Dumayo siya sa isang probinsiya dahil ipinagkasundo siya sa anak ng isang mayamang alkalde.
MISHA
(Nagbabasa pa rin. Siya ang magtutuloy ng narration. Voice over.)
Ikinasal si Asuncion Rosaroso at Edmundo Barosa. Noong mga panahong 'yon ay Lagros pa ang pangalan ng bayang ito at hindi pa Rosaroso. Mabait si Edmundo sa mga indio kung kaya't may mga ilang prayle at opisyal ng gobyerno na ayaw sa kanya. Naging alkalde ng Lagros si Edmundo at binili niya gamit ang kanyang yaman ang mga lupang hawak ng prayle. At dito ay itinayo niya ang Hacienda Barosa, layunin niyang pamunuan ang mga mamamayan kung kaya't minahal siya ng taumbayan.
PIETRO
(Voice over.)
The Barosa family is well-known and very popular. The Primo Propietor is like a king to his subjects, they worshipped him for believing that when he brought the lands, everything was peaceful in their land.
Edmundo and Asuncion's blessed with four children: Anna Clarita, Gustavo Miguel, Enrica Joselita, and Anna Isabela. When Asuncion died, in her memory, they changed the name of Lagros to Rosaroso. And when Edmundo died, he passed his title to his son, Gustavo Miguel, even he is only a second child. Edmundo strictly implemented a rule that only a male will have the title of Primo Propietor.
MISHA
(Biglang mahihinto sa pagbabasa.)
Why? That doesn't make sense. Dahil ba noong mga panahong 'yon ay mababa pa ang value ng mga babae sa society? Maaari.
(Nagpatuloy ulit sa pagbabasa. Voice over.)
Pinakasalan ni Gustavo Barosa si Margarita Luna at nagkaroon sila ng limang anim na anak: Fernando, Elpidio, Ligaya, Sarabela, Andreia, at Maria.
PIETRO
(Voice over.)
Unfortunately, Fernando died during the war, and Elpidio was poisoned. That leaves no male heir to the throne of Primo Propietor.
Natigilan si Misha sa pagbabasa dahil naalala niya ang kwento sa kanya ng kanyang co-professor tungkol sa primogeniture at kasaysayan ng France. Muli siyang nagpatuloy sa pagbabasa.
MISHA
(Voice over.)
Ang pangatlong anak ni Gustavo na si Ligaya ay hindi interesado sa titutlo sa pagkat ito'y umibig sa isang alipin at itinakwil ni Gustavo. Walang ibang nagawa si Gustavo kundi gumawa ng paraan kung paano mapipili ang susunod na magiging Primo Propietor, una... Kung sino ang mayroong anak na panganay na lalaki sa kanyang mga anak ang siyang magmamana ng trono.
(Natigilan.)
PIETRO
(Voice over.)
Gustavo made a rule, the "El Portador Primogenito", it means "The Firstborn Bearer". It was supposed to be passed down to Sarabela who has the firstborn son, but unfortunately, her baby died due to an illness. None of Gustavo's daughters are married and he immediately made another rule.
MISHA
(Voice over.)
"El Gobernante Elegido del Pueblo?"
The Chosen Ruler of the People.
Ang ibig sabihin nito'y ang taumbayan ang mamimili sa kung sino sa mga natitirang anak ni Gustavo ang kanilang magiging pinuno.
At dahil kilala sa pagiging matulungin, nanalo si Andreia, labingwalong taong gulang, pang-limang anak ni Gustavo na magiging tigapagmana.
PIETRO
(Voice over.)
But Gustavo wanted the two rule, "El Portador Primogenito" and "El Gobernante Elegido del Pueblo" to be a secret. So when Andreia took the title, she made a formal will about it, in case the same situation will happen in the future.
MISHA
(Voice over.)
When Andreia died, it was her firstborn son, Andreio became the next Primo Propietor.
(Huminto sa pagbabasa)
Si Andreio Barosa, ang lolo ni papa, and our great grandfather. Andreia Barosa, the first female Primo Propietor, our great grandmother.
This means...
INT. GARDEN NG REST HOUSE. UMAGA
Hindi makapaniwala si Leiah sa mga narinig niya, ngayon lang niya nalaman ang kwento ng kanyang kanununuan, at maririnig niya pa ito sa isang estranghero na asawa niya na ngayon.
LEIAH
(Hindi pa rin makapaniwala.)
Wait. Is this for real?
PIETRO
Whether you like it or not, what I'm saying is true. And you just heard the secret ways on how you can be a Primo Propietor. What happened many years ago repeated, not exactly in the same way.
LEIAH
(Totally in disbelief face.)
Wait, wait, wait.
(Itinaas pa niya ang kamay.)
Stop. Okay.Saan mo nakuha 'yang mga pinagsasasabi mo?
Hindi kasi makapaniwala si Leiah na mismong siyang anak ng isang Barosa ay hindi alam ang kasaysayan na 'yon. Malay ba niya kung ginogoyo at gawa-gawa lang ni Pietro ang kwentong 'yon. Instead of forcing Leiah to believe him, Pietro just stared calmly at her.
