EPISODE 21: Pagtatagpo

EPISODE 21: Pagtatagpo


INT.KWEBA SA GUBAT.UMAGA.
Makikita ang nagpupulong na mga rebelde habang nakasindi ang mga sulo na nakasabit sa bawat kanto ng kweba. Mga naka-suot sila ng pangmagsasaka at may pulang bandana sa ulo.


CARDO
Handa na ba ang Pulang Araw?


ASIONG
Anong Pulang Araw? Kami ang Anak Araw.


CARDO
(Shookt.) Teka anong set ba 'to? 


ASIONG
Hacienda Barosa, 'tol. Teka kilala kita. Cardo! Cardo Dalisay?! Puta buhay ka pa rin?!


CARDO
Puta wrong set. Sorry kala ko Ang Probinsyano. Hehehe. (Sabay exit.)


ASIONG
Anyway, mga kapatid. Nandito tayo ngayon sa pagpupulong upang pag-usapan ang nakalap na balita ng 'ating "Agila."


Walang kaalam-alam ang buong bayan ng Rosaroso na sa Hacienda Barosa ay mayroong isang grupo ng rebelde na nais pabagsakin ang rehime ng mga Barosa sa hacienda, ang Anak-Araw. Si Asiong Trinidad, nasa edad na trenta'y singko, ang kasalukuyang lider ng unyon. Ang "Agila" na tinatawag nila ay ang isang tao na nakakubli ang pagkatao na siyang nagsisilbing espiya ng Anak-Araw sa mga pangyayari sa loob ng Hacienda.


ASIONG

At ayon sa nakalap na balita ng ating Agila, kasalukuyang naka-burol sa Bayan si Rico Andreigo Barosa. 


REBELDE 1

(Biglang sasabat.) Pagkakataon na natin para umatake, Supremo!


ASIONG

Hindi maaari, kailangan pa natin ng sapat na lakas at impormasyon, dahil bukod doon ay dala ring balita ng Agila na ang kasunod na magmamana ng titulo ng Primo Propietor ay anak ni Gwenella Barosa.


REBELDE 2

Hindi ang isa sa mga anak ni Don Rico?!


BERNA

(Biglang sumingit. Asawa siya ni Asiong.) Hindi, sapagkat puro mga babae ang kanyang anak at isang binababae ang kapatid ni Rico Andreigo Barosa na si Andromeda Barosa. At ang pinakamalapit na kamag-anak na maaaring sumalo ng trono ay ang anak ni Gwenella Barosa na si Giovanni Barosa na may dugo ng Sotelo.


REBELDE 3

(Umugong ang reaksyon at sumabat siya.) Isang Sotelo?! Mga gahaman din ang mga 'yon!


ASIONG

At ang mas nakakabahala pa rito ay isa lamang minor de edad si Giovanni Barosa, wala siyang ka-alam-alam kung paano palakarin ang hacienda!


REBELDE 4

Hindi ba't pagkakataon na 'to para umatake? Kung walang malay ang magiging Primo Propietor maaari natin siyang mapilit na ipamigay ang mga lupa na dapat sa atin!


REBELDE 5

Oo nga! Ang lupa na dapat matagal ng ipinamahagi sa mga trabahador ng hacienda na 'to!


LAHAT NG REBELDE

Ipamigay ang lupa! Pabagsakin ang mga Barosa!


ASIONG

Mga kapatid, pinatunayan na ng ating kasaysayan na walang magandang maidudulot ang pisikal na dahas sa pagkuha ng mabuting mithiin. 


REBELDE

Ngunit, Supremo! Paano natin makakamit ang ating mithiin kung hindi tayo mismo kikilos gamit ang 'ating sariling lakas!


Nag-ingay ang mga rebelde at halos lahat ay sumalungat sa sinaad ni Asiong na hindi sila gagawa ng dahas upang makuha ang kanilang ninanais na mga lupa. Dalawang dekada na ang nakalilipas simula nang matatag ang Anak-Araw at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakukuha ang kanilang gusto, ang "lupang pinangako" ng mga ninuno ng Barosa. 


ASIONG

May isa pa tayong pag-asa mga kapatid! Nakuha ring impormasyon ng ating mahal na Agila na mayroon pang isang anak na bastarda si Rico Andreigo Barosa, ang anak niya na isang kauri natin, isang alipin! 

