EPISODE 29: Isang Pasabog
EPISODE 29: Isang Pasabog
Nasasabik ang buong mamamayan ng Hacienda Barosa dahil mamayang gabi iaanunsyo sa publiko ang bagong Primo Propietor. Ang alam ng karamihan ay si Leiah ang magmamana ng "trono" sapagkat siya ang panganay na anak ni Don Rico. Subalit tila nakakaramdam ang ilang mamamayan na may hindi tama sa nangyayari dahil ngayon lang nagkaroon ng publikong anunsyo.
Samantala, ang mga rebelde ay tahimik lamang na nagmamantyag dahil wala pang utos na ibinibigay ang kanilang pinuno.
INT. PLAZA DE SAN LAZARO. GABI.
Dagsa ang mga tao sa plaza, nataong fiesta kasi ngayon sa isang barangay at isisingit sa programa mayamaya ang pag-papakilala ng bagong Primo Propietor.
Isang patimpalak na sayaw ang gaganapin at sinimulan ang programa ng isang opening prayer. Pagkatapos ay nagsimula ang dance contest, isa si Andrew sa judges na bonggang naka-OOTN.
Samantala ay nakikihalubilo sa mga manonood sila Margot at Marlon, non-official ang kanilang relationship pero sa kilos nilang dalawa ay mahahalata mong may espesyal silang relasyon.
MARGOT
(Namamangha)
Ngayon na lang ulit ako nakaranas ng ganito. I've never been with any crowd other than nightclubs.
MARLON
(Hawak ang kamay ni Margot at tumingin sa kanya.)
Nightclub? I bet maraming guys ang umaaligid sa'yo ron.
MARGOT
(Ngumiti)
Hmm. Selos ka naman?
MARLON
No, because I know you're already mine.
Hindi nila alam na nasa tabi lang nila sila Larry, Menok at Jaja. Kaya biglang eepal ang mga 'to.
LARRY, MENOK, JAJA
Ayieeeeee
Magugulat ang dalawang love birds sa biglang pag epal ng jester trio ng Barangay Maharlika.
MANG MENOK
Grabe naman napaka-sweet naman!
MANG JAJA
Nilalanggam na kami rito!
MANG LARRY
Sana ako rin!
MANG MENOK & JAJA
Asa ka!
Matatawa na lang sila Margot at Marlon dahil sanay na sila sa mga loko lokong tatlo. Naging kaibigan na rin kasi nila dahil nakakasama nila sa construction sa Barangay Maharlika.
MANG JAJA
Señorita, hindi ka ba kinakabahan na makilala ka ng ibang mga tao rine?
Oo, alam sa Barangay Maharlika na anak ni Don Rico si Margot (sa ibang babae). Kaya nakapalagayan na ng loob ng mga tiga barangay si Margot dahil mabait ito sa kanila.
MARGOT
(Umiling)
Why should I? Besides...
(Natigilan siya nang maalala na ilang beses na siyang muntikang mapahamak)
MARLON
What's wrong?
(Napansin niyang natulala si Margot)
MARGOT
W-wala naman.
(Muling bumaling sa jester trio.)
Besides alam kong safe ako.
(At humigpit ang hawak niya kay Marlon.)
MANG LARRY
Mabuti naman kung ganon. Wag kang mag-alala kaming bahala sa'yo. Sagot ka namin.
(Sabay kindat)
MANG MENOK
(Binatukan si Larry)
Kala mo naman makakatsansing ka. Huy!
MANG LARRY
Aray naman! Joke lang eh.
Habang tatawa-tawa sila Margot at Marlon, nakita ni Margot sa gilid ng kanyang mata si Sabriela na hila-hila ng isang lalaki.
MARGOT
Sab? Why she's here? At bakit siya kinakaladkad ng lalaking 'yon?
(Bumitaw siya kay Marlon.)
I'll be back.
MARLON
What? Where are you going?
MARGOT
Sandali lang ako. Just wait here.
Bago pa makaangal si Marlon ay iiwanan na siya ni Margot. Nag-aalala si Margot kay Sabing dahil ang alam niya bawal itong lumabas ng mansion, baka maulit na naman ang nangyari noon.
Hinanap niya si Sabing pero hindi niya ito makita. Paikut-ikot na siya kung kaya't hindi niya maiwasang kabahan. Pabalik na siya kay Marlon nang may humarang sa kanya na matangkad na lalaki, naka-shades, leather black jacket, ar ripped jeans.