PIETRO
Our family possessed a copy of your family's La Historia de Barosa.
LEIAH
(Magugulat.)
What?!
Sa pagkakaalam ni Leiah ay mayroong ganoong libro sa kanilang grand library, nag-iisang kopya lang 'yon, subalit hindi niya na 'yon inaksayang basahin dahil una sa lahat, Leiah hates history, pangalawa ay nasa espanyol ang wika nito.
Fortunately, Misha learned how to read and speak Spanish. 'Di niya sukat akalaing magagamit niya ang skill na 'yon sa pagkakataong 'to.
PIETRO
Kung tatanungin mo ako kung paano nagkaroon ng kopya ang pamilya Ibanez ng librong 'yon. Hindi ko alam. Pero ang sigurado ako, we shared a common ancestor.
LEIAH
Who?
PIETRO
Asuncion Rosaroso's brother is our great great great uncle.
LEIAH
(Hindi ma-digest.)
PIETRO
Probably it's because of him kung bakit nagkaroon ang pamilya namin ng kopya. Pero huwag kang mag-alala, consider it fortunate dahil ako lang ang nagkaroon ng interes basahin ang librong 'yon.
LEIAH
You mean you can read and speak Spanish?
PIETRO
Yes, wifey.
LEIAH
(Napatingin sa kawalan at dina-digest pa rin ang mga nalaman niya.)
PIETRO
Now that you know the history and the ancient rules.
LEIAH
Okay, so what now? Paano ako magiging Primo Propietor?
PIETRO
(Nangiti at nailing.)
Wifey, you're not listening. Patience and waiting is the key to this game, Leiah.
LEIAH
(Napahinga ng malalim.)
I suppose you're not forcing me to bear a male firstborn, Pietro.
PIETRO
(Malakas na tumawa.)
I'm considering that we have to do both.
LEIAH
(Hindi tumawa at tinitigan lang ng masama si Pietro.)
PIETRO
Alam ko namang hindi ka basta-basta papayag. Kaya we have to resort in the second rule, "El Gobernante del Pueblo". You have to be the chosen.
LEIAH
And by public service, I need to create a good image.
PIETRO
Parehas lang pabor 'to sa'tin. You'll help me to win the election and I'll help you to make a good impression on your subjects, the people of Hacienda Barosa.
LEIAH
And when will the El Gobernante del Pueblo occur?
PIETRO
Again. Patience.
Nasabi ko na sa'yo 'to noon, hindi ba? The revolutionaries are going to take care of that. The stress will be too much for your aunt. Trust me, she will back down. Hindi niya isasakripisyo ang buhay ng kaisa-isa niyang anak.
(Kinuha ni Pietro ang tablet sa mesa.)
And speaking of, nabalitaan mo ba ang nangyaring kaguluhan?
LEIAH
Ang alin?
Pinakita ni Pietro kay Leiah ang balita sa nangyaring pasabog sa Hacienda Barosa. Nanlaki ang kanyang mga mata.
LEIAH
Gawa 'to ng mga rebelde? Oh my god... It's true.
PIETRO
I never lied to you, Leiah.
LEIAH
This is disaster! Paano kung may mangyaring masama sa Hacienda!
(Nag-aalala pero sosyal pa rin.)
Kahit na sabihing masama ang ugali ni Leiah at may pagka-atribida at matapobre, ay may natitira pa rin namang pag-aalala sa kanya. Mga 3%.
PIETRO
Relax, hindi naman pasasabugin ang hacienda niyo. Gusto lang ng ma rebelde na ipamigay sa kanila ang lupa.
LEIAH
(Biglang tumaas ang isang kilay.)
At sino naman sila para hingin ang mga lupa namin?! Anong karapatan nila?
PIETRO
(Humigop ng kape.)
LEIAH
Ang lalakas ng loob nilang kalabanin ang mga Barosa! This is trouble. Paano kung hindi ma-handle ni Gio 'to? Kahit na may gabay siya ng Alianza at ni Tita Gwen?! What a fifteen year old boy can do? My god! That's why sa'kin talaga dapat napunta ang titulo! Anong iniisip ni papa?!
PIETRO
Calm down, we'll plan—
LEIAH
And how did you know about those cheaps?
(Naningkit ang mata, napansin niya lang, Pietro knows too much, pero that kinda impresses her.)
PIETRO
I already told you what you needed to know. If you insist, come with me in our bedroom, I'll tell you.
(Kumindat.)
LEIAH
Hell, no.
INT. DINING HALL NG MANOR DE BAROSA. TANGHALI.
Nakatayo si Andra habang si Sabing naman at Margot ay nakaupo. Kanina pa nanggagaliiti si Andra dahil huling nakarating sa kanya ang balita dahil tulog siya nang magkaroon ng pasabog.
ANDRA
(Dinuro si Sabing at nanggigil.)
Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag na huwag kang tatakas ng mansion na 'to?!
