EPISODE 22: Moment of Truth

EPISODE 22: Moment of Truth


INT. MANSION DE BAROSA. UMAGA.

Magsisimula ang eksena kung saan magkayakap ang mag-inang Carmela at Sabriela. Habang nagpapalitan ng tingin sila Leiah, Misha, at Margot.
Mapuputol ang pagyayakap at galit na haharapin ni Carmela si Leiah.


CARMELA
Walanghiya ka! Ikaw ang kumidnap sa anak ko!
(Dinuro si Leiah.)


LEIAH
(Tumaas ang kilay at 'di nagpatinag.)
Sinong nagpapasok sa isang alipin dito sa pamamahay KO?


GWEN
(Sumingit.)
Wait! This is confusing! Nakakaloka! She... (Turo kay Sabing) She's Kuya Andy's another daughter?
(Humarap kay Leiah)
What is the meaning of this, Leiah? You kidnapped her?


LEIAH
(Nag-roll eyes.)
I just did what must be done.


CARMELA
(Humarap kay anak.)
Sabing, uuwi na tayo!


LEIAH
I won't allow that to happen dahil simula ngayon dito na sa pamamahay ko titira ang batang 'yan. She's a Barosa!


CARMELA
Hindi! Hindi ako makapapayag!


LEIAH
Ingrata!


ANDREW
Wait! Pota! Sigawan kayo ng sigawan! Nakakarindi!


MISHA
Look, Ate Leiah, we have to deal this in the right way.


MARGOT
I agree.


GWEN
(Sinapo ang sentido dahil sumasakit ang kanyang ulo.)
Gio, anak, tara na. (Hinila ang anak paalis.)


GIO
But mom... (Tinanaw pa si Sabriela.)


DIORELLA
I'll excuse myself. (Pasimpleng umalis.)


Naiwan sa eksena sina Andrew, Carmela, Sabing, Leiah, Misha at Margot. Hindi pa rin binibitawan ni Carmela si Sabing at ayaw pa ring paawat ni Kuween Leiah.


MARGOT
(Humarap kay Carmela.)
I'm really sorry for what my sister did, pero sana maunawaan mo na kailangang kilalanin si Sabriela bilang Barosa.


LEIAH
Margot! How dare you to apologize---


MISHA
Puta, Leiah, manahimik ka muna!


LEIAH
(Shookt.)


ANDREW
I'm also shocked to find out what you did, Leiah. We've been searching for this girl! At nandito lang pala siya sa pamamahay ko!


MISHA
Look, it's a waste of time to argue right now. Mali ang ginawa ni Ate Leiah. I think kailangang mas maipaliwanag mismo sa ina ni Sabriela ang dahilan kung bakit kinakailangang manirahan sa atin dito ang anak niya.


MARGOT
I agree. I'll call Attorney Guerrero. (Kaagad nilabas ang Iphone upang tawagan si Atty. Guerrero)


LEIAH
(Nag-walk out queen.)


MISHA
(Humakbang palapit sa mag-ina.)
For the meantime, habang hinihintay natin ang pagdating ni Attorney Guerrero ay hayaan muna namin kayong makapag-usap na mag-ina. (Tumingin kila Andrew at Margot)
Let's go.

ANDREW
Mabuti pa nga.


Umalis sila Misha, Andrew at Margot. Naiwan ang mag-inang Sabing at Carmela. Eeksena ang mga maid dahil lilinisin nila ang nabasag na vase.


CARMELA
Anak, sinaktan ka ba nila rito?


SABRIELA
Hindi, inay.


CARMELA
Pero kinidnap ka ng babaeng yon!


SABRIELA
Oo, nay, pinakidnap niya ko para ipa-make over.


CARMELA
Halika na, umalis na tayo rito. Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag ng abogado. (Hihilahin si Sabing.)


SABRIElA
(Piniligan ang kanyang ina.)
Nay, bakit di mo sa akin sinabi ang totoo? Na anak ako ni Don Rico. Kaya pala... Kaya pala tuwing umaga ay gusto mo siyang makita... Iyon pala... Totoo ba nay? Umapid ka sa kanya? Bakit mo nagawa yon, inay?


CARMELA
(Maiiyak bigla.) Patawarin mo ako, Sabing. Matagal kong sinusubukang kumuha ng pagkakataon na ipagtapat sa'yo ngunit hindi ko kinakaya sapagkat natatakot ako na kumalat ang katotohanan at malagay sa panganib ang buhay mo... Oo, isa akong masamang babae dahil kahit na alam kong may pamilya ang iyong ama ay patuloy ko pa rin siyang inibig. Pero anak, Sabing, hindi ka pa man sinisilang sa mundong ito ay mahal ka na ng iyong ama.


