EPISODE 19: Anino at Lihim
EPISODE 19: Anino at Lihim
Ang pagpapatuloy ng nakaraang eksena...
INT. MANSION DE BAROSA. MEETING ROOM. GABI.
Dahil sa lubhang pagkagulat ay nanatiling nagtitigan si Sabing at Margot nang mamukhaan nila ang isa't isa.
MARGOT
I can't believe this.
SABRIELA
H-hello po. Holy shet? Ate ko talaga siya? As in? Weehh? Di nga? Grabeee!!!
LEIAH
Well, on-going na ang mga papeles para maging isang ganap siyang Barosa. Your welcome, my little sisters.
(Sabi niya kina Misha at Margot, as usual taking all the credit to herself.)
MARGOT
But her mother, Ate. We should tell her that she's here!
LEIAH
Don't ever tell me what I am supposed to do, Margot. Since nandito na tayong lahat at magarbong nakahanda, why don't we celebrate first the arrival of our newest sister?
Aangal pa sana si Margot nang pumitik si Leiah at kaagad pumasok sa loob ng meeting room ang mga maid na may tulak-tulak na cart na naglalaman ng iba't ibang masasarap na putahe. Inuna muna ang appetizer.
MISHA
W-wait. Dito talaga tayo sa meeting room kakain?
LEIAH
As usual, hindi na naman nag-iisip si Misha. (Kausap kunwari ang hangin atsaka tumingin kay Misha.) Hindi mo man lang ba na-appreciate ang surprise ko? Kapag sa ground floor dining hall tayo nagkainan ay makikita at malalaman ng mga bisita ang tungkol kay Sabriela, isip-isip din Misha!
MISHA
(Gaganti sana kaso nagtimpi.)
LEIAH
(Napatingin kay Sabing na nakatayo pa rin.)
Sit down ako ang nangangawit sa'yo
SABRIELA
S-sorry po.
(Hindi niya alam kung saan mauupo at tinuro pa ni Leiah sa kanya ang upuan katapat ni Misha.)
Halos malula si Sabing sa dami ng pagkain, mas triple ang dami at ka-bonggahan nito kumpara sa inihanda sa kanila ni Andrew! At sa totoo lang ay hindi maipinta ang mukha niya dahil sa formal dining setting, may tatlong tinidor sa kaliwa na magkakaiba ng laki at may tatlo ring kutsilyo sa kanan at isang kutsara, etc. Hindi niya alam na iyon ay isang formal table setting, na may salad plate, salad fork, dinner knife, soup spoon, cake fork, butter knife, wine glass (White), cup, dinner plate, dinner fork, teaspoon, dessert spoon, bread plate, wine glass (Red), water glass, napkin.
Kaya nang maihanda na lahat ng pagkain ay nakatulala lang siya at kaagad iyong napansin ni Misha.
MISHA
Are you okay? Bakit 'di mo ginagalaw ang pagkain mo?
SABRIELA
A-ah... Opo okay lang ako. (Sinikap niyang gayahin ang ginagawa ni Misha at Margot at nagsimula siyang magdasal na sana hindi siya magmukhang masyadong kawawa.)
LEIAH
So, Sabriela... (Habang naghihiwa ng steak.) Tell us about yourself.
MISHA
(Sa loob-loob) Ano 'to interview?
SABRIELA
(Nag-panic.) I-in english po?
LEIAH
(Muntik ng mabuga ang wine.)
Hahaha! I didn't expect that answer!
MARGOT
(Palihim na inirapan si Leiah.)
Uhm, basta, pakilala mo lang 'yung sarili mo sa'min.
(Then, smiles at Sabriela.)
SABRIELA
A-ako po si Sabriela Garcia, anak ni Carmela Garcia. Eighteen years old, nagtapos sa San Lazaro High School...
MISHA
Anong course na kinukuha mo?
SABRIELA
Uhmm... Dahil hindi po kaya ni nanay na pag-aralin ako sa Maynila para sa kolehiyo, huminto po ako at kasalukuyan akong nagtatrabaho sa Alizandra Resort.
LEIAH
What? You're working on OUR resort? (Medyo amazed.)
SABRIELA
O-opo, sa Cram's Restaurant...
LEIAH
I see, so boss mo pala si Ram?
