EPISODE 25: Love Trap

EPISODE 25:Love Trap


EXT. HACIENDA BAROSA. BRGY. MAHARLIKA. UMAGA.
Isang panibagong umaga, makikita ang unti-unting pagsikat ng araw, isang simbolo ng bagong pag-asa para sa buong Barangay Maharlika. Matapos ang trahedya ay muli silang babangon sa tulong ng namayapang kapatid ni Don Rico na si Andrew na kung tawagin ng ilan ay Señora Drea.

Andrew, wearing her long and curly golden wig, high boots, at all black dress, at black floppy hat na kung na lang ay maging wizard siya sa Harry Potter sa lapad nito. Black mourning diyosa ang kanyang tema ngayon.


ANDREW
All right mga mamshie, today we are going to rebuild your balers!
(Tumingin sa mga tauhan niyang construction workers)
Gora! Attack!


Nagsimula ang mga construction workers sa paggawa ng mga nasirang baler. With the help of madlang pipol of Barangay Maharlika, pinapakita nila ang bayanihan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakapit bisig.


ANDREW
(Kumuha ng pala at nilabas ang kanyang Iphone XXX)
Selfie muna bago magpala!
(Sabay pose at click mga 50x with 50 diff pose.)
Kalerki, tweet natin itey, and don't forget the hashtags #BangonBarangayMaharlika #KapitBisig #FeelingBlessed #HaciendaBarosa


At bago pa maubos ang tweet limit ni Andrew kakahashtag niya ay lalapitan siya ni Carmela.


CARMELA
S-señora Drea.


ANDREW
Oh, it's you, hi bitch!
(Bebeso kay Carmela.)


CARMELA
Uhm... Gusto ko lang sana kamustahin ang anak ko... Si Sabing.


ANDREW
(Hahawakan si Carmela sa balikat.)
Don't worry, bes, kumakain siya higit pa sa tatlong beses. Medyo PG siya ng onti pero wag kang mag-alala, she's doing good.


CARMELA
Mabuti naman kung ganon. Nami-miss ko na kasi siya.


ANDREW
Pwede mo naman siya dalawin.


CARMELA
Alam ko naman 'yon, pero hindi ako mapalagay nang hindi ko mismo nakikita na okay lang siya.


ANDREW
Bes, sa panahon ngayon napakadali na lang makipag-keep in touch. Wala ba kayong messenger o skype para mag video call?


CARMELA
W-wala akong cellphone eh.


ANDREW
Wala?! Grabe daig ka pa ng mga snatcher na naka-Iphone! Kahit sinong duks ngayon kayang kaya magka-Iphone.


CARMELA
Ahm... Ang totoo niyan may naisip akong ideya.


ANDREW
Ano 'yon, bitch?
(Medyo lumapit kay Carmela.)


CARMELA
Mag-aapply akong katulong sa Manor de Barosa.


ANDREW
Hmm... Good idea pero mukhang bad idea.


CARMELA
B-bakit?
(Nangamba.)


ANDREW
Ang bitchesa kong kapatid na si Andra ang in-charge pagdating sa mga ganyan. I'm afraid makita ka pa lang ng babaeng 'yon ay sesante ka na agad.


CARMELA
Kung ganon... Sa'yo ako mag-aapply.


ANDREW
Brainy ka rin eh no? Sige you're hired! From now on ikaw na ang bago kong P.A.


CARMELA
Salamat.
(Ngumiti)


Samantala, di kalayuan sa entrada ay kakapark lang ni Margot ng kanyang motor sa gilid. Pagkatanggal niya ng kanyang helmet ay laladlad ang kanyang mahabang buhok, slow motion siyang magwawagwag na akala mo'y nag eendorse siya ng shampoo at ang mga construction workers ay mapapatulala sa kanyang kagandahan.

Pupunta si Margot sa kinaroroonan ng kanyang Tita Drea at Carmela.


MARGOT
Hello, Tita Drea, Tita Carmela
(Bumeso sa dalawa.)


CARMELA
(Ngumiti lang.)


ANDREW
Margarita! Anong ginagawa mo rito?


MARGOT
Hmmm... Since wala naman akong ginagawa sa mansyon, narinig ko sa mga katulong ang tungkol sa project mo kaya naisipan kong tumulong na lang dito.


ANDREW
Well, well, ikaw ang bahala. Handa ka naman sigurong magpa-araw noh? Pero no, dear, hindi kita papatulungin sa construction.


MARGOT
What can I do to help?


CARMELA
Ah, alam ko na, sumama ka sa akin, doon tayo sa kusina.


MARLON
(Biglang sumulpot na parang kabute. Pawisan pero gwapo at muka pa ring mabango.)
Magandang umaga mga binibini.
(Sumulyap kay Margot.)


MARGOT
(Matutulala lang sa oozing sex appeal ni Marlon.)


ANDREW
(Nagpabalik-balik ang tingin kay Marlon at Margot)
Okay mamaya na kayo maglandian, marami kayong time diyan.
See ya later, bitches.
(Umalis habang hila-hila si Marlon.)