MARGOT
Excuse me.
MACOY
It's nice to see you again.
(Nakangiti.)
MARGOT
(Napakunot.)
Do I know you?
MACOY
(Sasagot pa lang nang dumating si Marlon.)
MARLON
(Hinawakan si Margot sa kamay.)
Let's go.
MARGOT
Pero...
Wala ng nagawa si Margot kundi magpahila kay Marlon. Naiwan naman si Macoy at nakangiti pa rin, tinanggal niya ang suot na shades, mabuti na lang ay sinuot niya 'yon dahil kung hindi ay mabibigla si Margot sa makikita niya.
MISHA
You.
MACOY
(Napalingon at magugulat siya pero hindi ipapahalata.)
What a surprise.
MISHA
Anong ginagawa mo rito?
MACOY
Kamusta na kayo ni Kenneth?
MISHA
Sagutin mo yung tanong ko.
MACOY
Relax. Invited ako rito as judge.
MISHA
Macoy, please, huwag si Margot.
MACOY
I'm not doing anything.
MISHA
(Napabuntong hininga.)
She doesn't remember anything, Macoy.
MACOY
It's good to see you again, Misha.
(Tinapik si Misha sa balikat atsaka umalis.)
Naiwan si Misha na kinakabahan pa rin dahil una nawawala si Sabing, tumakas na naman kasi ito sa mansion. Pangalawa, nakita niya ang kababata nila na si Macoy at kausap nito kanina si Margot.
DIORELLA
I can't find her anywhere.
(Biglang sumulpot, hingal na hingal)
Silang dalawa kasi ni Diorella ang magkasama ngayong naghahanap kay Sabing. Hindi pa nila pinapaalam sa iba dahil baka lumikha ng komosyon, lalo pa't pinoprotektahan nila si Sabing at ang katotohanan na isa siyang Barosa.
MISHA
Let's look harder. Hindi tayo pwedeng bumalik ng mansion hangga't hindi siya nahahanap.
Maingay na maingay na ang paligid dahil sa sabog na speakers at hiyaw ng mga manonood. Samantala sa gitna ng ingay ay huminto si Sabing at Zachary sa isang pwesto kung saan walang masyadong tao.
SABRIELA
Zachary, ano ba, kailangan ko ng umalis.
ZACHARY
Hangga't hindi mo sinasagot ang tanong ko kung nasaan ka tumutuloy hindi kita bibitawan.
SABRIELA
A-ano ba nasasaktan ako.
Tumakas na naman si Sabriela sa mansion dahil bukod sa miss na miss na niya ang kanyang nanay at friends, gusto niyang makisaya sa fiesta sa plaza. Pero nang makita siya ni Zachary kanina ay bigla na lang siya nitong hinila.
SABRIELA
S-sinabi ko na sa'yo kanina, nakikitira ako sa pinsan ni nanay sa kabilang barangay!
ZACHARY
Hinanap kita, Sabing. Pakiusap huwag mo na ako lokohin.
SABRIELA
Ano bang pake mo?! Ano ba kita?
ZACHARY
(Nasaktan sa sinabi ni Sabing at binitawan niya ito.)
Oo, walang tayo alam ko. Oo, may mahal na kong iba, Sabing.
SABRIELA
(Siya naman ang na-hurt.)
I-iyon naman pala eh!
(Akmang aalis.)
ZACHARY
Sandali.
SABRIELA
(Hindi lumingon pero huminto lang.)
Ano?
ZACHARY
Sabihin mo sa'kin ang totoo.
(Lalapit kay Sabing.)
I-isa kang Barosa.
SABRIELA
(Dahan-dahang lumingon na may gulat sa kanyang mukha.)
P-paano...
ZACHARY
Hindi mo na kailangang malaman kung paano. Pero bilang kapalit kailangan mong malaman... Kasapi ako ng rebolusyon.
SABRIELA
R-rebolusyon?
ZACHARY
Matagal ng ipinangako ng mga Barosa na ipamimigay nila ang mga lupa subalit hanggang ngayon... Hanggang ngayon ay mga sakim pa rin sila!
SABRIELA
Zachary...