(Na-shookt ang buong rebelde sa sinabi ni Asiong.)

Siya, si Anna Sabriela Garcia! Ang ating isusugong Primo Propietor!


Walang kamalay-malay ang mga Barosa sa nilulutong pasabog ng mga rebelde. Kaya balik tayo sa mansion.


INT. MANSION DE BAROSA. UMAGA. 

Nanggagaliiting bumalik si Leiah sa loob ng mansion matapos ang mainit nilang komprontasyon ni Pietro. Pikon na pikon siya at hindi niya matanggap ang mga sinabi nito lalo na sa puntong hindi siya ang magiging Primo Propietor. 

Napadaan siya ng sala at sa saktong kakababa lang ng anak ni Gwen, si Gio.


GIO

G-good morning po.


LEIAH

(Napahinto nang makita si Gio.) Kailan ka pa nakauwi? (Medyo mataray ang tinig dahil nga badtrip si ate girl.)


GIO

Yesterday.


LEIAH

Oh, I see.  (Sabay layas at sinundan lang siya ng tingin ng bagets na si Gio.)


Samantala sa ikalawang palapag ay kakalabas lang ni Sabing at Diorella mula sa libarary dahil kakatapos lang ng una nilang training, ang proper posture, kung paano ang tamang paglalakad, pag-upo, etc. 


DIORELLA

We'll have some short break, okay? Balik ka ulit dito sa library. Kain ka muna sa baba, mukhang nagutom ka sa session natin. (Tinapik pa si Sabing sa balikat.)


SABRIELA

Sige po. Oo mamsh, gutom na talaga ko. (Dali-dali siyang umalis at bumaba.) Grabeee ang ganda talaga ng bahay na 'to, ang laki-laki, ang sosyal-sosyal! (Patingin-tingin pa siya sa paligid kaya nang makababa siya sa living room  hanggang sa...BOGSH! May nakabunggo siya.)


GIO

What the! Who--(Magagalit sana kaso nakita niya kaagad si Sabing at napa-tanga sa kagandahan nito.)


SABRIELA

S-sorry! Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko! (Kaagad na napaatras.)


GIO

Who... Who are you? (Crush niya 'agad si Sabing AT dahil siyempre hindi pa naman niya kasi alam na mag-pinsang BUO sila.)


SABRIELA

Sabriela, pwede mo kong tawaging Sab. (Bigla niyang inabot ang kamay para makipag-kamay.)


GIO

(Nag-blush at nahihiyang tinanggap ang kamay ni Sabing. FYI mas bata siya ng three years.) Giovanni, or Gio for short.


SABRIELA

Gio, san ba ko pwedeng kumain? Nagugutom kasi ako.


GIO

Sa kusina. 


SABRIELA

Ah, oo nga no? Hehe, samahan mo naman ako.


GIO

(Shookt.) S-sure.


Samantala, naiwan naman sa library si Diorella, nagbabasa siya ng libro habang naghihintay sa pagbalik ni Sabing. Biglang bumukas ang pinto ng library at pumasok si Misha. Magkakagulatan ang dalawa nang makita ang isa't isa, napatayo kaagad si Diorella sa kinauupuan.


MISHA

Sino ka?


DIORELLA

(Kaagad na lumapit kay Misha.) I'm sorry, my name is Diorella Valenciaga, ako ang teacher ni Sabriela. (Inabot ang kamay.)


MISHA

(Alanganing tinaggap ang kamay ni Diorella.)  Sorry din, 'di ko kasi alam na may tao rito, nakaabala ba ko?


DIORELLA

No, no, feel free to use the room. You're Andreia Mishal, right?


MISHA

Misha na lang.


DIORELLA

(Ngumiti.) What brings you here?


MISHA

Gusto ko lang sana magbasa at manahimik. 


DIORELLA

You're a university professor, right?


MISHA

(Napakunot.) How did you know?


DIORELLA

Normal lang naman siguro i-check ang background ng mga magiging amo mo 'di ba? (Ngumiti.)


MISHA

(Ngumiti rin.) I think so. 


DIORELLA

So, what are the likes of your reading?


MISHA

Random. I can read anything.


Moments later, namalayan na lang nila na komportable silang mag-kausap, matapos ang apat na araw na pamamalagi sa hacienda ay sawakas may nakausap na rin ng matino si Misha. Samantala, balik tayo sa kusina kung saan magkasama si Gio at Sabing.