SABRIELA
Inay... (Magyayakap ulit sila.)


INT.KWARTO NI GIO. UMAGA.
Samantala, magkasama naman ngayon ang mag-inang Gwen at Gio. Kakasabi lamang ni Gwen sa anak na pinsan niya si Sabriela dahil anak ito ni Andy sa labas.


GIO
What? S-she's my cousin? (Hindi makapaniwala.)


GWEN
(Umupo sa tabi ni Gio.)
Better to tell you early dahil sa nakikita kong titig mo sa kanya kanina, you like her.


GIO
H-hindi ah!


GWEN
(Tinawanan at medyo kinurot sa pisngi ang anak.)


GIO
Mom!


GWEN
Gio... (Sumeryoso bigla.)


GIO
Y-yeah?
(Sapo ang pisngi)


GWEN
I'd like to tell you something.


GIO
What?


GWEN
(Huminga ng malalim.)
No matter what happen, I'm always on your side because I love you.


GIO
That's cheesy.


GWEN
Gio... I think it's time for you to know... That... You are my real child.


GIO
Huh?


GWEN
Gio, hindi ka ampon. Anak talaga kita. You're not Giovanni Nacional but you're Giovanni Barosa.


INT.MANSION DE BAROSA. HAPON.
Hindi pa rin bumabalik ng mansion sila Andra at Barney. Samantala sa mansion naman ay nakausap na ni Atty. Guerrero si Carmela tungkol sa naging will ni Don Rico. At ngayon pagkatapos ng usapan ay masinsinang kinakausap ni Andrew si Carmela.


ANDREW
Girl, alam kong mahirap sa'yo na mawalay muna ang iyong anak. Pero isipin mo, unti-unti ng kakalat ang balita na si Sabriela ay isang Barosa, kailangan mong tanggapin na ngayong pinoproseso na sa papel ang pagpapalit ng kanyang pangalan ay hindi na siya maaaring bumalik sa dati niyang buhay. At isa pa, kahit na masama ang ugali ni Leiah, alam niyang kailangang proteksyunan si Sabriela dahil sa masasamang intensyon mula sa Alianza. Huwag kang mag-alala dahil nandito ako at nandito rin sila Misha at Margot para magbantay sa anak mo.


CARMELA
Naiintindihan ko, Andrew. Naiintindihan ko rin na mas magiging maganda ang buhay niya rito kung tutuusin kaysa sa piling ko. Ang hindi ko lamang matanggap ay ang posibilidad na hindi ko na siya makita pang muli.


ANDREW
(Napahingang malalim at hinawakan si Carmela sa balikat.) Huwag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong magkikita pa rin kayo from time to time, Carmela. Kung para kabutihan ng anak mo, kaya mong tiisin kahit ano hindi ba?


CARMELA
(Tumango.)
Oo. Kakayanin ko.


ANDREW
Very well. Halika at kausapin mo na si Sabing para makapag paalam na kayo sa isa't isa.

Samantala, mainit pa rin ang ulo ni Leiah kaya mahigpit niyang ipinagbilin sa mga gwardya na hindi makakalabas si Attorney Guerreo ng mansion hangga't hindi ito nakikipag-usap sa kanya.
Kaya naman wala ng choice si Atty. Guerrero kundi harapin si Leiah. Sa loob ng meeting room ay naghihintay si Leiah, pinatawag na rin niya ang magagaling na kapatid na sila Misha at Margot.


ATTY. GUERRERO
Magandang hapon, mi señoritas.
(Medyo nagbow.)


LEIAH
Have a seat, attorney.
(Umupo si Atty.)
As you can see and witnessed, nagawa na namin ng kapatid ko ang will ng aming ama. Kinikilala na namin si Sabriela bilang isang Barosa at kasalukuyang umaandar ang papeles upang maisalin sa kanya ng pormal ang apelido namin. At hindi lang yon, I already hired a professional for her homeschooling, may sarili na siyang kwarto sa mansion dahil dito na siya titira at higit sa lahat, katulad ng nangyari kanina ay may consent na ako ng ina niya na si Carmela Garcia na kaming tatlo ang magiging guardian ni Sabriela.


ATTY. GUERRERO
Okay.