SABRIELA
Kilala mo po si Boss Abraham?
LEIAH
Hindi ba obvious?
SABRIELA
Sorry po.
MISHA
(Sumingit sa usapan.) Bakit hindi mo sinubukang mag-apply sa scholarship?
SABRIELA
Hassle po kasing bumyahe rin atsaka wala po talaga kaming pangtustos sa magiging baon ko araw-araw at sa mga gastos sa eskwela.
MISHA
Sayang... Maraming opportunity para sa batang 'to. Pero... Isa na siyang Barosa kaya... (May naisip na idea kaya napatingin siya kay Leiah.) Ate, why don't we help her? I mean, since she will be a official Barosa, kailangan niya ng proper education.
LEIAH
(Napaisip saglit.) Hmm... In fairness, akala ko hindi mo talaga ginagamit 'yang utak mo, Misha. Tama ka, our new little sister needs to be properly groomed.
MARGOT
What do you mean by that? (Biglang na-bother kay Leiah.)
LEIAH
Margot, you know well the Alianzas de Familias, they are a bunch of hungry wolves who've been trying to tear our family down.
MARGOT
But the Alianza is created to support our family. Kaya nga "alyansa" 'di ba?
LEIAH
Obviously, you and Misha were not listening to dad o baka dahil sa pagtakas niyo rito sa hacienda ay hindi niyo nakilalang mabuti ang ginagalawang mundo ng pamilya natin. Well, because I am prepared for so long, I studied every single thing about our clan and the hacienda.
MISHA
Just get to the point.
LEIAH
Tch! Sa oras na malaman ng Alianza ang tungkol kay Sabriela ay para siyang tae na pagpepyestahan ng mga langaw. Nakuha niyo ba? At para walang makitang butas o magamit na bagay ang Alianza laban sa atin ay kailangang maging handa tayo palagi. Kailangan nating iprepara ang ating little sister sa bagong mundo na papasukan niya.
Napa-shut up si Misha at Margot dahil for the first time ay bumilib sila ng genuine kay Leiah. Sa pagiging handa nito at visionary. May punto. Nakuha na 'agad nila ang pinangangahulugan ni Leiah na maaaring gawin ng Alianza laban sa pamilya nila. Wala na ang kanilang Papa Andy at MIA pa ang kanilang mama kaya para silang mga sisiw na walang inahin na anumang oras ay maaaring lapain ng mga lobo.
LEIAH
Kaya for the meantime ay magiging sikreto ang tungkol kay Sabriela, sa oras na matapos ang burol, ay magsisimula kaagad ang 'training' ni Sabriela, hindi muna na kaagad natin siya mabibigyan ng formal education sa Manila hangga't 'di tapos ang mga papeles ng pangalan niya at wala siyang basic etiquette lessons, at iba pa.
MARGOT
I'm fine with that, and I am willing to be the one who will teach her.
LEIAH
No, Margot, I believe you have to do other important things, remember?
MARGOT
What? (wala siyang idea sa sinabi ni Leiah.)
LEIAH
Mayroon na akong na-hire na professional to train Sabriela.
SABRIELA
(Walang imik at pabalik-balik ang tingin sa tatlo.)
Ano kayang training ang gagawin sa'kin?
MISHA
Paano ang pag-aaral niya?
LEIAH
After her training, and when everything's settled, pag-aaralin natin siya next year.
SABRIELA
(Nang makakuha ng lakas ng loob ay nagsalita.)
Uhmm... Paano po 'yung trabaho ko sa resort at paano 'yung nanay ko? Ibig sabihin po ba dito na kami titira?
LEIAH
(Eleganteng uminom muna ng wine bago tumingin kay Sabing.)
No, dear, hindi kasama ang nanay mo rito, ikaw lang ang titira rito simula ngayon. At dahil isa ka ng Barosa ay hindi ka na magtatrabaho ron.
SABRIELA
P-pero si nanay...
LEIAH
Wala akong pakialam sa nanay mo, Sabriela. You will do what I say. Ayaw mo ba nito? Simula ngayong araw ay magiging isang ganap ka ng senyorita at hindi mo nakailangang mabuhay na parang daga?
MARGOT
That's not right, Ate Leiah. Show some compassion for her and her mother!