Inutusan ni Gio si Marilyn na gawan sila ng meryenda ni Sabing at habang busy sa pagpeprepare ang mga chimia-a ay kanina pa ito nagtsitsismisan tungkol kay Sabing dahil ngayon lang nila ito nakita.


MARILYN

Baka, girlfriend ni Senyorito Gio?


GELY

Jowa? Grabe kinse lang si Senyorito, eh parang mas matanda 'yung girl.


MARILYN

Maka-matanda ka naman baka nasa eighteen lang 'yung babae.


Si Sabing at Gio nama nay naka-upo sa bar stool habang naghihintay sa pagkain nila. Hindi maalis ang tingin ni Gio kay Sabing dahil gandang-ganda talaga siya rito.


SABRIELA

Pasensya ka na kung nagpasama pa ko sa'yo.


GIO

Wala naman akong ginagawa rito kaya okay lang.


Habang nagdadaldalan silang dalawa ay lumapit si Marilyn at Gely para ihain sa kanila ang tray na naglalaman ng dalawang chicken sandwhich at dalawang baso ng orange juice, may kasama pang dessert na leche flan. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Sabriela at kaagad niyang dinakma ang sandwhich at sumubo ng malaki. Nakatulala lang si Gio dahil namangha siya sa katakawan ni Sabing.

Pagkatapos nilang kumain ay nag-insist si Gio na i-tour si Sabing sa mansion, well, para magpakitang gilas sa kanyang crush slash pinsan. Biglang dadating si Gwen sa mansion na sinalubong naman ni Janine.


JANINE

Welcome back po senyo---


GWEN

Where's Gio? (Kaagad na hanap sa anak. Kakagaling lang niya sa meet up nila ni Agaton.)


JANINE

Ahm... May kasama pong babae si Senyorito Gio sa second floor.


GWEN

(Napakunot and shookt.) Babae? Sinong babae?


JANINE

H-hindi ko po kilala.


GWEN

Don't tell me nagpapasok kayo ng taong hindi niyo kilala sa loob ng mansion? (Bigla siyang nag-alala at naparanoid dahil sa pag-aalala sa kanyang anak.) 


JANINE

Pasensya na po pero ang pagkakaalam ko kasama po 'yon ni Senyorita Leiah. 


GWEN

What?! (Mas lalo siyang nabahala nang marinig ang pangalan ni Leiah.) I hope hindi pa alam ng batang 'yon ang totoo.  (Papaakyat pa lang si Gwen ng second floor nang umentra si Kuween Leiah.)


LEIAH

Well, good morning, Tita Gwen. 


GWEN

(Natigilan sabay pamewang at taas noo.) Well, hello, my dearest niece. (Confidence level 999)


LEIAH

Saan ka galing, ang aga mo 'atang nag-lakwatsa?


GWEN

(Triggered sa tono ni Leiah.) As far as I'm concerned ay wala kang pake sa kung anong business ko ngayong umaga.


LEIAH

(Lumapit sa tiyahin.) I have something to discuss with you, Tita Gwen.


Wala silang kaalam-alam na magkasama ngayon si Sabing at Gio sa ikalawang palapag at parang mga turista na nagtutour sa mansion. At dahil pakitang gilas si Gio ay kahit hindi niya kabisado ang pasikut-sikot ng mala-palasyong bahay ay kung saan-saan lang niya dinala si Sabing.


SABRIELA

Uy, parang ang ganda nung pinto.  (Tinuro niya ang higanteng pinto na may golden ornaments na disenyo, at araw sa pinakaitaas nito.)


GIO

Uhm... (Kakamut-kamot.)


SABRIELA

Pwede bang pumasok sa loob? (Lumapit na siya sa pintuan.) Ang lamig sa loob!


GIO

I really don't know what's inside.


MADAM Z

(Mula sa loob ng silid.) Pasok kayo.


SABRIELA

Uy pasok daw tayo!


GIO

What? Wait---

Hindi na napigilan ni Gio si Sabing nang buksan nito ang pinto. Tumambad sa kanila ang tila astrological room ni Madam Z.


MADAM Z

Welcome, welcome.


