EPISODE 17: Ina at Anak

EPISODE 17: Ina at Anak


INT. GARDEN MALAPIT SA SAN LAZARO GYM. TANGHALI.

Huminto sa paglalakad si Andrew kung kaya't napahinto rin si Carmela. Dahan-dahang umikot si Andrew with poise, tinanggal ang kanyang shades nang harapin si Carmela


CARMELA
S-senyorita, ano pong pag-uusapan natin?


ANDREW
You know me and I know you. Kilala mo ko at kilala rin kita. (Kailangan may translation para mas maintindihan ng televiewers.)
Carmela Garcia, alam kong naging eskabetchi ka ng kuya kong si Andy.


CARMELA
Ano pong eskabetchi?


ANDREW
Kabet! Don't ever deny it darling because I had multiple pieces of evidence.


CARMELA
Kung ganon... Alam mo na...


ANDREW
Yes, darling. I know! (Ginaya niya ang signature "I know" ni Gwen.) I know, alam ko, that your daughter, ang anak mo, is the daughter of my brother, ay anak ng kuya ko!


CARMELA
(Naguguluhan dahil sa automatic translations ni Andrew.)
A-anong kailangan mo sa aming mag-ina?


ANDREW
(Nagsimulang paikutan si Carmela habang nakapamewang.)
Hmm..... I've been thinking about something lately. Nilapitan na kayo ni Attorney Guerrero pero hindi pa kayo nilalapitan ng isa sa Barosa sisters tungkol sa bagay na 'yan.


CARMELA
Anong ibig mong sabihin? Nilapitan? Anong kailangan sa amin ng mga anak ni Don Rico?


ANDREW
Dahil mabait ako, ako na ang mauunang magsabi sa'yo na anytime sooner ay isa sa magkakapatid ang lalapit sa anak mong si Sabriela.


CARMELA
B-bakit?


ANDREW
Dahil nakalagay sa will ni Kuya Andy na kailangang kilalanin si Sabriela bilang isang Barosa.


CARMELA
(Hihimatayin sana kaso sinalo siya ni Andrew at tinulak.)


ANDREW
Puñeta girl wag kang OA. Ayun na nga! Makinig ka sa'kin, Carmela, nasabi mo na ba sa anak mo ang totoo?


CARMELA
H-hindi pa.


ANDREW
Kung ganon, ang unang hakbang ay kailangang masabi mo sa kanya ang katotohanan! Bago siya maging isang ganap na Barosa.


CARMELA
A-alam kong darating ang araw na kailangang malaman ng anak ko ang totoo. Nakakahiya man na ang kanyang ina ay pumatol sa isang taong may pamilya. Ngunit anong magagawa ko? (Niyugyog si Andrew.) Inibig ko ang kuya mo hindi dahil sa isa siyang Barosa. Inibig ko siya dahil kabutihan ng kanyang kalooban.


ANDREW
Kabutihan ng kalooban fuck, walang ganon Carmela! Ang sabihin mo, dahil sa kanyang salapi!


CARMELA
(Hindi pinansin ang sinabi ni Andrew)
Minahal ko siya ng buo at minahal niya rin ako! Tuwing gabi ay nagtatagpo kami sa batis upang pagsaluhan ang isang romansa.


ANDREW
Puta, kadiri ka! Do you even need to tell kung saan kayo nagroromansahan?!


CARMELA
Sa ilalim ng puno ng mangga, sa damuhan, sa gitna ng kakahuyan, sa kweba...


ANDREW
Ahhh!!! Staaaaph eeet!!!


CARMELA
Kailanma'y hindi ko malilimutan si Rico. Siya lamang ang lalaking minahal ko. At si Sabing... Ang kaisa-isang naging bunga ng aming pagmamahalan... Teka... Si Sabing, kailangan natin siyang balikan!


ANDREW
Mabuti pa nga at ng malaman na niya ang katotohanan.



INT. SAN LAZARO GYM. TANGHALI.

Nanatiling nakatayo si Margot nang makita si Marlon 'di kalayuan. Hindi niya alam kung bakit tila nakaramdam siya ng kakaibang kaba nang muli itong masilayan.


MARGOT
Ang akala ko'y hindi ko na siya makikita...