ZACHARY
G-gusto ko lang na mag-iingat ka. Pumunta ka ng Maynila, huwag ka ng manatili rito! Dahil sa oras na inutos niya ay magkakagulo sa bayang 'to.
SABRIELA
H-hindi kita maintindihan.
ZACHARY
Pangarap mong mag-aral sa Maynila hindi ba?
SABRIELA
Oo. Pero... Pero paano kayo?
ZACHARY
Babawiin namin ang lupang para sa amin. Kaya habang wala pang gulo, please, Sabing, lisanin mo na ang hacienda kasama ang nanay Carmela mo.
Confused pa rin si Sabing sa mga pinagsasabi sa kanya ng kanyang ex-puppy love. Iniwan siya ni Zachary nang maramdaman nitong palapit ang mga naghahanap kay Sabing. Biglang dumating sila Misha at Diorella.
MISHA
Sabing! Ano ka ba naman! Bakit ka tumakas?!
(Histerikal.)
SABRIELA
A-ate Misha.
(Kinakabahan)
MISHA
What's wrong?
Hindi naman makasagot si Sabing kaya hinila na lang siya ni Misha paalis ng plaza. Mabuti na lang at hindi siya nadulas sabihin ang tungkol sa rebelde dahil kung hindi ay maaalarma si Diorella.
Ilang sandali na lang ay iaanunsyo na sa buong madla ang bagong Primo Propietor. Hawak hawak ni Gwen ang kamay ng anak na si Gio, kinakabahan kasi ito. Punum puno naman ng security personell ang palagid, kala mo ay anak ng presidente ang darating.
HOST
May I now present to you, mga kababayan, ang ating bagong Primo Propietor.... Giovanni Nacional-Barosa!
Lumabas si Gio mula sa backstage habang nakaalalay sa kanya si Gwen at ang mga security. Imbis na matuwa ang madla ay tila nashookt silang lahat dahil hindi si Leiah ang kanilang nakita.
MAMAMAYAN 1
Tama nga ang tsismis!
MAMAMAYAN 2
Bakit hindi si señorita Leiah ang Primo Propietor?
MAMAMAYAN 3
Di ko siya knows pero in fairness pogi siya.
MAMAMAYAN 4
Ang bata pa niya para pamunuan kami!
Nagkaroon ng kanya kanyang kuru kuro ang mga mamamayan hanggang sa magsalita si Atty. Guerrero, bukod sa family lawyer ay siya rin ang spokeperson ng pamilya Barosa.
ATTY. GUERRERO
Ayon sa last will na ibinigay ni Don Rico, kay Giovanni Barosa niya ibinigay ang titulo sapagkat tumanggi ang mga anak niyang babae sa titulo.
Mas lalong umugong ang bulungan hanggang sa umangal ang taumbayan dahil napakabata pa ni Gio. Hindi nakatiis si Gwen at kaagad niyang inagaw ang mikropono kay Attorney.
GWEN
Alam kong isang malaking pagbabago ito subalit gusto kong sabihin sa inyo na sa aking gabay bilang ina sa aking anak ay hindi namin pababayaan ang Hacienda Barosa. Tiwala ang hinihingi ko sa inyo, para na rin sa yumao kong kapatid na si Andy.
Mabilis na kumalat sa buong hacienda ang mga pangyayari, bukod sa hashtag tweets ni Andrew ay may ibang naka-facebook live pa. Ganyan na ka-hightech ngayon kahit sa hacienda. Maging ang mga pamilyang kasapi ng Alianza ay nanunuod sa facebook live at siyempre papahuli ba ang mga rebelde?
REBELDE
(Mula sa malayo)
Ibigay niyo sa amin ang mga lupa na para sa'min!
Sa isang iglap ay nagkagulo nang may sumabog di kalayuan at sumiklab ang apoy di kalayuan sa isang barangay. Kaagad na lumikas sila Gio. Sila Barney ay pilit na kinukontrol ang crowd pero huli na dahil nagpapanic na ang lahat.
Ang masaya sanang piyesta ay naging karumal dumal. Si Sabing ay tahimik pa rin at tulala habang nasa sasakyan, pabalik sila ngayon sa mansion. Paulit-ulit niyang iniintindi ang mga sinabi ni Zachary at ang nangyaring pagsabog.
-xxx-
Kasama pala sa Shortlist ng Wattys 2018 ang Hacienda Barosa. Maraming salamat!
Xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top