SABRIELA

W-wow! (Hindi niya napigilang ma-amaze kay Madam Z at sa bolang kristal nito.)


GIO

I think we should go. (Natakot siya sa aura ng silid.)


MADAM Z

I am so glad to see both of you. The heirs of this kingdom.


GIO

She's crazy.


SABRIELA

Anu raw? Ah hehe hello po.


GIO

We should go. (Hinila niya na paalis si Sabing.)


MADAM Z

Ang isusugo ng taumbayan at ang iaalay.



Sa kakamadali ni Gio ay hila-hila niya si Sabing sa braso, takut na takot siya kay Madam Z dahil noong bata pa lang siya ay na-encounter niya na ito.


FLASHBACK:

MADAM Z

Anak mo, Gwen?


GWEN

Y-yes.


MADAM Z

(Pinanlakihan ng mata ang batang si Gio.)

Ang alay!

END OF FLASHBACK


Sa kakamadali nila ay biglang nabunggo ni Gio 'yung console table at nahulog doon ang mamahaling ginintuang vase! PAKKK! BASAG!

Sa sobrang lakas ng impact ng basag ay nakaabot ang tunog sa library, well dahil telenovela ito, at umabot din ang tunog sa sala sa first floor! Pare-parehas matitigilan sila Misha, Diorella, Leiah, at Gwen nang marinig ang basag. 



EXT. PARK SA BAYAN. SAN LAZARO. UMAGA.

Nag-uusap si Carmela at Andrew nang dumating si Margot, nagmamadali ito at hingal na hingal na kala mo ay hinabol ng sampung kabayo, at kahit haggard siya mula sa pagmomotor ay fresh pa rin ang kanyang beuaty, don't forget that kilay on fleek.


MARGOT

Oh my goodness, Tita Drea! Tita Carmela!


ANDREW

Oh, Margarita, kanina ka pa namin hinihintay! Sa hinaba-haba ng commerical break ngayon ka lang dumating!


CARMELA

May balita ka ba sa anak ko?


MARGOT 

Ito na nga, sasabihin ko na, si Ate Leiah ang may pakana ng pagkawala ni Sabriela!


ANDREW & CARMELA

Ano?!


ANDREW

Impakta talaga ang batang 'yon! Sabi ko na nga ba eh, nakutuban ko na eh, na sa dinami rami nating cast sa palabas na 'to siya lang ang pwedeng gumaw non! How stupid of meh!


CARMELA

K-kailangan kong makita ang anak ko.


MARGOT

Don't worry wala namang ginawang masama si Ate Leiah sa kanya---


ANDREW

Kahit na! Hindi dapat kinukunsinti ang mga kagagahan ng kapatid mo! 


MARGOT

Mga tita, mayroon akong kutob! (Sabi ni direk) Na kailangan na nating bumalik ng hacienda!


ANDREW

Ano pa nga ba? Let's go bitches!


MARGOT

Para mas mabilis, umangkas kayo sa motor ko.


ANDREW

Ay go ako dyan!


  INT. MANSION DE BAROSA. UMAGA.   

Wala pang five seconds ay kaagad na nasa eksena sila Andrew, Carmela at Margot, pagpasok nila sa loob ng living room ay wala silang madadatnan maliban kay Janine.


JANINE

Welcome home---


ANDREW

Nasaan si Leiah?!


JANINE

U-umakyat po sila ni Senyora Gwen sa second floor.


Kaagad na umakyat ang tatlo sa ikalawang palapag at kaagad nilang masasaksihan ang eksena. Ang basag na vase, si Gio at Sabing, si Leiah at Gwen, si Misha at Diorella, mapapatingin ang mga 'to sa kanila at kanya-kanyang zoom in sa mga mukha nila. Sabay may sisigaw na...


CARMELA

Sabing! Anak ko!


SABRIELA

Nay!


Tatakbo sila palapit sa isa't isa at magyayakap, sabay tutugtog ang theme song. Kung wala ka nang maintindihan... Wrong theme song! Palitan natin ng Korean dahil iyon ang mas bet ng masang Pinoy kahit hindi nila maintindihan ang lyrics. 


FREEZE.

ABANGAN.


https://youtu.be/PcJ2dXs6vro



-xxx-


Additional fictional cast:

Angel Aquino as Diorella Valenciaga

Mavy Legaspi as Giovanni Barosa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top