LEIAH
Compassion? (Tumingin kay Margot.) Hindi pa ba compassion ang ginagawa kong 'to Margot? But asking me to show compassion to her mother? Sa nanay niya na pumatol sa isang tao na may pamilya? Baka nakakalimutan mo na, your mother was the same.
MARGOT
You-
LEIAH
Oh, don't ever try to fight back, Margot. Kahit baliktarin pa natin ang mundo, kahit na nakapangalan sa'yo ang Barosa, isa ka pa ring bastarda. Don't forget your place and the next time na kontrahin mo pa ko sa mga desisyon ko...
MISHA
That's enough.
LEIAH
What?
MISHA
Sabi ko tama na, nasa harapan tayo ng pagkain.
Himalang nanahimik na si Leiah. Si Margot naman ay sumulyap kay Misha, nagkatinginan sila at bumulong ng pasasalamat si Margot sa "pagligtas" sa kanya ni Misha. Pagkatapos nilang kumain ay kaagad na tumayo si Leiah at hinarap si Sabing.
LEIAH
Ibinilin ko na sa mga katulong na ihatid ka sa magiging kwarto mo. Sila na ang bahala sa'yo. (Sabay alis.)
INT. KWARTO NI SABRIELA. GABI.
Wala namang nagawa si Sabing nang alalayan siya ng dalawang katulong. Pagpasok niya sa loob ng silid ay halos mapanganga siya sa laki nito. Doble o tripleng laki pa nga ng bahay nila, parang kumpletong bahay na ito dahil mayroong sariling sala bago makarating mismo sa loob ng bed area. Itinuro sa kanya ng mga katulong kung nasaan ang mga damit niya, dahil kaagad siyang ipinagshopping ni Leiah, at kung nasaan ang banyo etc.
Sa loob ng banyo ay halos mapanganga ulit siya dahil mas malaki pa 'yung CR na 'to kesa sa bahay nila. May bathtub at sa una'y nag-alinlangan pa siya dahil parang ginto ang bawat kagamitan. Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit siya ng pantulog na inihanda na ng mga katulong .At pagkatapos ay umupo siya sa napakalambot niyang Queen sized bed.
SABRIELA
Aanhin mo nga ang ganitong kalaking bahay... Pero wala naman si nanay. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na isa akong Barosa...
May kumatok at pumasok sa loob si Margot na nakapantulog na rin.
MARGOT
I'm sorry, inabala ba kita? Gusto lang sana kitang makausap saglit.
SABRIELA
Hindi po, okay lang po. (Bigla siyang nahiya.) Shems!!!
MARGOT
(Umupo sa tabi ni Sabriela.) I'm sorry sa mga sinabi ni Ate Leiah, sorry din sa ginawa niya sa'yo pero pasensya ka na dahil kailangan naming i-honor ang huling will ni papa.
SABRIELA
O-kay lang po. (Tho ang totoo medyo hindi niya gets ang point.)
MARGOT
Alam ko hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari. Pangako ko sa'yo na nandito ako bilang ate mo dahil sa totoo lang kung mayroon mang mas nakakaunawa sa'yo rito, ako lang 'yon.
SABRIELA
Dahil ba isa ka ring... bastarda?
MARGOT
(Smiled bitterly.) That's the harsh truth, Sabriela. Wait... Nahahabaan ako sa pangalan mo, wala ka bang nickname?
SABRIELA
Uhmm... Sabing po.
MARGOT
(Natawa.) That's cute. But I think let's change it a little, for a change?
SABRIELA
Ah, hehe, sige po. (Shy na shy na talaga siya dahil ikaw ba naman, 'yung girl crush mo ay ate mo pala. Wow magic.)
MARGOT
Okay, let's see... How about Sab? We'll call you 'Sab' from now on.
SABRIELA
I like it. (Napa-ingles bigla.)
MARGOT
I'm glad you liked it, Sab.
SABRIELA
Kung ganon pwede kitang tawaging...
MARGOT
Ate Margot. You can call Misha, Ate Misha. And you can call Ate Leiah.
SABRIELA & MARGOT
Queen Leiah.
(Sabay rin silang nagtawanan.)
MARGOT
I'm looking forward to more bondings, Sabi. And I'm sorry about your mother... If wala akong magawa...