Saktong napatingin sa direksyon niya si Marlon at nag-tama ang kanilang paningin. Huli na para makaiwas si Margot. Mabilis ang mga pangyayari at kaagad lumapit si Marlon patungo sa direksyon ni Margot.


MARLON
Señorita, anong ginagawa mo rito?


MARGOT
(Hindi maiwasang sulyapan ang namumutok na maskels ni Marlon dahil fit na fit ang suot nitong puting t-shirt.)
Ahm... Hinhanap ko kasi 'yung tita ko. Ikaw, anong ginagawa mo rito?


MARLON
Tumutulong sa "charity". (Tinuro ang mga kahon.)
Bakit mo naman hinahanap si Madam Drea?


MARGOT
Madam Drea? Kailan ka pa naging tauhan ng tita ko?


MARLON
Noong isang araw lang.


MARGOT
(Wala na siyang maisip na sasabihin.)
Ahmm... Sige mauna na ko ha.


MARLON
Teka lang.
(Pinigilan si Margot.)


MARGOT
(Na-shookt at tila nakaramdam ng kuryente.) B-bakit?


MARLON
Kamusta ka na?


MARGOT
O-okay naman. I-ikaw?


MARLON
Ito, na-miss ka.


MARGOT
Cheesy mo boi! Nilalandi mo ba ko?


MARLON
(Ngumiti lang ng nakakaloko.)
Nagbibiro lang ako, señorita. Masaya lang ako na nakita kita ulit.


MARGOT
(Di napigilang ngumiti.)
Mabuti pa nga at babalik na lang ako sa bahay. Di rin kasi sumasagot si Tita Drea sa mga tawag ko.


MARLON
Ihahatid na kita.
(Sabay silang naglakad paalis.)


INT. SAN LAZARO GYM. KWARTO. TANGHALI.
Pagkapasok nila Carmela at Andrew sa loob ng silid ay tumambad sa kanila ang hapag na pinagkainan ng mag-ina at kapansin-pansin na wala si Sabriela.


CARMELA
Saan naman kaya nagpunta ang batang 'yon?
(Biglang nag-aalala at parang magic na nakutuban.)
Naku, baka na-kidnap siya!


ANDREW
OA ha. Kidnap agad? 'Di ba pwedeng nag-CR lang muna? Baka jumebs sa dami ng kinain?


Pina-check ni Andrew sa kanyang mga tauhan ang buong facility ngunit zero ang nahanap ng mga ito. Wala si Sabriela. Nabahala ng lubusan si Carmela.


CARMELA
Diyos ko po, sana walang nangyaring masama sa anak ko.


ANDREW
Girl, calm down, walang nangyaring masama kay Sabriela, okay. Baka nag-piso net lang 'yon sa kanto. O naki-wifi para ipost sa instagram ang mga kinain niya.


MARGOT
Tita Drea?


Sabay na napalingon si Andrew at Carmela sa bagong dating na walang iba kundi si Margot na kasunod ang hunk na si Marlon. Huminto ito malapit sa kanila at kaagad na napansin ni Margot si Carmela.


MARGOT
Tita Drea, I've been trying to contact you pero hindi ka sumasagot. Where have you been? And... Who's she? (Curious niyang tanong.)


ANDREW
(Nagkatinginan muna sila ni Carmela.)
Siya ang ina ng kapatid mo sa ama, Margot.


MARGOT
Hello.
(Magaan kaagad ang loob niya rito.)


CARMELA
(Nahihiya na nababahala kaya nangiti na lang ng matipid.)


MARGOT
Where is she? I want to meet her.


ANDREW
Who?


MARGOT
My sister, Sabriela.


ANDREW
Iyon nga ang pinoproblema namin ngayon, Margarita. Nawawala si Sabriela.


MARGOT
What do you mean by nawawala? Do you think that someone kidnapped her?
(Agad-agad niyang conclusion.)


ANDREW
Feel ko nga mas kapani-paniwala pa 'yan kesa sa nag-piso net lang siya sa kanto.



Nababahalang nagkatinginan si Andrew at Carmela. Si Margot naman ay nag-aalalang tumingin kay Marlon at si Marlon naman ay nanatiling poker face. Nasaan na ba si Sabriela?


INT. VAN. TANGHALI.
Nakapiring si Sabriela habang nasa magkabilang gilid niya ang goons na kumidnap sa kanya.