MARGOT
Ang hot niya pala talaga.


Sumama nga si Margot kay Carmela, tumulong sila sa preparasyon ng tanghalian ng mga manggagawa. At nang sumapit na ang tanghalian, naghanda ng isang mahabang mesa para sa boodle fight.

Masayang nagsalu-salo ang lahat at animo'y may piyesta kahit wala naman. Samantala, unti-unting nilalapitan ni Marlon si Margot para akitin este para kausapin.


MARLON
Bakit ka nandito?
(Sabay kagat sa manok.)


MARGOT
(Nilunok muna yung nginunguya niya.)
I just wanted to help.


MARLON
Ang bait mo naman pala.


MARGOT
(Napakunot.)
Bakit parang sarcastic 'yon?


MARLON
(Natawa.)
Ikaw nagsabi niyan. Pinupuri na nga kita, eh.


MARGOT
(Umirap na lang.)


Pagdating naman ng hapon ay sumapit ang meryenda. Binubuhat ni Margot 'yung galon ng tubig nang lapitan siya ng hunk na si Marlon para tulungan siya.


MARLON
(Inagaw kay Margot 'yung galon.)
Ako na.


CONSTRUCTION WORKERS
Ayieeeeeeeuut.


MARGOT
Balakayodyan.
(Nagwalk-out.)


Uulit ang routine ng pag-aaway bati nila katulad ng mga nasa cliche romance stories, parang mga aso't pusa na nagbabangayan habang siniship sila ng mga tao sa paligid nila. Siyempre walang eme kung "muchacho"  si Marlon, macho lang, at tila walang barrier ang kanilang status quo sa buhay.

Isang gabi, pauwi na sa mansion si Margot at di niya alam na may inarkilang sindikato kuno ang kapatid ni Marlon na si Macoy para kidnapin kuno si Margot.


GOON 1
Hahahaha.
(Hinila si Margot papasok ng van.)


GOON 2
Hahahah


GOON 3
Hahaha


MARGOT
(Pumapalag)
Ahh!!! Tulong!


Siyempre to the rescue agad si Marlon at sa tig iisang sapak ay napatumba niya na ang mga goon. Mahihila ni Marlon si Margot at ang mga goons naman ay kakaripas ng takbo palayo.


MARLON
(Hingal na hingal sabay hawi ng buhok.)
Are you okay?


MARGOT
(Imbis na sumagot ay mapapakayap siya. Mga after 3 seconds matatauhan siya at bibitaw kay Marlon.)
Uhm... Sorry. Thanks.


MARLON
Alam mo hindi na 'to ang unang pagkakataon na may nagtangka ng masama sa'yo.


MARGOT
(Napatitig kay Marlon.)
T-tama ka...


MARLON
(Biglang hinawakan sa kamay si Margot)
Nasa.. Nasa panganib ka, alam mo ba 'yon? Hindi ka na pwedeng basta-basta lumabas sa inyo.


MARGOT
(Hinayaan niya lang yung kamay ni Marlon)
I... I don't know what supposed to do. Ayokong magkulong sa mansion, I want to help people.


MARLON
Kung ganon ay hayaan mo ako.


MARGOT
Ha?


MARLON
Hayaan mo akong protektahan ka.
(Ngingiti na may pag-alala sa mukha.)


Hinatid ni Marlon si Margot sa mansion, at doon nagsimula ang pag-lalapit ng kalooban nila sa isa't isa. Ang dating aso't pusa ay magkasundo na ngayon, hindi na sila nag-aaway sa site at pangiti-ngiti lang sila parehas s tuwing inaasar ng mga tao sa kanilang paligid.


EXT. TABING-DAGAT. SUNSET.
Magkasama si Marlon at Margot, nakaupo sa buhanginan habang pinagmamasdan ang unti-unting paglubog ng araw.


MARGOT
This sunset... I used to watch it with my family during summer kapag nag-aouting kami.


MARLON
You must have nice memories with your family.
(Tumingin kay Margot.)


MARGOT
(Nakatingin lang sa malayo at umiling.)
Not really. My older sisters are annoyed by my clinginess. Tsaka anak kasi ako sa labas kaya madalas na-aout of place ako sa bahay.


MARLON
Parehas pala tayo.


MARGOT
Huh? (Napatingin kay Marlon.)
Anong ibig mong sabihin?


MARLON
(Titingin sa malayo.)
I'm also looking for a place in this world.
(Tumingin kay Margot.)
I didn't tell you the truth, Margarita.


MARGOT
What truth?


MARLON
Hindi naman talaga ako "delivery bo" lang. I also came from a well-known family, like you.


MARGOT
(Mapapanganga nv kaunti.)
Then... Why... Why are you here in hacienda?


MARLON
Same as you. I'm here because I want to help, dahil sa tingin ko iyon ang paraan para magkaroon ako ng lugar sa mundong 'to.