LEIAH
(Umakyat ang duho sa ulo dahil sa hinaba-haba ng sinabi niya ay okay lang ang sagot nito sa kanya.)
Hindi ko alam kung sagot ba yan o sarcastic remark, Attorney. Matalino ka at alam mo kung ano ang gusto kong mangyari.
(Nakatingin sa kanya ang dalawang nababahalang kapatid na si Misha at Margot.)


ATTY. GUERRERO
(Uminom muna ng tsaa.)
Hmm... Very well. I'm afraid na hindi ko dala ang formal documents, Señorita Leiah, at pwede ko lang sabihin sa inyo kung sino ang susunod na Primo Propietor.


LEIAH
Tell. Us.


ATTY. GUERRERO
(Tumitig sa mga mata ni Leiah.)
The next Primo Propietor is...


Intense music. Mga twenty seconds magtititigan ang bawat character at kanya-kanyang zoom in zoom out sa mukha ni Leiah, Misha at Margot.


ATTY. GUERRERO
...none of you.


LEIAH, MISHA AT MARGOT
What?!


LEIAH
What do you mean by none of us?! It's me right?! I am the one who's next in line!
(Galit na galit at halos pumutok na ugat sa ulo. Samantalang napanganga lang sila Misha at Margot.)


ATTY. GUERRERO
Ang pamilya Barosa mismo ang gumawa ng will na ito, si Edmundo Barosa, ang kauna-unahang Primo Propietor ng Hacienda Barosa ang pumirma sa will na ang maaaring magmana lamang ng titulo ay isang panganay na lalaki. Since your father has four daughters, the supposed to be next in line is your uncle, Andromeda Barosa, but since she became a trans, legally, the title won't fit her anymore. At ang maaaring makakuha ng titulo ay ang pinakamalapit na kamag-anak na lalaki.


MISHA
K-kung ganon s-sino? Auntie Andra has no son and si Tita Gwen ay may adopted na...


ATTY.GUERRERO
There is.


LEIAH, MISHA AT MARGOT
What?!


ATTY. GUERRERO
Your cousin, Giovanni, firstborn son of Gwenella.


MARGOT
Pero adopted si Gio!


ATTY. GUERRERO
He's not. Gwenella hid this truth for years and your father knew it all along.


MISHA
W-wait, you mean, alam na ni dad na si Gio ang magmamana ng titulo?


ATTY. GUERRERO
Yes. He already signed a will that it will be Giovanni Barosa.


LEIAH
No! (Hinampas ang mesa at napatayo siya sa sobrang galit.)
This is not true! Bakit ngayon lang sinasabi sa amin ang bagay na 'yan?!


ATTY. GUERREO
It's a Barosa tradition since your first ancestor, sinasabi lamang ang totoo sa oras na ipapasa na sa susunod ang titulo and the remains will be kept as a secret not until the next generation comes.


LEIAH
Nonesense! Ano 'to?! Individual state ba ang Hacienda Barosa para magkaroon ng sariling batas?! Monarchy?! Wala sa batas na may gender preferences ang pagpili ng tigapagmana!!!


ATTY. GUERRERO
Yes, true, wala ngang batas na nagsasabi pero exemption ang Hacienda Barosa. Mayroon ng kasulatan dito noon pang panahon ng Kastila. I'm sorry, señorita, I'm just doing my job.


LEIAH
Get out of my house! Get out!


ATTY. GUERRERO
As you command. (Tumayo pero may pahabol pa.)
The next time, I'll return, the process of passing the title to Giovanni Barosa will occur.


LEIAH
Get out!


MISHA
Ate, I'm---


LEIAH
Shut up, Misha! Hindi ko kailangan ng opinion mo! Ito ang gusto mo 'di ba?!


MARGOT

Hey! Kumalma ka nga! Para kang asong nag-iinaso!


LEIAH
(Lumabas na rin siya ng silid at saktong pagkakita niya sa labas ay nasa dulo ng hallway ang inosenteng si Gio.)
You!!!

(Susugurin niya si Gio at para siyang aso na kakagatin ito anumang sandali.)


MISHA AT MARGOT
Ate, no!!! (Kala nila ay kakainin na ni Leiah ng buhay ang pinsan nila.)


LEIAH
You!!!


GWEN
Stop right there!


LEIAH
(Napahinto)


GWEN
Subukan mong saktan ang anak ko, Leiah.
(Sabi niya habang tinutukan niya ng shotgun si Leiah.)


Shookt si Leiah, Misha, Margot at Gio kay Gwen dahil para itong mangangaso na anumang sandali ay papatayin ang rumaragasang leon.