AILEEN
(Pinapaypayan ang kanyang amo.)
Ayan, kasi.
SABRIELA
G-gusto ko lang naman pong manuod sa fiesta.
ANDRA
At sumasagot ka pa! Sinong nagsabi sa'yo na may permission kang lumabas pasok sa pamamahay na 'to? Ano ka? Senyorita?!
SABRIELA
(Hindi sumasagot.)
ANDRA
Sumagot ka pag kinakausap ka!
AILEEN
Sagot!
ANDRA
Will you shut up?!
(Sigaw niya kay Aileen.)
AILEEN
Sorry po, my beautiful senyora.
SABRIELA
Akala ko po ayaw niyong sumsagot—
ANDRA
Imprimitida kang bata ka! Wala ka pang isang buwan dito nagiging sutil ka na!
MARGOT
Auntie, please, ang aga-aga. Don't scold her, pasalamat nga tayo walang nangyaring masama.
(Pagtatanggol kay Sabing at nagkatinginan sila.)
ANDRA
Aba, at nagkampihan ang mga bastarda.
(Tinuro si Sabing.)
Kung nandito lang si Leiah ay hindi uubra 'yang ugali mo!
SABRIELA
W-wala naman po akong ginagawang masama.
ANDRA
Quiet!
(Humarap kay Aileen.)
Nasaan ba si Diorella?! Ang tanga-tanga ng babaeng 'yon!
(At nag-walk out kasunod si Aileen.)
MARGOT
Hayaan mo na si Auntie. Huwag mo na lang pansinin. Masasanay ka rin.
SABRIELA
(Tumango.)
MARGOT
Okay ka lang?
(Napansin niya ang kakaibang tamlay ni Sabing.)
SABRIELA
O-opo.
Sariwa pa rin sa memorya ni Sabing ang pag-uusap nila ni Zachary, ang mga binitiwan nitong mga salita na hindi nagpatulog sa kanya.
Maya-maya'y dumating si Janine.
JANINE
Senyorita Margot, nandiyan na po 'yung papalit kay Madam Z.
MARGOT
Oh my. I need to call, Tita Gwen.
Bigla ring susulpot ang vice-mayordoma na si Marilyn, pawis na pawis at halatang tumakbo.
MARILYN
Senyorita Andra?!
MARGOT
Wala rito si Auntie.
MARILYN
Uuwi na raw si Madam Aurora!
MARGOT
(Na-excite bigla si Margot.)
Si Yaya Au?!
Si Madam Aurora na kung tawagin ng mga katulong, ang mayordoma ng Manor de Barosa, at yaya nila Leiah, Misha, at Margot. Magbabalik na mula sa mahabang bakasyon.
'Di kalayuan ay nakasahod ang tainga ni Aileen, ang isa pa sa mga mata ng "Agila".
INT. GRAND LIBRARY NG MANOR DE BAROSA. TANGHALI
Inabutan na tanghalian si Misha sa library. Hanggang ngayon ay pilit niyang dina-digest sa sistema ang mga nalaman. Ang kasaysayan na ngayon lang niya nabasa, at ang dalawang sikretong batas na nilikha ng kanyang mga ninuno. Paraan kung paano maging Primo Propietor.
Nakatingin sa kawalan si Misha at malalim ang iniisip.
MISHA
(Sa loob loob.)
I can't believe it. May paraan pa kung paano maging Primo Propietor. What if wala si Gio sa eksena... Kung ganoon maaaring sinabi sa amin ni Attorney Guerrero tungkol sa natatagong wheel.
Biglang maalala ni Misha ang kaguluhan na naganap sa hacienda. Base sa kanyang mga narinig noong gabing 'yon, nagde-demand ang mga tao sa likod ng pagsabog na ipamigay sa kanila ang lupa.
MISHA
(Sa loob loob.)
Even though wala akong basis na nakikita kung bakit nila hinihingi ang lupa.
The people inside the hacienda... will revolt.
At biglang manlalaki ang mga mata ni Misha, na para bang tinamaan siya ng kidlat ng idea. Kulang na lang ay isigaw niya ang 'Eureka' sa kanyang self-discovery.
MISHA
(Sa loob loob.)
Gio is in danger... At hindi naman sa hinihiling ko na mapahamak siya pero malaki ang posibilidad nito. Pero kung sakaling humantong sa ganoon... Mababakante ang upuan ng Primo Propietor.
Biglang napangiti si Misha ng maisip niya na tama talaga ang kasabihang, "History repeats itself." At lalo na nang maisip niya na ang dating unang babaeng Primo Propietor ay si Andreia Barosa, ang kanyang ninuno kung saan sinunod ang kanyang pangalan, Andreia Mishal Barosa.
Walang kaalam-alam si Misha na kanina pa siya pinagmamasdan ni Diorella na nagkukubli 'di kalayuan.
-xxx-
A/N: I hope you'll read this. Hi, guys! Thank you so much again for waiting and reading. By the way, sino gusto ng dedication? Just comment below and might as well share your insights about the story. Thanks! 😄😁😉
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top