SABRIELA
Naiintindihan ko naman si Queen Leiah kung bakit siya ganon, mali ang ginawa ng nanay ko kaya handa kong tiisin lahat ng masasakit na salita.
MARGOT
(Parang kinurot ang puso niya sa narinig at bigla niyang niyakap si Sab.) I promise, akong bahalang mag-inform sa nanay mo bukas na bukas na nandito ka. For now, let's call it a day and let's all rest.
SABRIELA
Salamat, Ate Margot.
And so that night naibsan kahit papaano ang mabigat na damdamin ni Sabriela dahil sa comforting words ni Margot. Umalis si Margot ng kanyang silid at siya naman ay nahiga na para matulog sa kutsong napakalambot, isang hindi pamilyar na pakiramdam.
INT. MANSION DE BAROSA. LIVING ROOM. GABI.
Malalim na ang gabi nang makauwi si Andrew galing San Lazaro dahil hindi niya maiwanan ang nangangambang si Carmela. Tinanong niya sa guard kung marami pa bang tao sa lamay ng kanyang Kuya Andy at sinabing kakaunti na lang at si Andra at kamag-anak ng mga asawa nito ang nasa lamay.
Dire-diretso sa loob si Andrew nang makita niya si Gwen na pababa galing second floor. Nabalitaan din niya sa guard na kauuwi lang ng anak nito, si Gio.
ANDREW
Oh, sisum bat gising ka---
(Pak! Sinampal siya ni Gwen!)
What da hell?! Para san 'yon?!
GWEN
Para 'yan sa katraydurang ginawa mo!
ANDREW
Dapak? Anong sinasabi mo sisum? Wala akong---
GWEN
Sinabi mo kay Ate Andra ang katotohanan tungkol sa anak ko!
ANDREW
What? I didn't do that! Kilala mo ko Gwenella! Kelan pa ko naging madaldal? Kahit na bakla at tranela ako iyan ang hinding hindi ko magagawa!
GWEN
(Napahinga ng malalim.)
I know... I know hindi mo magagawa 'yon. I'm sorry... Hindi ko lang kinaya...
ANDREW
Hey... Don't listen to that bitch okay? Sinusubukan niya lang tayong pag-awayin. May kutob ako na may mga alipores siya sa paligid kaya niya nalaman ang tungkol kay Gio.
Alam ni Gwen na nagsasabi ng totoo si Andrew. Because Andrew valued honesty, loyalty and trust more than anyone else. Hindi lang niya kinaya ang pressure na nangyari kanina.
ANDREW
Alam man ni Andra ang tungkol sa katotohanan kay Gio pero hindi niya yon magagamit laban sa'yo hangga't hindi niya nalalaman kung bakit at kung para saan mo 'yon ginawa, Gwenella. Alam din ni Andra na walang magandang maidudulot kung ipagkakalat niya 'yon dahil mababangga niya si Leiah.
GWEN
Worst. Ako ang babanggain ni Leiah.
ANDREW
True. But think about it. Kung talagang may balak si Andra ay matagal nya na sanang sinabi kay Leiah at hindi ka na niya kinakailangang komporontahin, she just want you to tell her the reason.
GWEN
I...
ANDREW
Alam kong may pinaplano ka na para sa ikabubuti ng Hacienda Barosa, Gwen. Para quits tayo sa pagsabi mo sa'kin ng totoo tungkol kay Gio, sasabihin ko rin sa'yo na kaya rin ako umuwi rito dahil mayroon din akong plano para sa Hacienda Barosa.
GWEN
W-what?
ANDREW
Pero tsaka na lang natin iyon pag-usapan ng maigi. Huwag dito dahil maraming mga mata at tainga sa paligid, hindi natin alam kung sino ang kalaban sa hindi.
GWEN
Fine. I'll set a date. I think it's much better kapag natapos na ang burol.
ANDREW
Bet ko 'yan. Pero bago muna, may problema.
GWEN
Ano?
ANDREW
Nawawala ang isa pang bastarda ni Kuya Andy. May kumidnap sa bata.
GWEN
Pero bakit ka nag-aalala?
ANDREW
(Tumitig lang kay Gwen.) I believe... Na si Sabriela Garcia ang mas may kapangyarihang maging Primo Propietor.
I can't tell you the reason now, Gwen.
(Biglang tumunog ang iphone ringtone.)