LEIAH
(Napaatras pero di nagpatinag. Humarap kay Gwen.)
Well, you played well, Tita Gwen. Hindi ko sukat akalain na ang isang katulad mo ay magagawa ang maruming bagay na 'yon.


GWEN
Walang marumi sa pagkakaroon ng anak, Leiah. It's just to bad that you're not destined to be the Queen. My son is the rightful heir to the throne. (Kalmado niyang pagkakasabi habang nakatutok pa rin ang shotgun kay Leiah.)


LEIAH
I swear, hindi rito magtatapos ang lahat. (Sabay walk out.)


INT.KWARTO NI LEIAH. GABI.
Limang oras ng 'di lumalabas si Leiah ng kanyang silid dahil tila bigla siyang na-depress sa kanyang nangyari. Nakahiga siya ngayon sa Queen-sized bed niya at ang kanyang magarbong kwarto na punum puno ng ginintuang furniture ang tanging nakakasaksi sa kanyang kabiguan.


LEIAH
All my life... I've been only waiting for this moment...
(Di niya alam kung iiyak ba siya o ano.)


Bigla niyang naalala si Kennard, her ex-husband, ang isa sa dahilan kung bakit sila naghiwalay, Kennard wanted a simple life but she... She believes that she's the heir that's why she was aiming always for the best. Palagi silang hindi nagkakasundo ni Kennard dahil sa sobrang taas niyang ambisyon sa buhay, kaya nga palagi niya itong tinatanggihan sa tuwing ninanais ng magkaanak ng kanyang asawa, eventually he lost his love for her and he insist na maghiwalay na lang sila. She loves him, truly, kahit na sabihing inagaw niya ang first love ni Misha, si Kennard lang ang minahal niya ng totoo. Pero dahil sa ambisyon at nais niyang kapangyarihan ay iniwan siya nito.
Bumangon siya at hinila ang drawer sa cabinet, kinuha niya ang lumang wedding picture nila ni Kennard. Pinagmasdan niya yon at ngayon nakakaramdam na siya ng sakit.
At ngayong wala na ang minimithi niyang "trono", sobrang sakit sa pakiramdam niya na ang pagkawala ni Kennard ang naging kapalit ng lahat.


LEIAH
Hindi ka pwedeng sumuko, Leiah. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba wala na siya sa'yo?
(Sinoli niya ang picture frame at bago niya isara ang drawer ay mapapansin niya ang isang familiar na calling card.)


PIETRO IBAÑEZ


INT.HIGH-CLASS BAR. MADALING ARAW.
Sunud-sunod ang paglagok ni Leiah ng tequilla at nakatanga lang sa kanya si Pietro at kanina pa sila magkasama. Nang tawagan ni Leiah si Pietro ay kaagad silang nagkita ora mismo sa isang mamahaling bar sa town.


LEIAH
Isa pa.


PIETRO
Tinawagan mo ba ko rito para lang makipag-inuman? (Medyo amazed na sa dami ng ininom ni Leiah.)


LEIAH
Well, you're right. You win. (Sa lasing na boses.)
Hindi nga ako ang Primo Propietor. Hahaha.


PIETRO
I told you, now, napag-isip-isip mo na ba ang offer ko?


LEIAH
Oh? Ang alin? That I will marry you? Hah! Sinuswerte ka masyado, Pietro Ibañez.
(Dumikit kay Pietro)
Pero, not until today, kinoconsider ko ang proposal mo.


Ang sumusunod na eksena ay kailangan ng patnubay ng magulang.
Bigla na lang nagsalo ng mainit na halik ang dalawa, marahil lasing na si Leiah at tipsy na rin si Pietro. Hindi na nila napigilan ang isa't isa at mabilis napunta ang eksena sa kwarto. Hinuhubaran nila ang isa't isa, nagmamadali, kala mo ay naghahabulan. Hanggang sa inihiga ni Pietro si Leiah habang tinatanggal nito ang dress pababa. Hindi pa rin napuputol ang marubdob na halikan, hanggang sa kumawala lang si Pietro para hubarin ang polo niya. Pagkatapos ay muli niyang hinalikan si Leiah sa leeg, maririnig ang ungol nilang dalawa sa buong silid.


LEIAH
Oh... Kennard...

Natigilan si Pietro at nang mapansin niyang hindi na gumagalaw si Leiah ay tinignan niya ang dalaga.

Tulog na si Leiah.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top