SABRIELA
Nanay!!! Huhuhuhu!!!


GOON 1
Hello, boss? Mission accomplished, na-kidnap na namin ang hinahanap mo. Yes po, right away, dadalhin na namin sa hideout. *toot


SABRIELA
Wag sana nila akong saktan! Anong ginawa kong kasalanan!


INT. SECRET HIDEOUT. HAPON.
Namalayan na lang ni Sabriela na ibinaba siya sa sasakyan, pinalakad ng kaunti at pinaupo sa malambot na upuan. Nang tanggalin ang piring sa kanyang mga mata ay halos masilaw siya sa liwanag.


LEIAH
Well, hello.
(Nakaupo katapat ni Sabing habang nakadekwatro at may hawak na goblet of wine.)
You must be Sabriela.


SABRIELA
A-ako nga.
('Di niya alam kung matatakot ba siya o mamamangha dahil sa taglay na prestihiyosang ganda ng nilalang na nasa harapan niya.)
S-sino ka?
(Nasisilaw pa rin siya sa dahil sa liwanag ng paligid.)


LEIAH
(Imbis na sumagot ay pumitik lang sa ere at nagmartsa palapit ang mga bruskong lalaki.)
Alam niyo na ang gagawin.


Kinabahan si Sabing nang palibutan siya ng mga lalaki. Halos umiyak na siya nang mas lumapit ang isa at kinuha ang ilang hibla ng kanyang buhok at inamoy.


LALAKI 1
Hmm...


SABRIELA
H-huwag po.


LALAKI 1
Anong shampoo ang gamit mo?
(Sa matinis na boses.)
In fairness, kahit hindi rebonded ay natural na straight. Ganda mo beh.


SABRIELA
H-huh?


Ang mga sumunod na eksena ay lubhang kagimbal-gimbal. Ang mga bruskong kalalakihan pala ay mga beki at mga fashionistas. Ang isa'y sinuri ang buhok ni Sabing, ang isa naman ay sinuri ang kanyang kutis, ang iba naman ay kinilatis ang kanyang kilay, kasuotan etc.
Dinala nila si Sabing sa isang "make-over" room, pinagpalit ng puting roba. Una nilang minurder-este inayos ang buhok ni Sabing. At habang abala ang mga beki sa pagmemake over ay nakaupo lang si Leiah di kalayuan habang sosyal na nagbabasa ng magazine at umiinom ng kanyang paboritong wine.


BEKI 1
Senyorita Leiah.


LEIAH
(Binaba ang binabasa upang tumingin sa tumawag sa kanya.)


BEKI 2
May we present to you, señorita Sabriela Barosa.


At hinawi ng mga beki ang kurtina at lumitaw ang nahihiya pero kung maganda na si Sabing ay mas lalo pa itong maganda nang maayusan ng mabuti. Mula sa buhok hanggang hinliliit ng kanyang mga paa ay minake-over kaya naman bonggang bongga ang kanyang look na may worth 500,000 pesos lang naman, na siyempre ay sagot ni Leiah dahil barya lang 'yon sa kanya. Hindi pa roon kasama ang suot na green silk dress na naghahalaga lang naman na 100,000 pesos. Payaman!


LEIAH
In fairness. (Tumayo.)
Mukha ka ng tao ngayon.  (Humalukipkip at naglakad habang pinaiikutan si Sabing.)


SABRIELA
S-sino ka ba? T-saka bakit mo sa'kin 'to ginawa?


LEIAH
Hindi mo ako kilala, pwes magpapakilala ako sa'yo. Ako lang naman ang susunod na Primo Propietor ng Hacienda Barosa.


SABRIELA
P-primo Propietor? Kung ganon ikaw ay isang...


LEIAH
Ako si Reyna Lazaleiah Barosa. Magmula ngayon tatawagin mo akong Queen Leiah dahil ikaw ang isa sa magiging alaga ko sa Hacienda.


SABRIELA
Alaga? Hindi naman po ako bata.


LEIAH
(Nainis dahil hindi nagets ni Sabing ang sinabi niya. Pero biglang ngumiti.)
Alagang sunud-sunuran, Sabriela. Hindi mo ba alam kung gaano ka kaswerte?


SABRIELA
H-hindi ko alam. Baliw yata ang babaeng 'to.