GWEN
We'll talk tomorrow.
ANDREW
Okay. (Sabay alis.)
Si Gwen naman ay nanatiling nakatitig sa unknown number na tumatawag sa kanya. Wala siyang idea kung sino 'yon at bakit tumatawag sa kanya sa ganitong oras. Sa huli ay sinagot din niya ang tawag..
GWEN
Hello?
AGATON
It's me. Aga.
(Biglang tutugtog ang Sana Maulit Muli sa background.)
GWEN
Anong kailangan mo?(Cold-kuno ang boses.)
AGATON
How could you do this to me, Gwen? (Galit ang boses.)
GWEN
What?
AGATON
Your sister told me the truth. A-anak ko si Gio?
GWEN
(Napapikit saglit at muling dumilat.) You've been prepared for this Gwenella. And so? (Palaban ang tita niyo.)
AGATON
I want to meet you para pag-usapan 'to.
GWEN
Aga, parehas nang nasa tahimik ang mga pamilya natin. Huwag na nating palalain pa.
AGATON
No, Gwen. I won't forgive you kapag hindi mo ako kinausap ng maayos tungkol dito. Fifteen years ago, hindi mo sinabi sa akin na nagbunga ang...
GWEN
Okay, stop. Let's meet tomorrow. Wala akong choice kundi harapin ka.
AGATON
Very well. Same place?
GWEN
(Biglang kumirot ang puso nang maalala ang kanilang dating tagpuan.) Y-yes. I'll text you in the morning kung anong oras ako pwede.
AGATON
(Hindi na galit. Di alam ni Mamshie Gwen na nakangiti siya.) Good night, Gwen.
GWEN
(Pinatay niya na 'yung tawag.) Good night, Aga.
Unti-unting huhupa ang musika at mapapalitan ng suspense. Foreshadowing... May isang anino sa malayo ang nakakasaksi ng bawat eksena.
INT. MANSION SA TAGONG LUGAR. GABI.
Kakapasok lang ni Marlon sa loob ng mansion nang salubungin siya ng kanilang katulong at kinuha ang kanyang helmet.
MARLON
Si kuya?
KATULONG
Nasa swimming pool area po, master.
MARLON
Sige, thanks.
Naglakad patungong swimming pool area si Marlon. Pagod siya sa maghapon niyang pagbovolunteer sa charity work ni Andrew Barosa at muntikan pa siyang mabuking nito. Kailangan niya na talagang bawas-bawasan ang pagiging konyo niya. A delivery boy gimik is too lame in the first lame.
Sa swimming pool area ay naabutan niya ang kanyang nakatatandang kapatid, si Marcus Mortell o mas kilala nila bilang Macoy. May dalawang babae ito kasama sa pool, nag-uwi na naman ng babae ang kuya niya.
MACOY
Oh, here's my "twin" brother. Hello, Marlon. (Kaagad na umahon sa pool.) Diyan lang kayo ladies. (Kumindat pa sa mga chika babes niya.)
MARLON
Hey, mga bago na naman ba 'yan? (Tinutukoy niya yung mga babae ng kuya niya.)
MACOY
(Nagsuot ng roba.) Napauwi ka? Nandito ka ba para magreport tungkol sa mga Barosa?
MARLON
Nag-volunteer ako sa charity program ni Andrew Barosa, and I found out na na-kidnap ang bastarda ni Don Andy.
MACOY
The youngest? (Tumango si Marlon.) How about the older bastarda?
MARLON
Nahahalata na niya na may motibo ako sa kanya. I just followed your instructions.
MACOY
(Natawa.) I can't imagine my stone-like brother, flirting.
MARLON
Pero mukhang tama nga ang assessment natin sa kanya. She's the one we can catch easily among the three Barosa sisters.
MACOY
A law drop out. She must have so many frustrations heh. Kaunting purisge pa, Marlon. Once na "nakuha" mo na siya, siguraduhin mong hinding hindi na siya makakawala sa mga kamay mo.
MARLON
At ang paghihiganti natin sa mga Barosa...
MACOYAy si Margarita Barosa ang sasalo. At pababagsakin natin sila, upang mapasaatin ang Hacienda Barosa.
Marami pang mga nagtatago sa anino at ano ang kanilang mga lihim na ibinubulong? Abangan...
FADE OUT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top