EPISODE 3: The Blacksheep


EPISODE 3: The Black sheep



ANG NAKARAAN SA HACIENDA BAROSA: Sumunod nating nakilala ang pangalawang anak ng yumaong si Don Andy, si Andreia Mishal Barosa o Misha, na kasalukuyang isang University Professor sa Intramuros. Kaagad na bumalik ang masasakit na alaala kay Misha at isang lihim na kanyang kinikimkim nang maalala ang lugar na kanyang pilit na kinalilimutan, ang Hacienda Barosa. Sa kanyang pagpilit na pagbabalik ano ang susunod na mga kaganapan?

Samantala...


CROSS FADE.


INT.STUDIO SOMEWHERE IN QUEZON CITY.HAPON.

Kumikislap-kislap ang flash ng camera, hindi magkandaugaga ang staff at maririnig ang boses ng photographer.


PHOTOGRAPHER

Yes, 1...2..3.. yes! Isa pa! 1...2...3 pak!


Sa bawat word na 'pak' ay mag-iiba siya ng pose. Palupit ng palupit, pa-fierce ng pa-fierce. Iyon kasi ang trademark niya, magaling siyang magstrike ng pose na fierce, 'yung seryoso at 'di ngumingiti pero mala-diyosa pa rin ang ganda.


PHOTOGRAPHER

Okay, change outfit!


Sumugod ang mga alalay sa kanya para i-retouch ang kanyang itsura. Ang wardrobe team naman ang naging abala sa pagpili ng kanyang susunod na outfit. Wala siyang pinoproblema kundi mag-strike lang ng pose, lahat na 'ata ng pose nagawa niya, maliban sa nakabitin ng patiwarik.

Habang busy ang mga alalay na ayusan siya ay wala naman siyang ibang magawa kundi mag-social media, mag-twitter, at mag-instagram. Halos buong buhay na 'ata ay lagi niyang ina-update lalo na sa IG story niya. Ganon talaga kapag celebrity at maraming followers sa social media, feeling relevant at need mong i-update ang mga taong 'di mo kaanu-ano kung anong nangyayari sa buhay mo kada minuto.

Nag-selfie siya at pinost sa IG na may generic caption na 'ATM' o minsan kapag trip niya ay mag-gugoogle siya ng powerful quotes para feeling woke. Nevertheless, bentang benta naman sa mga follwers niya. Lalo na kapag nagpopost siya ng naka-sexy outfit siya, pak!

'Yung IG story niya ay kala mo powerpoint presentation. Well, ganon talaga, pretty and famous naman siya at pumapatak sa libo ang viewers at likes na narerecieve niya araw-araw.

Pero kahit na anong libo o dami ng likes, hearts, retweet, at viewer na meron siya, hinding hindi pa rin nito mapupunan ang lungkot sa kanyang puso.

Siya si Renee Margarita Barosa o mas sa kanyang screen name bilang Margot Rose. May height na 5'8" at vital stats na 36-23-35, morena, at mahabang buhok na palaging nakalugay. Isa siyang part time model sa isang sikat na beauty magazine, isa rin siyang social media celebrity. Pati mundo ng vlogger pinasok na niya rin, isa siyang make-up at travel vlogger pag trip niya lang, pero in fairness dahil madami pa ring naka-subscribe sa channel niya.


PHOTOGRAPHER

Okay, Margot, game na ulit!


Nagsimula ulit ang shooting at 'di kalayuan ay namamanghang nanunuod ang mga make-up artist at iba pang staff kay Margot. Ang iba naman ay pinagtsitsismisan siya.


TSISMOSA 1

Ang kabog talaga ni Margot Rose.

TSISMOSA 2

True, sinabi mo pa.

TSISMOSA 3

Sus, bilib na bilib kayo diyan eh kung magpalit 'yan ng jowa parang nagpapalit ng damit. Parang lahat ng lalaki gustong tikman!

TSISMOSA 1

Huh? True ba? Last time 'yung artista daw ka-date niyan!

TSISMOSA 3

Hindi girl, anak nung mayor 'yon!


Kaakibat ng kasikatan ang mga malisyosong balita. Hindi na 'yon bago kay Margot. Ang mahalaga nag-eenjoy siya sa ginagawa niya kahit na ang tingin sa kanya ng mga naiinggit at mga kaaway niya ay whore.

Hindi naman niya ikinakaila na totoo 'yon, na kung magpalit siya ng jowa ay parang damit lang. Ewan ba niya at desperada siya sa paghahanap ng true love. Ang lungkot kasi niya kahit na tingin ng lahat nasa kanya na lahat, yaman at ganda, saan ka pa?

Pero para kay Margot, may kulang par rin.

Kahit na ang dami niyang achievements, feeling niya failure pa rin siya. 


INT. HIGH-END CLUB SA TAGUIG.GABI.

Isa sa mga paraan ni Margot para maibsan ang kanyang kalungkutan? Ang mag party gabi-gabi!

Malakas ang tugtog at maraming mga tao ang sumasabay sa indayog ng musika sa dance floor habang ang DJ ay patuloy na nagbibigay ng masisiglang beat. Di kalayuan ang mga taong nag-iinuman, maririnig ang mga iba't ibang konyo na nag-uusap usap habang tumatagay, mga tranela na naghahanap ng papa, mga richkid na nagsasayang ng pera. Sa isang mesa ay may isang grupo ng magkakaibigan, nagbukas ang isa ng alak na worth 50k at naghiyawan silang lahat.

Pero ang pinaka-nakakaagaw na eksena ay ang isang matangkad at morenang babae na nakasandal lang sa bar counter habang hawak ang isang kopita at pinagmamasdan ang buong paligid habang tumutugtog ang remix ng Havana ni Camila Cabello.