MARGOT
(Matatawa bigla.)
That explains my hunch na may something talaga sa'yo.


MARLON
What?


MARGOT
I mean, meron bang ordinaryong delivery boy na konyo at accent katulad mo?


MARLON
I thought hindi mo mapapansin.


MARGOT
Well, you gotta try harder to conceal your real identity.


MARLON
So what now?


MARGOT
Gusto ko lang i-enjoy ang sunset.


MARLON
Right.


MARGOT
Hey, I... I just want you to know that I'm truly grateful for everything that you did, for saving my life...


MARLON
It's fate that brought us together. It's fate that decided that I'll be your knight in shining armor.


They moved closed together until they shared a sweet kiss. Samantala, sa malayo ay wala silang kaalam-alam na nanunuod si Macoy gamit ang binoculars nito.


MACOY
Well done, brother.
(Ibababa ang binoculars at mapapangisi.)
Tho, I feel sorry for you Renee Maragarita Barosa.


INT. MANSION DE BAROSA. GABI.
Hindi makatulog si Margot kinagabihan dahil sa naging tagpuan nila ni Marlon kanina sa tabing dagat. Marami nang dumaang lalaki sa kanyang buhay at ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang damdamin. Marlon is not just any other men, or like her recent ex. There's something in him that she thought... Special.
Lumabas si Margot ng kanyang silid at pumunta sa baba, sa may garden, para mag-isip-isip.
Pagdating niya roon ay madadatnan niya si Andrew, naka silk robe na ito at paglingon niya kay Margot ay magkakagulatan sila.


MARGOT
Tita Drea! Akala ko multo!


ANDREW
Ako rin akala ko kung sino ng kurimaw! Aber at anong ginagawa mo rito?


MARGOT
(Mapapaupo sa bench.)
Nothing. It's just that... I can't sleep.


ANDREW
Inlove ka noh.


MARGOT
Huh, hindi ah. Sino may sabi?


ANDREW
Tigilan mo ko, Margarita. Kahit pusong binabae ako alam ko ang mga paandar niyong mga babae kapag lumalandi kayo.


MARGOT
Grabe naman yung lumalandi.


ANDREW
Hahaha. Okay lang yan dahil ganyan din lumandi noon si Andra at Gwenella.
So. Who's the lucky guy? It's him noh? That Marlon papi.


MARGOT
Huh? Tita you're so prangka.


ANDREW
Aba kala mo ba hindi ko kayo napapansin sa site? Don't deny it darling coz I know. (Ginaya niya yung accent ni Gwen.)


MARGOT
You sounds like Tita Gwen. (Natatawa.)


ANDREW
Ano, umamin ka na girl. Mahal mo na ba?


MARGOT
Mahal agad?


ANDREW
Aba kung digital na ang karma, digital na rin ang pag-ibig. Yung iba nga diyan nagkabungguan lang, sila na agad eh.


MARGOT
I won't say I'm inlove.


ANDREW
Uy I know that song.


MARGOT
Tita Drea alam kong fan ka ng Disney cartoons so don't start me with...


ANDREW
(Kumanta)
Who d'you think you're kidding
He's the earth and heaven to you
Try to keep it hidden,
honey, we can see right through you
Girl you can't conceal it
We know how you're feeling
Who you thinking of


MARGOT
(Kumanta na rin.)
No chance, no way I won't say it, no no
It's too cliche I won't say I'm in love


At kahit parehas silang walang talent sa pagkanta ay feel na feel nila ang pagkamusical ng kanilang eksena with musical accompaniment sa background. Hanggang sa matapos nila ang kanilang musical.


ANDRA
My goodness! Nung ginagawa nyu?!
(Biglang dumungaw mula azotea from second floor)


ANDREW & MARGOT
(Magugulat at mapapayakap sa isa't isa dahil mukhang mumu si Andra sa black facial mask.)
Nyek!


INT. MORTELL MANOR. GABI.
Masayang nag-iinuman ang magkapatid na Macoy at Marlon sa veranda dahil sa nalalapit nilang tagumpay. Himalang walang kasamang chix si Macoy at silang dalawa lang ngayon ang nagsecelebrate.


MACOY
Well done, bro.


MARLON
Hindi ko 'to magagawa without your help.


MACOY
Sheesh. She really thought that you're her knight in shining armor heh. So how does it feel? Your first kiss with her.


MARLON
Honestly, it felt good.


MACOY
Sino bang hindi mag-eenjoy? She's a hot chic after all.


MARLON
Yeah.


MACOY
By the way, I already repaired her expensive toy.


MARLON
What?


MACOY
Her expensive car from her dad.


MARLON
I thought you disposed it.


MACOY
Sayang eh.


MARLON
Seriously?


MACOY
Don't worry about it. Let's plan now the next move. Cheers.




-xxx-


(I won't say I'm In love song)

May #TeamMargot ba?

https://youtu.be/Yl6Yyl7iZhs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top