LEIAH
Pasalamat ka at mukhang ngayon lang nakatikim ng mamahaling skin products ang katawan mo. Hmm. Bakit ba ang dami kong satsat. (Na-realiz niya rin kagagahan niya.)
Shut up ka na Sabriela dahil isa kang Barosa.


SABRIELA
(Hindi nagulat bagkus ay napakunot lang.)
May sayad talaga ang babaeng 'to? Anong Barosa? Miss nagkakamali ka. Tsaka grabe ka naman sa'kin, Rejoice ang shampoo ko kaya ganito kalambot ang buhok ko kahit na walang rebond! Dahil sa Rejoice, I am confidently beautifully with a heart! (At nakuha pa niyang mag-advertise.)


LEIAH
Wala akong pake sa kung anong shampoo ang gagamit mo. At isa pa hindi ka ba marunong umintindi ng tagalog? Saang bundok ka ba pinalaki ng nanay mong kabet?!


SABRIELA
(Shookt.)
A-anong kabet? A-ang nanay ko?


LEIAH
Maswerte ka dahil nananalantay sa dugo mo ang dugo ng ama ko. Sa madaling salita ikaw ay anak ni Rico Andreigo Barosa.
(Flat toned and cold na pagkakasabi ni Leiah.)


SABRIELA
A-ako ay... (Biglang nagflash back sa kanya ang nakaraan, nasagot na rin ang dahilan kung bakit palaging gustong makita ng kanyang ina si Don Rico.)


LEIAH
Ngayon naiintindihan mo na, Sabriela.


SABRIELA
A-ano bang mga sinasabi mo?! Hindi kita maintindihan!


LEIAH
(Lumapit kay Sabriela at naningkit ang mga mata.)
Hindi ka naman siguro ganon ka-tonta para hindi maintindihan ang tagalog ko.


SABRIELA
I-imposible...


LEIAH
Wala kang karapatang maging choosy. At kung inaakala mong magiging maluwag ang buhay mo sa pamamahay ko... Pwes nagkakamali ka.


Intense glare between the two character bago magcommercial.
Tutugtog ang intense music bago ipakita ang main title... 

FADE OUT 


COMMERCIAL:
Hello mga kapuso at kapamilya! Kasalukuyang nagdedeliver nationwide ang The Peculiars' Tale book 1 sa mga suki niyong book store! Sa nagkakahalaganh 175 pesos, halina't saksihan niyo ang epic journey ni Jill Morie. What are you waiting for? Dahil sa darating na February 25, 2018 ay marerelease na ang book 2 o continuation ng The Peculiars' Tale sa gaganaping Love at First Write ng Psicom Publishing Inc. Magkita-kita tayo mga ka-peks!
*end of commercial


Nagbabalik ang Hacienda Barosa
FADE IN.


INT. MANSION DE BAROSA. HAPON
Humahangos si Gwen pababa ng unang palapag nang tawagin siya ng katulong na si Janine. Dumating na ang kanyang hinihintay, walang iba kundi ang kanyang anak na si Gio.


GWEN
Hello, sweetie. (Humalik sa pisngi ng anak.)


GIO

Hi, ma. (Matamlay na bati.)


GWEN

How's your flight? Are you tired? Kumain ka na ba? (Sunud-sunod na tanong.)


GIO

Uhm. (Tumango.) Don't worry, ma, I'm fine.


GWEN

That's great, but I think you still need to rest. Mamaya may sasabihin ako sa'yo.


GIO

Okay


Inutusan ni Gwen ang katulong na si Janine na ihatid ang kanyang anak sa magiging silid nito. Sinusundan niya ng tingin ang pumapanaog na si Gio nang may marinig siyang magsalita.


ANDRA

So.


GWEN

(Medyo nagulat.)

Andyan ka pala, sister.


ANDRA

He's here.


GWEN

He wanted to see his grandfather's burial...


ANDRA

Alam na ba ni Agaton na anak mo siya sa kanya?


GWEN

(Gulat na napatingin kay Andra at nanlaki ang mga mata.)

A-anong sabi mo?


ANDRA

(Dahan-dahang tumingin kay Gwen at mala-demonyitang ngumiti.)

I already know, Gwen.


Intense glare and music.

FADE OUT.

ABANGAN.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top