FOREIGNER GUY

(Lumapit kay Ate girl habang may hawak na baso na may alak.)

Hey, you're new here?


Ngumiti siya, hindi na bago ang mga ganitong eksena sa tuwing napapadpad siya sa isang bagong club. At dahil pak na pak siya at kilay pa lang niyang on-fleek ay marami na siyang mga kalalakihan ang nabihag at tiyak na mabibihag. 


MARGOT

(Ngumiti muna.)

No, I'm not.


FOREIGNER GUY

The party's on hit, let's dance?


Dahil medyo tipsy na rin si Margot ay wala na siyang nagawa nang akayin siya ni foreigner guy papuntang dance floor. Saktong nag-chorus ang kanta ng DJ na si Alesso at sumabay silang dalawa sa indak. Sumikip bigla ang area nang sumabay ang iba pang mga kanina na umiinom lang. Mas nagdikit ang katawan nila at nararamdaman niya na ang kakaibang haplos sa katawan niya kaya mabilis si Margot na hawakan at pigilan ang kamay ng lalaki.


FOREIGNER GUY

How about later?


MARGOT

I have other plans.


Bago pa ito maka-tsansing ulit ay nakalusot na siya palayo sa manyak na lalaki. Hindi na rin bago sa kanya ang ganon, sa sobrang ganda niya halos araw-araw ay nakakaranas siya ng pangmamanyak, kaya naman tumigas lalo ang puso niya na huwag magtiwala sa mga lalaki dahil iisa lang ang habol nila sa kanya: sex.

Naglalakad siya papuntang comfort room nang may tumawag sa kanya.


SOMEONE

Omg, Margot?


MARGOT

(Minukhaan ang babaeng lumapit at nang maalala ay hindi man lang siya ngumiti.)

Tanya?


TANYA

Well, well, kamusta naman ang former classmate kong na-kick out sa law school?


MARGOT

(Umasim lalo ang mukha dahil sa sinabi ng bruha sa kanya.)

I'm doing well, Tanya.


TANYA

Doing well? Balita ko nga isa ka ng social media influencer. Well, kahit sino naman 'ata ngayon kayang-kaya maging ganon.


MARGOT

What do you want with me?


TANYA

Wala naman, it's just that gusto lang kitang kamustahin matapos mong ipagmalaki noon na magiging abogada ka. Look what happened to you?


Alam ni Margot na nananadya ito kaya para makaiwas sa gulo ay hinawi niya ito at dire-diretso siyang pumunta sa exit imbis na sa CR. Pagkalabas ay kaagad siyang pumara ng taxi at sumakay. Hindi niya gustong maalala na na-kick out siya sa law school. It's been one year since then, mula nang ma-realize niya na hindi siya magiging abogada, at nang iwanan siya ng kanyang long-time boyfriend. Mula noon ay wala siyang ibang ginawa kundi mabuhay ng walang direksyon, mag-party sa kung saan-saan at magsayang ng pera sa pagtatravel around the world, para makalimot.

Matapos niyang sabihin sa driver ang address ng condo niya ay binuhay niya ang battery ng kanyang phone at nakitang mayroon siyang sandamakmak na missed calls mula sa unknown number. Hindi na lang sana niya iyon papansinin nang makita niya ang isang email mula sa address na


Dear Miss Renee Margarita,

This is to inform you that your father, Don Rico Andreigo Barosa, the Chief Owner of the Hacienda Barosa, just passed away this morning.

You are requested to go back to Hacienda Barosa for the funeral and for important legal matters.

Sincerely Yours,

Atty. William Guerrero


MARGOT

(shocked)

P-patay na si...P-papa?


She almost went out of air hanggang sa maibaba siya sa harapan ng building ng kanyang condo. At pagkababa niya nang sasakyan ay kaagad siyang umiyak na parang bata at walang pake sa kung sino mang makakakita sa kanya.


GUARD

(Nakatayo sa entrance na natanaw siya)

Lasing na naman ba si Mam Margot?

(Dali-daling naglakad palapit.)

Mam?


MARGOT

(Umiiyak pa rin at nang makita ang guard na papalapit ay kaagad niya itong hinawi at mabilis siyang nakapasok sa loob ng building)

I... I need to go home.


INT. CONDO SA TAGUIG.MADALING ARAW.

Like Misha, Margot also had a bad memory from her past, alam niya ang katotohanan na hindi naman talaga siya anak ni Don Andy at isa siyang ampon kung kaya't ganon kalamig ang pakikitungo sa kanya ng kanyang tinuring na ina na si Donya Bettina. In growing up she tries to be that someone who would support her sisters, pero mailap sa kanya si Misha at mas lalong ayaw sa kanya ni Leiah.

Para may mapatunayan, nilisan niya ang Hacienda at sinikap na mag-aral sa lungsod at pinangarap maging isang abogada upang may ipagmalaki sa kanila sa kanyang pag-uwi.

Ngunit nasira ang lahat ng pangarap niya nang matanggal siya sa eskwelahan at lalo pa't ngayong hinding hindi na niya makikita muli ang nag-iisang tao na nagmamalasakit sa kanya, si Don Andy.

Nag-eempake si Margot nang makita niya ang lumang larawan nilang tatlong magkakapatid, ang mga heredera ng Hacienda. Alam ni Margot na ngayong patay na ang kanyang ama-amahan ay maraming gustong mangkamkam ng kayamanan nito, at hindi niya hahayaan na mapunta iyon sa mga maling kamay.


MARGOT

Maraming hayop sa Hacienda, hindi man ako ang tunay na anak at walang karapatan sa kanyang kayamanan, pero para sa mga alaala ni Papa, sisiguraduhin kong hindi masisira ang pamana na mga iiwanan niya.







xxx


Pia Alonzo Wurtzbach as Renee Margarita Barosa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top